Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Viaje al Pasado

Gerald Glenn D. Estiaga

Gusto mo bang bumalik at makita ang nakaraan? Maniwala ka man o hindi, ako at

ang mga kamag-anak ko ay nakita at nakabalik sa nakaraan. Gusto mo bang malaman

kung paano namin nagawa iyon?

Naglakbay kami ng 402 kilometrong layo mula sa Makati ng humigit-kumulang

labindalawang oras para masilayan at makabalik sa nakaraan. Umalis kami sa bahay

namin ng alas-tres ng umaga para makaiwas sa mabigat na trapiko. Sa daan na kami

inabutan ng pagsikat ng araw. Tumigil muna kami sa Chowking para mag-almusal at

pagkatapos ay ipinagpapatuloy na namin ang paglalakbay. Matapos ang isang mahaba at

nakakapagod na biyahe, narating na rin namin ang aming destinasyon saktong alas-tres

ng hapon. Ang unang bagay na ginawa namin ay ang matulog sa malambot at

komportableng kama sa kwarto na sa sobrang lamig animoy kami'y na sa Baguio. Matapos

ang sandaling pagtulog, ganap na ala-sais ng hapon, ay lumabas kami para gumala at

mamasyal sa UNESCO World Heritage Site at isa sa 7 Wonder Cities of the World, ang

makasaysayang lungsod ng Vigan.


Bumisita kami sa pinaka-pamosong kalye sa Vigan, ang Calle Crisologo.

Magkahalong gulat at mangha ang naramdaman ko nang makita ang mga istruktura at

mga bahay na itinayo pa maraming mga siglo na ang nakalipas. Para akong naglalakad

sa panahon ng pananakop ng Espanya habang naglalakad sa Calle Crisologo. Ang Vigan

ay itinatag ni Juan de Salcedo noong 1572. Ginawa niya itong kapital noong siya ay

hinirang na Encomendero sa buong rehiyon ng Ilocos. Ngunit bago pa man dumating ang

mga Kastila, ito ay isa ng lugar ng kalakalan. Laking tuwa ko dahil ang mga bahay at iba

pang istruktura doon ay nasa maayos pa ring kalagayan pagkatapos ng maraming siglo.

Napaisip ako, paano kaya kung nakakapagsalita ang mga istrukturang ito, ano kayang

kwento ang sasabihin nito? Tiyak akong marami itong ikekwento; kwento ng

pagkakaibigan, kwento ng katapangan, kwento ng pag-ibig, masayang kwento, malungkot

at nakakagalit na mga kwento.

Pagtapos naming mamasyal, kumain kami ng hapunan sa Cafe Leona. Kumain kami

ng Vigan longganisa, bagnet, at iba pang pagkaing Pilipino. Pagkatapos kumain, bumalik

kami sa aming transient house at doon nagtapos ang unang araw namin sa Vigan. Maaga

naming sinimulan ang aming ikalawang araw dahil marami kaming pupuntahan. Para sa

aming ikalawang araw, tumungo kami sa Ilocos Norte. Una naming pinuntahan ang sikat

na mga windmills. Pagkatapos nito ay pumunta kami sa isang lumang simbahan,

nakalimutan ko ang pangalan ng simbahan ngunit ito ay napakaganda at malaking

simbahan. Bago kami umalis, nanalangin at nagpasalamat muna kami sa Panginoon. Ang

huli naming pinuntahan ay Pagudpud beach. Matapos ang aming mahaba at nakakapagod

na araw ay bumalik na kami sa transient house upang matulog at magpahinga.

Sa huling araw namin, ang tanging lugar na pinuntahan namin ay Vigan dahil

kailangan na naming umuwi paglubog ng araw. Muli kaming namasyal sa Vigan ngunit sa
pagkakataong ito, namasyal kami ng umaga. Bago kami bumalik sa bahay, bumili kami

ng maraming pasalubong para sa pamilya namin. Hindi ko malilimituan ang paglalakbay

na ito dahil labis kaming nasiyahan at marami akong natutunan. Natutunan ko na

mahalaga na mapanatili ang ating kasaysayan at kultura dahil sa ngayon, ang mga

kabataan na tulad ko ay hindi na masyadong nagmamalaksakit sa ating kultura at

kasaysayan. Mahalaga ang kultura at kasaysayan dahil ito ang nagpapabukod-tangi sa

isang bansa.

February 2018

Ilocos Region

You might also like