Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Filipino: Wika na ating kinagisnan, tinatangkilik at iniingatan ng ating mga ninuno.

Regalo sa
kasalukuyan. Ngunit… mga kababayan.. Mahalaga pa ba ito sa kasalukuyan?

May pinag-aralan, mayaman,sosyal, hinahangaan. Ito ang palagay ng karamihan kapag nagsasalita ng
Ingles. Kahit nahihirapan at hindi na tama ang gramatika at namimilipit ang ating dila pagbigkas natin nito.
kahit na nagmukha nang katawa tawa at hindi na lubosang nauunawaan pilit pa rin ginagamit ang wikang
ingles sa pagsasalita. Kadalasang sinasabi nating nagiging “Nose Bleed” tayo kapag gumagamit ng Wikang
Filipino. Gaano nga ba tayo ka galling sa Wikang Engles? Ikinahihiya na ba natin ang ating Wikang Pambansa ?
Dumarami na ba si Donya victorina o Donya Consolacion sa ating lipunan?

Magaling tayo sa pagsasalita ng Ingles. Sa katunayan, dinadayo tayo ng taga-ibang bayan upang
magpaturo ng wikang Ingles. Hindi na man masama ang gumamit ng wikang banyaga lalong lalo na nang
mabilis na pagsulong ng teknolohiya sa ating bansa . Kahit man si Dr. Jose Rizal na nagwikang “ Ang hindi
marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda” ay maraming wikang nalalaman.
Kailangan nating makisalamuha sa mga dayuhan para sa ating kaunlaran. Dahil sa ating kakayahan sa
pagsasalita ng linguaheng itinuturing lingua franca ng buong mundo, kumikita naman tayo. Kagaya ng BPO ,
pagtuturo ng ingles sa mga banyaga at marami pang iba. Wikang Ingles ang ginagamit natin sa matimatika at
siyensya upang maunawaan natin ito nang lubusan . Sa panglakalan at kahit na sa pagpupulong ng mga lider
ng ibat ibang bansa para pag-usapan ang mga pandaigdigang suliranin tulad ng pangkapayapaan, ekonomiya,
pangkalikasan, relihiyon at ibang pang paksa, wikang ingles ang ginagamit.

Sa kabila ng galing natin sa paggamit nga wikang Ingles hindi rin maaring isantabi ang ating wikang
pambansa sa ating modernong pamumuhay.

Bakit karamihan sa Teleserye o pelikulang Pilipino ay gumagamit ng wikang Filipino? Bakit ang mga dayuhan g
pelikula ay isinasalin pa sa wikang Filipino? Bakit hindi Engles? Hindi natin maipagkaila na mas komportable
tayo sa ating sariling wika. Sa pakikisalamuha, pakikipagtalastasan, pagbabahagian ng makabagong ideya o
kaalaman at kaunlaran ng ating bayan, mahalaga pa rin ang wikang Pilipino. Sapagkat hindi lahat sa atin ay
nakakaunawa ng wikang Ingles. Mas nakakatawa ang ating biro kapag gumamit tayo ng ating sariling wika. Sa
paglinang nang mga kakayahan ng ating kapwa kababayan para sa kaunlaran ng ating pangkabuhayan tulad
pagsasagawa ng pananaliksik, pagpupulong o talakayan hinggil sa pagsasaka, pangingisda, istruktura ,paglikha
ng mahahalagang produktong gawa sa kamay at iba pa, mahalaga pa rin ang papel ng ating Wikang
Pambansa.

Masasalamin ang mga kayamanan ng ating bayan sa ating wikang kinagisnan. Bukod sa likas na yaman,
mayaman tayo sa mga panitikan. Mga panitikang Pilipino tulad ng maikling kuwento, alamat parabola, epiko,
salaysay, tula at iba pa nagtuturo sa atin ng mga mabubuting asal. Sa mga panitikang Pilipino naibahagi
natin ang kasaysayan ng ating bayan , kaugalian, sining at kultura. Kahit man mga banyaga ay nabighani sa
ating galing. Sinong mag-aakala na ang awit ni Fredie Aguilar na pinamagatang Anak ay tanyag sa buong
mundo. Panoorin niyo sa youtube ang mga dayuhan sa youtube na umaawit ng awiting Pilipino.

Mga kapwa ko mag-aaral at galang galang na guro, sa kabila ng mga iba’t ibang lenguaheng na
lumalabas sating mga bibig , mahalaga pa rin ang papel ang ating Wikang bambansa. Filipino: Wika ng
karunungan. Wika ng nagbubuklod sa atin para sa ating kaunlaran, kapayapaan, at sa Masaya , masagana at
magandang buhay.

You might also like