Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

My Father Goes to Court

Carlos Bulosan

Sa maikling kwentong ito nagpapakita lamang kung paano namuhay ng simple at paya
k na pamumuhay ang ama at kanyang pamilya, paano niya pinalaking maayos at masa
ya ang kanyang pamilya at higit sa lahat, kung paano niya dinepensahan ang kanyang
sarili sa atrasong pagnanakaw ng spirit of good wealth and food mula sa mayaman ng
unit malungkot na pamilya.

Sa ganang akin, kung aking ikukumpara ang ama sa kwento at ang aking ama sa reali
dad, sila'y magkalayo at di-magkatulad sa lahat ng aspeto mapa-ugali, pamumuhay at
kung paano umasta. Aking sasabihing, mas gugustuhin ko nalang magkaroon ng ama k
atulad sa kwento kaysa sa kung ano ang mayroon ako ngayon. Ngunit hindi rin maalis
ang katotohanan na ako'y nanggaling sa kanya at hindi ako mabubuhay kung wala siya
at ang aking ina.

Kung aking bibigyang deskripsyon ang aking ama, siya'y mayabang, iniisip niya lang an
g kanyang sariling kapakanan, irresponsable, matakaw na parang wala ng bukas, at higi
t sa lahat, mahilig siyang sumingil ng utang na loob. Ayaw ko mang sabihin ang mga
katangiang ito, kahit balewalain ko ang mga di-magandang ugali niya, ni katiting na ba
gay, wala akong nakikitang magandang katangian sa kanya. Ngunit, bilang isang anak n
iya, ayaw kong magtanim ng sama ng loob at galit sa kanya at akin na lamang nireres
peto ang kanyang posisyon bilang isang ama at bilang isang tao. Dahil sa mga katangi
ang ito, nagbunga ito ng di-magandang pundasyon sa aming pamilya dahil ang aming
haligi ay di matibay ngunit ang aming ilaw ay napakaliwanag at ito ang siyang aming
pinanghahawakan.

Kung aking sasabihin, napakaswerte ko parin dahil may ama pa ako na aking nakakapili
ng at nakakasama, dahil marami diyan mga anak na wala silang ama at naghahanap n
g pag-ibig ng isang ama. Aking masasabi na ako rin ay naghahanap ng pagmamahal n
g isang ama ngunit di ko matagpuan sa aking sariling ama. Gusto ko rin ang isang am
a gaya sa kwento na pinalaki niya ang kanyang mga anak na masaya, malulusog, masis
ipag at responsable.

Sa pagdaan ng taon, aking ring babalikatin at gaganapin ang tungkulin bilang isang ha
ligi ng tahanan. Hindi ko ikinakahiya ang aking ama dahil sa hindi niya pagganap ng
maayos ng kanyang tungkulin bilang isang ama ngunit nais kong gawin itong inspirasy
on upang huwag ko ng tularan at sundan ang kanyang tinahak na landas ng pagiging
ama. Bagkus, ako'y magiging isang ama sa aking mga anak gaya sa maikling kwentong
ito. Papalakihin ko ang aking mga anak na masaya, malulusog, masisipag, at mapagm
ahal sa kanilang mga magulang.

You might also like