1 Revised

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

1

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran nito

Panimula

Isa sa mga hinahangad ng mga kabataan ang magkaroon

ng mabubuting mga kaibigan na masasandalan nila sa oras na

sila ay nangangailangan dahil sa mga problemang kanilang

kinahaharap.

Sa mundo ay walang taong nakakayang mabuhay mag-isa .

Ang mga kabataan ay mayroong kani-kaniyang barkada na may

malaking ginagampanan sabuhay nila katulad ng pagtulong

upang mapaunlad ang sarili at ang pagkakaroon ng makabagong

karanasan (Canoy et al., 2009).

Sa aspetong pang-akademiko, pumapasok dito ang epekto

ng barkada sa mga kabataan. Ito ay maaaring magdulot ng

negatibo o postibong epekto.

Maraming kabataan ang pinapanatili ang kanilang mataas

na grado sa paaralan, ngunit dahil sa barkada ay

nagkakaroon ng implikasyon. Maraming kabataan ang

napapabayaan ang kanilang akademikong performans nang dahil


2

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

sa kanilang barkada at mga dulot nitong masasamang

impluwensiya. Halimbawa na lamang na imbis na mag-aral at

magbasa ng mga babasahin, mas pinipili ng mga kabataang

sumama sa kanilang barkada kapag sila ay naaya dahil gusto

nilang makisabay sa kanila.

Ang mga kabataan ay madaling maimpluwensiyahan ng

barkada dahil sa kagustuhan nilang makisabay at matanggap

ng mga ito. Kagaya nga ng nabanggit kanina, ang barkada ay

binubuo ng mga miyembrong may pare-parehas na gawi. Kapag

may isang miyembro na naiiba, maaari niyang maramdaman na

hindi siya kabilang sa grupo kaya ang magiging resulta ay

gagayahin niya ang gawi ng kaniyang mga barkada.

Sa kabilang banda, may positibong epekto rin ang

barkada sa akademikong performans ng mga mag-aaral. Kapag

ang isang kabataan ay napasama sa grupo na pare-parehong

nakakukuha ng matataas na grado, papasok dito ang tinatawag

na “peer influence”. Ang “peer influence” ay nag-uudyok sa

tao upang gumawa ng bagay na halintulad sa ginagawa ng

kaniyang kinabibilangang grupo. Kung mapapasama ang isang

kabataan saisang grupong puro matataas ang nakukuhang


3

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

grado,malaki ang posibilidad na siya ay gagawa ng paraan

para tumaas din ang kaniyang grado upang masabing kabilang

siya sa kanilang grupo.

Sa Sto. Domingo National Trade School, maoobserbahan

na karamihan sa mga mga-aaral ay may kaniya-kaniyang

kaibigan o barkada. Sila ay nagtutulungan sa mga bagay na

alam nilang ikatataas ng kanilang akademikong performans sa

paaralan. Ngunit sa kabilang banda, hindi maiiwasang

magdulot ang barkada ng masasamang impluwensiya. Ang ilan

sa mga ito ay ang pagkatutong uminom, manigarilyo,

maglakwatsa at sumuway sa mga utos ng magulang.

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Epekto ng

barkada sa akademikong performans ng mga mag-aaral ng

Senior High School” ay napiling pag-aralan ng mga

mananaliksikdahil sa kanilang obserbasyon ay laganap na ang

epekto ng barkada sa mga kabataan. Ang pag-aaral na ito ay

malaki ang magiging tulong upang masolusyunan ang nasabing

suliranin ukol sa barkada.


4

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

Batayang Teoretikal

Ayon sa Ecological system theory ni Bronfenbrenner(

1917-2005), ang mga tao ay nakakasalamuha nang iba’t ibang

kapaligiran at tao na maaaring makaapekto sa pag-unlad at

pagkabuo ng kanilangsarili. Masasalamin sa teoryang ito na

marahil kaya naapektuhan ng mga barkada ang mga kabataan ay

dahil sa kanilang magkaparehong kapaligiran na kanilang

ginagalawan.

Ayon naman sa teoryang "Symbolic Interactionism” ni

Blumer (1969), ang pagbibigay ng kahulugan ng tao sa isang

bagay ay nakadepende sa kaniyang nakuhang impormasyon sa

ibang taong kaniyang nakasasalamuha.Sa madaling salita, ang

ibigsabihin ng teoryang ito ay ang pagkatuto ng tao ay

nakadepende sa kaniyang pakikipag-interaksiyon sa iba. Ang

tao ay napagkalooban ng sapat na pag-iisip para malaman

kung ano ang tama o kung ano ang mali (blumer, 1990).

Nakadepende sa kanila kung nais ba nilang matuto ng

masamang gawain o hindi. Ganoon din sa mga mag-aaral,

naiimpluwensiyahan sila batay sa kanilang pakikipag-


5

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

interaksiyon sa kanilang barkada ngunit may sapat silang

pag-iisip para alamin kung ano ba ang tama at ano ang mali.

Panghuli ang Persuasion theory. Ayon kay Simons (1976)

na nabanggit ni Maina (2015), ang “persuasion” ay

nangangahulugang ang abilidad ng tao na makipagkomunikasyon

ay nakalaan para makapanghikayat o makaimpluwensiya ng iba

sa pamamagitan ng pagbabago sa kanilang paniniwala at pag-

uugali.

“human communication is designed to influence others by

modifying their beliefs, values or attitudes”

-Simons (1976)

Sa karagdagan, ang teoryang ito ay tumutukoy sa

pagbabago ng pag-uugali ng isang indibidwal.

“Attitudes are learned evaluations and people are not

born with and so attitudes are changeable. Attitudes are

also presumed to change behaviors for instance to

demonstrate your attitude towards a product will influence

whether you buy it or not this can also happen in a peer

group where individuals are expected to make choices in


6

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

reference to the group norms and behaviors for them to fit

in”

-Maina ,2015

Ibig sabihin, ang pag-uugali ay nagbabago.Maikokonekta

ito sa epekto ng barkada sa mga mag-aaral. Halimbawa ay

nais ng isang mag-aaral na magbasa na lamang ng babasahin,

ngunit nahikayat ng kaibigan na maglaro ng “online games”.

Dahil sa kagustuhang makipagsabayan sa kaibigan, mas inuna

pa ang maglaro kaysa ang magbasa ng aklat-sipian na

makapagpapataas ng akademikong performans ng mga mg-aaral.

Batayang Konseptuwal

Ang mga epekto ng barkada sa akademikong performans ng

mga mag-aaral ay una ay ang pagkakaroon ng pokus sa pag-

aaral ng mga mag-aaral. Kung ang isang indibidwal ay

kabilang sa grupo ng mga mag-aaral na may matataas na

marka, may posibilidad na tumaas din ang kaniyang marka

dahil ayon sa persuasion theory, may kakayahan ang tao na

makaimpluwemsiya ng iba.
7

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

Pangalawa naman ay ang pagkakaroon ng inspirasyon sa

pag-aaral ng mga mag-aaral. Mas nahihikayat ang mag-aaral

na pagbutihin ang kaniyang pag-aaral kung siya ay may

inspirasyon o iniidolo. Kung ang isang mag-aaral ay napasok

sa grupong nakapokus sa pag-aaral, matututo rin siyang

magpokus sa pag-aaral upang masabi niya na siya ay kabilang

sa grupo.

Panghuli ay ang kooperasyon sa mga gawaing

pampaaralan. Kung ano ang nakikita ng isang indibidwal sa

kaniyang mga kaibigan, kaniya itong nagagaya. Ito ay batay

rin sa persuasion theory.


8

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

Paradaym ng Pag-aaral
Ilustrasyon 1

Pinagmulan Proseso Kinalabasan


1.Profayl
1.1 Kasarian  Paggawa ng mga  Epekto ng
1.2 Edad talatanungan barkada sa
1.3 kabuuang akademikong
marka  Pangangalap ng
mga surbey sa perpormans ng
1.4Buwanang kita
ng magulang mga mag-aaral ng mga mag-aaral sa
1.5 Baong pera Senior High Senior High
sa paaralan; at School School
1.6 Bilang ng
kaibigan
2. Mga Teorya
2.1 Ecology
Theory
2.2 Social
Interactionism
2.3 Persuassion
Theory
3. Konsept
3.1 Pokus sa
pag-aaral
3.2 Pagkakaroon
ng
inspirasyon
3.3 Kooperasyon sa
mga gawaing
pampaaralan
9

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

Paglalahad ng Suliranin

Iba-iba ang pananaw ng mga kabataan sa barkada at

higit sa lahat, iba-iba ang karanasan nila sa piling ng

kanilang barkada na minsan ay mas nahihigitan pa ang

relasyon nila sa kanilang mga magulang. Napili ng mga

mananaliksik na pag-aralan ang epekto ng barkada sa

akademikong perpormans ng mga mag-aaral ng Senior High

School sa kadahilanang nais nilang malaman ang iba’t ibang

bagay na naidulot ng barkada sa mga nasabing mag-aaral at

ang naging epekto nito sa kanilang akademikong performans.

Sa karagdagan, upang matugunan ang hangaring nabanggit,

pagsusumukapang sagutin ng mga mananaliksik ang sumusunod

na mga katanungan:

1. Paano mailalarawan ang profayl ng mga mag-aaral batay

sa:

1.1 Kasarian;

1.2 Edad;

1.3 Kabuuang marka;

1.4 Buwanang kita ng magulang;

1.5 Baong pera sa paaralan; at


10

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

1.6 Baong pera sa paaralan?

2. Paano malalaman ang epekto ng barkada sa akademikong

performans batay sa :

2.1 Pokus sa pag-aaralan;

2.2 Pagkakaroon ng inspirasyon; at

2.3 Kooperasyon sa mga gawaing pampaaralan?

3. Alin ang madalas na nagiging epekto ng barkada sa mga

mag-aaral ng Senior High School?

4. Paano maiiwasan o mababawasan ang pagkakaroon ng

masamang barkada?
11

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

Haypotesis

1. Walang signipikong kaugnayan ang epekto ng barkada sa

akademikong performans ng mga mag-aaral ng Senior High

School.

2. Walang kaugnayan ang profayl ng mga mag-aaral ng

Senior High School sa epekto ng barkada sa akademikong

perpormans.
12

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

Kahalagahan ng pag-aaral

Mag-aaral.Makakatulong ito upang magkakaroon ng ideya

ang mga mag-aaral kung ano-ano ba ang mga bagay na nakuha

nila sa kanilang barkada na nakaapekto sa kanilang

akademikong perpormans. Sa karagdagan, ang pananaliksik

ding ito ay magbibigay sa mga mag-aaral ng impormasyon sa

kung ano ba talaga ang mas lumalamang na epekto ng barkada

sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral. Kung ito ba ay

positibo o hindi.

Guro. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga

guro upang magkaroon sila ng ideya kung ano ba ang mga

epekto ng barkada sa kanilang mga mag-aaral. Positibo man

ito o negatibo. Ang magiging result ng pananaliksik na ito

ang gagabay sa kanila sa pagkakaroon ng mabubuting payo na

makatutulong sa kanilang mag-aaral upang makaiwas sa

masasamang dulot ng barkada sa kanilang akademikong

performans.

Magulang. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa

mga magulang upang malaman nila kung ano bang klase ng

barkada ang kinabibilangan ng kanilang anak. Makatutulong


13

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

din ang pananaliksik na ito upang malaman ng mga magulang

kung isa ba sa mga dahilan ng pagbaba o pagtaas ng

akademikong performans ng kanilang anak ay ang mga barkada

nito. Pinakahuli, makatutulong ang pananaliksik na ito sa

mga magulang upang matututukan at magagabayan nila ang

kanilang mga anak sa pagpili ng kanilang barkada.

Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay

maaaaring makapagrekomenda ng mga posibleng problema na

konektado sa suliranin ng pananalisik na ito. Maari itong

maisagawa ng mga mananaliksiksa hinaharap upang masagot ang

mga tanong na hindi nasagot ng pag-aaral na ito at maaari

din nila itong palawakin pa.


14

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa

epekto ng barkada sa akademikong performans ng mga mag-

aaral sa Senior High School. Ang nasabing pananaliksik ay

hindi tatalakayin ang kontrobersiyal na isyu na patungkol

sa barkada.

Sa karagdagan, ang magiging respondente lamang ng

pananaliksik na ito ay manggagaling lamang sa mga mag-aaral

ng Senior High School mula sa baitang 11 at 12.

Ang pananaliksik ding ito ay isasagawa lamang sa

Senior High School Building ng paaralang Sto. Domigo

National Trade School (SDNTS).


15

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

Kahulugan ng mga Termenolohiya

Akademikong Performans – bagay na nais masagot ng mga

mananaliksik. Ito ba ay bumaba o tumataas dahil sa barkada?

Barkada – Mga grupo ng mag-aaral na may pare-parehong

gawi na nais obserbahan ng mga mananaliksik.

Kabataan- mga mag-aaral sa Senior High School Sto.

Domigo National Trade School (SDNTS)na napiling gawing

respondante ng mga mananaliksik dahil sila ang mas

naoobserbahang may malapit na koneksiyon kapag dating sa

barkada.

You might also like