Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

SAMPUNG (10) BAHAGI NG PANANALITA SA FILIPINO.

1. Pangngalan (noun) - mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari.


Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp. 10
Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae
2. Panghalip (pronoun) - paghalili sa pangngalan. 9
Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.
3. Pandiwa (verb) - bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.
Halimbawa: sayaw, tuwa, talon. 8
4. Pangatnig (conjunction) - ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa
pangungusap. 7
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp.
5. Pang-ukol (preposition) - ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos. 6
6. Pang-angkop (ligature) - bahagi ng pananalita na ginagamit para maging
magandang pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap.
Halimbawa: na, ng, g. magandang bata. 1
7. Pang-uri (adjective) - naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip. 2
Halimbawa: Magandang bata.
8. Pang-abay (adverb) - naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay
3
9. Pantukoy (article o determiner ) - tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri
sa pangungusap 4
10. Pangawing - (linker) - nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap. 5

BAHAGI NG PANANALITA

1. Pangngalan (noun) - mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari.


Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp.
URI NG PANGNGALAN URI NG PANGNGALAN AYON SA KONSEPTO
PANTANGI = pangngalang tumutukoy sa tiyak at TAHAS= mga pangkaraniwang pangngalang
tanging ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, nakikita, nahahawakan, naririnig at naaamoy.
gawain at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa Halimbawa: mesa, ibon, pansit, basura
malaking titik. BASAL= mga pangngalang nadarama, naiisip,
Halimbawa: Romel, Sony, Pilipinas, Tarsier nagugunita o napapangarap.
PAMBALANA = balana o pangkaraniwang ngalan ng Halimbawa: kalungkutan, kahirapan, pag-ibig
mga bagay, tao, pook, hayop at pangyayari. Ito ay
pangkalahatan, walang tinutukoy na tiyak o tangi.
Halimbawa: lalaki, telebisyon, bansa, puno
KASARIAN NG PANGNGALAN KAILANAN NG PANGNGALAN
PANLALAKI= tumutukoy sa tao o hayop na lalaki. ISAHAN= tumutukoy sa isang tao, bagay,
Halimbawa: sastre, hari, tatay, ginoo, pari hayop o lugar lamang. Maaaring may SI,
PAMBABAE= tumutukoy sa tao o hayop na babae ANG, KAY sa unahan.
Halimbawa: reyna, nanay, binibini, madre Halimbawa: ang bata, si Mila, kay Ruel
DI-TIYAK= maaaring tumutukoy sa lalaki o babae
man. DALAWAHAN= tumutukoy sa dalawang tao,
Halimbawa: magkaibigan, guro, magulang, bata bagay, hayop o lugar.
WALANG KASARIAN = tumutukoy sa mga bagay, Halimbawa: magkapatid, magkamag-aral
pook, pangyayari, at iba pang walang kasarian.
Halimbawa: damit, telepono, parke, kaarawan MARAMIHAN= tumutukoy sa higit sa
dalawang tao, bagay, hayop o lugar. Maaring
may SINA, ANG MGA, NG MGA, KINA sa
unahan.
Halimbawa: sina Ruby, Dennis at Jon, ang
mga mag-aaral, magkakapatid,
magkakamag-aral

1
GAMIT NG PANGNGALAN
SIMUNO = ang pangngalang pinag- PANGNGALANG PAMUNO = ginagamit na
uusapan sa pangungusap. tulong upang higit na mabigyang-diin ang
Halimbawa. Si Doming ay masipag na simuno. Ito ay bahagi pa rin ng simuno.
empleyado. Ang mga bata ay masayangHalimbawa: Sina Raymee at Raymond,
naglalaro ng tumbang-preso. mga kaibigan ko, ay mapagkakatiwalaan.
PANTAWAG= ipinantatawag sa Si Raquel, ang kapatid ko, ay nasa Espanya.
pangungusap. LAYON NG PANDIWA = ginagamit na layon
Halimbawa: Rosie, wag mong kalimutan ng salitang kilos sa pangungusap. May NG o
ang iyong baon. Anak, mag-aral ka na ng NG MGA sa unahan.
iyong leksyon. Halimbawa: Naglinis ng kwarto si ate kanina.
KAGANAPANG PANSIMUNO= ito ay nasa Nagluto ng turon si nanay para sa merienda.
bahaging panaguri at ginagamit sa LAYON NG PANG-UKOL = ginagamit na
pagpapakilala ng simuno. May AY sa layon ng pang-ukol sa pangungusap. May
unahan. salitang SA sa unahan.
Halimbawa: Ang magkapatid ay Halimbawa: Mula sa Mayor ang tulong na
mga estudyante ng Colegio Sto. Domingo. natanggap nang aming baranggay.
Si G. Reyes ay tagapayo ng Presidente. Para sa magkakapatid ang pasalubong ni
tatay.

KAUKULAN NG PANGNGALAN
PALAGYO = kung ang pangngalan ay ginagamit na Simuno, Pantawag, Kaganapang
Pansimuno, Pangngalang Pamuno
Halimbawa: Ang panahon ngayon ay pabagu-bago.
Ama at Ina, salamat po sa pagpapa-aral sa amin.
Si Gng. Andres ay mabuting guro.
Si Bantay, ang aking aso, ay marunong magbukas ng aming pinto.

PALAYON = kung ang pangngalan ay ginagamit na Layon ng Pandiwa at Layon ng Pang-


ukol.
Halimbawa: Magdadala ako ng ulam bukas.
Ang pagsisikap ni Gemmo ay para sa kanyang mga magulang.

PAARI= may dalawang pangngalang magkasunod at ang pangalawang ay nagsasaad


ng pagmamay-ari.
Halimbawa: Ang pagpapatawad ni ama ang sanhi ng aking pagbabago.
Anak ni Reynaldo si Romel.

2
BAHAGI NG PANANALITA
2. Panghalip (pronoun) - paghalili sa pangngalan.
Mga Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)– ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita,
sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito
ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan, tulad ng - ako, ko, akin, amin, kami,
kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya
Halimbawa:
Taong Nagsasalita
(Isahan: Ako, akin, ko)
a. Ako ay pupunta sa Maynila.
b. Akin ang laruang hawak mo.
c. Ibigay ko ito sa aking ina.
(Dalawahan: kita, kata)
a. Kita nang maligo sa ulan. (Maligo tayong dalawa sa ulan.)
b. Kata nang manood ng sine. (Manood tayong dalawa ng sine.)
(Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, amin)
a. Tayo nang pumunta sa Antipolo.
b. Kami ay kakain sa JoliMc.
c. Bisitahin natin si Lola.
d. Atin ang pulang kotse.
e. Amin ang bahay na kulay bughaw.
Taong Kausap:
(Isahan: Ikaw, ka)
a. Ikaw ang iniibig ko.
b. Pumunta ka sa opisina ng punong-guro.
(Dalawahan: kita, kata)
a. Magkikita kita sa tapat ng monumento ni Gat. Jose Rizal.
b. Maghuhulog kata ng pera sa bangko.
(Maramihan: Kayo, inyo, ninyo)
a. Kayo ang kanyang mga magulang.
b. Sa inyo ang asong nasagasaan.
c. Nasusunog ang bahay ninyo!
Taong Pinag-uusapan:
(Isahan: Siya, niya, kanya)
a. Siya ang sumuntok sa akin.
b. Binigyan niya ako ng kendi.
c. Ibibigay ko ang damit na ito sa kanya.
(Dalawahan: kita, kata)
a. Ayaw nila kata sa atin. (Ayaw nila sa ating dalawa.)
b. Kita ay pinayagan nilang magpakasal sa huwes.
(Maramihan: Sila, kanila, nila)
a. Nagbigay sila ng donasyon sa simbahan.
b. Kanila ang ospital na iyon.
c. Bibigyan nila tayo ng mga pasalubong.
2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) – ay inihalili sa pangngalang
nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili rin ito sa pangngalan na
malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.
Malapit sa Nagsasalita
-ito/ ire ( Ito ay masarap na prutas. Ire ay ibinigay sa akin ng aking butihing ina.)
-heto ( Heto na ang pasalubong ko sa inyo.)
-dito ( Dito ka maghiwa ng mga gulay.)
Malapit sa Kausap
-iyan ( Iyan ang libro ko.)

3
-hayan/ ayan (Hayan/Ayan na sa likod mo ang asong ulol!)
-diyan (Diyan mo ilapag ang mga bayong.)
Malayo sa Nag-uusap
-iyon (Iyon ang bahay nila Paulo.)
-hayun/ ayun (Hayun/Ayun ang magnanakaw!)
-doon (Doon tayo kumain.)
3. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)- ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at
dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan, tulad ng - lahat, madla, sinuman, alinman,
anuman, pawang
Nagsasaad ng Kaisahan
a. Isa (Isa tayo sa pinagpala ng Diyos.)
b. Isapa (Isapa ang pagpuputol ng kahoy sa gubat.)
c. Iba (Iba ang bahay sa tahanan.)
d. bawat isa (Bawa't isa ay mayroon tungkulin sa bayan.)
Nagsasaad ng dami o kalahatan
a. Lahat (Lipulin ang lahat ng peste!)
b. Madla (Mananagot siya sa madla dahil sa kanyang kabuktutan.)
c. Pulos (Pulos kalokohan ang pinagsasabi niya.)
d. Balana ( Iniisip nila na walang ginawa si Pangulong Marcos para sa kabutihan ng
balana.)
e. Pawang (Ang iginanti niya ay pawang kabutihan.)
4. Panghalip na Patulad – ay inihalili sa itinutulad na bagay.
Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita
Ganito/Ganire ang paggawa niyan.
Ganito/Ganire kung umarte si Nora Aunor.
Ganyan - Malapit sa kausap
Ganyan nga kung umiyak si Momay.
Ganoon - Malayo sa nag-uusap
Ganoon ang tamang pagtatapas ng niyog
5. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun) - inihahalili sa pangngalan kung nagtatanong.
Halimbawa:
ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin
a. pangtao (sino, kanino)
Sino ang umutot?
Sino ang kumuha ng bolpen ko?
Kanino ang kalamay na ito?
Kanino kaya ang mapupunta ang gantimpala?
b.bagay, hayop, lugar (ano, alin)
Ano ang laman ng kahon?
Alin dito ang sa iyo?
c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)
Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan?
Ilang halaman ang ating dadalhin?
6. Panghalip na Pamanggit (Relative Pronoun) - Ito ay kataga o parirala ng tagapag -ugnay ng
dalawang kaisipan o pananalita. Ginagamit ang daw, raw, umano, diumano, ani, sa ganang
akin/iyo.

Halimbawa:
Ang pagpapatawad daw ang pinakamatamis na paghihiganti.

You might also like