Professional Documents
Culture Documents
Romel Misahon Panitikan
Romel Misahon Panitikan
Romel Misahon Panitikan
(201910771)
BS HOSPITALITY MANAGEMENT – 2C
MINORYA
Mayroong higit kumulang 153 etno – linguistics sa ating bansa. Nariyan ang
Moro na mayroong 13 ethnolinguistics at Lumad na mayroong 18 ethno – liguistics na
nanunulayan sa Mindanao. Mayroon ding mga naninirahan sa Hilagang Luzon, nariyan
ang mga nakatira sa kabundukan ng Kordilyera na mayroong pitong (7) mayor ethno –
liguistics, mayroon din sa Hilagang Luzon na tinatawag na Aggaym Kalinga at marami
pang iba. Mayroon ding grupo ng mga Aeta sa Gitnang Luzon at Dumagat, Mangyan at
Palawan Tribes sa Timog Luzon. Natatangi rin ang grubo ng mga Tumandok at Ati ng
Isla ng Panay sa Visayas. Tinatayang nasa 14 hanggang 17 milyong katutubo ang
naninirahan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Hindi maikakaila ang mga naiambag ng mga katutubo pagdating sa ating kultura
at tradisyon; isa na rito ay ang sikat na sikat na Banaue Rice Terraces o ang hagdan –
hagdang palayan. Dahil sa kagandahan ng istruktura nito, ito ay napabilang sa 7 th
wonder of nature. Tunay ngang kahanga – hanga ang mga pangkat ng mga Igorot sa
ating bansa dahil sa kanilang pagsisipag at pagtitiyaga upang mapanatili ang
natatanging ganda ng istruktura ng Banaue Rice Terraces.
DIASPORA AT MIGRASYON
Maraming dahilan kung bakit umaalis ng bansa ang isang indibidwal. Isa na rin
dito ay ang pagbabaka – sakaling mahanap nila ang kanilang tagumpay sa ibang
bansa. Kaya maraming Pilipino ang nangingibang bayan para makipagsapalaran sa
hamon ng buhay. Mayroong mga pinapalad, umaasenso at may iba pa nga’y nakapag-
asawa ng mga dayuhan. Mayroon din namang hindi pinapalad, nariyan yung niloko ng
agency o employer o kaya naman ay napunta sa mga mapang – abusong amo. Ngunit
ganun pa man ay marami ang nagtitiyaga at nagtitiis na mapalayo sa kanilang mga
pamilya para lang kumita at makapag – padala ng malaki – laking pera para sa naiwang
pamliya.
Para sa kaalaman ng lahat hindi madali ang maging isang OFW o magkaroon ng
kamag – anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Dahil araw–araw at gabi–gabi mong
iisipin ang kanilang kalagayan, kung kumakain ba sila sa tamang oras, o
nakakapagpahinga ba sila ng maayos. Kaya naman saludo ako sa mga Pilipinong
nagtitiis at nagtitiyagang maghanap-buhay sa ibang bansa para lang mabigyan ng
magandang buhay ang kanillang mga mahal sa buhay na naiwan dito sa bansang
Pilipinas.