Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BIYERNES SANTO

Biyernes santo, marahil ito na nga ang isa sa maituturing na pinakamahalagang


araw tuwing sasapit ang semana santa. Ito ang araw kung saan ang ating tagapagligtas
na si Hesus ay ipinako sa krus sa ganap na ika-3 ng hapon na naghuhudyat ng kaniyang
kamatayan at ng pagkaluklok niya sa kanang kamay ng ating Diyos Ama. Sa kadahilanan
ng pag-alala sa pagkamatay ni Hesus ang itinatayang 86 na porsyento na katoliko sa
Pilipinas ay taon-taong nagninilay lalong-lalo na sa araw na ito, kaya naman ang Biyernes
santo ay itinuring na public holiday kung saan ang halos lahat ng eskwelahan at mga
institusyon ay sarado. Bukod sa mahalagang pangyayaring ito na nakatala sa banal na
kasulatan, napakaraming tradisyon at mga okasyon ang idinaraos tuwing sasapit ang ika-
6 na araw ng semana santa magmula sa Linggo ng palaspas. Ito ang ilan lamang sa mga
tradisyon na nakasanayan na ng mga Katoliko, una ang pag-iwas sa pagkain ng karne at
pag-inom ng alak, pagdalo sa Stations of the Cross, pagdalo sa misa bago mag ika-3 ng
hapon, at pinakahuli ang paglahok ng mga kalalakihan sa penitensya kung saan
ginagawa nila ang mga napagdaanan ni Hesus bago siya mamatay. Ang pagpi-
penitensya marahil ang pinakasikat na gawain tuwing idinaraos ang Biyernes santo, mula
sa paglalakad sa ilalim ng tirik na araw habang naghahampas ng lubid na may matatalim
na blade sa kanilang likuran hanggang sa pagpapapako ng mga kalalakihan sa krus
katulad ni Hesus. Isa sa pinakatanyag na lugar kung saan idinaraos ang penitensya ay
sa Cutud, Pampanga, kung saan taon-taon dito ginaganap. Gayundin, ang mga kalahok
dito na taon-taon din nagpapapako sa krus. Ayon kina Ramolete at Tiatco, (2008) “Ang
penitensya ay sumasalamin sa pagpapakita ng pananampalataya at pagiging relihiyoso
ng tao na ang tawag ay panata, kung saan ang deboto ay may bagay na
pinanghahawakan na pangako habang ipinapako sa krus tuwing Biyernes santo. Ang
panata ay isang relihiyosong pangako kung saan ang deboto ay nangangako na gumawa
ng sakripisyo alang-alang sa kanyang pananampalataya upang matupad ang kaniyang
mga panalangin.” Kahit na kabilang sa Doctrina Cristiana ang panata, ito ay patuloy na
binabago base sa pangangailangan ng isang tao. Kadalasan, ang panata ay itinuturing
na lamang na pambawas ng kasalanan ng isang tao at matapos ang semana santa ay
muli’t muli nanamang gagawin ang mga sala na ating ‘nabawas’.
Higit ding inoobserbahan ng mga Pilipino ang tinatawag na “Three Hours”, o ang
oras ng paghihirap ni Hesus sa krus, kung saan ang mga Pilipino, karamihan ay
matatanda, ay lumalahok sa mga pabasa at padasal. Sa Bulacan, buhay na buhay na
makikita ang mga kaugalian at tradisyon kagaya ng pabasa at senakulo sa pag-alaala sa
pasiyon ni Hesukristo. Ang pabasa, limit sa kahulugan, ay ang pag-awit sa mga dasal sa
isang awtentikong tono. Isinasagawa ito ng ilang grupo ng mga tinatawag na
“pasiyonista”. Ilan sa mga lalawigan sa Pilipinas tulad ng Bicol, ang masugid na
sumusunod sa tradisyon ng pabasa na sinisimulan mula Lunes Santo hanggang Biyernes
Santo. Bagaman, hindi praktikal ang pabasa dahil sa haba, gastos at oras na ginugugol
dito, nawawalan ng interes ang mga kabataan sa paglahok dito. Gayunpaman, ang
pabasa ay itinuturing na mabisang instrumento sa kasaysayan ng pananampalataya at
pagninilay sa nag-uugat sa kamalayan at kaugnayan sa Diyos ng mga Pilipino. Sa ibang
panig naman ng Pilipinas, kadalasan sa probinsya ng Bulacan, Rizal, at Pampanga,
nagkakaroon ng prusisyon para sa Santo Entierro o ang kahoy ng iskulptura ng patay na
katawan ni Hesukristo. Pagkatapos ng prusisyon, karaniwang nagkakaroon ng mga
teatrong palabas o Senakulo— isang dula patungkol sa buhay, pagpapakasakit,
kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Ang Biyernes Santo ay ang kaisa-isang araw sa taong liturhiko na ang simbahan
ay hindi nagdiriwang ng Eukaristiya. Ito ay dahil ang simbahan ay nagluluksa sa
kamatayan ng Panginoong Hesus. Sa pananaw ng simbahan, hindi nararapat na
magkaroon ng ano mang uri ng “pagdiriwang” habang may ganitong pag-alaala. Kaya
mayroon lamang isang mataimtim na pagninilay sa mga pagpapakasakit ni Hesus at sa
ating pananagutan ditong dulot ng ating mga kasalanan. Ang liturhikong pagdiriwang ay
ginagawa sa hapon, mula ika-3, nang malagutan ng hininga si Hesus. Binubuo ito ng
tatlong bahagi: ang Liturhiya ng Salita; ang Pagpaparangal sa Krus, at ang Pakikinabang.
Ang Liturhiya ng Salita ay tungkol sa mapanubos na paghihirap ng Mesiyas. Ang kanyang
paghihirap bilang walang-salang biktima ay nasa hula ni Propeta Isaias sa mahiwagang
pagkatao ng “Lingkod ng Panginoon” (Unang Pagbasa). Ang kanyang mapagligtas na
pagkamartir ay kanyang tinanggap bilang gawain ng ganap na pagtalima sa Ama
(Ikalawang Pagbasa) na isinagawa sa isang napakamadulang paraan noong unang
“Biyernes Santo” sa kasaysayan ng paghahandog ng bago at tunay na Korderong
Pampaskuwa (Mabuting Balita). Ang Pagpaparangal sa Krus ay nagmula sa Jerusalem
kung saan ang mga tao’y nagtipon sa Kalbaryo upang parangalan ang Krus na siyang
pinagpakuan kay Hesus na ayon sa kinaugalian, ay mahimalang natagpuan noon sa
panahon ng Emperador Constantino. Sa katapusan, lumaganap ang pagpipitagang ito sa
buong simbahan bilang likas na tugon sa pagbasa ng Pasyon. Sa Pakikinabang, ang
siboryo na naglalaman ng mga ostiyang pinagpala noong araw ng Huwebes Santo ay
dinadala sa altar na ngayon ay natatakpan ng lino. Ang buong pagdiriwang at pag-aalaala
sa Pagpapakasakit ay nagwawakas sa isang panalangin ng pagpapala at walang pormal
na paglisan.

Reference:

TRINIDAD, A.I.

Eballo, M., & Sanchez, E. (2017, April 4). Senakulo: Holy Week street plays in the
Philippines reenact Jesus' life, Passion. Retrieved from
https://www.catholicsandcultures.org/philippines-holy-week-street-plays-reenact-
jesus-life-passion#footnote1_ashm2dg

Gamoso, C., & Garcia, L. (2018, April 3). Tradisyonal na uri ng panitikan, daan sa
paggunita sa buhay ni Hesus. Retrieved from
https://varsitarian.net/filipino/20180403/20714

Serit, M. (2016, March 25). Philippines: how Filipino Christians celebrate holy week
2016, good Friday and Easter traditions. Retrieved from
https://www.gospelherald.com/articles/63154/20160325/how-filipinos-christians-
celebrate-holy-week-2016-good-friday-and-easter-traditions-in-the-
philippines.htm
PERALES, Kent Benedict B.

Putzu, S., & Valmonte, C. (2015, April 3). Ang kamatayang nagbibigay buhay sa
mundo [PDF file]. Retrieved from http://www.wordandlife.org/wp-
content/uploads/2015/03/BIYERNES.pdf

Timeanddate.com. (n.d.). Good Friday in Philippines. Retrieved from


https://www.timeanddate.com/holidays/philippines/good-friday

You might also like