Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang tulang IF ni Rudyard Kipling

"Ang tulang IF ni Rudyard Kipling sa pagkaintindi ni lolo


bomboy sa tagalog", May 25,2012

kung buo ang ka-isipan mo, habang ang iba


sa paligid mo ay nawawalan nito't sinisisi ka na,
kung sa sarili'y may tiwala, kahit lahat ay duda sa iyo,
at binibigyan mo ng puwang ang pagdududa nilang ito;

kung makapaghihintay ka ng walang pagkainip,


o mapagsinungalingan, magsinungaling ay di mo maisip,
kahit kamunghian ka, di ka mamumunghi sa kahit sino,
at di ka rin magyayabang na ika'y magaling o matalino;
kung mangarap ka, pangarap ay di mo gagawing amo,
kung mag-isip ka, pagiisip ay di mo ituturing na pakay mo.
kung kaya mong harapin ang tagumpay o pagkatalo,
at tingnan ang mga ito na para lang silang magkapareho;

kung matitiis mo na ang sinabi mong mga katotohanan,


ay gamitin ng mga tuso laban sa mga walang muwang,
o makitang buwagin ang lahat ng ginawa mo sa buhay,
at isa-ayos ito sa lumang gamit na nasa iyong mga kamay;

kung maiipon mo sa isang tumpok ang mga napanalunan,


at isugal mo lahat ito sa cara'ycruz ng isang iglap lamang,
at saka kung matalo'y magsimula doon sa pinanggalingan,
nang di ka man nanghinayang sa iyong naging kawalan;

kung kaya mong pilitin ang puso, ugat at lakas,


na pagsilbihan ka kahit wala na ito sa tamang oras,
at magpatuloy ka kahit wala ka nang na-a-a-sahan,
kundi ang tinig na nagsasabing "ituloy mo ang laban!"

kung kaya mong makisama sa dukha ng buong dangal,


o kaya'y sa mayayaman at dukha'y iyo pa ring mahal,
kung kahit kaibigan o kaaway ay di ka kayang saktan,
kung ang lahat ay umaasa sa'yo, ng di naman sukdulan;

kung mapupuno mo ang walang patawad na sandali,


ng katumbas ng animnapo'ng segundong pagtakbo,
ang buong Mundo, at lahat ng nakapaloob dito,
ay mapapasa iyo, anak ko, at higit sa lahat,
at magiging tunay at ganap ang iyong PAGKA TAO!
Georgia, May 25, 2012

You might also like