Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TALUMPATI

Walang silbi ang lahat ng ating mga parangal at mga gawad na natanggap mula
sa ating pagtatapos kung hindi natin ito lubusang magagamit.Sa ating punong guro Sir
Arnel Gabuat, sa ating mga guro, mga magulang, mga bisita at higit sa lahat sa aking
kapwa mag-aaral, magandang umaga sa inyong lahat. Nais ko lamang ilahad sa inyo
kung ano nga ba ang buhay at karanasan ng isang estudyante sa Banga National High
School bilang STEM student.

Ang bawat sakripisyo ng lahat ng mag-aaral ay resulta ng panibagong


pakikipagsapalaran, una o umpisa ng mas mahirap at malaking hamon sa buhay ng tao
na kinakailangan ng tiwala sa sarili. Bilang isang transferee ng BNHS maraming
pagsasakripisyo ang naranasan ko bago ako naging kumportable sa aking paligid.
Grade 11 ng ako’y naglipat dito, bago paman ako makatungtung sa paaralang ito ay
hindi ko talaga gustong mag aral dito dahil naisip ko maraming paaralan ang may mas
maganda at kilala sa larangan ng pagtuturo, pero dahil sa aking magulang na lumaki sa
sa bayan na ito ay wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa kanya. Sa 2 taon
kong pag-aaral sa paaralang ito na kumuha ng STEM strand isa itong malaking biyaya
at oportunidad bilang STEM student bagkus na pagkatungtung mo ng kolehiyo’y hindi
kana mahihirapang pumili ng gusto mong kurso. Maraming nagsasabing ang hirap
maging isang STEM student, mahirap kumuha ng ganitong kurso pagdating sa Senior
High School, marami rin akong narinig na bilang STEM student ay matatalino’t
magagaling , hindi lamang sa larangan ng akademiko kundi sa lahat ng bagay. Oo tama
nga, pero hindi ibig sabihin na mula umpisa hanggang dulo ay puros paghihirap nalang,
kundi mayroon ring kaginhawaan sa mga bagay-bagay na ginagawa. Masaya bilang
isang STEM student ng BNHS dahil hindi ka lamang makikilala sa isang silid aralan
kundi makikilala kapa sa buong paaralan. Kaya bilang isang magtatapos sa paaralang
ito ay hinikikayat ko ang mga mag-aaral na tutungtung ng grade 11 na sa Banga
National High School mag aral at kumuha ng STEM strand sapagkat isa sa
makatutulong sa mag-aaral ay ang kaniyang mga guro at isa ang Banga National High
School sa mga paaralan na may matatalino, magagaling at mapagmahal na guro na
nakilala ko, at isa rin sila sa makakapagpaunlad ng memorya at talento ng isang mag-
aaral.

Ang mataas na paaralan ay isang maikling daanan lamang sa napakahabang


daanang hindi pa natin nalakbay. Kaya naman ipagpatuloy ang pag-aaral sa paaralan
ng Banga National High School at kumuha ng STEM (Science Technology Engineering
Mathematics) na strand at tandaan huwang susuko kahit mahirap na dahil ang gawa sa
pagkabata, dala hanggang sa pagtanda. Maraming salamat at magandang umaga sa
inyong lahat.
MGA AKADEMIKONG

SULATIN

 Talumpati
 Katitikan ng Pulong
 Lakbay Sanaysay
 Bionote
 Pikturyal na Sanaysay

Ipinasa ni: Krenz Goldegayle D. De la Cruz

Ipinasa kay: Gng. Veronica P. Calixton

You might also like