Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

School Pagalanggang Elementary Grade Level :

School Grade 4

DETAILED Teacher Merenz Enriquez Lising Learning Area :


LESSON PLAN Agriculture
Teaching Date and Quarter :
Time Third Quarter

I. Layunin  Naiisa-isa ang mga uri ng halamang ornamental na


maaaring itanim sa lata o paso;
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagpaparami ng
halaman sa paraang air layering o marcotting at pag
putol; at
 Naiisasagawa ang wastong paraan nang pagpaparami
ng halaman sa paraang layering/marcotting at
pagpuputol.
A. Pamantayang Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan
Pangnilalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang
gawaing pagkakakitaan.
B. Pamantayang Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan
Pangganap ng halamang ornamental sa masistemang pamamaraan.
C. Pamantayan sa Naipapaliwanag ang ilang paraan ng pagpaparami ng
Pagkatuto halaman tulad ng pagtatanim sa lata at layering/marcotting.

II. Content Pagpaparami ng halamang ornamental


III. Learning Resources
A. References:
1. Teacher’s Guide pages K to 12 Curriculum Guide
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4
Agriculture
353 - 361
2. Learner’s Materials
pages
3. Textbook pages Pages 353 - 361
4. Additional Materials cartolina, flash cards, printed pictures
from LR
B. Other Learning Resource powerpoint presentation, laptop, projector
TEACHER’S ACTIVITY STUDENT’S ACTIVITY
IV. Pamamaraan

A. Balik-aral

(Iba’t ibang uri ng halaman)

Kahapon ay ating tinalakay ang iba’t ibang


gamit sa pagtatanim.

Maaari nyo ba akong bigyan ng mga


halimbawa nito?
Sige nga, Meecko.
Kalaykay po sir.
Mahusay! Sino pa?
Ako po, sir,
Pala po.
Diana, ikaw nga.

Tama. Regadera po sir.


Ano pa, Jennielyn

Timba po.
Magaling.
B. Pagganyak
Pamilyar ba kayo sa mga larawan na ito mga
bata?
Ngayon mga bata. May mga larawan na
pisara ng iba’t-ibang uri ng halamang
ornamental.
Maari nyo bang tukuyin kung anong
halamang ornamental ang mga ito.

Opo sir!

Sino ang gustong mauna?

Sige nga, Marjorie.

Mahusay!
Sino pa ang nais sumagot?
Ikaw nga, Joshua.
Halamang dahoon po sir.

Magaling!
Meecko, ikaw?

Halamang namumulaklak po sir.


Mahusay!
At ang huli ay, Diana?

Halamang palumpon po sir.


Magaling!
Bigyan ninyo sila ng limang palakpak.

Ngayon natukoy nyo na ang mga iba’t-ibang Halamang baging po sir.


uri ng halamang ornamental. Maari ba
kayong mag bigay ng mga halimbawa nito?

Sige nga maari kabang magbigay ng


halimbawa ng halamang dahon Jennielyn?
Magaling!
Halimbawa naman ng halamang
namumulaklak, Marjorie? San Francisco, pako, five fingers po sir.
Mga halaman po na maaring itanim sa
paso at gawing palamuti sa bahay sir.

Mahusay!
Ano naman ang mga halimbawa sa halamang
palumpon, Joshua? Rosas, kamya, sitsirika, bongainvillaea,
dapo, mirasol po sir.

Magaling!
At ang huli naman ay halamang baging,
Meecko maari ka dn bang magbigay ng
halimbawa ng mga ito? Gumamela, adelfa, rosal, santan,
sampaguita po sir.

Mahusay!
Bigyan nyo ng limang palakpak nag inyong
mga sarili.
Kampanilya, niyug-niyugan, kadena de
amor at iba pa po sir.

C. Paglalahad

(Tatalakayin ang naturang aralin tungkol sa


pagpaparami ng halamang ornamental)

(Powerpoint Presentation)

Ang pagpaparami ng pananim ay nagagawa


hindi lamang sa pagtatanim. Nagagawa rin
ito sa pamamagitan ng ibang paraan.

May dalawang uri ng pagpaparami ng


pananamin

Una ay, pagtatanim ng buto o butil.

Ang ikalawa naman ay, paggamit ng ibang


bahagi ng tanim tulad ng ugat, puno, sanga,
at dahoon. Ang mga ito ay ihinihiwalay at
pinalalago upang maging bagong tanim

May dalawang uri ng ganitong pagtatanim,


ang natural at artipisyal.
Ang una ay, basahin mo nga Diana.
Natural – ito ay ang normal na pagtubo ng
mga usbong ng halaman mula sa ugat o
puno ng tanim.

Nangyayari ito sa gabi, kawayan, luya, at


saging.

Ang pangalawa ay, basahin mo nga


Jennielyn.

Artipisyal – ito ay ginagawa na ang


ginagamit ay sanga, dahoon, o usbong ng
tanim.
May apat na uri ng artipisyal na pagtatanim.
Una na ditto ay, basahin mo nga Marjorie.

Pagsanga (cutting) – ito ay pinaka


madaling paraan ng artipisyal na
pagpaparami ng tanim. Ang sanga ay
pinuputol, pinauugat, at itinatanim.
Ginagawa rin ito sa dahoon at ugat.

Maling!
Sa parang ito ay pinuputol, pinapaugat, at
itinatanim ang sanga upang makapag parami
ng halaman.

Ang pangalawa ay, basahin mo nga Marjorie.


Marcotting o air layering – ginagawa ito sa
sanga o katawan ng punongkahoy habang
ito ay hindi pa nahihiwalay sa puno.
Magaling!
Sa paraang ito may mga sinusunod na
hakbang o proseso.
Una ay, pagtanggal ng balat.

Pangalawa ay, pagkakaskas ng panlabas na


hibla ng sanga.
Pangatlo ay, paglalagay ng lupa at lumot.

Pang- apat ay pagbabalot nito ng bunot ng


niyog o plastic.

At ang huli ay, pagtatali.

Ginagawa ang marcotting sa mga punong


namumunga tulad ng chico at manga.

Naunawaan nyo ba ang hakbang sa paraang


ito?
Opo sir!
Sige nga Joshua, ano ang mga hakbang sa
marcotting?
Una ay, pagtanggal ng balat.

Pangalawa ay, pagkakaskas ng panlabas na


hibla ng sanga.

Pangatlo ay, paglalagay ng lupa at lumot.

Pang- apat ay pagbabalot nito ng bunot ng


niyog o plastic.

At ang huli ay, pagtatali.


Magaling!
Dahil dyan bigyan nating sya ng limang
palakpak.

Ang ikatlong artipisyal na pagtatanim ay,


basahin mo nga Diana.

Inarching – sa paraang ito pinagsasama


ang sanga ng isang puno at sanga ng isa
pang punong nakalagay sa paso.
Kadalasang ginagawa ito sa kaimito.
Sa parang ito ang isang halaman ay
nakatanim sa paso.
Katulad ng marcotting ang inarching ay
mayroon din mga hakbang sa paggawa nito.

Una ay, gumagawa ng pahabang hiwa sa


puno o sangang pagsasamahin.
At ang ikalawa ay, pagharapin ang dalawang
hiwa, pagdikitin at itali nang mahigpit.

Naunawaan nyo ba mga bata?

At ang huli at ikaaapat na uri ng artipisyal na


pagtatanim ay grafting. Opo sir.
Basahin mo nga Jennielyn.

Grafting – sa paraang ito pinagsasama ang


Sa paraang ito ay tatlong uri o paraan para dalawang sangang galling sa dalawang
maisagawa ito. puno.
Ito ay ang tongue graftin;

splice grafting

at cleft grafting.

Naiintindiahn nyo ba ang mga paraan ng


pagpaparami ng halamang ornamental mga
bata?

Magaling!!!

Tandaaan Opo sir.


Maraming paraan ang pagpaparami ng
halamang ornamental. Sa bawat paraan ng
pagpaparami ay mayroon kaniya kaniyang
hakbang na dapat sundin. Tandaan na
mayroong mga halamang hindi napaparami
sa pagpuputol, air layering o marcotting. Ang
iba sa mga halaman ay buto ang gamit sa
pagpaparami nito.
D. Unang Gawain

Ngayon, mga bata. Meron akong inihang


aktibidad upang ating malaman kung kayo ay
talagang nakinig sa ating diskusyon.

Tutukuyin ninyo ang kahulugan ng iba’t –


ibang uri ng pagpaparami ng halamang
ornamental.

Ididikit ninyo sa patlang ang angkop na sagot


sa bawat bilang.

Una, ito ay ang normal na pagtubo ng mga


usbong ng halaman mula sa ugat o puno ng
tanim.

Diana sagutin mo nga.

Natural.

Magaling!

Ikalawa, ginagawa ito sa sanga o katawan ng


punongkahoy habang ito ay hindi pa
nahihiwalay sa puno.

Meecko sagutin mo nga.

Marcotting.
Mahusay.

Ikatlo, sa paraang ito pinagsasama ang


dalawang sangang galling sa dalawang puno.

Jennielyn sagutin mo nga.

Grafting.
Magaling!

At ang ikaapat ay, ito ay pinaka madaling


paraan ng artipisyal na pagpaparami ng
tanim. Ang sanga ay pinuputol, pinauugat, at
itinatanim.

Marjorie sagutin mo nga.


Pagsanga o cutting.

Mahusay!
At ang huli ay, sa paraang ito pinagsasama
ang sanga ng isang puno at sanga ng isa pang
punong nakalagay sa paso.
Inarching.

Magaling mga bata. Dahil diyan bigyan nyo


ng limang palakpak ang inyong mga sarili.

E. Ikalawang Gawain

Ngayon ay inyong natandaan ang ibang ibang


uri ng pagpaparami ng halamang ornamental.

Sa ating pangalawang aktibidad ay tutukuyin


ninyo ang proseso o hakbang sa paggawa ng
marcotting upang lubos ninyo itong
matandaan

Ilapat sa patlang ang angkop na bilang o


hakbang sa bawat salita.

___ pagtanggal ng balat.

___ paglalagay ng lupa at lumot.

___ pagtatali.

___pagkakaskas ng panlabas na hibla ng


sanga

___ pagbabalot nito ng bunot ng niyog o


plastic.
_1_ pagtanggal ng balat.

_3_ paglalagay ng lupa at lumot.

_5_ pagtatali.

_2_ pagkakaskas ng panlabas na hibla ng


sanga

_4_ pagbabalot nito ng bunot ng niyog o


plastic.
Magaling mga bata!

Bigyan ninyo uli ng limang palakapak ang


inyong mga sarili.
F. Ikatlong Gawain
Aking lubos na malaman at ako ay
nasisiyahan na naunawaan ninyo ang ating
aralin sa pagpaparami ng halamang
ornamental.

Ngayon magkakaroon pa tayo ng ikatlong


aktibidad. Sa aktibidad na ito ay igugrupo ko
kayo sa tatlo, bawat grupo ay kailangan ko ng
limang representative.

Tatawagin natin itong “ Raise My Tree”,


bawat halaman ay may kalakip na salita.

Magtatanong ako kung anong uri ng


pagtatanim ito. Itataas ng bawat grupo ang
kanilang sagot.
Kung sinong makalimang puntos ay siyang
mananalo

Unang tanong, ginagawa ito sa sanga o


katawan ng punongkahoy habang ito ay hindi
pa nahihiwalay sa puno.

Pangalawa, ito ay pinaka madaling paraan ng


artipisyal na pagpaparami ng tanim. Ang
sanga ay pinuputol, pinauugat, at itinatanim.

Ikatlo, sa paraang ito pinagsasama ang


dalawang sangang galling sa dalawang puno.

At ang ikaapat, sa paraang ito pinagsasama


ang sanga ng isang puno at sanga ng isa pang
punong nakalagay sa paso. Kadalasang
ginagawa ito sa laimito.

At ang huli, ito ay ang normal na pagtubo ng


mga usbong ng halaman mula sa ugat o puno
ng tanim.

(Inaasahang sagot)
1. Marcotting
2. Pasanga
3. Inarching
4. Grafting
5.Natural

Magaling mga bata!


Maari na kayong umupo.
Ang pinaka mataas na puntos ay ang group
(depende mananalo), bigyan sila ng aling
donisha clap.
G. Ikaapat na Gawain
(Role Play. Magtatawag ng dalawang katao
bawat grupo)
Ngayon mga bata ay lubos na natin
naintindiahn ang ating aralin.
Upang matandaan ninyo lalo ito kahit na
kayo ay nasa labas ng paaralan ay
magkakaroon tayo ng isa pang aktibidad.
Kailangan ko ng dalawang representative
bawat grupo.
Ang inyong gagawin ay bubunot kayo sa
kahon. May inihanda akong larawan ng isang
halaman, ang gagawin ninyo ay, gagawin
ninyo ang mga hakbang sa pagpaparami ng
halamang ornamental sa pamamagutan ng
paggupit nito at paglalagay ng tape.
(Group activity)
Group 1 : Natural
Group 2. Inarching
Group 3. Marcoting
Mahusay mga bata.
Bigyan nyo ng palakpak ang inyong mga
kaklase.
H. Paglalahat

Ano nga ulit ang paraan ng pagpaparami ng


halamang ornamental?

Ikaw nga Meecko?

Una ay, pagtatanim ng buto o butil.


Mahusay, ano pa Diana?

Ang ikalawa naman ay, paggamit ng ibang


bahagi ng tanim tulad ng ugat, puno,
sanga, at dahoon.
Ano nga ulit ang dalawang uri ng ganitong
pagtatanim, Jennielyn.

Natural at artipisyal po.


Magaling!
Ano naman ang apat na artipisyal na
pagtatanim, Marjorie?

Pasanga, Air layering o Marcotting,


Inarching, at Grafting po sir.
Magaling!

Ang mga paraan sa pagpaparami ng


halamang ornamental ay pagtatanim ng buto
o butil at paggamit ng ibang bahagi ng tanim
tulad ng ugat, puno, sanga, at dahoon,
Meron dalawang uri ng ganitong pagtatanim,
ito ay ang natural at artipisyal. May apat na
artipisyal sa pagtatanim, ito ang mga
pasanga, air layering o marcotting, inarching,
at grafting

I. Pagtataya
(Identification.)

May mga salita sa loob ng kahapon, dito


lamang kukuha ng sagot tungkol sa hinihingi
sa bawat katanungan.
Pasanga Natural
Marcotting Inarching
Grafting Natural

1. Ito ay ang normal na pagtubo ng mga


usbong ng halaman mula sa ugat o
puno ng tanim.
2. Ito ay pinaka madaling paraan ng
artipisyal na pagpaparami ng tanim.
Ang sanga ay pinuputol, pinauugat, at
itinatanim.
3. Ginagawa ito sa sanga o katawan ng
punongkahoy habang ito ay hindi pa
nahihiwalay sa puno.
4. Sa paraang ito pinagsasama ang sanga
ng isang puno at sanga ng isa pang
punong nakalagay sa paso.
5. Sa paraang ito pinagsasama ang
dalawang sangang galling sa
dalawang puno.

Kumuha kayo ng isang buong papel at


sagutan ito.

Bibigyan ko kayo ng sampong minuto upang


magsagot. Sagot na lamang ang isulat nyo sa
inyong papel. Maliwanag ba?
Opo sir.

(Sagot)
1. Natural
2. Pasanga
3. Marcotting
4. Grafting
5. Inarching
(makalipas ang sampong minuto)

Kung kayo ay tapos na ay inyo ng ipasa ang


inyong papel. Sa araw ng bukas ay sasagutan
natin ito.
J. Takdang Aralin

(Drawing.)

Para sa inyong takdang aralin, gumuhit kayo


ng dalawang larawan ng alinman sa mga
pagpaparamin ng halamang ornamental.

Ipapasa nyo yan sa araw ng bukas,


maliwanag ba?
Opo!

Kung wala ng katanungan ay hanggang dito


na lamang tayo para ngayong araw.

Goodbye, class.
Salamat po, Sir.
Goodbye Sir Renz.
IV. Remarks

V. Reflection

You might also like