BUGTONG

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BUGTONG

1. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.


Sagot: Mga paa
2. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mga mata
3. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: Tenga
4. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.
Sagot: Suso ng Ina
5. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
Sagot: Ngipin
6. May tubig na pinagpala, walang makakakuha kundi bata.
Sagot: Suso ng Ina
7. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka
8. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
9. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
10. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
11. Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha
12. Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
13. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging
14. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Sagot: Balimbing
15. Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
Sagot: Niyog
16. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging
17. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
Sagot: Mais
18. Bahay ni Gomez, punung-puno ng perdigones.
Sagot: Papaya
19. Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay.
Sagot: Puno ng Siniguelas
20. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
Sagot: Duhat
TUGMANG DE-GULONG
1. Ang di magbayad mulasa kanyang pinanggalingan aydi makabababa sa paroroonan.

2. Kahit ano pa ang gandamo, Drayber lang ang katapatmo.

3. Aanhin pa anggasolina kung jeep ko ay sira na.

4. And di magbayadwalang problema, sa karma palang, bayad ka na.

5. Sitsit ay sa aso, Katokay sa pinto, sambitin ang "para"sa tabi tayo'y hihinto.

6. Huwag Dumi-kwatrosapagkat dyip ko'y di mokwarto.

7. Ms. na sexy, kunggusto mo'y libre sa drayber katumabi.

8. Sa pagtaas nggasolina, kaming mga drayberay nag-hahabol ng hininga.

9. God know's Hudas notpay.


10. Mga pare, please langkayo'y tumabi pagkat dala ko'ysandatang walang kinikilala -
ang aking MANIBELA.

11. S a d r i v e r n a matulin, kapit miss,sasagad ko na.

1 2 . P a s a h e r o n g masaya, tiyak na maypera.

1 3 . Y a n a n g g u s t o kong pasahero, alistonagbabayad nang husto.

1 4 . D r i v e r m a n a k o n g hamak sa tingin ngunitang paglilingkod ay marangal na


gawain.

15. Pinagpapala ang nagbabayad ng tama.

16. Subukin mong ako’y ibigin kapag ikaw ay nabitin saka mo ako sisihin.

17. Bayad muna, bago bumaba nang di ka mapahiya.

18.Diyos ko ilayo mop o ako sa barat na pasahero.

19. Siksikan… bawal ang manyak!

20. Ang hindi magbayad no problem, dahil sa karma bayad ka na.


AWITING PANUDYO
1. Si Maria kong Dende
Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi

2. Ako ay isang lalaking matapang


Huni ng tuko ay kinatatakutan .
Nang ayaw maligo ,
Kinuskos ng gugo Pedro panduko ,
Matakaw sa tuyo

3. Mga pare, please lang kayo'y tumabi


Pagkat dala ko'y sandatang walang kinikilala -
Ang aking MANIBELA.

4.Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto,
Sambitin ang "para" sa tabi tayo'y hihinto.

5. Bata batuta
Samperang muta
Tutubi, tutubi
Wag kang pahuli
Sa batang mapanghi
Putak, putak,
Batang duwag
Matapang kat nasa pugad,.

6. Chitchiritchit alibangbang
Salaginto Salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.
Santo Nino sa Pandacan,
Puto seco sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.
Mama, Mama, namamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynnila
Ipagpalit ng manika.
Ale, Ale, namamayong
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.
7.

You might also like