Epic Story

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alamat ng Pitong Isla

Nang kakaunti pa ang mga taong naninirahan sa Isla ng Panay, may isang mangingisdang nakatira
sa Iloilo. Siya'y may pitong anak na dalaga. Sabihin pa, pagkat magaganda kaya maraming binatang
nanliligaw.

Dumating sa Panay ang mga mangangalakal na galing sa Borneo.

Nagustuhan ng mga ito ang mga dalaga kaya sila'y hinandugan ng regalo. Tinanggap naman ang
mga alaala bagamat hindi tiyak ng mga dalaga kung ang mga ito ay tunay ngang kanilang iniibig.
Tumutol ang ama pagkat batid niyang ang kanyang mga anak ay isasama sa Borneo pag-uwi
ngmga negosyante. Sa gayon siya'y mapapag-isa. Subalit walang nagawa ang kanyang pagtutol.

Isang hapon ang ama ay nagpunta sa dagat upang mamingwit. Nang siya'y makaalis ang pitong
anak na dalaga ay sumama sa mga mangangalakal. Dinala nila ang kanilang mga kasangkapan at
sumakay sa batel. Nang sila'y nasa Straight ng Guimaras, nakita ng ama ang tatlong sasakyang
kanilang kinalululanan. Ang ama'y humabol subalit hindi inabutan ng kanyang maliit at mabagal na
bangka ang mabibilis na praw ng mga taga-Borneo.

Ang kaawa-awang matanda ay pagod na pagod sa kagagaod. Siya'y nagmakaawa, "Mga anak ko,
magbalik kayo. Huwag ninyo akong iwan!" Siya'y nanambitan at lumuha ng masaganang luhang
sing-alat ng dagat. Malamig na simoy ng habagat ang kanyang nadama, bilang katugunan sa
kanyang daing, ang alapaap ay nagdilim. Ang langit ay nagsungit... Kumidlat at umugong ang kulog.
Pumatak ang mabigat na ulan. Nawala sa malas niya ang mga praw.

Umuwi ang matanda. Siya'y umiyak nang umiyak. Ang kanyang masaganang luha ay
nakikipagtimpalak sa patak ng ulan. Hindi siya nakatulog nang gabing iyon. Ang mga anak ang
kanyang naalaala.

Kinaumagahan, kinuha ang kanyang bangka at pumalaot sa gitna ng dagat sa pagbabaka-sakaling


makita ang mga anak na lulan ng mga praw. Baka raw naantala ng bagyo ang kanilang sasakyan.
Sa kanyang pagtataka ang kanyang nakita sa malayong tanaw ay maliliit na isla na wala roon nang
nakaraang araw. Siya ay gumaod nang gumaod. Kanyang nakita ang mga pira-pirasong labi ng
praw ng mga taga-Borneo na lumulutang malapit sa mga isla. Kanyang binilang ang mga isla sa
kanyang mga daliri. Pito! Sila ang mga anak na dalagang nangalunod.

Ang mga praw na kanilang sinasakyan ay winasak ng malakas na bagyo. Ang mga sasakya'y
nilansag ng hangin at malakas naulan. Ang mga ito'y napadpad sa coral reef at mga bato.

Ang mga walang turing na anak na dalaga ay naging mga isla.

Tinawag na Mga Isla ng Pitong Makasalanan (Isla de los Siete Pecados.)

Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved.


Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-pitong-isla/

You might also like