Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

"Field Trip"

Scene 1: Classroom
Guro (Krystyn): (Papasok ng classroom, dinatnan niya na napakagulo nito) Maupo na ng maayos, Abra!
Estudyante (Aclan): Edi kayo, umupo, Ma'am.
Estudyante (Pauline): Istorbo si Ma'am, nagpapaganda ako dito 'e.
Guro (Krystyn): (Napa-iling) Ang hindi ma-upo ay babagsak!
(Biglang nagsi-upuan ang lahat sa narinig.)
Guro (Krystyn): Okay, class. May anunsyo ako.
Estudyante (Aclan): Sana all, may anunsyo!
Estudyante (Buen): Sana all!
(Nagtawanan ang buong klase)
Guro (Krystyn): (Napahawak sa sentido at sumigaw) Tumigil nga muna kayo! Hindi ako makapag anunsyo ng
maayos sa inyo! (Buntong-hininga)
(Tumahimik ang klase ng ilang segundo)
Guro (Krystyn): Balik sa sinasabi ko. Magkakaroon ng field trip ang mga regular na klase sa darating na
Disyembre.
Estudyante (Lenie): Ooh, saan kaya 'to? (Tinapik si Jillian)
Estudyante (Jillian): (Kinausap si Lenie. Magkatabi sila) Nakaka excite naman!
Estudyante (Lenie): (Nagtaas ng kamay) Ma'am, saan po ba 'yan?
Guro (Krystyn): Ito ay gaganapin sa--
Estudyante (Abangon): Baka sa Star City ulit. Ganun naman palagi.
Estudyante (Zyla): HAHAHAHA! Sunog na Star City, baliw!
Estudyante (Pamela): Tawang-tawa, Zyla. Hahaha!
Estudyante (Aeveil): Sunog? ‘Yun ba ‘yung naiwan ka kaya dapat sumunog (sumunod) ka?
Estduyante (Nicole): Ah, okay.
Guro (Krystyn): Ang babastos niyo talaga, Abra, ano? Nakita niyong may nagsasalita sa harap, sabat kayo ng
sabat.
Estudyante (Ethan): Hindi naman, Ma'am, konti lang.
Abra: (Nagtawanan)
Guro (Krystyn): (Nagalit) Aba't 'wag mo kong masagot-sagot, Loanzon! Tumayo ka nga!
Estudyante (Ethan): (Tumayo)
Guro (Krystyn): Sa tingin mo tama ang ginawa mo?
Estudyante (Ethan): (Hindi nasagot, nakatingin lang sa guro)
Guro (Krystyn): Oh ano? Sumagot ka!
Estudyante (Ethan): Ma'am, sabi niyo 'wag kitang masagot-sagot. Ngayon hindi kita sinagot, nagalit ka. Hay
nako. Gulo niyo, Ma'am! (Umupo)
Guro (Krystyn): (Nagbuntong-hininga) Ayun nga, ang field trip ay gaganapin sa… (Hinaan nalang ng mag-
eedit yung pagkatapos ng "sa". Kunwari nalang may sinasabi si Krystyn na kung saan-saan pupunta sa field
trip tapos ipapasok magsasalita ‘to sila habang nagsasalita si Krystyn)

Estudyante (Daniella): (Lumapit sabay bulong sa katabi) Sasama ka?


Estudyante (Neil): (Hindi pinansin) (Lumayo) (Nagpatuloy sa pagbabasa ng libro)
Estudyante (Daniella) (Pabulong) Huy! Kinakausap kita. Bahala ka nga diyan. (Sa isang katabi naman lumapit
sabay bulong din) Sasama ka?
Estudyante (Janelle): Malay ko.
Estudyante (Daniella): Sus! Ang sabihin mo, naghihirap na kayo.
Estudyante (Janelle): Wow! Gusto mo bayaran ko pa yung iyo. Hampas lupa! (Sabay irap)
Estudyante (Daniella): Ang sama ng ugali mo. Sakit mo magsalita. (Nagtampo na parang bata) (Nanahimik
nalang)
Guro (Krystyn): Pwede na kayo magbayad bukas kay Aclan kung gusto niyo. 'Yun lang. Paalam, Grade 9 -
Abra. (Kinuha na ang gamit at umalis)
Estudyante (Aclan): (Sumigaw) Sasama kayo, mga tao? Magbayad na lang kayo sa'kin.
Estudyante (Kurt): Yung mga mayayaman diyan, syempre sasama yan sila. Baka nga sila pa una magbayad.
Hindi ko naman sinasabing si Ella yun (ubo ubo), hindi talaga.
Estudyante (Aeveil): Hindi ko rin sinasabing si Janelle yun.
Estudyante (Pam): Hindi rin si Lenie yun, pero parang ganun na nga.

1
Estudyante(Cristian): Hindi ko rin sinasabing ako yun. Charot. Hindi ako mayaman.
Estudyante (Nicolle): Walang nagtatanong, Cristian. (Irap)
Estudyante (Dyze): Bayaran niyo kami!
Estudyante (Buen): Baka pagsapukin namin kayo pag 'di niyo kami binayaran.
Estudyante (Yvan): 'Yan nanaman ang pambuburaot niyo. Matuto nga kayong tumayo sa sarili niyong paa.
Estudyante (Ethan): Ikaw kaya tanggalan namin ng paa?
Estudyante (Kelvin): Ops! Tama na 'yan. May susunod pa na klase. Mamaya niyo na lang pag-usapan 'yan.

Scene 2: Bus
(Sasakay ng Bus, tinutulungan sila ng Guro nila na umakyat)

(Nakasakay na lahat)
Guro: Okay, Abra! (Nagsitingihan lahat) dahil sumama kayong lahat, solo niyo ang bus. Pero! Hindi ibig
sabihin niyan ay mag-iingay na kayo. Maging mahinahon ang lahat para walang madisgrasya, okay?
Abra: (Parang walang pake at bumalik na sa mga ginagawa nila)

(Papakita na kunware nagbabyahe na ang bus tapos sa gitna ng byahe biglang lumakas ang ulan)
Estudyante (Abby): Anlakas ng ulan, makakapunta kaya tayo sa mga lugar na pupuntahan natin?
Estudyante (Aeveil): Oo nga, kasing lakas ng pagmamahal ko sayo. (lambot amputek)
Estduyante (Asenath): (Nandiri) Tumigil nga kayo, nakakadiri.
Estudyante (Aeveil): Inggit ka lang.
Estudyante (Zyla): Paanong maiinggit ‘yan, andyan naman si Neil niya!
(Nag-ayie lahat ng kaklase niya)
Estudyante (Rhydel): Uh, not to break the fun, guys. Masyado na atang malakas ‘yung ulan. Are we sure na
ipagpapatuloy natin ‘to?
Estudyante (Tristan): Oo nga, dude. (Tinawag si Guro) Ma’am! Sure po ba kayo, baka po madisgrasya tayo
pag pinagpatuloy pa natin ‘tong byahe.
Estudyante (Jillian): Ang O.A niyo naman. Ulan lang ‘yan. Hindi naman kayo dadami. Isa pa, nasa loob
naman tayo ng bus.
(Biglang lumapit si Guro)
Guro (Krystyn): Okay, Abra. Mukhang may punto sila. Kung gusto niyo, magstay muna tayo doon sa bahay
namin dati. Malapit lang naman dito ‘yun at wala nang nakatira ‘don. Okay lang ba sa inyo?
Estudyante (Yvan): Okay lang sa’kin, Ma’am.
Estudyante (Nald): Okay lang din sa’kin, Ma’am.
Estudyante (Lenie): At mas lalong okay lang din sa’min, Ma’am. Mahirap na Ma’am.
Guro (Krystyn): Eh ‘yung iba?
Estudyante (Buen): Basta may pakain kayo, Ma’am.
Estudyante (Neil): Oo nga, Ma’am.
Estudyante (Aeveil): Nakakagutom kaya ‘yung byahe, Ma’am.
Guro (Krystyn): Aba’t ang kakapal ng mukha niyo. Wala ba kayong mga baon?
Estudyante (Kurt): Ililibre daw kami ni Ella, Ma'am.
Estudyante (Ella): (Tumingin ng masama) Puro ka libre, wala ka bang magulang?
Estudyante (Kurt): Mayaman ka eh. Sayang 'yung pera mo kung 'di mo gagastusin.
Estudyante (Ella): Hindi ako 'yung mayaman, magulang ko. Kung ako 'yun, edi sana pinag-aral pa kita.
(Hinubad 'yung isang sapatos) (Akmang papaluin si Kurt ng sapatos) Sapatusin kita diyan eh!
Estudyante (Pauline): Go, girl!
Estudyante (Kelvin): Tama na yan, mga sis.
Estudyante (Pauline): (Humarap kay Jillian) Ayos lang ba make-up ko? Magandahan kaya si Nald sa akin?
Estudyante (Jillian): 'Yung liptint mo, kulang. Dagdagan mo pa, Sis.
Estudyante (Pauline): (Dinagdagan yung liptint niya) Ayan, ayos na?
Estudyante (Jillian): 'Yan! Pwede na! (Pumalakpak pa)
Estudyante (Ella): (Napatingin kay Pauline) Anong pwede na? Pwede nang ingudngod?
Estudyante (Pauline): (Tumingin ng masama)
Estudyante (Ase): (Sumigaw ng maarte ang tono) My gosh, guys! Pwede ba? Kahit ngayon lang tumahimik
kayo. Ang iingay nitong mga 'to!
Estudyante (Abangon): Ikaw nga 'yung maingay eh.
Estudyante (Nicolle): Owww! Ano ka ngayon?
Estudyante (Ethan): Boom sunog!
Estudyante (Asenath): (Umirap)

2
Guro (Krystyn): (Pabulong sa driver) Manong, diretso na tayo sa dati naming bahay. I-inform ko na lang ‘yung
ibang bus na humiwalay tayo. Liko kayo diyan sa may kanto, kuya tapos diretsuhin niyo lang muna. Tuturo ko
na lang ulit ‘yung iba pag malapit na. Tawagan ko lang ‘yung ibang bus.

(Nakapunta sa dating bahay ng Teacher, ‘yung editor na lang bahala magpakita)

Scene 3: Rest House / Dating Bahay ng Teacher


Labas ng Bahay:
Guro (Krystyn): Pasok na, Abra. Dalian niyo at baka mabasa pa ‘kayo.
(Ipakitang tumatakbo papasok dala-dala ang mga gamit/bag na nasa ulo para ‘di mabasa.)

Loob ng Bahay:
(Ipagpatuloy ‘yung scene na tumatakbo ang mga estudyante mula sa loob ng bahay)
Guro (Krystyn): O, pansamantala muna tayong lulugar dito sa luma kong tirahan habang malakas pa ang buhos
ng ulan. Wag muna kayong masyadong manggulo sa bahay na ito, napakaliit lamang nito para sa mga
kalokohan ninyo.
(Tumahimik ang buong klase habang tumungo ang guro sa kusina)
Estudyante (Aeveil): Tara, Abby. Hanap na tayo ng kwarto.
Estudyante (Abby): Sige, bye muna guys. (Umalis ang dalawa)
Estudyante (Cristian): Maglilibot muna ako guys. Balik na lang ako. (Naglibot sa labas)
Estudyante (Nicole): Masyado namang marupok itong bahay na ito.
Estudyante (Pauline): Uh, nakakadiri. Sana ‘di na lang ako sumama.
Estudyante (Abby): Oo nga, mukhang ‘di tayo tatagal sa lugar na ito, hahahaha.
Estudyante (Ella): Oo nga, marupok. Parang si Ma'am. (Napatakip ng bibig) (Nagpigil ng tawa)
(Napatigil ng tawa ang ilang mga bata)
Estudyante (Rhydel): Paano ba yan, pre. Hanap ba tayo ng lugar ng pagpapahingaan?
Estudyante (Tristan): Sige lang, nakakapagod ring tumayo.
Estudyante (Neil): Oy kayo, saan kayo pupunta?
Estudyante (Rhydel): Maghahanap kami ng mauupuan namin.
Estudyante (Dyze): Ay oo nga, susunod na ako, kayo? (Tinuro sila Buen)
Estudyante (Buen): Sige na nga. (Sumunod sila Nald, Ethan atbp)
Estudyante (Yvan): (Nagmadali papunta sa pinto ng gusto niyang kwarto) Oops, ako dito!
Estudyante (Daniella): Oy, anong ikaw dyan? Ako dyan eh!
Estudyante (Ethan): (Pasabi habang naglalakad) May pangalan mo? May pangalan mo?
Estudyante (Kelvin): Guys, kung gusto niyo, iwan niyo nalang mga gamit niyo dito. Wala naman sigurong
kukuha niyan. Kung gusto niyo lang naman, hindi ko naman kayo pinipilit.
Estudyante (Asenath): Ayaw ko nga! Ang dumi dumi nung sahig eh. Eww!
Estudyante (Jillian): Oo nga, madudumihan pa mga gamit namin diyan!
Estudyante (Pam): Ang arte, ha.
Estudyante (Kelvin): Edi 'wag. Nagagalit kayo dyan? Bahala na nga kayo. (Umalis)
Estudyante (Pam): 'Yan. Yari kayo! #feelthepresident. Bahala na nga rin kayo d'yan. (Sumunod kay Kelvin)
Estudyante (Lenie): (Tumigil sa pagcecellphone) Ang arte niyo kasi guys, 'di naman kayo mayaman. (Bumalik
sa pagcecellphone)
Estudyante (Nald): (Napadaan) (Tumigil) Anong meron?
Estudyante (Janelle): Wala, ito kasing maarte. Akala mo kung sino.
Estudyante (Pauline): (Nag-ayos ng buhok para kay Nald kaso tumango lang at umalis din kaya nagmake-up
na lang)
Estudyante (Daniella): (Pinagpag 'yung sahig) 'O ayan, malinis na. 'Wag na kayong maarte.
Estudyante (Asenath): Sige na nga, may magagawa pa ba ako. (Binababa 'yung gamit at sumunod na 'yung iba
na ibaba ang gamit nila)
Guro (Krystyn): (Lumabas galing sa kusina) Okay na ang pagkain niyo. Tulungan niyo ako dito sa kusina at
ilagay sa hapagkainan.
Estudyante (Pauline): (Tumigil sa pagme-make up) May pagkain na, Ma'am? Sige po, tutulong ako (Pumunta
sa kusina)
Estudyante (Nicolle): Kapag pagkain talaga, ang bilis ni Pau.
Guro (Krystyn): Atleast, tutulong. Pumunta ka na rin dito. Oh, ikaw, Nicodemus. Tawagin mo na 'yung iba sa
mga kwarto nila.
Estudyante (Nicole): Ma'am, sige po tatawagin ko na 'yung iba. (Pumunta sa mga kwarto-kwarto)

3
Guro (Krystyn): At kayong natira, tumulong den kayo.
Estudyante (Zyla): Okay po, Ma'am.
Estudyante (Jillian): May plus grade ba 'to, Ma'am? 'Pag meron, tutulong ako.
Guro (Krystyn): Nako, puro ka grades. Tumulong ka na lang din dito.
Estudyante (Zyla): (Walang nagawa kaya sumunod nalang)
Estudyante (Ella): Ma'am pwede pong tumulong?
Guro (Krystyn): Oh, Ella. Nandyan ka pala punta ka na den sa kusina.
(Nagsipuntahan na ang lahat sa Kusina pwera lang ang Guro)

Kusina:
Estudyante (Pauline): Daming pagkain!
Estudyante (Nicolle): Nako, baka ubusin mo 'yan.
Estudyante (Pauline): Grabe ka! Hindi naman.
Estudyante (Asenath): Safe ba 'to? Oh my gosh.
Estudyante (Zyla): (Kinuha ang pagkain) Ma'am, saan 'to lalagay? Teka, nasan si Ma'am?
Estudyante (Ella): Sa hapagkainan daw, Zy.
Estudyante (Zyla): Okay. (Dinala ang pagkain sa hapagkainan at nagsisunuran din ang iba)

Hapagkainan:
(Nag-aayos na ng hapagkainan ng biglang dumating si Teacher)
Guro (Krystyn): Nako, hindi dyan, Pau. (Lumapit kay Pauline) Para dito 'yang pagkain na 'yan (at inilipat ang
pagkain sa ibang upuan)
Estudyante (Pauline): Sorry po, Ma'am.
Guro (Krystyn): Ay hindi, okay lang.
(At nagsidatingan na ang lahat pwera kay Cristian)
Estudyante (Aeveil): Wow, ang sasarap n'yan ah.
Estudyante (Aclan): Kainan na tayo!
Guro (Krystyn): Bago tayo magsimulang kumain, magdasal muna tayo. Corpuz, lead the prayer.
Estudyante (Nicole): ‘Yun oh! Hashtag banal. Hahaha!
Estudyante (Dyze): Bakit ako, Ma’am? Si Cristian nalang.
Estudyante (Yvan): Nasaan ba si Cristian?
Estudyante (Rhydel): Guys, mukhang wala pa dito si Cristian.
Guro (Krystyn): Kayong lahat, hanapin niyo muna si Cristian. Mas maraming maghahanap, mas mapapabilis.
Estudyante (Ella): Hala. Gutom na ako eh.
Estudyante (Aclan): Bakit kasi kailangan lahat pa eh. Kainis!
Guro (Krystyn): Dalian niyo na para makakain na tayo.
Estudyante (Kurt): Ano ba yan! (Nagdabog paalis)
Estudyante (Nald): Ma’am, pwede sila nalang?
Guro (Krystyn): Hindi, kailangan mo ring hanapin si Cristian! Hayo na.
Estudyante (Nald): Sige ho, ma’am. (Napakamot sa ulo) (Umalis)

(Nagsimula na silang maghanap) (Inisa-isa nila lahat ng kwarto. Kada bukas nila ng pinto, ang binabanggit nila
ay "Tian/Cristian". Nalibot na nila ang bahay ng guro ngunit hindi nila nahanap si Cristian. Isang lugar nalang
ang hindi pa nila napupuntahan.)
Estudyante (Pam): (Pumunta sa labas) (Nakita si Cristian na kinukuhanan ng litrato ang paligid) (Hingal na
tumakbo papunta kay Cristian) Hoy! Kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala! Lagot ka 'kala mo ah.
Estudyante (Cristian): (Napatigil sa pagkuha ng litrato) Bakit? Ba't ako lagot?
Estudyante (Pam): Ba naman, kakain na dapat kami sabay wala ka pa. Ayun tuloy, hinanap ka naming lahat.
Estudyante (Cristian): Bakit kayong lahat naghanap? Pwede namang isa lang.
Estudyante (Pam): Bakit ang dami mong tanong, pwede namang sumama ka nalang. Dalian mo nagugutom na
ako. (Naglakad na paalis)
Estudyante (Cristian): (Sumunod) Bakit nga? Huy. Uyy! Bakit? (Pangungulit habang naglalakad)
Estudyante (Pam): (Nainis) Manahimik ka na nga lang! Bigwasan kita dyan eh. Dalian mo.

(Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa hapagkainan. Tinawag na ang iba at nakaupo na silang muli)

Guro (Krystyn): Cristian, pangunahan na ang panalangin. (Mahinahon)

4
Estudyante (Cristian): Sa ngalan ng ama ng anak ng espiritu santo. Panginoon, maraming salamat po sa
patuloy ninyong pagbibigay sa amin ng mga pagkaing aming kailangan upang maging malakas at malusog sa
aming araw-araw na buhay. Maraming salamat din sa aming pagsasama-sama ngayong oras ng pagkain at
nawa’y magkaroon kami ng pagkakataong muli sa susunod pang mga araw na muling magkasama-sama upang
pagsaluhan ang iyong mga magagandang biyaya. Sa pangalan ng iyong anak na si Jesus. Amen.
Guro (Krystyn): Oh siya sige, pwede na kayong kumain. (Pinanood ang mga estudyanteng sumubo bago siya
nagsimulang kumain)
Estudyante (Cristian): (Nilabas ang cellphone)
Guro (Krystyn): (Napatingin kay Cristian) (Napatigil sa pagkain) Bakit hindi ka nakain, Cristian? Nakain na
lahat ng kaklase mo oh. Ayaw mo ba nung niluto ko?
Estudyante (Cristian): (Binaba ang cellphone) Hindi naman po sa ganun, Ma’am. Kakakain ko lang din po
kasi kanina habang natingin-tingin dito sa bahay niyo. Huwag po kayong mag-alala, kakainin ko po ang
inihanda niyo para sa akin pagtapos kong mag-edit. (Ngumiti) (Nagpatuloy sa pagse-cellphone)
Guro (Krystyn): O sige. Basta kainin mo ‘yang pagkain mo. Masamang magsayang ng pagkain, baka
magtampo ang grasya. (Nagpatuloy na sa pagkain)
Estudyante (Cristian): Sige po, Ma’am.

(Unang umalis ang guro sabay sinundan ng iba hanggang sa dalawa nalang silang natira) (Nung dalawa nalang
silang natira, nagsimula nang kumain si Cristian, ang natira ay si Cristian at si Nicolle)
Estudyante (Nicolle): Hoy, maiwan na kita dito.
Estudyante (Cristian): Sige lang, Nicolle. (Nakain pa rin)
Estudyante (Nicolle): (Tumayo na at umalis papunta sa kusina dala ang kanyang plato)
Estudyante (Cristian): (Tumayo na rin at dadalhin na sana ang plato niya sa kusina nang bigla siyang
bumagsak sa sahig)

Kinabukasan:
(Nagising ng maaga ang Guro at nagulat sa nakita)
Guro (Krystyn): (Napasigaw)
(Nagsilabasan dahil sa gulat ang mga estudyante)
Estudyante (Ase): (Napasigaw) Si Cristian ba 'yan?
Estudyante (Pauline): Si Cristian nga! Pero sino ang gumawa niyan?
Estudyante (Lenie): Sino ba huling kasama niyan kagabi?
Estudyante (Aeveil): Umamin na! Di ka naman sasaktan.
(Lumayo ng onti si Nicolle)
Estudyante (Zyla): (Nahalata si Nicolle) Ikaw, Nicolle? Diba kayo 'yung huling natapos kumain kagabi?
Estudyante (Nicolle): Oo! Pero sinasabi ko sa inyo, hindi ako ang pumatay. Ba't ko naman siya papatayin?
Estudyante (Kurt): Bakit 'di ka agad nagsalita nung nagtanong sino huling kasama niya?
Estudyante (Nicolle): Syempre! Natatakot ako na mapagbintangan.
Estudyante (Ella): Pwede din ikaw kasi lagi mo siyang binabara.
Estudyante (Nicolle): Pero hindi ibig sabihin 'nun ako na agad ang pumatay!
Guro (Krystyn): Tama na ang bintangan. Dalhin muna natin tong katawan ni Cristian sa isang kwarto. (Binitbit
nila Ethan, Dyze, Aclan, at Neil ang katawan ni Cristian)

Kwarto:
(Nilapag ang katawan ni Cristian)
Guro (Krystyn): Nako, paano na 'to. Matatanggal ako sa trabaho.
Estudyante (Pam): Ma'am, feeling ko, isa po sa'tin ang pumatay. Hindi niyo po ito kasalanan. Kayo na nga po
ang nagpatuloy sa'min dito. Malaking tulong po iyon.
Estudyante (Abby): Oo nga, Ma'am. Ang pumatay talaga si Nicolle. Diba? (Sabay tingin kay Nicolle ng
masama)
Estudyante (Nicolle): Ano? Paano naging ako. Isa pa, hindi ako mamatay-tao!
Estudyante (Abby): Ikaw lang naman 'yung huling kasama ni Cristian diba? Isa pa may motibo ka! Anlaki
kaya ng galit mo kay Cristian.
Estudyante (Nicolle): Naiinis lang ako sa kaniya pero hindi ako galit!
Estudyante (Abby): Diba? Naiinis daw.
Estudyante (Kelvin): Tama na 'yan. Walang magandang idudulot 'yan. Sa ngayon, huminahon muna kayo.
Estudyante (Zyla): Oo nga, isa pa, isang section naman tayo. Pamilya tayo diba?
Estudyante (Abby): Pamilyang nagpapatayan? Sige. (Biglang labas ng kwarto)

5
Estudyante (Aeveil): (Susundan sana kaso pinigilan ni Rhydel)
Guro (Krystyn): Sige na, magpahinga na muna kayo sa kwarto niyo. Hayaan niyo nalang muna si Abby.
Estudyante (Aeveil): Pero Ma'am--
Guro (Krystyn): 'Wag na makulit. Kung ikaw, gusto mong mapag-isa sabay ginugulo ka namin, anong
mararamdaman mo?
Estudyante (Aeveil): Magagalit po, Ma'am. (Nakayuko)
Guro (Krystyn): Oh, naintindihan mo na?
Estudyante (Aeveil): (Tumango)
Guro (Krystyn): Magpahinga na kayo. Alam kong nagulat kayo sa nangyari ngayon. (Napatingin sa patay na
nakahigang si Cristian) (Nagbuntong-hininga)

(Nagsipuntahan na ang lahat sa kanilang kwarto)

Sa labas ng bahay:
Estudyante (Abby): (Kinakausap sarili) Hanep ha-ha. Pamilya daw pero may nagpapatayan?! Pathetic.

(Dumating si Aeveil)

Estudyante (Ae): Eto tubig oh. (Inabot yung bote na may tubig)
Estudyante (Abby): Salamat. (Ininom yung tubig)
Estudyante (Ae): Abby (Binackhug si abby) wag mo na alalahanin yun.
Estudyante (Abby): (Tinanggal pag kakayakap ni Ae at humarap) Ano?! Panong di ko aalalahanin yun! For
pete sake, Ae! May mamamatay tao tayong kasama! At ang malala hindi pa naten kilala!
Estudyante (Ae): (Naiinis na din) Bakit ka sa akin nagagalit! Wala naman akong kasalanan dun! At ang
importante hindi ikaw yung napahamak! (hinawakan ng mahigpit sa balikat si Abby)

(Biglang natumba si Abby at dumugo ang ilong at nawalan ng malay)

Estudyante (Ae): (Nasambot si Abby at tinapik tapik) Abby!! Abby! Gumising ka Abby!

(Biglang sumulpot si Ethan na kanina pa pala nandon)

Estudyante (Ethan): (Natulala) (Di pa den sya napapansin ni Ae)


Estudyante (Ae): Tulong!! Tulungan nyo ako!! (Biglang nakita si Nald) Hoy! Anong tinitingin tingin mo!
Tulungan mo ako! (Patuloy pa den ang pag agos ng dugo sa ilong ni Abby)
Estudyante (Ethan): (Hindi alam ang gagawin) (Natarantang lumapit kay Ae at inakay si Abby).

Labas ng pinto:
Estudyante (Dyze): (Naghahanap ng signal) Ba't walang signal. Tsk. (Itinaas ang cellphone) (Nakita sila Ae,
nagulat) Hala, anong meron dun. (Nataranta, tinago ang cellphone) (Pinuntahan sila Ae at tumulong sa pag-akay
kay Abby) Huy, anong nangyari dito?
Estudyante (Aeveil): Bigla nalang dumugo ang ilong niya tapos nawalan ng malay! (Natataranta)

(Tumulong na din si Dyze at dinala na nila si Abby sa loob ng bahay)

Sa loob ng bahay:
(Ibinaba nina Ae, Dyze, at Ethan si Abby sa may upuan sa sala)

Estudyante (Aeveil): (Niyugyog si Abby) Abby! Abby! Gumising ka na!


Guro (Krystyn): (Dumating kasama ang ibang mga estudyante) (Napatingin kay Abby) (Nataranta at mabilis
na pumunta kay Abby) Anong nangyari sa kanya?

6
Estudyante (Aeveil): (Habang di binibitawan si Abby) B-biglang nawalan ng m-malay at d-dumugo ang ilong
n-nya (nauutal dahil sa pag iyak).

(Lumapit si Krystyn kay Abby at kinapa ang pulso)

Guro (Krystyn): (Nalulungkot at nakatungong umurong)


Estudyante (Ae): B-bakit?... Bakit?!
Guro (Krystyn): (Malungkot na nagsalita) Wala na sya Aeveil..
Estudyante (Ae): A-ano?! Hindi! Hindi sya patay! (Niyakap si Abby) (Umiyak ng umiyak) Umamin na kayo
kung sino ang mamamatay tao sa inyo!! Pakiusap naman!! (Niyakap ng mahigpit si Abby)

(Biglang sumingit si Ethan)


Estudyante (Ethan): Ikaw ang umamin Aeveil!
Estudyante (Ae): Anong ako ang aamin?! (Tumayo at lumapit kay Ethan)
Estudyante (Ethan): Sinundan kita kanina at may dala kang tubig na binigay mo kay Abby! Maaring yun ang
dahilan kung bakit namatay si Abby! At nakita ko kayong nag aaway kanina malaki ding pruweba yun! Kaya
umamin ka na!
Estudyante (Ae): Aba't! (Susuntukin na sana sya kaso pinigilan ni Krystyn) Anong karapatan mong
pagbintangan ako sa pagkamatay ng Girlfriend ko?! Mahal na mahal ko si Abby at wala akong dahilan para
gawin yun! (Dinuro din si Ethan at pumunta sa kwarto)
Guro (Krystyn): Tumigil na nga kayo! Ethan, Dyze, Nald, Aclan, Neil dalhin nyo na sa kwarto ang katawan ni
Abby. Zyla, Pauline, Asenath, Ella mag handa na kayo ng kakainin at mag gagabi na.

(Dinala ang katawan ni Abby sa kwarto at nag sialisan na din ang iba.)

Hapagkainan:
(Dumating ang gabi at naka-upo na ang lahat sa hapagkainan. Mahahalatang malungkot si Ae)

Guro (Krystyn): Abra. May anunsiyo nga pala ako. Dapat bukas ay makakaalis na tayo kaso 'yung tulay na
dinaanan natin ay natabunan ng lupa dahil sa malakas na ulan na nagsanhi ng landslide. Dahil don ay
pansamantala pa din tayong tutuloy dito.
Estudyante (Pauline): Hanggang kailan kaya kami dito, Ma'am?
Guro (Krystyn): Ewan ko. Hindi pa tayo sigurado.
Estudyante (Ase): Pero ma'am? Baka kami na ang sumunod!
Estudyante (Pam): Ayaw ko pang mamatay!
Estudyante (Kurt): Wag kayong mag-alala ladies. Nandito naman ako para protektahan kayo
Estudyante (Aclan): Baka lalo pa silang matakot sa'yo Kurt.
Estudyante (Ethan): Hindi niyo dapat katakutan si Kurt, ang dapat niyong katakutan si Aeveil. ⁷
Siya ang huling kasama ni Abby!
Estudyante (Ae): (Hindi na lang umimik)
Estudyante (Ethan): Kita mo? Silence means yes.
Estudyante (Ae): (Hindi pa rin umimik at nakatulala lang)
Estudyante (Neil): Hayaan niyo na muna siya. Ikaw Ethan, patayin kaya natin jowa mo. Matutuwa ka ba?
Estudyante (Ethan): Walang ganyanan pre.
Guro (Krystyn): Tama na 'yan. Kumain na muna tayo. Ikaw ang magdasal Nicole.
Estudyante (Nicole): Okay po, Ma'am (nagdasal)

(Fastforward, tapos na kumain at umalis na lahat pero si Ae ngayon pa lang magsisimula)

Estudyante (Ae): (Nung natapos, ay kinuha 'yung tissue sa mesa at pinunas sa bibig at biglang nahimatay at
nabitawan ang hawak na tissue sa baba)

Kinabukasan:

7
Estudyante (Aclan): (Maagang nagising, nakita si Ae sa upuan at nag-goodmorning) Good morning, Ae. Aga
natin ngayon ah. (Nilapitan 'tas nakitang sarado ang mata) Ay tulog pa pala.
(Umalis)
Guro (Krystyn): (Pumunta sa hapagkainan at nakita si Aclan at Ae) (Nilapitan si Ae at hinawakan ang kamay)
Okay ka na ba, Ae? Teka bakit parang lamig mo? (Tinignan ang pulso at dali-daling tinawag si Aclan) Aclan!
Ang kaklase mo, wala ng pulso!
Estudyante (Aclan): (Nagulat sa narinig) Ha? Ano mam?! Natutulog lang po 'yan!
Guro (Krystyn): Lumapit ka dito! At tignan mo ang pulso!
Estudyante (Aclan): (Lumapit at tinignan ang pulso) (Nagulat)
Estudyante (Asenath): (Bagong gising) (Nakita sila Aclan) Oh hi, good morning! Bakit ganiyan itsura niyo?
Umagang-umaga. (Pumunta kila Aclan) May pagkain na ba?
Guro (Krystyn): Asenath, pakicheck nga ang pulso ni Aeveil? (Nauutal) (Nanghihina)
Estudyante (Asenath): Bakit, Ma'am? Hindi kayo marunong? Teka nga. (Chineck ang pulso ni Ae) Oh my
God! (Napaupo sa sahig) (Napatingin sa guro) M-Ma'am, si A-Aeveil…
Guro (Krystyn): (Tumango) Aclan, gisingin mo sina Ethan, Dyze, Nald, at Neil.
Estudyante (Aclan): (Mabilis na pumunta sa kwarto at ginising sina Dyze)

(Inaantok na pumunta sa hapagkainan sila Ethan, Kurt, at Dyze)

Estudyante (Dyze): (Humikab)


Estudyante (Aclan): Ma'am, si Kurt nalang po ang sinama ko kasi ayaw pa po bumangon nila Nald at Neil.
Estudyante (Kurt): Ma'am, ang aga-aga iniistorbo mo kami.
Guro (Krystyn): (Nakatingin kay Aeveil na walang malay) Dalhin niyo ang katawan ni Aeveil sa kwarto. Kayo
na ang magdala Ethan at Kurt. Sumama na rin kayo Aclan at Corpuz.
Estudyante (Ethan, Dyze, at Kurt): (Nagising ang diwa) (Nagulat)
Estudyante (Ethan): Ma'am, meron na namang namatay?! (Hindi makapaniwala)
Estudyante (Asenath): Ano pang hinihintay niyo? Dalhin niyo na sa kwarto si Ae! (Napatakip ng ilong dahil sa
amoy)
Estudyante (Pauline): Bakit puro patayan na lang ang nangyayari dito sa pamamahay na to?! (Naiiyak)

(Binitbit na nila papunta sa kwarto ang katawan ni Aeveil)

Estudyante (Ethan): (Habang naglalakad papunta sa kwarto) Ano ba yan puro ganito nalang ginagawa natin,
taga-dala ng katawan ng kaklase natin.
Estudyante (Kurt): Totoo. Hindi naman ako pinanganak para magbitbit ng katawan ng patay. Hays.

(Nung nakadating sa kwarto)

Estudyante (Aclan, Kurt, Ethan, Dyze): (Napa takip ng ilong)


Estudyante (Aclan): Ambaho na dito! Ilapag na naten si Aeveil para makaalis na!

(Pagkalapag nila ng katawan, silang 4 ay biglang bumagsak)

Sa loob ng bahay:
Guro (Krystyn): (Napapagulo na ang isip) Ano na ang gagawin ko?! Tatlong estudyante na ang namatay sa
hawak ko. Paano ko ito mapapaliwanag sa kanilang magulang, sa paaralan. Hindi ko na alam ang gagawin.
(Napapaluha na).
Estudyante (Jillian): (Dahan dahang lumapit) Ma’am? Nakahanda na yung-
Guro (Krystyn): ANO?!! (Pasigaw na tono)
Estudyante (Jillian): (Napa atras sa ginawang pagsigaw)
Guro (Krystyn): Ano pa ba ang kailangan mo dito?! Iwanan mo muna ako!
Estudyante (Jillian): Sige po. (umalis)

(Naglakad pababa at namataan ang nakatayo sa labas)

8
Estudyante (Jillian): Uy, anong ginagawa mo dito?
Estudyante (Yvan): Ay Jillian, nandito lang ako para magpahangin. Ayaw ko munang pumasok.
Estudyante (Jillian): Ah kaya. Pwede ba kitang makausap?
Estudyante (Yvan): Sige lang, nag-iisa lang naman ako. (Kaunting saglit ng katahimikan)
Estudyante (Jillian): Hindi ko maisip na ito ang nangyayari sa atin. Tatlo na ang nawala sa Abra, kung
magpapatuloy pa ito baka-
Estudyante (Yvan): Please, wag mo nang pag-usapan yan, nandito nga ako upang tumahimik ang isip ko. Kaya
please?
Estudyante (Jillian): Sige, sorry na po.
Estudyante (Yvan): Magpasalamat ka na nandito ka pa. Manalangin ka na lang sa Panginoon na makakaalis
tayo dito ng ligtas at kasama pa ang meron pa tayo.
Estudyante (Jillian): Ok, papasok muna ako sa loob, ikaw?
Estudyante (Yvan): Masimoy ang hangin, eh.
Estudyante (Jillian): Sige, pasok ka kung may kailangan ha. (Tumango si Yvan)

(Habang papunta siya sa kusina, nakita niya sila Neil, Nald, Abangon, Tristan at Zyla)

Estudyante (Neil): Nakita niyo sila Ethan?


Estudyante (Abangon): Pagkagising namin wala na sila.
Estudyante (Nald): (Kinukusot pa ang mata)
Estudyante (Zyla): (Habang nag aayos ng pagkain) Dinala yung katawan ni Aeveil sa kwarto.
Estudyante (Tristan): Saang kwarto?
Estudyante (Zyla): (Tumigil at tumingin sa kanila) Kung saan nakalagay yung mga namatay nating kaklase.
Estudyante (Tristan): (Nagulat) Wala na den si Ae?!
Estudyante (Zyla): Oo. (Nagpatuloy sa pag-ayos)
Estudyante (Abangon): Teka, eh bakit wala pa sila Ethan? Mabigat ba si Ae? (Walang pumansin)
Estudyante (Zyla): Bakit hindi man lang kayo nagulat na patay na si Ae? May kinalaman kayo sa pagkamatay
niya 'no? (Nanghihinalang tumingin kay Neil at Nald)
Estudyante (Neil): Malamang nagsuicide 'yun dahil hindi niya kaya na mawala si Abby.
Estudyante (Nald): (Tumango)
Estudyante (Abangon): Paano mo nasabi, Zyla na may kinalaman kami?!
Estudyante (Zyla): Hanggang dito lang usapan 'wag kang makisingit. (Umirap) (Nagdrawing ng imaginary
line)
Estudyante (Buen): (Dumating) Dyan nagsimula lolo't lola ko eh.
Estudyante (Neil): O, nandiyan ka pala Buen. (Inakbayan)
Estudyante (Zyla): Anlala na ng sitwasyon natin nagawa niyo pang mag-akbayan.
Estudyante (Abangon): Ikaw nga nagawa mo pa akong barahin 'e. (Hindi pa din pinansin)
Estudyante (Neil): Sige, una na kami. Hanapin pa namin sila.
Estudyante (Zyla): Sige, bumalik din kayo. Mag-aalmusal pa tayo.
(Umalis sila Neil, Abangon, Buen, at Nald upang hanapin sila Ethan nang makita nila ang Guro)
Guro (Krystyn): Nandiyan pala kayo. Anong ginagawa niyo?
Estudyante (Nald): Ah, hinanap lang namin sila Ethan, Ma'am. Nakita niyo po ba?
Guro (Krystyn): Hindi din mga anak. Ingat kayo ha. Baka lumabas lang para magpahangin.
Estudyante (Nald): Ganun ba, Ma'am? Sige thank you po.
(At hindi na nila hinanap sila Ethan dahil sa sinabi ng guro)

Sala:
(Nakaupo sila Ase at Pau at may pinag-uusapan)
Estudyante (Pauline): (Nagme-makeup) Grabe na ang nangyayari 'no?
Estudyante (Ase): Sinabi mo pa. Nakakadiri na nakakatakot na ang nangyayari.
Estudyante (Pauline): Sa totoo lang, natatakot na ako pero hindi ko pinapakita kaya ito pa-makeup makeup na
lang para di-
(Hindi natuloy ni Pau ang sinasabi niya nang biglang dumating si Ella)
Estudyante (Ella): Sus. Kahit naman anong mangyari gusto mo lang talaga mag-makeup.
Estudyante (Ase): Hayaan mo nalang siya Ella. (Nagpabango) Ikaw gusto mo? (Inalok si Ella)
Estudyante (Ella): 'Di ayoko nakakahilo yan. Pati ba naman ikaw ha?

9
Estudyante (Pam): (Dumating) Ginagawa niyo?
Estudyante (Ella): Oh Pamela, nandiyan ka pala?
Estudyante (Pam): Ay hindi, wala ako dito. Imagination mo lang ako.
Estudyante (Ella): (Tumawa ng peke) (Umalis)
Estudyante (Pauline): Napakaano mo talaga, Pam. (Nagpatuloy sa pag memake up)
Estudyante (Ase): Hay nako. Nakakastress ang mga nangyayari ngayon. (Nagspray pa ng maraming pabango)
(Inubo) Ikaw gusto mo, Pam?
Estudyante (Pam): 'Di na.
Estudyante (Ase): Pampawala stre-
(Hindi natuloy ang sinasabi ni Ase dahil bigla itong bumagsak kasabay ni Pau na nasa likod niya na nagme-
makeup. Natulala si Pam sa nangyari at hindi alam 'kung anong gagawin.)
Estudyante (Pam): Ase? Pau? 'Wag niyo kong pinagloloko. Hindi magandang biro 'yan. (Nilapitan ni Pam ng
mabagal sila Ase at Pau para kumpirmahin ang hinala niya)
Estudyante (Pam): Hindi, paano? (Biglang takbo at tinawag ang ibang kaklase pati na ang guro)

(Ang lahat ay nasa sala na)

Guro (Krystyn): Anong nangyari, Pam?


Estudyante (Pam): (Nauutal) K-kausap ko lang sila, Ma'am n-nang bigla silang bumagsak.
Estudyante (Nicolle): Paanong nangyari 'yun, Pam? Umamin ka na! (Dinuro dahil sa nangyari sa kaniyang mga
kaibigan)
Estudyante (Pam): Nagawan mo pa akong pagbintangan sa pagkamatay ng mga kaibigan ko? Ako pa
kailangan mong turuan sa pagpanaw nila!!! (Paiyak na tono)
Estudyante (Ella): Kasama ko lang kayo kanina. Tapos umalis na ako ilang segundo pagdating mo. So, nung
pagkaalis ko, napatay mo na agad sila? Bilis mo ah.
Estudyante (Pam): (Hindi makapaniwala) Ano bang sinasabi mo?!
Estudyante (Rhydel): Ikaw ang huling kasama nila, nag-iinarte ka lang dyan para makapagturo ng iba.
Estudyante (Tristan): Wala namang may gusto na mangyari 'to.
Estudyante (Abangon): Paano ka nakakasiguro, ha? Patahi-tahimik ka lang dyan kunwari wala kang pakialam.
Estudyante (Neil): Dinamay mo pa siya.
Estudyante (Buen): Sino pa ba ang gagawa diba?
Estudyante (Yvan): Ba’t siya ba ang tinuturo niyo?
Estudyante (Nicolle): Siya diba ang nagsabi na makitigil muna dito sa lugar na mamamatay lang tayo!
Estudyante (Tristan): Ano naman ang kinalaman non? Nandito tayo para makitigil, hindi ko naman alam na
mangyayari ‘to sa atin.
Guro (Krystyn): Tumigil na kayo, parang awa niyo na.
Estudyante (Jillian): Please guys, tama na. Walang magandang idudulot 'to.
Estudyante (Kelvin): Okay guys, para na rin sa ikabubuti natin. Wala munang aalis ng sala. That way, walang
mamatay sa'tin dahil nakikita natin ang isa't-isa.
Estudyante (Rhydel): Magandang ideya 'yung binigay ni Kelvin. Mabuti pa nga at magsama-sama muna tayo
dito.
Estudyante (Neil): Wait, kukuhanin ko lang libro ko para hindi ako mabagot.
Estudyante (Daniella): Edi kukuhanin ko na din charger ko.
Estudyante (Janelle): Sama ako, mahirap na kung mag-isa ka lang.
Estudyante (Lenie): Sama din ako, kukuhanin ko na din 'yung akin.
Estudyante (Kelvin): Sabi ng wala munang aalis diba?
Guro (Krystyn): Hayaan mo na sila. Basta't bilisan niyo lang.
Estudyante (Neil): Opo, Ma'am.
Estudyante (Buen): Sama ako, Neil.
Estudyante (Neil): Tara.
(At umalis na nga para kuhanin ang kani-kanilang mga gamit)
Guro (Krystyn): Teka lang, mga anak, ha?
Estudyante (Kelvin): Sige lang po, Ma'am.

(Hindi nagtagal ay nakabalik na din ang guro sa sala)


Guro (Krystyn): Hay! (Umupo)
Estudyante (Jillian): Anong ginawa niyo, Ma'am?
Guro (Krystyn): Nagbanyo ako, anak. (Tumawa na may pagkahiya)

10
(Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na sila)
Estudyante (Yvan): Mabuti ligtas kayo.
Estudyante (Daniella): Oo nga 'e. Nakakatakot pero buti kasama ko sina Lenie at Janelle.
Estudyante (Neil): Teka, nasan si Lenie?
Estudyante (Janelle): Kasama lang namin siya 'e.
Estudyante (Kelvin): 'Yan na nga ba ang sinasabi ko 'e. Ang kukulit niyo kase.
Estudyante (Buen): Balikan kaya natin si Lenie?
Guro (Krystyn): Nako! Dalian niyo na.
Estudyante (Janelle): Kami na lang po, Ma'am.
Guro (Krystyn): 'Wag na, hayaan niyo na lang ang mga boys. Neil at Buen, dalian niyo at hanapin niyo na si
Lenie.
Estudyante (Neil): Okay, Ma'am. (Umalis at binalikan kung saan sila pumunta)

Kusina:
(Hindi nila mahanap kahit saan kaya tumingin sila sa kusina)
Estudyante (Buen): (Tinatawag ang pangalan ni Lenie) Lenie?
Estudyante (Neil): (Tinatawag din ang pangalan ni Lenie) LENIEE?
(Nagulat sila sa nakita nila sa kusina. Makikita ang katawan ni Lenie na naka subsob sa lababo ang mukha)
Estudyante (Neil): (Dali-daling nilapitan si Lenie at tiningnan ang pulso)
Estudyante (Buen): Ano sa tingin mo?
Estudyante (Neil): Dre, wala na rin siya. (Malungkot na pag kakasabi)

(Parehong tumango at simulang binuhat ang katawan ng dalaga)

(Dinala nila ang katawan ni Lenie sa kwarto kung saan nila nilalagay ang mga katawan. Pagbukas nila ng pinto,
sila'y nagulat sa kanilang nakita)

Estudyante (Neil): Ethan?!


Estudyante (Buen): Aclan?!
Estudyante (Neil): Dyze?!
Estudyante (Neil at Buen): Sinong nagdala sa kanila dito?

(Biglang nagsara ang pinto ng kwarto at sila’y nakulong sa madilim na lugar)

Estudyante (Buen): Tulong! Tulong! Paalisin nyo kami dito!


Estudyante (Neil): Ayokong sumunod, tulong- (Siya ay natahimik at nagpupumiglas)
Estudyante (Buen): Neil, anong nangyari sa’yo? Tulong!

Sala:
Estudyante (Rhydel): Narinig niyo ba 'yun?
Estudyante (Kelvin): Ano nanaman yon?
Estudyante (Rhydel): Nanggagaling doon sa may kwarto.
Estudyante (Kelvin): Ah, doon. Sige tingnan natin. Guys, maiwan kayo dito. Titignan lang namin.
(Dahan-dahang tumakbo ang dalawa patungo sa kwarto ng kanilang mga napanaw na kaklase)
(Habang dumedepensa si Neil narinig ni Buen ang mga yapak ng dalawa)

Kwarto:
Estudyante (Buen): TULONG! TULONG! Neil, paparating na sila.
(Nahulog ang katawan ni Neil sa sahig at hindi na niya ito narinig)
Estudyante (Buen): (Nasindak, dinadabog na niya ang marupok na pinto) SAKLOLO!
Estudyante (Rhydel): (Hinampas niya ang pinto ng malakas gamit ang matigas na bagay at ito'y bumukas)
Nandito na kami, ba’t ka ba sumisigaw?
Estudyante (Kelvin): Buen, tumakas ka na! Kami na ang bahala dito.
Estudyante (Buen): (Napatingin sa medyo nasira na bagay na ginamit ni Rhydel pambukas ng pinto)

11
Estudyante (Rhydel): (Tinignan ang hawak niya) Ah, ok lang ito. Basta tumakas ka na. Umalis na kayo!
(Hindi na nagsalita si Buen at dali-daling tumakas mula sa kwarto. Habang tumatakbo, napansin nyang hinila
pareho si Kelvin at Rhydel at nagsara muli ang pinto)

Sala:
(Nakitang tumatakbo si Buen papuntang sala)
Estudyante (Yvan): Aba, anong nangyari sayo?
Estudyante (Buen): Sila R---hydel, Kelvin at N-neil. Nandun sa kwarto! Tulungan natin sila! (Hinihingal na
sambit)
Estudyante (Zyla): Ha? Sino ang nananakit sa kanila?
Estudyante (Buen): Basta! Tulungan natin sila!
Estudyante (Nicolle): 'Wag na tayo pumunta dun, baka tayo pa ang madamay! (Hinawakan ang braso nila)
Estudyante (Pam): Bakit 'wag? Tara tulungan natin para malaman natin 'kung sino ba talaga ang pumapatay!
Estudyante (Abangon): Dalian niyo tara na! Ano pang hinihintay niyo?!
(Ang lahat ng tao sa sala ay pumunta sa kwarto)

Sa labas ng pinto ng kwarto:


(Malapit na ang estudyante papunta sa kwarto ng may lumabas mula dito. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita)
Estudyante (Ella): Ma'am?
Guro (Krystyn): (Nagulat) 'O, nandiyan pala kayo. Bakit wala kayo sa sala?
Estudyante (Buen): Wala kang maloloko dito, Ma'am!
Guro (Krystyn): Mukhang hindi ko na maitatanggi.
Estudyante (Nicole): Pero, Ma'am? B-bakit? (Nauutal na tanong)
Guro (Krystyn): Naalala niyo ba ang lahat ng ginawa niyo sa'kin? Lahat ng pambabastos niyo? Lahat ng
pananakit niyo? Lahat! (Flashback: Yung scene na nasa room na sinasagot-sagot siya)
Estudyante (Abangon): Pero bakit, Ma'am? Hindi pa rin sapat 'yun na rason.
Guro (Krystyn): Nako, anak. Hindi niyo alam ang pinagdaanan ko. Hindi niyo ba alam na dahil sa inyo
kailangan kong pumunta ng doktor? (Nang liliit ng mata) Lahat ng ginawa niyo sa'kin, nagdulot ng stress!
Muntikan pa akong magpakamatay. Pero napag-isip-isipan ko na kaysa magpakamatay bakit hindi ko na lang
kayo patayin. Kaya itong field trip na 'to ang isa sa mga nagtagumpay sa plano ko. (Ngumiti ng nakakatakot)
Estudyante (Tristan): Pero, paano niyo po sila pinatay ng hindi nahahalata?
Guro (Krystyn): Madali lang 'yan
(Flashbacks:
- Bago magsimula ang field trip, tinignan niya ang panahon at nalaman niyang uulan. Kaya ang ginawa
niya, pumunta siya sa dati niyang bahay na madadaanan sa field trip nila, makikita sa scene na 'to na
inayos niya na ang lahat. Nilagay niya ang mga pagkain, tubig, at inayos niya ang bahay.
- Pagpatay kay Cristian, pagkatapos magluto ni Krystyn ay may hiniwalay siyang pagkain at nilagyan
ito ng lason. Tapos, ipakita 'yung scene na pinalitan ni Krystyn 'yung plato na nilagay ni Zyla.
- Pagpatay kay Abby, bago pa man mangyari ang pagkamatay ni Abby, may nilagay na si Krystyn na
lason sa inumin nito. Ipakita 'yung bote na kinuha ni Ae sa ref at binigay kay Abby.
- Pagpatay kay Ae, bago pa man ito mamatay ay may inilagay na si Krystyn sa tissue at ipakita 'yung
tissue na ginamit niya at yung umaga na nakita siya ni Aclan pero akala natutulog lang at dumating ang
teacher.
- Pagpatay kay Pau at Ase, noong wala sila Ase ay pumunta si Krystyn sa kwarto nila at hinanap ang
gamit na pwede niyang paglagyan ng lason upang mapatay niya ang mga estudyante. Nakita niya ang
pabango at makeup at naisip niya na iyon nalang upang mamatay agad ang mga iyon. May inihalo si
Krystyn sa pabango at sa makeup sabay ipakita ang paggamit nila Ase at Pau doon.
- Pagpatay kila Ethan, Aclan, Dyze, at Kurt, bago pa man mangyari iyon, may inispray na si Krystyn
na lason. Nakasuot siya ng proteksyon sa mukha at sa katawan habang ginagawa niya ang kanyang
plano. Pagkatapos ay lumabas na siya at isinara ang pinto sabay ipakita 'yung part na dinala nila Ethan
'yung katawan ni Ae sa kwarto at may naamoy silang mabaho at sila'y namatay
- Pagpatay kay Lenie, ipapakita 'yung umalis sila sa sala (pero sa kanya naka focus) para kuhanin ang
charger. Nung nakuha na nila lahat, nasa hulihan siya habang naglalakad sila kaya hindi nila napansin
na dumiretso siya sa kusina. Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitsel. Kumuha din siya ng baso at
sinalinan ito ng tubig. Pagkatapos niyang uminom ay hinugasan niya 'yung basong ginamit niya.
Napansin niyang hindi nalubog ang tubig sa lababo kaya siya'y nagtaka. Dumating si Krystyn. Hindi ito
napansin ni Lenie at chinecheck pa din kung anong problema sa lababo. Hinawakan ni Krystyn ang
buhok ni Lenie at inulubog ang ulo ni Lenie sa lababo hanggang sa mamatay ito.

12
- At pagpatay kila Neil, Kelvin at Rhydel, noong pinatakas nila si Buen, mabilis na pumasok si Krystyn
sa loob na may suot na mask sabay hinila sila Kelvin papasok ng kwarto. At ipakita na lang 'yung
tinatakpan mga bibig nila tas namatay sa loob ng kwarto.)

Estudyante (Daniella, Janelle, Ella): (Napakapit sa isa't isa)


Estudyante (Buen): (Nagagalit) Wala kayong awa! (Dinuro) Pwede nyo naman kaming pag sabihan! Hindi
yung-- (Napahawak sa ulo) hindi yung kelangang mangyari ito!
Guro (Krystyn): Ilang beses ko na ba kayong pinag sabihan?! (Umiiyak) May sumunod ba?! Wala naman
diba? Kaya eto lang ang paraan para maka ganti ako sa inyo HA.HA.HA.HA (Tawang nakakatakot).
Estudyante (Yvan): Ma'am, madadaan naman ho ito sa pag-uusap. Kumalma ho kayo. (Natatakot, nauutal)
Guro (Krystyn): Anong kumalma?! Hindi! Papatayin ko kayong lahat! (Inilabas ang kutsilyo na galing sa
likod)
(Nagulat ang lahat) (Nagpapanic ang iba)
Estudyante (Janelle): (Pabulong) Sino magaling makipaglaban dyan? Labanan niyo! Baka mamatay tayong
lahat dito.
Guro (Krystyn): (Narinig) 'Wag kang bumulong-bulong! Naririnig kita! Gusto mo ikaw unahin ko? Ha?
(Ngumiti na parang baliw) (Itinutok ang hawak na kutsilyo kay Janelle)
Estudyante (Janelle): (Napatingin sa kutsilyo, lumayo/umilag)
Estudyante (Ella): (Pinigilan ang guro) Ma'am, Ma'am, (Nagsenyas gamit ang kamay na parang itigil o ibaba
na ang hawak ng guro) please, ibaba niyo na 'yung kutsilyo. Magkano po ba gusto niyo? Ibibigay ko, Ma'am,
basta po ibaba niyo lang po 'yan.
Guro (Krystyn): (Nagtaka na may halong galit) Anong tingin niyo sakin, mahirap?! Walang pera? Ha? Ganun
ba? ('Kay Ella naman itinutok ang kutsilyo)
Estudyante (Ella): (Napatingin sa kutsilyo, napalayo)
Estudyante (Pam): (Pabulong) Kausapin niyo lang. Kausapin niyo lang. Abalahin niyo siya.
Estudyante (Nicolle): Bakit may naisip ka na bang plano?
Estudyante (Pam): (Inis na bumulong) Basta! Gawin niyo na lang. Eto nalang ang naiisip kong paraan.
Estudyante (Pam): Ma'am, maawa kayo. May mga pangarap pa po kami. (Paiyak na) (Nagpaawa)
Estudyante (Nicolle): (Pabulong) Galingan mo naman umarte!
Guro (Krystyn): Maawa? Bakit? Kayo ba, ni minsan, naawa kayo sakin? Hindi naman diba? (Naiyak) Kaya
bakit ako maaawa sa inyo?
Estudyante (Pam): Pasensya na po. Patawarin niyo na kami.
Estudyante (Ella): Ibibigay po namin lahat ng gusto niyo. Sabihin niyo lang.
Estudyante (Zyla): (Pabulong) (Kinurot sa tagiliran si Ella)
Estudyante (Ella): (Pabulong) Aray! (Hinawakan yung parte na kinurot ni Zyla)
Estudyante (Zyla): Pano pag buhay natin hiningi niyan?! Hindi ka talaga nag-iisip! (Napahawak sa sentido)
Guro (Krystyn): (Napagtanto kung ano ang ginagawa ng estudyante niya) Pinaglalaruan niyo lang ata ako 'e.
(Nagalit, lumapit ng mabagal)
Estudyante (Abangon): Mukhang alam niya na, kailangan natin tumakbo. Sa bilang ko ha, 1...2...3. Takbo!
(At nagsitakbuhan na sila. Si Daniella, Janelle, at Nicole ay magkasama, sila Buen, Abangon, at Tristan, Nald
ang magkasama at sila Ella, Pam, Zyla at Nicolle naman ang magkasama. Habang sila Jillian at Yvan ay
nagtago sa kwarto kung saan sila natulog)
Estudyante (Daniella, Janelle, Nicole): (Tumakbo papunta sa kwarto ng mga patay)
Estudyante (Buen, Abangon, Tristan, Nald): (Pumunta sa banyo)
Estudyante (Ella, Pam, Zyla, Nicolle): (Tumakbo papunta sa pintuan palabas ng bahay)
Guro (Krystyn): (Inunahan sila Pam at hinarangan ang pinto palabas ng bahay)
Estudyante (Nicolle): Hala! (Bumulong) Hawakan niyo si Ma'am.
Guro (Krystyn): Naririnig ko kayo. (Ngumiti na parang baliw)
Estudyante (Pam): Bakit kasi dito tayo tumakbo?
Estudyante (Zyla): Magsisisihan pa ba tayo?
Estudyante (Nicolle): (May naisip) (Ngumisi) Diba mamamatay din naman tayo? I-advance na natin.
Estudyante (Ella): (Nagulat) Uy hanep to oh! Teka lang hindi ako ready!
Estudyante (Nicolle): Pakiabot nung walis.
Estudyante (Pam): (Kinuha) Eto oh! (Hinagis kay Nicolle)
Guro (Krystyn): (Ngumiti ng nakakatakot) (lumapit kay Nicolle)
Estudyante (Ella, Pam, Zyla): (Lumayo)
Estudyante (Nicolle): (Lumapit sa guro)

13
(Nagsimula ang laban ni Nicolle at ng guro. Unang tumira si Nicolle. Hinampas niya ng walis ang guro. Naging
dahilan ito ng lalong pagkainis ng guro. Akmang sasaksakin niya si Nicolle ngunit nakailag ito. Papaluin sana ni
Nicolle ang guro ngunit nahawakan ng guro ang walis. Sumugod naman si Ella, inagaw niya ang walis sa guro
at pinalo ang kamay nito na kung saan naroon ang kutsilyo. Nabitawan ngayon ng guro ang kutsilyo at mabilis
na kinuha ito ni Pam. Silang tatlo ay nakapwesto na at handa na nilang sugurin ang guro. May kinuha ang guro
sa kanyang likod at ito ay cutter. Natawa si Zyla at sinabing, "Ano ba 'yang likod mo? Ilang gamit ba meron
dyan?" Ngumisi lamang ang guro at mabilis na hinila si Pam sabay ginamit nito ang braso upang(parang
hineadlock ganon. Alam niyo yung ginagawa pag may hinohostage? Ganun ginawa niya kay pam). Nahulog ni
Pam ang kutsilyo at kinuha naman ito ni Nicolle. Hinampas ni Ella ang balikat ng guro. Nakaalis si Pam at si
Zyla ay tumakbo papunta sa guro. Tinulak niya ito at inaagaw ang cutter. Napangisi ang apat ngunit hindi nila
alam ay may ilalabas ulit ang guro mula sa kanyang likod. "Ano ba yan? Meron na naman?" Hindi
makapaniwalang tanong ni Nicolle. "Alam kong mangyayari ito kaya may hinanda ako para sa inyo. (Ngumisi)"
Sabi ng guro. "Wow may pahanda. May spaghetti ba dyan?" Pang-aasar ni Ella. Inilabas ng guro ang isang bote.
Nagtakip ito ng ilong at inispray ito sa apat. Bumagsak sila sa sahig at iniwanan na sila ng guro.)

Sa kwarto ng mga patay:


(Pagkapasok nila Daniella, Janelle, at Nicole ay nasindak sila sa amoy at itsura ng kwarto)
Estudyante (Janelle): Grabe! Sa dami-dami ng pwedeng takbuhan ba't dito pa! (Napatakip ng ilong)
Estudyante (Daniella): (Nakatakip ang ilong) Tumahimik ka na lang. Wala na tayong choice.
Estudyante (Nicole): Hindi ba pwedeng lumipat tayo ng pwesto, napakaganda talaga ng tanawin dito.
Estudyante (Janelle): Oo nga. Baka mamatay tayo sa amoy dito, ayaw ko pang sumama sa kanila.
Estudyante (Nicole): Sumilip ka nga, Janelle. Mag-ingat ka ha.
Estudyante (Janelle): Sige (patahimik na sumilip sa paligid ng hallway)
Estudyante (Daniella): May namataan ka ba?
Estudyante (Janelle): Wala (Sinara muli ang pinto)
Estudyante (Daniella): Ay salamat naman, pero pa’no tayo tatakas nito.
Estudyante (Nicole): Alam ko isa lang talaga ang labas nito, at iyon ang sa harap na pinto.
Estudyante (Janelle): Mabuhay man tayo o mamatay, kailangan nating subukang makaalis.
Estudyante (Daniella): Halina nga.
(Iniwan nila ang kwarto at simulang tumakbo pababa sa pinto)

Sa banyo:
(Pumunta sa banyo sila Tristan, Buen, Abangon at Nald upang magtago mula sa guro)
Estudyante (Abangon): Grabe, ang baho rin rito sa banyo. (Sabay takip ng ilong)
Estudyante (Buen): Di ko pa rin akalain sarili na si Ma’am ang may pakana ng lahat ng ‘to.
Estudyante (Abangon): Wala na tayong magagawa. Tayo rin naman ang nagpahirap sa teacher natin eh. Kaya
siya nagkaganito dahil sa atin.
Estudyante (Buen): Oo na, ngayong paano tayo makakatakas. Baka biglang sumipot si Ma’am para tapusin
tayo.
Estudyante (Nald): Tristan, silip ka nga dyan sa bintana.
Estudyante (Tristan): (Sumilip siya sa maliit na bintana) Mukhang hindi pwede lumabas dito at saka masikip
pa, mahihirapan tayong sumiksik.
Estudyante (Abangon): Ikaw lang ‘yon. (Napapilit tumawa ang grupo nang may narinig sila na katok)
Estudyante (Buen): Ha- (Tinakip ni Nald ang bibig ni Buen na muntikang sumigaw)
(Sila ay nakahanda habang bumukas ang pinto at pumasok-)
Estudyante (Yvan): Oy, ba’t kayo nanatili dyan.
Estudyante (Nald): Hanep ka, tinakot mo kami.
Estudyante (Jillian): Hahaha, mabuti na ligtas pa kayo.
(Bumilog sila para mag-usap sa kanilang pagtakas.)
Estudyante (Buen): Nakita niyo ba si Ma’am sa paligid?
Estudyante (Yvan): Wala naman, pero may narinig ako sa taas na ingay.
Estudyante (Abangon): Paniguradong nandoon pa siya kasama ng kaklase natin, sana ligtas pa sila.
Estudyante (Tristan): Nga pala, paano kayo nakatagong dalawa?
Estudyante (Jillian): Nakatago kami sa kwarto kung saan tayo natutulog, nandoon pa ang mga gamit natin.
Kukuhanin ba natin yon?
Estudyante (Nald): Huwag na masyadong delikado. Puro damit lang naman ang nasa loob ng bag ko. Iiwanan
ko na lang ang mga di-importanteng damit alang-alang sa sarili nating kaligtasan. (Sumang-ayon naman ang iba
sa kanyang sinabi)

14
Estudyante (Buen): Paano ba yan, di tayo pwedeng kumasya sa bintana na yan. May alam pa ba kayong
labasan dyan para makatakas tayo.
Estudyante (Yvan): Ah, may alam akong lugar at siguro di yun mapapansin ni Ma’am.
Estudyante (Abangon): Siguro alam rin yan. Total dati niya itong bahay.
Estudyante (Tristan): Kailangan rin nating subukan, alam kasi ni Ma’am na pupuntahan natin ang harap.
Pwede natin siyang lituhin kung sa likod tayo lilikas.
Estudyante (Buen): May choice pa ba tayo?
Estudyante (Nald): Wala na rin akong maisip, eh.
Estudyante (Abangon): Eh, sige. Pero paano yung iba?
Estudyante (Buen): Bahala na sila.
Estudyante (Jillian): Hindi naman natin pwedeng iwanan sila ng ganun-ganon lamang.
Estudyante (Buen): Ito na lamang ang pagkakataon nating makatakas. Huwag na natin itong sayangin.
Estudyante (Nald): Sige sige, basta importante sama sama pa tayo-
(Bigla silang may narinig na sigaw na nanggagaling sa sala)
Estudyante (Tristan): Bili-bili, takbo na!
(Sabay-sabay silang umarangkada at tumakbo palabas sa likod)
Estudyante (Abangon): Yvan, ikaw ang tumakbo sa harap.
Estudyante (Yvan): Sige.

Sala:
(Habang tumatakbo ang grupo nila Yvan, nakita nilang tumatakbo sila Daniella, Janelle at Nicole na hinahabol
ng guro)
Estudyante (Abangon): Hoy, sumunod kayo sa amin.
Estudyante (Daniella): AH, nandito si ma’am. Bilisan ninyo!
(Sumunod ang tatlo at naging buong grupo ang natitirang mga estudyante)
Guro (Krystyn): (Tumakbo ng mabilis) HAHAHA, sige tumakbo kayo. Tingnan ko kung nagawa niyo ng
husto ang P.E. activities ninyo! (Habang tumatawa, hawak-hawak ng guro ang spray).
Estudyante (Buen): Takbo lang kayo mga kasama.
Estudyante (Janelle): Ayun na ba ang pinto?
Estudyante (Yvan): Oo, ito na nga!
(Bahagyang bumagal ang Abra habang binubuksan nila ang pinto)
Estudyante (Nicole): Uh, bumukas ka.
Estudyante (Janelle): (Sinipa niya ng malakas ang pinto at ito’y bumukas) Bilisan niyo na, uh
(Sinakal ni Krystyn si Janelle at dinapuan nito ng lason)
Estudyante (Daniella): Bilisan niyo na, kami na bahala dito.
Estudyante (Jillian): Pero-
Estudyante (Daniella): Isasama kita rito!
(Nakatakas na ang lahat mula sa bahay at sinara ni Daniella ang pinto)

Sa loob ng bahay:
Guro (Krystyn): Ha. HAHAHA. Nakatakas nga kayo, pero hindi na kayo makakalabas rito.
Estudyante (Janelle): (Sinipa na lamang ang guro para mapatahimik ito)
Guro (Krystyn): Wala na akong natitira sa mundo na ito, kaya isasama ko na kayo sa pagtulog!
Hahaha (Nagsimulang mag-spray si Krystyn sa kanilang tatlo)
Estudyante (Daniella): Ah, tigilan mo siya.
(Bumagsak na si Janelle dahil sa lason) (Nagsimula na ring manghina si Daniella)
Guro (Krystyn): Paalam, mundo. Paalam, buhay! (Tumawa pa ito bago ito tuluyang nanghina at pumikit na rin
ito)
(Tapos na ang mga pagpanaw)

Sa labas ng bahay:
Estudyante (Abangon): Sa wakas nakatakas na tayo.
Estudyante (Buen): Pwede na tayong umuwi! (Gumalak silang lahat)
Estudyante (Yvan): Pero wag nating kakalimutan ang mga kaklase nating hindi tumagal sa puntong ito. Maaari
lang na ipangalanin sila upang pumayapa ang kanilang mga kaluluwa.

15
(Tumango silang lahat at nanalangin)...(Dumating ang tsuper ng kanilang bus)

Tsuper (Extra): Mga bata, aalis na tayo. Ayos na ang tulay at pwede na tayong tumuloy...Um, may nangyari
ba?

Estudyante (Nicole, Tristan, Nald, Jillian): Opo, manong.


Estudyante (Buen, Abangon, Yvan): Kung pwede po, uuwi na lang po kami.

Tsuper (Extra): Ah (napansin rin na kulang sila) sige iuuwi ko na kayo.

Narrator: Sumunod ang tsuper sa kanilang mga kahilingan at inuwi sila sa kanilang mga bahay. Ilang araw
muna silang tumahimik at makarekober sa traumang inabot nila. Pagbalik nila sa eskwelahan ay inikwento nila
ang kanilang mga karanasan sa matatas na opisyal. Ito ay ibinalita at nagdaan ito upang maging strikto ang mga
paaraalan sa paggawa nila ng mga lakbay-aral o field trip.

Outro: (Mukha ng guro bago ito pumanaw)

Itong iskrip ay inihanda ni Kelvin Ignacio, Zyla Mae Sanchez, Rhydel Jedd Salgado, Ma. Riella
Yanzon at ng buong suporta ng mga estudyante ng Baitang 9-Abra na kasapi sa maikling pelikula na
“FIELD TRIP”.

16
Note: Itong iskrip o ang mga linya nito ay pwedeng mabago o maiusog depende sa kondisyon, sitwasyon at
natura ng paglikha ng pelikulang "FIELD TRIP".

Iskrip ng
“Field Trip”
mula sa G9-Abra

Miyembro:
Abby Rose Salas
Adrian Aclan
Aeveil Palejaro
Asenath Noquillo
Cristian Lasara
Daniella Arahan
Ma. Riella Yanzon
Ethan Kelvin Loanzon
Janelle Nepomuceno
John Henry Abangon
Kelvin Ignacio
Krystyn Segovia
Kurt Delasa
Lenie Ann Cabanela
Nald Antonio

17
Neil Ryley Fernandez
Nicole Nicodemus

18

You might also like