Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Filipino 11
WIKA
 Isang napakahalagang instrument ng komunikasyon
 Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang
nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan
 Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa
 Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”. Ito ang pinagmulan ng
salitang Pranses na langue na nangangahulugan din dila at wika. Kalaunan ito’y nagging language na siya
na ring ginamit na katumbas sa salitang lengguwahe sa wikang Ingles.
 Sa maraming wika sa buong mundo, ang mga salitang wika at dila ay may halos magkaparehong
kahulugan. Ito marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba’t ibang
tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng iba’t ibang posisyon ng dila.
 Kaya naman ang wika ay may tradisyonal at popular na pagpapakahulugang sistema ng arbitraryong
vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa kanilang
pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
 Paz, Hernandez, Peneyra – ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang
minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behiluko ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong
nagagamit.
 Henry Allan Gleason Jr. – isang lingguwstika at propesor sa emeritus sa University of Toronto, ang wika ay
masistemang balangakas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong nabibilang sa isang kultura.
 Cambridge Dictionary – ang wika sa ganitong paraan: ito ay isang sistema ng komunikasyong nagtatagkay
ng mga tunog, salita at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan
o sa iba’t ibang uri ng Gawain
 Charles Darwin –naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng
cake, o ng pagsulat. Hindi rin daw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-
aralan bago matutuhan.
WIKANG PAMBANSA
 Humigit kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa.
 Ang kalagayang ito ang nagging pangunahing dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng isang
wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino.
 Ang wikang ito ang magbubuklod sa ating bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang
pambansa.
 Kung babalikan ang ating kasaysayan, makikitang hindi nagging madali ang pagpili sa wikang pagbabatay
ng wikang pambansa. Mahaba at masalimuot ang prosesong pinagdaanan nito.
 1934: dahil sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral dito,
nagging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan at tinalakay sa Kumbensyong Konstitusyonal
noong 1934 ang pagpili ng wika. Maraming sumang-ayon sa panukalang ito subalit sinalungat ito ng mga
maka-Ingles (naniniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa wikang Ingles.
 Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na
wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinugsugan ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo ng
Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
 1935: ang pagsugsog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probinsyong pangwika na nakasaad
sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing: “Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika. Hangga’t hindi itinakda ang batas, ang wikang Inles at Kastila ay siyang mananatiling
opisyal na wika.”
 Base sa isinagawa ng Surian, napili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil ang naturang
wika ay tumugma sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng mga sumusunod: “ang wikang pipiliin ay
dapat… a) wika ng sentro ng pamahalaan; b)wika ng sentro ng edukasyon; c) wika ng sentro ng kalakalan;
at d) wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat sa panitikan
 1937: Disyembre 30, 1937 –iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang
maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bias ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawanag taon.
 1940: dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang ituro
ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pambliko at pribado.

1
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
 1946: nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong
Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wika opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Blg. 570.
 1959: Agosto 13, 1959 –pinalitan ang tawag sa wikang Pambansa, mula tagalog ito ay naging Pilipino sa
bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg.7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon.
Ito ang wikang ginagamit sa mga tanggapan, gusali, at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng
pasaporte, at iba pa. Gayundn sa iba’t ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo,
telebisyon, radio, magasin at komiks.
 Saligang Batas 1987 –pinagpatibay ng Komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating Pangulong Cory
Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang
probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba
pang wika.”
WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO
 Virgilio Almario –ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan
ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na
sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensya ng gobyerno
 Wikang Panturo –opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa
pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang mga wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang
panturo sa loob ng paaralan.
 Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7: “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang
mga wika panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mag rehiyon at magsisilbing pantulong na
mga wikang panturo noon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyunal ang Kastila at Arabic.”
 Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles na ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan.
Sa pagpasok ng K-12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na
wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man.
Tinatawag itong Mother Tongue Based –Multilingual Education (MTB-MLE)
 Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa mga paaralan. Ang magiging pokus sa
kindergarten at unang baitang ay katatasan sa pasalitang pagpapahayag. Sa ikalawa hanggang ikaanim na
baitang ay bibigyang-diin ang iba’t iba pang component ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa,
at pagsulat. Sa mas mataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang panturo o
medium of instruction.
UNANG WIKA, PANGALAWANG WIKA AT IBA PA…
 Unang wika ang tawag sa kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong
katutubong wika, mother tongue, arterial na wika at kinakatawan din ng L1. Sa wikang ito pinakamataas o
pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan at damdamin.
 Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid na
maaring magmula sa telebisyon, o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga
kaklase, mga guro, at iba pa. Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang
natututuhan ang wikang ito hanggang sa magkaroon siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit
niya na rin sa pagpapahayag at sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang kanyang pangalawang
wika.
 Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ang mga taong
nakakasalamuha niya, gayundn ang mga lugar na kanyang nararating, mga palabras na kanyang
napapanuod, mga aklat na kanyang nababasa, at kasabay nito’y tumataas din ang antas ng kanyang pag-
aaral. Dito may bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalauna’y natututuhan niya at
nagagamit sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nagsasalita rin ng wikang ito. Nagagamit
niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ang wikang ito
ang kanyang magiging ikatlong wika o L3. Sa Pilipinas, kung saan may mahigit 150 na wika at wikaing
ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ay pangkaraniwan na lang ang pagkakaroon ng mga
mamamayan ng ikatlong wika.
MONOLINGGUWISMO
 Monolingguwimo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga
bansang England, Pransya, South Korea, Hapon at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang
panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
 Maliban sa edukasyon, sa sistemang monolingguwismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng
komersyo, wika ng negosyo at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.
2
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
 Sa dahilang napakaraming umiiral na mga wika at wikain sa ating bansa, ang Pilipinas ay maituturing na
multilingguwal kaya’t mahihirapang umiral sa ating sistema ang pagiging monolingguwal.
BILINGGUWALISMO
 Leonard Bloomfield –ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila
ba ang dalawnag ito ay kanyang katutubong wika. Ang pagpapakahulugan na ito ni Bloomfield na
maaaring maikategorya sa tawag na “Perpektong Bilingguwal” ay kinontra ni Macnamara.
 John Macnamara –ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong
kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang wika
maliban sa kanyang unang wika.
 Uriel Weinreich –ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at
ang taong gagamit ng wikang ito ay bilingguwal.
 Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika ng mataas sa lahat ngn
pagkakataon. Sa pananaw na ito, dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang halos hindi
na matukoy kung alin sa dalawa ang una at pangalawang wika. Balanced bilingual –tawag sa mga taong
nakakagawa nang ganito at sila’y mahirap mahanap dahil karaniwang nagagamit ng mga bilingguwal ang
wikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa taong kausap.
MULTILINGGUWALISMO
 Multilingguwismo –ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika at
wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal. Karamihan sa atin lalo na sa mga nakatira sa
labas ng Katagalugan, ay nakakapagsalita at nakakauna ng Filipino, Ingles at isa o higit pang katutubong
wika na karaniwang ang wika o wikang kinagisnan. Sa kabila nito, sa loob ng mahabang panahon, ang
wikang Filipino at Ingles ang ginagamit na wikang panturo sa paaralan.
 Gayunpama’y nananatiling laganap sa nakararaming batang Pilipino ang paggamit ng unang wika sa halip
na Filipino at Ingles. Kaya, sa pagpapatupad ng DepEd ng K-12 Curriculum, kasabay na ipinatupad ang
probisyon para magiging wikang panturo partikular sa kindergarten at sa Grades 1-3. Tinatawag itong
MTB-MLE o Mother Tongue Based –Multilinggual Education. Ang mga pamantayan sa mga pagpapatupad
nito ay nakasaad sa DO 16, s. 2012 na kilala rin bilang Guidelines on the Implementation of the Mother
Tongue Based –Multilinggual Education (MTB-MLE). Nakalahad dito na simula sa araling taon 2012-2013,
ipatutupad ang MTB-MLE sa mga paaralan.
 Naaayon ito sa maraming pag-aaral na nagsasabing mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata kung unang
wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral.
 Sa pananaliksik nina Ducher at Tucker, napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa
mga unang taon ng pag-aaral. Ayon sa kanila, mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng
pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang
wika.
 Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE unang nagtalaga ang DepEd ng walong pangunahing wika o
lingua franca at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamiting wikang panturo at ituturo rin bilang
hiwalay sa asignatura. Ang walong pangunahing wika ay ang mga sumusunod: Tagalog, Kapampangan,
Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray at ang apat na iba pang wikain ay ang Tausug,
Maguindanaoan, Mëranao at Chavacano.
 Pagkalipas ng isang taon, noong 2013 ay nagdagdag ng pitong wikain kaya’t naging labinsiyam na ang
wikang ginagamit sa MTB-MLE. Ito ay ang sumusunod: Ybanag para sa mga mag-aaral sa Tuguegarao City,
Cagayan at Isabela; Ivatan –Batanes ; Sambal –Zambales ; Aklanon –Aklan, Capiz ; Kinaray-a –Antique ;
Yakan –Autonomous Region of Muslim Mindanao ; Surigaonon –Surigao City.
 Ito ngayon ang magiging bridge o tulay upang kasunod na mapalakas at mapalusog ang pagkatuto ng
ating wikang pambansa, ang Filipino at gayundin ang wikang Ingles. Sabi nga ni Pangulong Benigno
Aquino III –“We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the world. Learn
Filipino well to connect to our country. Retain our dialect and connect to your heritage.”

3
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
BARAYTI NG WIKA
 Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipagugnayan ng tao sa kapwa tao mula
sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Mula sap ag-uugnayang ito ay may nalilinang na wikang
may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito.
 Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap pag-aralan ang pagkakaroon ng iba’t ibang barayting
ng wika. Mababanggit dito ang tungkol sa Tore ng Babel mula sa Bibliya sa Genesis 11:1-9 kung saan
sinasabing naging labis na mapagmataas at mapagalaki ang mga tao at sa paghahangad ng lakas at
kapangyarihan, sila ay nagkaisang magtayo ng toreng aabot hanggang langit. Pinarusahan sila ng Diyos sa
pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba’t ibang wika. Dahil hindi na sila magkaintindihan, natigil ang
pagtatayo ng tore na tinatawag na Babel at dito naganap ang pagkakaiba-iba ng wika ng mga tao.
 Sa kasalukuyang panahon ay pinag aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanansan ng mga
nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na
divergence, ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng iba’t ibang uri o barayti ng wika.
DAYALEK
 Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar
tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.
 Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o
tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit ng isang salita sa para sa isang
bagay, o magkaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba
pang lugar.
 Bagama’t may pagkakaiba ay nagkakaintindihan naman ang mga nagsasalita ng mga dayalek na ito.
Halimbawa: dayalek ng wikang Tagalog ang barayti ng tagalog sa Morong, Tagalog sa Maynila, at Tagalog
sa Bisaya
IDYOLEK
 Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling paraan ng
pagsasalita ang bawat isa. Ito ang tinatawag na idyolek.
 Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita..
 Sinasabing walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito nang magkaparehong-
magkapareho. May pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na rin sa
kani-kaniyang indibidwal na istilo o paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang komportableng
magpahayag.
 Madalas na nakikilala o napababantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging paraan ng
pagsasalita o idyolek.
 Kilala ang idyolek ni Marc Logan kung saan mahilig siyang gumamit ng mga salitang magkakatugma sa
mga nakakatawag pahayag.
 Naging viral sa YouTube ang pabebe girls na nakilala at ginaya pa ng marami sa nausong dub smash dahil
sa kanilang “pabebeng” idyolek.
 Kilala rin ang idyolek ng mga bantog na komentarista sa radio at telebisyon tulad nina “Kabayan” Noli de
Castro, “Magandang Gabi Bayan” ; Mike Enriquez, “Hindi naming kayo tatantanan!” ; Mareng Winnie,
“Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie!”
 Nariyan din ang idyolek ng iba pang kilalang personalidad na madalas nagagaya o nai-impersonate tulad
nina Kris Aquino, “Aha ha ha! Nakakaloka! Okey! Darla!” ; Ruffa Mae Quinto, “To the highest level na
talaga ito!” ; Donya Ina (Michael V), “Anak paki-explain, Labyu!” ; at marami pang iba.
SOSYOLEK
 Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong
gumagamit ng wika.
 Kapansin-pansin ang mga tao ay nagpapangka-pangkat batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang
panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, at iba pa.
 May pagkakaiba ang barayti ng nakapag-aral sa hindi nakapag-aral; ng matanda sa mga kabataan; ng mga
maykaya sa mahirap; ng babawe sa lalaki, o sa bakla; gayundin ang wika sa preso; wika ng tindera sa
palengke; at ng iba pang pangkat.
 Rubrico –ang sosyolek ay isang pahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang
nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan
sa lipunan at sa mga grupo ng kanilang kinabibilangan.
 Para matanggap ang isang grupong sosyal, kailangan niyang matutuhan ang sosyolek nito.
 Wikang Beki (gay lingo) –grupong nais mapanatili ang kanilang pagpapakilanlan kaya naman binabago
nila ang tunog o kahulugan ng salita.

4
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Halimbawa: Churchill –sosyal; Indiana Jones –nang-indyan o hindi sumipot; Bigalou –Malaki (big) ;
Givenchy –pahingi; Julie Andrews –mahuli
 Intensyon –magkaroon ng sikretong lengguwaheng hindi maiintindihan ng mga taong hindi kabilang sa
kanila. Subalit sa kasalukuyan, nagagamit na rin ito ng nakararami. Isang patunay na ang wika ay buhay at
mabilis yumabong.
 Coño –tinatawag ding coñotic o conyospeak isang barayti ng taglish.
 Taglish –may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t masasabing may code switching na
nangyayari
Halimbawa: “Bilisan mo late na tayo”
 Coñotic o conyospeak –mas malala ang paghahalo ng Tagalog at Ingles na karaniwang ginagamitan ng
pandiwang Ingles na make na ikinabit sa mga pawatas na Filipino tulad ng “make basa, make kain, make
lakad”, at madalas ding kinakabitan ng mga ingklitik sa Filipino tulad ng pa, na, lang, at iba pa.
 Jejemon o jejespeak –barayti ng wika para naman sa mga jologs. Isinusulat ng may pinaghalo-halong
numero, mga simbolo, at may magkasamang malaking titik at maliit na titik.
 Jargon –mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay makapagpapakilala sa trabaho o
Gawain.
ETNOLEK
 Barayti ng wika na nagmula sa etnolingguwisikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa
pinagsamang etniko at dayalek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng
isang pangkat etniko.
Halimbawa:
 Ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan
 Ang bulanon na ibig sabihin ay full moon
 Ang kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya
 Ang palangga na ang ibig sabihin ay mahal o minamahal
 Ang paggamit ng mga Ibaloy sa SH sa simula, gitna, at dulo ng salita tilad ng shuwa (dalawa), sadshak
(kaligayahan), peshen (hawak)
REGISTER
 Barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon
at sa kausap.
 Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mas
mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kilala.
 Pormal na wika rin ang nagagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulas ng pagsimba,
seminar o pagpupulong, talumpati, korte, paaralan at iba pa.
 Kapag susulat ng panitikan, ulat at iba pang uri ng pormal na sanaysay ay pormal na wika rin ang
ginagamit.
 Di pormal –paraan ng pagsasalita ay nagagamit kapag kausap ang mga kaibigan, malalapit na kapamiya,
kaklase, mga kasing-edad, at ang matatagal nang kilala.
 Nagagamit ito sa mga pamilyar na okasyon tulad ng kasiyahang pampamilya o magbabarkada, gayundin
sa pagsulat ng liham-pangkaibigan, komiks, sariling talaarawan at iba pa.
PIDGIN
 Ito ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s native language” o katutubong
wikang di pag-aari ninuman.
 Makeshift language –dalawang taong may kanya-kanyang katutubong wika at walang nalalaman sa wika
ng bawat isa

5
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
ANG WIKA AT ANG LIPUNAN
 Lingua Franca –wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan; wikang ginagamit upang lubos na
magkaunawaan ang mga namumuhay sa isang komunidad
 Filipino –ang lingua franca ng Pilipinas
 Durkheim –isang sociologist, nabubuo ang lipunan ng mga taong naniniharan sa isang pook; ang mga
taong nasa isang lipunan ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan; sila ay namumuhay, nakikisama
at nakikipagtalastasan sa bawat isa.
 Michael Alexander Kirkwood Halliday (MAK Halliday)- naglahad ng anim na tungkulin ng wika na
mababasa sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of Language.
1. Instrumental –tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-
ugnayan sa iba.
2. Regulatoryo –tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.
3. Interaksyonal –ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa
4. Personal –saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang
pinag-uusapan
5. Heuristoko –ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng ipormasyong may
kinalaman sa paksang pinag-aaralan
6. Impormatibo –kabaliktaran ng heuristiko. Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa
paraang pasulat o pasalita.

 Roman Jakobson –isa sa mga pinakamagaling na dalubwika ng ikadalawampung siglo. Isa siya sa mga
nagtatag ng Linguistic Circle of New York. Ang kanyang bantog na functions of language ang kanyang
naging ambag sa larangan ng semiotics.
 Semiotics –pag-aaral sa mga palatandaan at simbolo at kung paano ito gamitin.
1. Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) –saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin
at emosyon.
2. Panghihikayat (Conative) –ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa
pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) –ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at
makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit Bilang Sanggunian (Referential) –ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at
iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual) –ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan
ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (Poetic) –saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya
ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.

6
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
MGA SITWASYONG PANGWIKA

Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon

 Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng


mamamayang naaabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumadami ang
manonood ng telebisyon saanmang sulok ng bansa sapagkat nararating na nito maging ang malalayong
pulo ng bansa at maging mga Pilipino sa ibang bansa.
 Ang magandang balita, wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. Ang
halos lahat kasi ng mga palabas sa mga lokal na channel ay gumagamit ng wikang Filipino at ng iba’t ibang
barayti nito. Ito ang wika ng mga teleserye, mga pantanghaling palabas, mga magazine show, news and
public affairs, komentaryo, dokumentaryo, reality TV, mga programang pang-showbiz, at maging mga
programang pang-edukasyon.
 May mangilan-ngilang news program sa wikang Ingles subalit ang mga ito’y hindi sa mga nangungunang
estasyon kundi sa ibang lokal na news TV at madalas ay inilalagay hindi sa primetime kundi sa gabi kung
kalian tulog na ang nakararami.
 Ang pagdami ng palabas pantelebisyon partikular ang mga teleserye o telenobela at mga pantanghaling
programa o noontime show tulad ng Eat Bulaga at It’s Showtime na sinusubaybayan ng milyon-milyong
manonood ang isa sa malalaking dahilan kung bakit ang halos lahat ng mamamayan sa bansa ay
nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Malakas ang impluwesya ng mga programang ito na
gumagamit ng wikang Filipino sa mga manonood. Hindi kasi uso ang mag-subtitle o mag-dub ng mga
palabas sa mga wikang rehiyonal.
 Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga
mamamayan sa Pilipinas ang napakagsasalita ng Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa wikang
ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan.
 Sa mga probinsiya, kung saan rehiyonal na wika ang karaniwang gamit ay ramdam ang malakas na
impluwensya ng wikang ginagamit sa telebisyon.
 Makikita sa mga paskil o mga babalang nasa paligid ng mga lugar na ito ang paggamit ng wikang Filipino
tulad ng “Bawal Pumarada Rito” o “Bawal Magtapon ng Basura Rito”.
 Kapag nagtanong ka ng direksyon sa wikang Filipino ay sasagutin ka rin ng wikang ito. Patunay ang mga
ito na habang dumarami ang manonood ng telebisyon ay lalong lumalakas ang hatak ng midyum na
ginagamit dito sa mga mamamayang Pilipino saanmang dako ng bansa at maging ng mundo.

Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo

 Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng mga estasyon ng
radyo sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino at iba’t ibang barayti nito. May mga programa rin sa
FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbo-broadcast subalit nakararami pa rin
ang gumagamit sa Filipino. May mga estasyon sa radyo sa probinsiyang may mga programang gumagamit
ng rehiyonal na wika pero kapag may kinapanayam sila ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipag-
usap.
 Sa mga diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit ng mga broadsheet at wikang Filipino sa mga
tabloid maliban sa People’s Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles. Subalit tabloid ang mas
binibili ng masa o mga karaniwang tao tulad ng mga dryaber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga
ordinaryong manggagawa, at iba pa dahil mas mura at nakasulat sa wikang higit nilang naiintindihan, kaya
naman masasabing mas malawak ang impluwensya ng mga babasahing ito sa nakararaming Pilipino. Iyon
nga lang, ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay hindi ang pormal na wikang karaniwang
ginagamit sa broadsheet. Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumingaw na headline na naglalayong
makaakit agad ng mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan ding sensasyonal at litaw sa mga ito ang mga
barayti ng wika kaysa sa pormal na Filipino.

Sitwasyong Pangwika sa Pelikula

7
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
 Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon-taon, ang
mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding tinatangkilik
ng mga manonood. Katunayan, sa dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay
sa kinita, lima sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon nga lang, Ingles ang
karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng One More Chance, Starting Over Again, It Takes
A Man And A Woman, Bride For Rent, You’re My Boss, You’re Still The Line, at iba pa. Ang wikang
ginagamit ay Filipino, Taglish at iba pang barayti ng wika.
 Hindi na nga maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radyo, diyaryo, at pelikula.
Maaaring sabihing ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang
makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig o mambabasa na makauunawa at malilibang sa
kanilang palabas, programa, at babasahin upang kumita sila ng mas malaki. Subalit, hindi mapasusubalian
ang katotohanan dahil sa malawak na impluwensya ng wikang ginagamit sa mass media ay mas maraming
mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit sa wikang Filipino. Isang
mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating wikang Pambansa.
 Bagama’t laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino ay madalas na ginagamit
sa mga programa sa radyo at telebisyon, sa tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananaig na tono ay
impormal, at waring hindi ganoong istrikto ang pamantayan sa propesyonalismo.
 Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw,
manlibang, lumikha ng ugong at ingay ng kasayahan (Tiongson, 2012).
 Isang pang-asam at hamon para sa mga taong nasa likod ng mass media at mga taong tumatangkilik sa
mga ito na hindi lang basta lumaganap ang Filipino kundi magamit din ito ng mga nasabing midyum upang
higit na maitaas ang antas ng ating wika.

8
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR

Isa mga mga katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang iba’t
ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng impluwensya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng
media. Sa kasalukuyan ay may iba’t ibang nauusong paraan ng malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng
wikang Filipino at mga barayti nito sa mga sitwasyong tulad ng mga sumusunod:

Fliptop

 Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong
nira-rap ay magkakatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang
pagtatalunan. Kung ano ang paksang sisimulan anumang kalahok ay siyang sasagutin ng kaynag
katunggali. Di tulad ng balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, sa fliptop ay walang
nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang ibinabato ay di pormal at maibibilang sa iba’t ibang
barayti ng wika. Pangkaraniwan din ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa
kalaban.
 Laganap ang fliptop sa kabataan. Katunayan, may malalaking samahan na silang nagsasagawa ng mga
kompetisyong tinatawag na Battle League. Ang bawat kompetisyong tinatampukan ng dalawang kalahok
ay may tigatlong round at ang panalo ay dinedisisyunan ng mga hurado.
 May mga fliptop na isinasagawa sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino lalo sa
tinatawag nilang Filipino Conference Battle. Ang karaniwang paraan ng paglaganap ng fliptop ay sa
pamamagitan ng Youtube. Milyon-milyon ang views ng mga kompetisyong ito. Sa ngayon ay maraming
paaralan na rin ang nagsasagawa ng fliptop lalo sa paggunita ng Buwan ng Wika.
Pick-up Lines

 May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng
isang bagay na madalas maiuugnay sap ag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.
 Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang manliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig,
magpangit at magpa-ibig sa dalagang nililigawan.
 Kung may mga salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up line, masasabing ito’y nakatutuwa,
nakapagpapangiti, nakakikilig, cute, cheesy at masasabi ring corny.
 Madalas itong marinig sa usapan ng mga kabataang magkakaibigan o nagkakaibigan. Nakikita rin ito sa
Facebook wall, sa Twitter, at sa iba pang social media networks.
 Ang wikang ginagamit sa pick-up lines ay karaniwang Filipino at mga barayti nito subalit nagagamit din
ang Ingles o Taglish dahil sa mga kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito.
 Kailangang ang taong nagbibigay ng pick-up line ay mabilis mag-isip at malikhain para sa ilang sandali lang
ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang tanong sa isang nakapagpapakilig na sagot.
 “BOOM!” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag na maliwanag ang koneksyon ng dalawa.
 Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensya ni “Boy Pick-up” o Ogie Alcasid sa programa nilang Bubble
Gang na may ganitong segment.
 Naging matunog din ito lalo nan ang gamitin ni Senadora Miriam Defensor Santiago sa kanyang mga
talumpati; at isinulat pa niya sa aklat na Stupid is Forever. Dito pinagsama-sama niya ang iba’t ibang pick-
up lines, orihinal man niya o hindi. Nagging best seller ang aklat niyang ito kaya’t ngayo’y mas maraming
tao na ang nagpapalitan ng mga pick-up line.
Hugot Lines

 Ang hugot lines na tinatawag ding love lines o love quotes ay isa pang patunay na ang wika nga ay
malikhain.
 Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsa’y
nakaiinis.
 Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng
mga manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang “hugot lines” ang mga tao depende sa
damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan.

9
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
 Minsan ang mga ito’y nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish o pinaghalong Tagalog at Ingles ang
gamit na salita sa mga ito.

Sitwasyong Pangwika sa Text

 Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang text message o
text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Katunayan, humigit-kumulang apat na
bilyong text ang ipinapadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw kaya naman tinagurian tayong
“Texting Capital of the World.”
 Higit na itong popular kaysa pagtawag sa telepono o cell phone dahil bukod sa murang mag-text kaysa
tumawag sa telepono ay may mga pagkakataong mas komportable ang taong magparating ng maiiksing
mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito nang harapan o sa pamamagitan ng tawag sa telepono.
 Sa text nga naman ay hindi mo nakikita ang ekspresyon ng mukha o tono ng boses ng taong tumatanggap
ng mensahe.
 Sa pagpindot din sa keypad ay mas nabibigyan ng pagkakataon ang taong i-edit ang sarili niya at piliin ang
mas angkop na pahayag o salita kaysa sa kung aktuwal niya itong sinasabi sa harapan man o sa telepono.
 Subalit ano ba ang katangian ng wika sa SMS o text? Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas ginagamit
ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag.
 Madalas ding binabago o pinaiikli ang baybay ng mga salita para mas madali o mas mabilis itong mabuo.
160 characters (titik, numero, at simbolo) lang kasi ang nilalaman ng isang padalahan ng isang mensahe
kaya nangyayari ito kaya makatipid sa espasyo at para mapabilis ang pagpindot sa maliit na keypad ng cell
phone.
 Walang sinusunod na rule o tuntunin sa pagpapaikli ng salita, gayundin kung sa Ingles o a Filipino ba ang
gamit basta’t maipadala ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali, at kahit paano’y naiintindihang
paraan.
 Kadalasa’y nakapagdudulot ng kalituhan ang ganitong mga paraan ng pagpapahayag sa text o sa SMS
subalit ito’y tinatanggap ng lipunan bilang isa sa mga katangian ng wika.
 Ang wika ay buhay at dinamiko. Patuloy itong nagbabago at yumayabong at sumasabay sa pagbabago ng
panahon.

Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet

 Sa panahong ito ay mabibilang na lang marahil sa daliri ang talo lalo na ang kabataang wala ni isang social
media account tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Pinterest, Tumblr, at iba pa. Maging mga
nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizens na umaarangkada ang social life
sa pamamagitan ng social media.
 Marami ang nagtuturing ditong isang biyaya dahil nagiging daan ito ng pagpapadali ng komunikasyon sa
pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay lalo na iyong mga malalayo sa isa’t isa o matagal nang
hindi nagkikita. Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga naka-post na
impormasyon, larawan, at pagpapadala ng pribadong mensahe gamit ang mga ito.
 Kumusta din kaya ang paggamit ng wika sa mga social media? Tulad din ng sa text, karaniwan ang code
switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang pagpapaikli ng mga salita
o paggamit ng daglat sa mga post at komento rito. Gayunpaman, dahil di tulad ng text o SMS na ribado o
iisang tao lang ang inaasahang makabasa, sa social media ay mapapansing mas pinag-iisipan ang mga
salita o pahayag bago i-post dahil mas maraming tao ang makakabasa nito. Sa post o komento ay madalas
makita ang edited. Ibig sabihin, may binago o inayos ang nag-post o nag-komento pagkatapos niyang
mabasa ang kanyang isinulat.
 Sa Internet bagama’t marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalamang
nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito.
10
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Napakalawak at napakarami kasi ng mga taong konektado sa Internet na umaabot sa mahigit 3 bilyon sa
buong mundo. Sa Pilipinas, nasa 39.470 milyong katao ang konektado sa Internet sa taong 2015 at ito’y
dumarami nang 10% taon-taon. Bagama’t nasa 39.43% na ito ng buong populasyon ng Pilipinas ay nasa
1.35% lamang ito ng kabuoang bilang ng mga taong konektado sa Internet sa buong mundo.
 Ang pangunahing wika sa mga website at sa iba pang impormasyong mababasa, maririnig, at
mapanonood sa Internet ay nananatiling Ingles.
 Ano-ano nga ba ang mga babasahin at impormasyong nakasulat sa wikang Filipino sa Internet? Mababasa
rito ang mga dokumentong pampamahalaan tulad ng ating saligang batas, mga kautusang
pampamahalaan mula sa iba’t ibang kagawaran, mga impormasyon mula sa iba’t ibang sangay ng
pamahalaan, gayundin ang maraming akdang pampanitikan, mga awiting nasusulat sa ating sariling wika.
 Isang hamon ito para sa hinaharap, ikaw na nagbabasa nito ay maaaring makatulongsa pagpapalaganap
ng wikang Filipino sa mundo ng Internet. Bagama’t di pa sapat ay mahalaga ang pagtutulungan ng bawat
isa upang kung anuman ang mayroon tayo sa kasalukuyan ay lalong madagdagan o maparami pa upang sa
hinaharap ay lalo pang mapayaman o mapalaganap ang paggamit ng Wikang Filipino sa mundong
tinatawag na virtual.

Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan

 Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo na
sa mga pag-aari o pinamumunuhan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies. Ito rin ang
wika sa Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na iyong mga kompanyang nakabase sa
Pilipinas subalit ang siniserbisyuhan ay mga dayuhang costumer.
 Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan, kontrata, at iba pa ay gumagamit din ng
wikang Ingles. Ang mga web site ng malalaking mangangalakal na ito ay sa Ingles din nakasulat gayundin
ang kanilang mga press release lalo na kung ito ay sa mga broadsheet o magazine nakalthala.
 Gayunpaman, nananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika sa mga pagawaan o production
line, mga mall, mga restoran, mga pamilihan, mga palengke, at maging sa direct selling. Ito rin ang wikang
ginagamit sa mga komersiyal o patalastas pantelebisyon o panradyo na umaakit sa mga mamimili upang
bilhin ang mga produkto o tangkilikin ang mga serbisyo ng mga mangangalakal. Mas malawak at mas
maraming mamimili kasi ang naaabot ng mga impormasyong ito kung wikang nauunawaan ng nakararami
ang gagamitin.

Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan

 Sa bias ang Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan opisina, ahensiya at instrumentality ng pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magagamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon at
korespondensiya,” naging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng
pamahalaan. Ito ang malaking kontribusyon ni dating Pangulong Cory Aquino sa paglaganap ng wikang
Filipino sa pamahalaan dahil hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ang mga pinasimulan niyang mga
inisyatibo sa paggamit ng wika.
 Tulad ng kanyang ina, si Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay rin ng malaking suporta at
pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit niya ng wikang ito sa mahahalagang
panayam at sa mga talumpating ibinibigay niya katulad SONA o State of the Nation Address. Sa buong
panahon ng kanyang panunungkulan ay sa Filipino niya ipinararating ang kanyang SONA. Makabubuti ito
para maintindihan ng mga ordinaryong mamamayan ang kanyang mga sinasabi. Ito rin ay nagbibigay ng
impresyon sa mga nakikinig na pinahahalagahan niya ang wikang ito. Maging sa mga opisyal na pagdinigsa
pamahalaana ay wikang Filipino rin ang ginagamit subalit hindi rin maiiwasan ang code switching lalo na
sa mga salitang teknikal na hindi agad naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino.

Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon


11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
 Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang
hiwalay na asignatura, samantalang ang wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay
na asignaturang pangwika.
 Sa mas mataas na antas ay nananatiling bilingguwal kung saan ginagamit ang wikang Ingles bilang mga
wikang panturo. Bagama’t marami paring edukador ang hindi lubusang tumatanggapsa sitwasyong ito,
ang pagkakaroon ng batas at pamantayang sinusunod ng mga paaralan, pribado man o pampubliko ay
nakatutulong nang Malaki upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral,
gayundin ang wikang Filipino, kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles at makatulong sa mga mag-aaral
upang higit nilang maunawaan at mapahalagahan ang kanilang mga paksang pinag-aaralan.

12
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO (Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal)
Dell Hathaway Hymes

13
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK
1. Pagpili ng Mabuting Paksa
- Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang masusing pag-unawa sa paksa at mga
kaugnay na gawaing ibibigay ng guro. Maiiwasang masayang ang oras at panahon ng isang mag-aaral
kung malinaw sa kanya ang nais ipagawa ng guro at layunin para sa Gawain. Huwag mahiyang magtanong
kung sakaling may ilang bagay na hindi naging maliwanag. Kapag ganap nang nauunawaan ng mag-aaral
ang kanyang gagawin ay magiging mas madali na ang pagbuo nito at maitutuon na niya ang pansin sa
mahusay na paghahanda para sa paksang tatalakayin sa gawin.
ANG PAKSA
- Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang sulating pananaliksik.
Nararapat na ang paksa ay pinag-isipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak
na makabubuo ng isang makabuluhang sulatin.
- Naririto ang ilang tanong na maari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang magpasiya sa paksang
susulatin:
o Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat ng
ukol dito?
o Angkop, makabuluhan at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba ang
magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikular sa mga kaklase ko?
o Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado?
o Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin?
o Marami kayang sangguniang nasusulat na maari kong pagkunan ng impormasyon upang
mapalawak ang paksang ito?
- Kung OO ang sagot mo sa mga tanong, maaaring ito na ang pinakaangkop na paksa para sa iyo. Maaari ka
nang magpatuloy sa ikalawang hakbang ng pananaliksik.

2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)


- Kapag napagpasyahan na ang paksa, bumuo ka na ng iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na
magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik. Naririto ang ilang
tanong na maaaring gumabay o magbibigay direksyon sa pagbuo mo ng pahayag ng tesis.
o Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong maglahad ng impormasyong
magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon?
o Sino ang aking mga mambabasa? Ang guro lang ba ang makababasa ng sinulat ko? Sino pa kaya
ang makakabasa? Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa?
o Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat bang kagamitan o
sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap
ang mga ito?

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya


- Kailangan mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong mga sanggunian. Maari ding
makakuha ng impormasyon mula sa Internet. Maging maingat lang at suriing mabuti ang mga talang
makukuha sa Internet sapagkat maraming impormasyon mula rito ang kaduda-duda o minsan ay walang
katotohanan.
- Para sa epektibong pananaliksik, mahalaga ang paggamit ng mga aklat at ng Internet. Maraming bagong
impormasyon at dokumento ang posibleng nailalathala sa mga aklat kaya’t hindi ka rin makakaasang ang
lahat ng nilalaman ng aklatan ay napapanahon. Gayundin naman, hindi lamang dapat umasa sa mga
impormasyong dala ng Internet lalo na kung galing lang ang mga ito sa mga open web dahil sa kawalang
kasiguraduhan ng mga ito kung tama o beripikado. Mahalagang matiyak na maayos, tama, kompleto, at
beripikado ang mga impormasyong isasama mo sa bubuoing sulating pananaliksik.
- Mula sa iyong nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng pansamantalang bibliyograpiya. Ang bibliyograpiya
ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodik, magasin, web site, at
iba pang nalathalang materyal na ginamit. Makatutulong ang paghahanda ng card ng bibliyograpiya para
14
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
sa bawat sanggunian. Ito’y maaaring isang 3” x 5” na index card na kakikitaan ng sumusunod na mga
impormasyon:
o Pangalan ng awtor
o Pamagat ng kanyang isinulat
o Impormasyon tungkol sa pagkakalathala
 Mga naglimbag
 Lugar at taon ng pagkakalimbag
 Pamagat ng aklat
o Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman
- Ang inihanda mong ito ay mahalaga at makatutulong sa iyong makahanap ng maraming impormasyong
kakailanganin sa susulatin, makapagbibigay ng ideya kung gaano karaming sanggunian ang makukuha o
magagamit para sa paksang napili at mga tala o impormasyong nakalap ay magagamit na sa aktuwal na
pagsusulat nang hindi na kailangang hanapin o balikang muli ang materyal na pinagmulan.

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas


- Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang magbigay direksyon sa pagsasaayos ng
iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-anong materyal pa ang kailangang hanapin. Maaaring gamitin ang
mga inihanda mong card ng bibliyograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking


- Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at card ng bibliyograpiya at tukuyin kung alin-alin sa mga
ito ang kakailanganin sa iyong susulatin. Basahing mabuti at muka sa mga ito ay magtala ng
mahahalaganng impormasyong magagamit sa susulatin.
- Iminumungkahing isulat nang maayos ang iyong mga tala. Gumagamit ng index card na mas malaki kaysa
ginagamit mo sa bibliyograpiya para mapag-iba ang dalawa bukod sa mas marami kang maisusulat sa mas
malaking card. Ang bawat card ay ilalaan lamang sa isang tala. Kung kukulangin ang isang index card ay
maaaring magdagdag pa ng ibang card.
- Maaari kang gumamit ng tatlong uri ng tala:
o Tuwirang sinipi –kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa
simula at dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito
mababasa.
o Buod –kung ito’y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Ito’y maikli subalit
nagtataglay ng lahat ng mahalagang kaisipan ng orihinal na teksto. Ito ang pinakamadalas gamitin
sa pagkalap ng tala.
o Hawig –kung binago lamang ang mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline


- Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak ung may mga bagay pang
kailangang baguhin o ayusin. Maaari nang ayusin ang dapat ayusin upang ang pangwakas na balangkas ay
maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong burador.

7. Pagsulat ng Burador o Rough Draft


- Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card na tala ay maaari ka nang magsimulang sumulat ng iyong
burador. Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng introduksyon na kababasahan
ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ang katawan na kababasahan ng pinalawig o
nalamnan ng bahagi ng iyong balangkas, at ang iyong konklusyon na siyang nagsasaad ng buod ng inyong
ng mga natuklasan sa iyong pananaliksik.
- Dapat ding isaalang-alang na ang wikang gagamitin ay payak ngunit malinaw; tama ang baybay, bantas, at
kaayusang panggramatika; pormal ang anyo; at karaniwang nasa ikatlong panauhan.

15
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador
- I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong burador. Pag-
ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit, pamaraan
ng pagsulat, at angkop na talababa o footnote. Maaari nang pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin.
Ihanda na rin ang paunang salita, talaan ng nilalaman, at pinal na bibliyograpiya.
- Para sa mga sangguniang nagamit mo para sa aktuwal na pagsulat ay huwag kalilimutang magbigay ng
pagkilala sa may-ari o manunulat ng mga ito sa pamamagitan ng talababa at bibliyograpiya. Mahalaga ang
talababa sa pagbibigay kahulugan sa isang bahagi ng sulating pananaliksik na nangangailangan ng
karagdagang paliwanag.
- Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang mga sumusunod:
o Pangkat-angkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-samahin ang mga aklat, pahayagan,
web site, at iba pa.
o Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit ang apelyido bilang basehan.
o Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba’t ibang estilo ng pagsulat nito. Kung ang napiling
estilo ay American Psychological Association (APA), maaaring sundan ang mga sumusunod na
pattern para maisulat ang mga ginamit na sanggunian.
 Para sa mga Aklat
 Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor (Taon ng Paglimbag) Pamagat, Lungsod ng
Tagapaglimbag: Tagapaglimbag.
 Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin
 Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor (Taon ng Paglimbag) Pamagat ng Artikulo.
Pamagat ng Pahayagan o Magasin, Paglimbag #, (Isyu #), pahina #
 Paraan sa mga Kagamitang Mula sa Internet
 Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo o Dokumento”. Pamagat ng
Publikasyon. Petsa kung kalian sinipi o ginamit mula sa buong web address simula
sa http://

9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik


- Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka
na ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng guro.

16

You might also like