Ethan Jethro Jamiro Ma. Sophia Carmela Lagustan Lance Adrian Tee A1A PAPANIMULA/ KALIGIRAN
Napakahalaga para sa bawat tao o bawat pamilya na magkaroon ng sapat na
paninirahan. Paninirahang hindi siya maiirita, kundi tahanang siya o sila'y masaya. Ngunit sa maralita, lalo na sa mga lugar ng iskwater, maraming demolisyon ang nagaganap; maraming maralita ang nawawalan ng tahanan. Isa sa mga susing usapin para sa mga maralita ang disente at murang pabahay. Marami sa kanilang tinaguriang “tambay” ay mga maralitang nasa mga barungbarong na walang hardin o sala na maaaring pahingahan. Karamihan sa kanila ang nagsisiksikan sa iisang kwarto kung kaya’t ekstensyon ng kanilang tahanan ang lansangan. Ang serbisyong pahabay ay isa sa pangunahing programa ng kasalukuyang administrasyon na kung saan ito ay ang pagbibigay ng murang pabahay sa ating mga kababayan, bilang bahagi ng pagsugpo sa kahirapan. Ito ay isang aksyon ng gobyerno upang mabigyan ng prayoridad sa programang pabahay ang pangangailangan ng mamamayan. Kaugnay nito mayroong iba’t ibang ahensiya ng pabahay ang nagsusulong ng proyekto kagaya ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) Home Development Mutual Fund, National Housing Authority at Home Guarantee Corporation sa pangunguna ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Ngunit hindi lamang ang sisi ay nasa sa gobyerno dahil sila rin ay may mga aksyong at programang ipinatutupad. Kaya naman, nararapat lamang na ang nakalaang pondo para sa pabahay ay buong ibigay at ipamahagi sa mga nangangailangan ng serbisyong ito. Sa pagpukaw ng aming atensyon sa mga nagaganap na isyu na imbes na serbisyo ay nagiging negosyo, nagpagdesisyunan ng grupo na lumikha ng abokasiya na magmumulat sa mga mamamayan upang magsilbing gabay sa kanilang mga karapatan at mag-udyok na kumilos ayon sa ikagiginhawa ng kanilang pamumuhay.
MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN
Kalagayang Pabahay: Serbisyo hindi Negosyo
Marami sa maralitang dinemolis at dinala sa relokasyon ang hindi naman talaga nabibigyan ng sapat na pabahay, ayon sa negosasyon sa kanila bago sila idemolis, bagamat marami talaga sa kanila ang sapilitang tinanggalan ng bahay. Bahala na ang maralita sa erya ng relokasyon pagdating sa pabahay. Ang matindi pa ay ang pagiging negosyo ng pabahay, imbes na serbisyo. Patunay dito ang tinatawag na escalating scheme of payment na kasunduan para sa pabahay, na hindi naman kaya ng mga maralita. Dahil dito, karamihan sa mamamayan ay hindi na naniniwala na isa itong serbisyo bagkus isang negosyo dahil pakiramdam nila na sila ay dinadaya.
RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN
Batay sa aming panimulang pananaliksik at obserbasyon, karamihan sa ating mga kababayan ang hindi nagtataglay o walang matatawag nilang bahay o tahanan. Isa itong malaki at laganap na problema na kinahaharap ng ating bansa dahil ang ilan sa mga kapus-palad nating mamamayan ay walang permanenteng maari nilang tuluyan. Sa halip, sila ay pagala-gala at naninirahan na lamang sa mga iskwater areas. Ito ay mapanganib at lubhang napakahirap ng kalagayan dahil sila ay maaaring paalisin anumang oras dahilan sa hindi sila legal na residente ng lupaing kanilang inuukupa. Ang adbokasiyang pabahay ay makakatulong sa mga mamamayan ng ating bansa at higit lalo ay makakatulong din sa ating ekonomiya.
Ang nais ng grupo ay magkaroon ng sapat na pera na manggagaling mula
sa fund raising activities ng mga malalaking kumpanya na gustong makadagdag sa kanilang CSR at bukal sa kalooban tumulong sa mga nangangailangan. Isa itong paraan upang maipatupad ang aming adbokasiya at makamit ang proyekto ng pabahay sa komunidad ng Brgy. Santiago, Malvar, Batangas. Ang pinakalayunin ng grupo ay ang maitaguyod ang katagumpayan ng adbokasiya. Isa na rito ay ang pag-uulat sa pamahalaan ng komunidad ng Brgy. Santiago, Malvar, Batangas upang ang mga mamamayan ay higit na maliwanagan at ganoon din sa mga opisyales ng komunidad para makapaghanda sa magiging proyekto. Kasunod ay ang pag-hingi ng tulong sa mga malalaking kumpanya na handa, kaya at gustong tumulong sa mga mamamayan na nangangailangan ng pabahay upang magkaroon ng sapat na pera para sa materyales upang sa ganitong paraan ay mataas ang kalidad ng bahay na maipapagawa at ang bilang ng mga gagawing bahay ay sasapat sa mga nangangailangan nito. Pagkatapos ng mga hakbang na ito ay ang pagbibigay ng sapat na oras para makahanap ng trabaho para may pagkakitaan at supplies dahil malaki ang posibilidad na ang mahihirap ang matutulungan ng proyektong ito, ang supplies ay para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan ngunit inaasahan pa rin na tulungan nila ang sarili nila. Ang huling layunin ng aming grupo ay ang pagsuri o pagsagawa ng ebalwasyon kung ang mga natulungan ay napapanatili ang maayos na pamumuhay at pabahay.
DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
Ang konseptong papel na ito ay magbibigay at magpapakita ng mga maaaring
solusyon sa mga taong nangangailangan ng permanenting tirahan. Sa pamamagitan sa isang vidyo ng adbokasiya na isasagawa ng grupo, maipapakita nito ang mga posibleng rason kung bakit ang problemang ito ay nanatili pa rin at kung ano ang mga maaring solusyon para malutas ito. Gagawin ng grupo ang adbokasiya sa pamamaraan ng pag- interbyu sa mga taong may nakisama o kasangkot sa mga grupo ng serbisyong pabahay. Lahat ng klip ng vidyo na gagamitin ay gagawin sa anyo o estilo ng dokumentaryo. Bago mag simula ang interbyu, gagawa muna ang grupo ng mga tanong na nakabase sa sitwasyon ng mga serbisyong pabahay ngayon, kagalayan ng mga taong walang bahay o tahanan, at mga posibleng solusyon upang malutas ang problema.
BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA
Ang konseptong papel na ito ay tumatakalay sa kalagayan ng serbisyong pabahay
sa bansang Pilipinas kung saan inaasahan ng grupo ang mga posibleng solusyon na magsisilbing tulong sa mga mamamayan ng ating bansa lalo na ang mga taong nakakaranas ng kahirapan sa buhay. Kaugnay nito, inaasahan ng grupo ang matagumpay na adbokasiyang makakatulong upang mapalaganap ang pagkakaroon ng sapat na pabahay sa mahihirap. Samakatuwid, isinusulong ng mga mananaliksik na makatulong ang konseptong papel na ito sa mga:
• Mamamayan ng bansang Pilipinas na naninirahan sa mga estero kung saan
hindi sila nabibigyan ng sapat at angkop na serbisyong pabahay dahil dito, makakatulong ang konseptong papel na ito upang malaman nila kung kanino at saang ahensya ng gobyerno sila makakahingi ng tulong.
• Barangay Officials na magsisilbing tulay upang matukoy ng gobyerno kung
sinu-sinong mga pamilya ang nangangailangan ng tulong sa serbisyong pabahay.
• Project Developer upang maging malinaw sa kanila ang tunay na sitwasyon
ng mga mamamayan ng bansa lalo’t higit sa mga pabahay na may substandard na materyales.
• Pamahalaan ng Pilipinas upang magkaroon sila ng angkop na plataporma
para mga nangangailangan ng pabahay.
• Mga mag-aaral sa kolehiyo upang magsilbing gabay sa mga hinaharap na
pananaliksik tungkol sa serbisyong pabahay. STORY BOARD
Paano Maipamalas Ang Kakayahang Pampagkatuto Sa Pagbuo at Pagsulat NG Isang Sistematikong Pananaliksik Upang Higit Na Mapalawak Ang Kaisipan Sa Malaking Hamong Pagbabagong Nangyayari Sa Ating Mundo
Ang Relasyon Ko Aking Pamilya Ay Masaya Kaming Nagsasama Kasi Lagi Kaming Nagbobonding at Kapag Meron Kaming Problema Ay Hindi Lang Naming Iniisip Na May Problema