Migrasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kolehiyo ng Arte at Literatura

Departmento ng Araling Pilipino

BULACAN STATE UNIVERSITY


Mc Arthur Highway Compound, Guinhawa,
City of Malolos, Bulacan
(044) 919 7800

4.1 Buod
Dalawang Uri ng Migrasyon
(Hazel F. Quinante)

`Ang proseso ng paglipat, pandarayuhan o pag-alis ng mga tao mula sa


isang pook patungo sa ibang pook o lugar upang doon ay manirahan nang
panandalian o pangmatagalan ay matatawag nating Migrasyon. Alinsunod sa
paksang ito, mayroong isinasaalang-alang na dalawang uri ng migrasyon. Ang
dalawang ito ay ang Push Factor at ang Pull Factor. Ang Push Factor ay ang mga
negatibong salik na nagtutulak sa isang tao o sa grupo ng tao para mandayuhan
at lisanin ang tinitirhang lugar o pook. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang
paghahanap ng kapayapaan, kalamidad, kaguluhan o giyera, pagputok ng bulkan
at kakulangan sa mapagkukuhanan (scarcity). Ang Pull Factor naman ay ang mga
positibong salik na humihikayat sa isang tao o sa grupo ng tao para tunguhin o
mandayuhan sa isang pook o lugar. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang kaunlarang
pangkabuhayan, pag-aaral, malaking kita at marami pang iba.

4.3 Mga Mahahalagang Ideya o Salita

Migrasyon
 Pagiging dayuhan ng mga tao sa isang bansa
 Ang migrasyon ang paglipat ng isang tao mula sa isang lugar patungo sa
ibang lugar

1
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Departmento ng Araling Pilipino

BULACAN STATE UNIVERSITY


Mc Arthur Highway Compound, Guinhawa,
City of Malolos, Bulacan
(044) 919 7800

Push Factor
 Ito ang mga negatibong salik na nagtutulak sa tao para mandayuhan o
lisanin ang tinitirhang lugar o pook
 Ang mga maaaring dahilan nito ay ang paghahanap ng kapayapaan,
kalamidad, pagputok ng bulkan, lugar na nasalanta ng bagyo, o
paghahanap ng hanap buhay o trabaho

Pull Factor
 Ito ang mga positibong salik na humihikayat sa tao para mandayuhan sa
ibang lugar
 Ang maaaring dahilan nito ay upang magtamo ng kaunlarang
pangkabuhayan, makaranas ng pamumuhay sa lungsod o pook urban,
pag-aaral o upang magamit ang kanilang pinag-aralan na hindi nila
magamit sa sariling bayan o isang bayan.

Scarcity
 Kakulangan o kakapusan sa mapagkukuhanan ng pagkain o
pangkabuhayan na maaaring dulot ng pagkapinsala sa mga likas na
yaman ng lugar

4.4 Repleksyon

Sa aking pagbasa at pagtalakay sa dalawang uri ng Migrayon, ang Push


Factor at ang Pull Factor, aking napagtanto na sa kasalukuyang sitwasyon natin
sa bansang Pilipinas, mas marami ang mga negatibong salik o Push Factor na

2
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Departmento ng Araling Pilipino

BULACAN STATE UNIVERSITY


Mc Arthur Highway Compound, Guinhawa,
City of Malolos, Bulacan
(044) 919 7800

nagtutulak sa maraming Pilipino na mandayuhan sa ibang mga bansa tulad ng


Canada, Dubai at United States. Ayon nga sa Philippine Statistics Authority,
humigit-kumulang 2.3 milyon ang bilang ng mga OFW noong ika-30 ng Abril 2019.
Base pa lang dito, marami na akong nakikitang mga posibleng negatibong epekto
tulad ng pagkakahiwalay nila sa kani-kanilang mga pamilya. Magsisilaki ang mga
anak na walang magulang. At may mga anak ding napapabayaan at walang sapat
na patnubay ng magulang. Maaaring mapabayaan ang kanilang pag-aaral at
posibleng malulong sa masamang bisyo. Bukod pa rito, lumiliit ang populasyon ng
iniwanang lugar, ang Pilipinas, samantalang lumalaki naman ang nilipatang lugar.
Lumalaganap ang penomenang tinatawag nating “brain drain” na kung saan ang
lahat or karamihan sa magagaling na manggagawa nating Pilipino o mga
propesyonal ay pumupunta sa ibang bansa at doon nagtatrabaho. Sari-saring
propesyonal ang nagpasyang magtrabaho sa ibang bansa dahil maganda ang
sahod at benepisyo. Hindi sila masisisi, dahil hangad naman ng bawat tao ay
magkaroon ng ginhawa sa buhay para sa pamilya at para sa sarili. Ang masamang
epekto, nawawalan ng mga propesyonal ang bansa. Sa kabila ng mga negatibong
epekto na ito, mayroon pa rin na mga positibong epekto ang nadudulot ng
migrasyon sa ating bansa. Dahil sa mga OFW, tumataas ang Gross National
Product o ang GNP ng bansang Pilipinas na nakatutulong sa pagtaas ng ating
ekonomiya. Bukod pa rito, nagkakaroon tayo ng integrasyon at
naiimpluwensyahan ng multiculturism na kung saan nagiging bukas tayo sa mga
imluwensiyang banyaga na mas makatutulong at makapagpapadali ng mga pang-
araw-araw nating gawi at gawain. Para tapusin ang diskusyong ito, masasabi kong
malaki ang pagbabagong dala ng migrasyon. Maaaring itong magdulot ng mga
positibong epekto at negatibong epekto hindi lamang sa isang

3
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Departmento ng Araling Pilipino

BULACAN STATE UNIVERSITY


Mc Arthur Highway Compound, Guinhawa,
City of Malolos, Bulacan
(044) 919 7800

tao kundi ay maging sa buong bansa. Dapat tayong maging bukas at maalam sa
bagay na ito bilang mga mamamayang Pilipino at bilang mga pag-asa ng bayan
nang pagdating ng panahon na ang henerasyon na natin ang nanunungkulan sa
nagseserbisyo sa bansa, magawan natin ng paraan upang mabawasan ang
negatibong epekto at negatibong salik ng pandarayuhan ng mga kapwa nating
Pilipino. Dahil lagi dapat nating tatandaan na importanteng sariling bayan muna
natin an gating pagsilbihan bago ang iba.

4
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Departmento ng Araling Pilipino

BULACAN STATE UNIVERSITY


Mc Arthur Highway Compound, Guinhawa,
City of Malolos, Bulacan
(044) 919 7800

You might also like