Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGHAHANDA NG INFORMATION SYSTEM NG

SEA GAMES, ATRASADO.


Ngayong 2019, nakatakdang ganapin ang SEA Games o ang South East Asian
Games sa ating bansa. Sinasabing mas magiging espesyal ang edisyong ito dahil 56
na sports ang gaganapin na siyang pinakamataas na bilang sa lahat ng edisyon. Ito
rin ang kaunaunahang edisyon na mayroong E-sports at Obstacle course. Habang
papalapit ang petsa ng pagsisimula, ay humaharap sa malaking problema ang
Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o (PHISGOC) na
pinangungunahan ni Chairman Alan Peter Cayatano. Kaakibat nito ang isang
malaking karangalan subalit mayroon itong kaakibat na responsibilidad upang
maidaos ng matagumpay ang nasabing programa na ngayon namang pinoproblema
ng Pilipinas.
Isang napakalaking oportunidad ito para sa bansa sapagkat ito ang ika-apat na
beses na ang Pilipinas ang napiling pagdarausan ng SEA Games mula noong 2005,
dagdag pa dito ang pag-host ng bansa noong 1981 at 1991. Itinuturing din na ang
ngayong SEA Games ang pinaka ambisosyo sa lahat ng mga nagdaang edisyon dahil
ang 30th South East Asian Games ngayon ay mayroong nakatakdang 530 events sa
56 na sports. Gayunpaman, hinaharap ng Pilipinas ang malaking problema sa
pagkaantala ng paggawa at paghanda ng mga pasilidad na pagdarausan ng mga
samu’t saring palaro ng SEA Games. Isang magandang halimbawa nito ay ang
kinakaharap ni Bettina Pou. Ayon kay Pou, wala nang oras para maisaayos ang mga
pasilidad na gagamitin para sa Gymnastics. Hindi kaaya-aya ang mga palikuran,
walang air conditioner at mahinang telecommunication netwok ng bansa. Alinsunod
sa Chairman ng Philippine Sports Commision (PSC) na si William “Butch” Ramirez,
ang mga problemang ito ay ang kakulangan sa kooperasyon sa pagitan ng POC at
PHISGOC o Philippine Olympic Committee at Philippine SEA Games Organizing
Committee at ang mabagal na distribusyon ng National Budget o kakulangan ng
financial support ng pamahalaan sa mga National Sports Association. Batay sa
tagapangasiwa ng South East Asian Games Information System (SEAGIS) na si
Labadan, marami pang venue ang hindi tapos, maraming kagamitan ang ‘di pa
dumadating at ni wala pang nabibigyan ng kontrata para sa network infrastructure at
connectivity. Kasalukuyan namang sinosolusyonan ang mga naitalang problema sa
kasunduan ng PSC, POC at PHISGOC para sa network providers nitong Agosto 2019.
Sa lagay naman ng National Budget ay may nailabas na na parte nitong Mayo 2019,
isang buwan matapos pirmahan ni pangulong Duterte ang 2019 National Budget.
Masusing paghahanda at pag oorganisa ang kinakailangan upang mairaos ang
SEA Games sa Pilipinas, ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay ang kinakaharap na
problema ukol di lamang sa mga pasilidad at network communications kundi pati na
rin ang pagplano ng daloy ng naturing paligsahan na kinakailangan ng malaking
pondo. Malaking responsibildad ang naiatas sa ating bansa, marapat lang na bigyan
ito ng naaayon na aksyon. Ang tanging hamon lamang sa bawat atletang Pilipino na
sasabak sa darating na edisyon ay ‘wag bigyan ang Pilipinas ng kahihiyan at matiyak
ang tagumpay ng SEA Games.

You might also like