Professional Documents
Culture Documents
Hinilawod
Hinilawod
Hinilawod
Zamboanga City
HINILAWOD
TAGAPAGSALAYSAY: Si Alunsina na dyosa ng silangang bahagi ng kalangitan ay itinakdang magpakasal sa
oras ng kanyang pagdadalaga. Ang kanyang ina na si Kaptani, reyna ng mga diyos at dyosa ang nagpasya na
ipakasal ang kanyang anak sa mapipiling manliligaw nito. Ginamit ni Kaptani ang kanyang tinig upang balitaan
ang mga ibat ibang diyos sa ibat ibang daigdig at upang mapaghandaan ng maaga ang malaking piging na
magaganap sa loob ng kaharian.
KAPTANI: Sa lahat ng mga diyos na nakikinig sa akin ngayon, ginamit ko ang aking kapangyarihan upang
umabot sa inyo ang aking tinig. Ang aking anak na si Alunsina ay itinakda nang magpakasal kung kaya’t maaari
ninyo siyang harapin at maghandog ng mga regalo. Ang aking anak ang magpapasya kung sino ang kanyang
mapipili at ang kanyang makakasama sa bagong kaharian.
TAGAPAGSALAYSAY: Agad na naghanda ang mga ibat ibang diyos sa mga ibat ibang kaharian at daigdig
nang marinig nila ang balita mula kay Kaptani. Ang iba ay umabot pa ng limang buwan upang matunton ang
kaharian nina Alunsina. Nakarating ang lahat sa kaharian at napakarami ang nagdala ng mga ginto at
mamahaling alahas na nanggaling pa sa ibang panahon. Hindi mabilang ang mga dumayo kaya umabot din ng
isang buwan ang panliligaw ng mga diyos.
DIYOS 1: Isang napakaaliwalas na araw sa iyo, Alunsina. Ito ang aking handog, ginto na aking bitbit mula sa
kaharian ng mga matatapang na kung saan matatagpuan sa malawak na karagatan. Tanggapin mo ito at
ipinapangako kong magiging maligaya ka.
DIYOS 2: Oh, Alunsina na ubod ng ganda. Nakikita mo ba ang aking bitbit? Inihahandog ko sa iyo ang mga
alahas na ito na inukit pa ng mga demonyo sa ikalalilaman ng lupa. Hu’wag kang mag-alala, walang bahid ng
kasamaan iyan kaya maaari mong isuot iyan kahit saan ka magpunta.
ALUNSINA: Maraming salamat at ibinuhos niyo ang inyong oras at panahon ditto sa aming kaharian. Ngunit,
wala pa akonng napipili sa inyong lahat. Hindi ko na rin maalala kung sino-sino ang mga lumapit sa akin. Kaya
hinihiling ko na bigyan niyo muna ako ng isang araw at babalikan ko kayong lahat.
TAGAPAGSALAYSAY: Hindi na rin tumutol o nagtanong pa ang mga diyos. Hihintayin na lamang ang
kanyang desisyon kahit na siya ay wala pang napipili o nakikilala ni isa sa kanyang mga manliligaw.
KAPTANI: Mahal kong anak, bakit mo paghihitayin ang iyong mga manliligaw? Wala ka pa ba napupusuan sa
kanila? Naiinip na ang mga nauna dahil matagal na silang naghihintay.
ALUNSINA: Inang reyna, kahit anong pilit ko na gustuhin ang isa sa kanila wala pa rin ako napipili. Wala na
bang darating?
KAPTANI: Wala na aking anak.
TAGAPAGSALAYSAY: Naguguluhan ang isipan ni Alunsina kaya napagpasyahan niyang lumayo muna sa
kaharian at piniling mapag-isa. Matagal niya nang tinitingnan ang ibaba ng kalangitan. Nagtataka rin siya kung
ano nga ba ang buhay doon dahil hindi naman siya maaaring bumaba sa lupa dahil mapapagalitan siya ng Inang
reyna.
ALUNSINA: Ang daming kulay naman doon. Subukan ko kaya pumunta roon, sa tingin ko hindi naman
malalaman ito ng Inang reyna.
TAGAPAGSALAYSAY: Dahil wala na siyang ibang mapuntahan, tinahak niya ang daan papuntang lupa sa
pamamagitan ng pag-apak niya sa bahaghari na binuo ng mga anghel ng kalangitan.
DATU PAUBRI: Ano naman kaya ang pupuntahan ko? Sinisid ko na ang karagatan, inakyat ko na ang mga
matatayog na kabundukan, hanggang ngayon hindi ko pa rin nahahanap ang hinahanap ko.
ALUNSINA: Bakit hindi ko naisipan ang pumunta rito? Hindi ko alam na kaya pala itong gawin ng aking Ina.
DATU PAUBRI: Napapagod na ako. Ni isa sa mga prinsesa na ipinakilala sa akin ay hindi ko natipuhan.
ALUNSINA: Sa pagkakaalam ko, dito naninirahan ang mga immortal na nagiging kaluluwa sa tuwing
nakakasalubong ko sa kalangitan.
DATU PAUBRI: Sana pagbilang ko ng tatlo, may magandang dilag na kasing ganda ng dyosa ang makikita ko
ngayon. Isa… Dalawa… Tat-
ALUNSINA: Isa kang immortal, hindi ba? Paumanhin, kakarating ko lang sa inyong mundo. Maaari mo ba
akong ipasyal? Hu’wag kang mag-alala, ipapasyal din kita sa aming kaharian upang masuklian ko naman ang
iyong kabutihan.
TAGAPAGSALAYSAY: Hindi naman nag-atubiling ipasyal ni Datu Paubri si Alunsina. Naging mabuting
magkaibigan sila habang pinupuntahan nila ang mga magagandang lugar sa mundo. Masayang masaya sila na
kahit kalian ay hindi pa nila nararamdaman. Nagtapos ang kanilang pamamasyal nang makakita sila ng
bahaghari.
TAGAPAGSALAYSAY: Hindi naman mapigilan ni Datu Paubri ang mamangha sa ganda at lawak ng
kalangitan.
(ADLIB: DATU PAUBRI & ALUNSINA)
KAPTANI: At sinong nagsabi sa iyo na magdala ka ng isang immortal dito sa aking kaharian? May utos ba ako
na maaari kang bumaba sa lupa? Labag sa batas ang iyong ginawa! Hindi mo ba alam na pinag-uusapan ka ng
lahat? At ikaw immortal, wala ka bang alam sa nangyayari? Hindi mo ba alam na isang makapangyarihang
dyosa ang kinakausap mo?
ALUNSINA: Inang reyna, ako ang nagdala sakanya rito kaya hu’wag mong ituon ang galit sakanya. Buo na ang
aking isipan at sana ay tanggapin mo ang aking pasya.
ALUNSINA: Handa na akong ikasal ngunit wala sa aking mga manliligaw. Siya lamang ang nagparamdaman
sa akin ng kakaibang pakiramdam na hindi ko pa nararanasan simula noong ako ay namuno. Nagpapasalamat
ako dahil dumating siya sa akin. Nais ko pong pakasalan si Datu Paubri.
TAGAPAGSALAYSAY: Ibinalita ni Alunsina ang kanyang pasya sa kanyang mga manliligaw, ngunit marami
ang hindi sumang-ayon sakanya. Marami ang nagalit at ang iba ay nilisan ang kaharian ng walang paalam.
Kinabukasan, nagpakasal ang dalawa at nagkaroon ng malaking piging sa halawod na pinamumunuan ni Datu
Paubri.. Ngunit nag-iwan ng ilang babala ang mga diyos na may gagawin silang masama sa bagong kasal na
ikinabahala naman ng buong kaharian. Nagkaroon ng pagtitipon ng mga diyos na sisirain nila ang lugar ng
halawod sa pamamagitan ng pagbuhos ng malakas na ulan upang nmagkaroon ng baha.
SUKLANG MALAYON: Alunsina, Datu Paubri. Kailangan niyo ng lisanin ang halawod ngayon din.
Magkakaroon ng malaking pagbaha maya maya lang.
SUKLANG MALAYON: Ako na ang bahalang tutulong sa inyo. Sisiguraduhin kong mailigtas ko kayo sa
sakunang magaganap.
DATU PAUBRI: Papangalanan ko siyang Labaw Donggon. Siya naman ay si Humadapnon at siya naman ay si
Dumalapdap.
TAGAPAGSALAYSAY: Pumunta ng Bungot Banwa si Datu Paubri upang mapanatili ang kaligtasan at
kalusugan ng kanilang mga supling.Gumawa ng mga kakaibang ritwal ang pinuno ng bundok at nagsunog ng
alingharan at kakaunting kamangyan. Sa kabilang dako naman, si Alunsina ang nag-aalaga at nagbabantay sa
tatlo.
DATU PAUBRI: Hinihiling ko po na ipagdasal ninyo ang kaligtasan at kalusugan ng aking mga anak. Kahit
ako ay mawala na sa mundong ibabaw, nakakatiyak pa rin ako na sila ay malakas at matatapang. Mas higit pa sa
aking kakayahan.
PINUNO: Masusunod, ngunit ibigay mo muna ang iyong alay. (Ritwal Ritwal Ritwal)
TAGAPAGSALAYSAY: Tuwang tuwa naman sa pag-uwi si Datu Paubri dahil sabik na sabik na siyang Makita
ang kanyang pamilya. Ngunit hindi niya alam na may mangyayaring hindi kanais nais sakanya.
------ALUNSINA-------
TAGAPAGSALAYSAY: Pagkatapos ng isang malakas na pag-ulan at pagyanig ng mundo, ang tatlong supling
ay naging isang mga malalakas at mga matitipunong lalaki sa mundong ibabaw. (OPENS BACKDROP) Ang
kanilang mga matitikas na katawan ang nagbibigay hudyat na sila ang mga susunod na pinuno ng halawod.
Ilang buwan na rin ang lumipas nang namatay si Datu Paubri. Ang tatlong magkakapatid ay may sari-sariling
puwesto sa loob ng kanilang tahanan. Si Labaw Donggon ang nagbubuhat at nagsisibak ng kahoy. Si
humadapnon ay nakaharap sa salamin ng kanyang inang si Alunsina na para bang siya lang pinaka magandang
lalaki sa buong mundo. At si dumalapdap naman ay abala sa paglilinis ng kanyang kampilan na gawa sa ginto.
(Kumuha na ng prutas)
LABAW DONGGON: Mahal kong ina, maaari niyo po bang ihanda sa akin ang aking mahiwang kapa,
sombrero, sinturon at ang aking kampilan.
ALUNSINA: Saan ang iyong paroroonan aking mahal na anak?
LABAW DONGGON: Pupuntahan ko po ang lugar ng Handug. Balita ko may isang magandang dilag ang
nakatira doon, nagbabasakaling maibigan niya ako.
HUMADAPNON: Tiwala ako sa iyo, aking kapatid. Nasa lahi natin ang mga magagandang lalaki.
DUMALAPDAP: Ako rin, galingan mo lamang ang iyong pakikipaglaban sa mga hamon na ibibigay sa iyo.
NANAY: Ikinagagalak ko rin ang makilala ka. Nais kong sabihin sa iyo a hindi basta basta makukuha ang
kamay ng aking anak, ngunit kapag tinanggap mo ang aking hamon ay maaari mong nang iuwi ang aking anak.
NANAY: Ako ay natutuwa na ikaw ang nagtagumpay at pinatunayan mong karapatdapat kang maging asawa
ng aking anak.
ANGOY GINBITINAN: Magandang araw sa iyo. Ako si Angoy Ginbitinan, ako ang iyong magiging asawa.
TAGAPAGSALAYSAY: Pagkatapos ng kasal nina Labaw Donggon at Angoy Ginbitinan, iniuwi niya ito sa
halawod. Sa kanilang pag-uwi, ay may nakasalubong silang mga taong naglalakad at patungo sa lugar ng
Tarambang Burok.
TAGAPAGSALAYSAY: Pinagpatuloy nila ang kanilang paglalakbay hanggang makarating sila sa Halawod.
Nagkita naman ang bagong kasal at si Alunsina.
LABAW DONNGON: Mahal kong ina, maaari ko po bang iwan muna rito ang aking asawa at ako ay may
pupuntahan.
LABAW DONGGON: Ako po ay maglalakbay patungong Tarambang Burok. May nakasalubong po kaming
mga taong naglalakbay kanina. Ibinalita nila sa akin na may lakambini raw ang nakatira doon. Nais ko po iyon
iuwi dito.
---FIGHT SCENE----
LABAW DONGGON: Isa kang napakagandang babae na nakilala ko, pakasalan mo ako at magiging maligaya
tayo.
TAGAPAGSALAYSAY: Katulad ni Angoy Ginbitinan, Inuwi rin ni Labaw Donggon sa halawod si Abyang
Durunuun.
LABAW DONGGON: Nasaan si Angoy Ginbitinan? Nais kong ipakilala sakanya si Abyang Durunuun.
LABAW DONGGON: Nariyan ka pala, ito nga pala si Abyang Durunuun. Ang pinakasalan ko sa Tarambang
Burok.
TAGAPAGSALAYSAY: Ang mga bagong kasal ay nagsama sa iisang tahanan at nagtutulungan sila sa mga
gawain na maaaring gawin. Kapag abala si Angoy Ginbitinan sa pagdidilig ng halaman, si Abyang Durunuun ay
ang abala sa pagluluto at si Labaw Donggon naman ang nagsisibak ng kahoy. Minsan kapag nagsasama si
Angoy Ginbitinan at Labaw Donggon, naiiwang mag-isa si Abyang Durunuun. At kapag si Abyang Durunuun
at Labaw Donggon ang nagsasama, umaalis si Angoy Ginbitinan sa kanilang tahanan upang magkaroon ng oras
ang dalawa. Habang kumakain ang tatlo…
LABAW DONGGON: Iiwan ko na muna kayo sa aking ina dahil ako ay maglalakbay ulit.
LABAW DONGGON: Hindi ko pa alam, ngunit babalik ako at magdadala ng mga bagay na ikakaligaya niyo.
TAGAPAGSALAYSAY: Ilang buwan ang nakalipas, naglakbay ulit si Labaw Donggon patungo naman sa
Gadium. Kinakailangan niya gamitin ang kanyang biday nga inagta upang matawid niya ang karagatan.
Ang kanyang paglalakbay ay umabot ng ilang buwan. Sa kanyang pagbaba sa kanyang itim na Bangka, ay
mayroon agad na nagsalita.
LABAW DONGGON: Ako si Labaw Donggon, anak ni Datu Paubri ng halawod at ang dyosa ng silangang
bahagi ng kalangitan na si Alunsina. Narito ako upang hingin ang kamay ng napakagandang si Malitong Yawa
Sinagmaling Diwata.
SARAGNAYAN: (Tumatawa) Nagpapatawa ka ba? Hihingin mo ang kamay ng iyong natitipuhan sa kanyang
asawa? Mukhang wala kang alam. Asawa ko ang iyong tinutukoy!
LABAW DONGGON: Kung ganoon, inaanyayahan kitang makipaglaban sa akin. Kung sino ang magtagumpay
ay makukuha siya.
-----FIGHT SCENE----
TAGAPAGSALAYSAY: Ang hamon ni Labaw Donggon ay tinanggap ni Saragnayan. Sinimulan na nila ang
kanilang pagalalaban sa loob ng karagatan at sinusubukan ni Labaw Donggon na lunurin si Saragnayan. Ang
kanilang laban ay nagtagal ng pitong taon. Nang pinakawalan ni Labaw Donggon si Saragnayan, nabuhay pa
ito. Hinablot ni Saragnayan ang malaking puno ng niyog at sinimulan ipagpapalo ito kay Labaw Donggon.
Naiiwasan naman ito ni Labaw Donggon ngunit hindi niya naiwasan ang pamlang ni Saragnayan. Hindi
nagtagal, sumuko si Labaw Donggon at ikinulong siya ni Saragnayan sa ikailaliman ng tahanan nito..
SARAGNAYAN: Sa susunod, humanap ka ng tunay na makakalaban mo. Nasa akin pa rin ang huling halakhak
HAHAHAH
TAGAPAGSALAYSAY: Ilang araw lang ang lumipas ay agad na lumaki ang dalawang supling. Nalaman nila
na ikinulong ang kanilang ama kaya naman napagpasyahan ni Abyang Baranugan na hanapin ang kanilang ama.
Hinanda niya ang kanyang gamit sa pagalalakbay at sa wakas ay natunton niya ang tahanan ni Saragnayan.
BARANUGAN: Ako si Abyang Baranugan, ang anak ni Labaw Donggon at Abyang Durunuun. Nandito ako
upang hanapin ang aking ama at ang kalabanin ka.
SARAGNAYAN: HAHAHAHA nagpapatawa ka ba? Kaya pala magkmukha kayo ng iyong ama. Parehas pa
kayong mahilig magpatawa. Bago mo ako kalabanin, umuwi ka muna. Nakikita mo ba iyan? Hindi pa pinuputol
ng iyong panday, umuwi ka muna sa iyong ina at magpahele muna. Naklimutan mo pa yata inumin ang iyong
gatas.
----FIGHTING SCENE-----
HUMADAPNON: Hindi makatarungan ang ginawa nila sa aking kapatid, isinusumpa ko! Dadanak ang dugo ng
mga bawat tauhan ni Saragnayan at sisirain ko ang kanyang lupain!
TAGAPAGSALAYSAY: Sa pagkakataon na ito, si humadapnon naman ang naglakbay kasama ang kanyang
kaibigan na si Buyong Matanayon na tanyag sa kanyang husay at bilis sa paggamit ng kampilan. Sila ay
naglakbay at tumigil sa lupain ng Piniling tubig na pinamumunuan ni Sultana Umbaw Pinaumbaw. Mayroon
isang malaking handaan ang nagaganap kaya naman nagtanong sila kung ano ang nangyayari.
HUMADAPNON: Magandang araw po, Sultana. Kami po ay nanggaling sa lupain ng Halawod. Nais ko pong
tanungin kung para saan po ang handaan na nagaganap?
SULTANA: Magandang araw din sa inyo. Ipapakasal ko ang aking anak sa kung sino man ang lalaking
makakatanggal ng malaking bato na nakaharang sa gitna ng aming nayon. Maraming mga kalalakihan ang
sinubukan gawin ang aking utos ngunit ni isa sa kanila ay wala pang nakakagawa.
TAGAPAGSALAYSAY: Umakyat ng bundok si Humadapnon at doon niya itinapon ang kanyang mahiwagang
kapa na tatama sa malaking bato na nakaharang sa kalagitnaan ng nayon. Napagtagumpayan niya ito kaya
naman tinupad ng Sultana ang kanyang pangako.
PGS: Ako si Panayagang Ginintuang Sinakmaling. Natutuwa ako dahil ikaw ay aking magiging asawa. Noong
nakita kita, nalaman ko agad na ikaw lamang ang makakagawa ng utos ng aking Ina. Kaya naman napakasaya
ko nang nalaman kong ikakasal na ako sa iyo.
HUMADAPNON: Ganoon din ako, masayang masaya ako dahil isang magandang dilag ang papakasalan ko.
Hu’wag kang mag-alala, hinding hindi kita sasaktan at pababayaan.
SULTANA: Upang magtuloy-tuloy ang ating kasiyahan, mayroon tayong isang dayo na nagmula pa sa ibang
lupain. Narito si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan ang dyosa ng kasakiman, ang maghahandong ng kanta
para sa ating bagong kasal.
BUYONG MATANAYON: Balita ko, napaka ganda niya raw na dyosa. Marami ang humahanga sa kanyang
ganda.
PSB: Maraming salamat at ako ay nabigyan niyo ng pagkakataon upang ialay ko sa inyo ang itinatago tago
kong kakayahan sa pagkanta. Itong kantang nabuo ko ay iaalay ko sa dalawang tao na magsasama sa hirap at
ginhawa.
----KANTA----
TAGAPAGSALAYSAY: Nagtapos ang handaan at bumalik na rin sa dating buhay ang mga tao sa nayon.
Ngunit si Humadapnon ay sinundan si Pada Sinaklang Bulawan.
HUMADAPNON: Nais ko lamang magtanong kung maaari ba kitang bisitahin sa iyong kaharian.
PSB: Kung iyan ang iyong ninanais, hahayaan kita sa iyong gusto.
HUMADAPNON: Ikaw ay aking natipuhan noong una kita ko pa lamang sa iyo. Hindi ko inakala na taglay mo
ang kagandahan na hindi ko pa nakikita simula noong ako ay nabubuhay.
-----CEREMONY------
PGS: (Pabulong) Bakit? Bakit kung sakanya ay labis ang iyong kaligayahan? Lagi kang masaya kapag kasama
siya. Nagsisisi akong pinakasalan kita, dahil hindi ko na marawi ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ngunit
kailangan kong magpakatatag para sa magiging anak ko.
TAGAPAGSALAYSAY: Agad namang hinarap ni Dumalapdap ang halimaw. Umabot ng pitong buwan ang
kanilang laban dahil pareho silang malakas. Dumating ang ikapitong buwan, natalo ni Dumalapdap si Uyutang
sa pamamagitan ng pagbali nito ng buto na labis na ikinaiyak sa sakit ni Uyutang na naging sanhi ng pagyanig
ng mundo. Ang buong lupain ay nahati sa dalawa, ang isa ay ang isla ng buglas na ngayon ay negros at ang isa
ay ang panay. Hindi naglaon, nagkita ang dalaga at si Dumalapdap.
DUMALAPDAP: Ako ay nagpapasalamat dahil ikaw ay naging akin. Napagpasyahan kong ikaw lamang ang
aking papakasalan at wala ng iba. Kaya wala ka dapat ipangamba.
TAGAPAGSALAYSAY: Inuwi ni Dumalapdap ang kanyang asawa sa halawod. Labis naman ang ikinatuwa ni
Alunsina nang nagsama-sama ulit sila ng kanyang mga malalakas at matitipunong mga anak. Kaya naman
nagkaroon ng malaking handaan upang bigyang karangalan ang mga ito. Nagsama-sama rin ang kani-kanilang
mga asawa na kung saan ay mas naging masaya ang kanilang tahanan.
ALUNSINA: Ako ay labis na natutuwa dahil kayo ay bumalik at muli tayong nagsama-sama, kaya naman itong
malaking handaan na mayroon tayo ngayon ay pagbibigay pugay sa inyo mga anak ko. Hinihiling ko na sana ay
maging maayos ang inyong pamumuhay at mas lalong magiging malakas na mga pinuno kayo ng inyong
lupain.
LABAW DONGGON: Kami ay natutuwa at nagpapasalamat dahil nabigyan po kami ng isang Ina na katulad
niyo. Kayo po ay nagsilbi naming Ama at Ina noong mga panahon na nawala ang aming Ama.
DUMALAPDAP: Dadalhin naming hanggang kamatayan ang mga turo ninyo sa amin.
CHARACTERS:
Alunsina
Suklang Malayon
Diyos 1
Diyos 2
Datu Paubri
Labaw Donggon
Saragnayan
Humadapnon
Buyong Matanayon
Dumalapdap