Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG PAGTATANGGAL NG ASIGNATURANG FILIPINO SA

KOLEHIYO

Magandang umaga mga dakilang Guro, mga kapwa ko kamagaral at mga taga pakinig.
Minsan ba natanong niyo na sa isip niyo? Bakit tatanggalin ang Asignaturang Filipino? May
rason ba para mawala o tanggalin ang Asignaturang Filipino? Hindi ba’t mas kailangan nating
alamin at aaralin ito? Sapagkat ito ang ating bansa , ito ang ating Wika, karamihan pa ngayon sa
atin ay hindi alam ang tungkol sa Wikang Filipino , paano pa kapag tinanggal ito?mas magiging
mangmang tayo sa sarili nating Wika, kung tatanggalin ang Wikang Filipino o Asignaturang
Filipino paano pa natin malalaman kung saan nagmula ito? Kung anong mali sa pangungusap
natin, kung ano ang pagkakaiba-iba ng mga salita.
Hindi ba’t ang Asignaturang Filipino ang isa major na Asignatura? Kayat bakit natin ito
tatanggalin? Maraming istudyante ang hindi pa alam anng karamihan dito, Maraming guro ang
maaapektuhan dito halos 10,000 guro sa Filipino ang hindi na makapagtuturo dahil dito, hindi
naman ito mahirap pagaralan basta pagsisiskapan.
Para saan pa ang pinaglaban ng ating mga bayani kung tayo rin mismo ang sisira at
magpapawala nito? Sasayangin lamang natin ang pagod at hirap nila kung tayo rin mismo ang
magaalis nito. Ito ang ating Wika ito dapat ang pinauunlad natin, hindi ang ibang Wika ito dapat
ang ating gamitin at hindi alisin.
Simpleng tagalog lamang ay hindi na natin minsan maintindihan kaya’t ito dapat ang ating
tutukan, Aminin natin karamihan sa atin ay hindi alam ang pagkakaiba ng “ng” at ”nang” ng
“rin” sa “din” Paano pa kapag tinanggal ito? Mas hindi natin malalamn na mali na pala ang ating
pangungusap kaya’t mga kapwa kamag-aral tagapakinig ito dapat ang paunlarin, Maraming guro
ang mawawalan ng trabaho at ang Wika natin ay babagsak dahil dito maraming istudyante ang
mahihirapan at hindi na maiintindihan ang ating sariling Wika, huwag nating hayaang bumagsak
at mawal ang ating Wika , ito ang pinaglaban ng ating mga bayani kaya’t patuloy natin itong
paunlarin at aralin, patuloy natin itong gamitin, kung ang bayani natin ay naipaglaban ito sa mga
kastila dapat tayo rin mismo ay ipaglaban ito, kaya’t ikaw,kayo, tayopatuloy nating aralin at
gamitin ito ipakita sa iba na ito ang ating ipinagmamalaki ipakita natin na ang bawat istudyante
ay matuto dito basta’t magsikap tayo.
Muli isang magandang umaga po sa ating lahat!

You might also like