Pokus NG Pandiwa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: ________________________________________ Iskor: __________

Activity Sheet # ________ Grade and Sec.: _____________

A. Bilugan ang paksa. Kahunan ang pandiwa. Isulat sa patlang kung


pokus sa aktor o gol.

_______________ 1. Si Bert ay bumili ng tinapay.


_______________ 2. Ang bato ay inihagis ni Totoy.
_______________ 3. Naglaba si Anita ng mga damit.
_______________ 4. Ang kurtina ay ikinabit ni Luisa.
_______________ 5. Nagpunta si Ramon sa ospital.
_______________ 6.Sumigaw nang malakas si Randy.
_______________ 7. Diniligan ni Ana ang mga halaman.
_______________ 8. Ang mga panauhin ay dumating na.
_______________ 9. Hinipan ni Nena ang kandila.
______________ 10. Sinagutan ni Ernesto ang pagsusulit.

B. Bilugan ang paksa. Kahunan ang pandiwa. Isulat sa patlang kung


pokus sa benepaktib o lokatib.

______________ 11. Ibinili ng damit ni Bel si Lisa.


______________ 12. Pinuntahan ng mga bata ang museo.
______________ 13. Si Ana ay ipinagluto ng lugaw ni Mario.
______________ 14. Ang aso ay pinakain ng buto ni Delfin.
______________ 15. Ang puno ay pinagpugaran ng mga ibon.
______________ 16. Inihingi niya ng tulong ang mga tao.
______________ 17. Nilooban nila ang lumang gusali.
______________ 18. Ang lumang bahay ay tinirhan ko.
______________ 19. Si Lina ay pinagawaan ng damit ni Lea.
______________ 20. Ang kuweba ay pinasok ng mga lalaki.

C. Bilugan ang paksa. Kahunan ang pandiwa. Isulat sa patlang kung


pokus sa instrumental o kawsatib.

______________ 21. Ang sandok ay ipinanghalo niya sa ulam.


______________ 22. Ang patpat ay ipinamalo niya sa pusa.
______________ 23. Ikinapasa niya sa pagsusulit ang kanyang
pagrerebyu.
______________ 24.Ang dekorasyon ay ikinaganda ng paligid.
______________ 25. Ipinamutol niya ng sanga ang itak.
______________ 26. Ikinalungkot ko ang kanyang paglisan.
______________ 27. Ang tabo ay ipinangsalok niya ng tubig.
______________ 28. Ang walis ay ipinang-agiw ni Nanay.
______________ 29. Ikinagalit ng guro ang aking pagsigaw.
______________ 30. Ang dust pan ay ipinangdakot niya sa kalat.

You might also like