An gaming grupong Iglesia Ni Christian (Ika-3 grupo – INC) ay
taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng taong buong lakas na sumusuporta at nagtitiwala sa aming kakayahan at talino na mabuo ang mga Gawain na iniatang sa amin. Hindi namin matatapos ang lahat ng iyon kung walang naniniwala sa aming kakayahan at lakas.
Nais naming pasalamatan ang pinakamamahal naming guro na si
Gng. Analyn Lopez at ang butihin naming guro na si Bb. Maricar Paz. Maraming salamat po dahil palagi kayong nariyan para gabayan at suportahan ang aming mga desisyon. Salamat po sa patuloy at walang sawang pagmamahal na ibinibiay niyo sa makukulit niyong mag-aaral. Hindi po namin kayo makakalimutan. Nais namin pasalamatan ang aming mga guro noon at ngayon na walang sawa sa amin nagturo sa kabila ng lahat ng aming kakulitan at kaingayan sa loob ng silid-aralan. Salamat po sa pagpapayabong ng aming isipan.
Nais naming pasalamatan an gaming mga magulang na walang
sawang nagtitiwala at sumusuporta sa amin. Hindi man kami huwarang mga anak ay patuloy pa rin ang pagmamahal at pag-aaruga ninyo sa amin. Sa hinaharap ay sisiguraduhin namin na masuklian lahat ng binigay ninyo samin.
Nais namin pasalamatan ang lahat ng aming kaibigan sa iba’t
ibang parte ng bansa at mundo na palaging nagbibigay suporta at sinusubaybayan ang aming mga tagumpay.
Nais naming pasalamatan ang buong STEM 11 – Riemann na
kasama namin sa lahat ng kakulitan at kalokohan. Ang buong pamilya ng Riemann ay nagsilbing suporta naming lahat sa mga oras na kami ay nahihirapan. Hinding hindi namin kayo makakalimutan.
At higit sa lahat ay nais naming pasalamatan ang maha na Diyos
para sa lahat ng ibinigay niya na kabutihan at lalo na sa buhay na kanyang ipinahiram. Taos puso po kaming nagpapasalamat.
Doon o Dito, Ganoon o Ganito: Isang Paggalugad Sa Pananaw NG Guro Hinggil Sa Kanyang Papel Sa Pagtuturo NG Akademikong Wikang Filipino Sa Antas Tersyarya