Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
DIVISION OF PAMPANGA
City Of San Fernando
MARKAHANG PAGSUSULIT SA AGRIKULTURA 5
SY: 2019-2020

Pangalan:___________________________________ Score:_______________

I. Piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1.Ang _______ ay isang kapakipakinabang na gawain na kung saan ang mga bakanteng lote
ay tinataniman ng mga ibat-ibang uri ng gulay upang mapakinabangan.
a. paghahayupan c. pag-aalaga ng hayop
b. pangingisda d. paggugulayan
2.Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa mabuting paghahalaman maliban sa isa alin ito?
a.marangal na hanapbuhay c. pag-aaksaya lamang ng oras
b.kawili-wiling libangan d. nagpapaganda ng kapaligiran
3.Napakahalaga ng pagsasagawa ng __________ bago magtanim ng mga halamang gulay
tulad ng petchay at labanos dahil sa lahat ng lugar nabubuhay ang mga ito.
a.survey c. rubrics
b.datos d. talaan
4.Ang mga ito ay maaaring gulayin habang sariwa o patuyuin ang mga buto at gawing
gulay. Ilan sa mga ito ang sitao, okra, at patani.
a. dahong gulay c. bungang gulay
b. bulaklak na gulay d. lamang-ugat
5.Ito ay karaniwang gulay na kinagigiliwang itanim sa pamayanan dahil bukod sa kanyang
bunga ay maari pang kainin ang kanyang dahon.
a. kamote c. petsay
b. repolyo d. talong
6.Sa paghahanda ng lupa, ang unang hakbang na gagawin ay ang pagbubungkal
ng lupa. Alin sa mga kasangkapan ang nararapat na gamitin?
a. piko c. itak
b. kalaykay d. asarol
7. Ang __________ ay ginagamit na gabay sa paggawa ng mga hanay sa kamang taniaman.
a. kalaykay c. pala
b. tulos at pisi d.dulos
8. Ang __________ ay pinagpatong- patong na mga organikong mga bagay na nabubulok.
a. activator c. compost
b. inorganikong pataba d. compost pit
9. Gustong gumawa ng organikong pataba ni Boy, ngunit wala siyang lugar para dito.
Ano ang kanyang gagawin para makagawa ng pataba?
a. basket compost c. compost
b. composting d. compost pit
10. Ano ang kulay ng matabang compost na kailangan ng mga halaman?
a. kulay-luntian c. pula
b. kulay-tsokolate d. maputi
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi pweding ihalo sa paggawa ng compost?
a. balat ng prutas c. dahoon
b. damo d. plastic
12. Naghahalaman si Edgar, laging payat ang kanyang mga tanim, hindi ito mabibili sa
mataas na halaga, kailangan niya ng pataba ngunit walang panustos. Ano kaya ang
nararapat niyang gawin?
a. lagyan ng damo ang mga halaman
b. manguha ng dumi ng kalabaw at ihalo sa lupa
c. manghiram ng pambili ng pataba
d. ilipat ang mga halaman
13. Itinutusok sa ginagawang compost pit upang makapasok ang hangin at maging mabilis
ang pagkabulok ng basura.
a. yantok c. patpat
b. kahoy d. pasingawang kawayan
14. Hindi nabubuhay ang mga halaman sa lugar na walang hangin, Anong elemento sa
hangin ang kailangan sa halaman?
a.carbon dioxide c. hydrogen
b.helium d. oxygen
15. Nagbobomba ng pamatay kulisap sa kanyang mga halaman si Abel. Ano ang kanyang
gagamitin sa kanyang bibig at ilong para hindi niya malanghap ang kemikal?
a.tela c. dust mask
b.panyo d. plastic
16. Mapapanatiling sariwa ang mga inaning gulay kung iimbakin sa __________ at madilim
na lugar.
a.basa c. madilim
b.maaliwalas d. tuyo
17. Ang _________ ang pinakahihintay na panahon upang mapakinabangan ang bunga ng
iyong pagtitiyaga sa pagtatanim ng gulay.
a.pag-aani c. pangangalaga
b.pag-aabono d. pagtatanim
18. Paano inaani ang petsay?
a. hinuhukay c. pinuputol
b. pinipitas d. binubunot
19. Alin sa mga sumusunod na gulay ang dapat inaani kapag may kulay na mura hanggang
matingkad na berde?
a. ampalaya c. repolyo
b. okra d. pipino
20. Mag-aani na ng gulay si Cardo, ano ang tamang oras ng pagbebenta nito?
a. gabi c. umaga
d. tanghali d. hapon
21. Makakatulong ang paggamit ng _________ sa pagsasapamilihan ng mga inaning gulay
upang subaybayan ang mga gastos at kita sa mga itinanim.
a. talaan c. pamamaraan
b. plano ng proyekto d. mga kagamitan
22. Si Mang Cardo ay nagaalaga ng baboy, baka at paitlugang manok. Saan nakakatulong
si Mang Cardo?
a. edukasyon c. kultura
b. ekonomiya d. turismo
23. Ano ang pakinabang ni Mang Cardo sa pagaalaga ng hayop?
a. pataba c. pulot
b. pagkain d. halaman
24. Sa paggawa ng kulungan ng manok,ang sahig ay dapat __________.
a. nakaangat sa lupa c.nakadikit sa semento
b. nakadikit sa lupa d. nakabitin sa puno
25. Ito ay angkop na ipakain sa mga paitlugang manok.
a. finishing mash c. laying mash
b. growing mash d. stater mash
26. Sa sukat na 100 metro kwadradong kulungan, ilan ang maaring ilagay na maliliit na
tilapia kung ito ay palalakihin ng husto?
a. 250 c. 1000
b. 300 d. 10
27. Ang itlog ng _________ ang angkop na gawing balot.
a. manok c. itik
b. pato d. gansa
28. Ito ay isang ilaw na nagbibigay init sa mga sisiw mula sa unang araw hanggang sa ika-apat
na lingo.
a. artificial brooder c. droping brooder
b. artificial broader d. droping broader

29. Ang mga aalagaang hayop ay kailangan galing sa mahusay na ___________.


a. kulay c. laki
b. lahi d. presyo
30. Anong uri ng hayop na aalagaan sa lugar na malapit sa tubig na kung saan may suso
at tulya?
a. kambing c. manok
b. baboy d. bibe at itik

31. Ang isang huwarang palaisdaan ay nararapat na sa patag na lugar. Ang hindi patag sa
ilalim ay makakasagabal sa gawain tulad ng paglilinis at pag-aani. Ito ay tumutukoy sa.
a. topograpiya c. istenograpiya
b. heograpiya d. panograpiya

32. Ang mga hayop gaya ng manok at itik ay inaalagaan upang magkaroon ng __________.
a. karne/gatas c. karne/itlog
b. gatas/karne d. balahibo/pataba
33. Ito ay susi sa kalusugan ng mga alagang hayop.
a. kagandahan c. katapatan
b. katapangan d. kalinisan
34. Ang itlog at karne ng manok ay sagana sa sustansyang __________.
a. bitamina c. protina
b. mineral d. taba
35. Isa itong uri ng ibon na may mabibilog na katawan, maikling leeg at paa na walang balahibo
hanggang tuhod at matulin kung tumakbo.
a. Bibe c. manok
b. Itik d. pugo

36. Ano ang unang hakbang dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng hayop tulad ng manok
at bibe?
a. laki ng bakuran o lugar c. pagkain
b. sikat ng araw d.inuming tubig

37. Gustong pagalaga ng mga manok si Gustin. Saan nya ito mainam na ilagay?
a. malapit sa kusina ng bahay c. malapit sa puno
b. mainit na lugar d. malayo sa sariling bahay
38. Kailangan na latagan ng _________ ang kukungan ng pugo.
a. buhangin c. linoleum
b. dyaryo d. plastic
39. Ano ang pangunahing pagkain ng mga isda upang mabuhay?
a. lumot c. darak
b. dahon d. tubig
40. Ang mga kagamitang kailangan para sa paggawa ng bahay ng pugo ay ang mga sumu-
sunod maliban sa isa.
a. chicken wire c. piraso ng kahoy
b. kurtina d. plywood

41. Mag-aani na sina Pedro ng isda, ano ang kanilang gagamitin sa panghuhuli?
a. panunungkit c. paggamit ng dinamitan
b. pamamaril d. paggamit ng lambat
42. Kung mag-aalaga ng isda kailangan __________ dito upang maging matagumpay lalo na
kung gagawin itong negosyo.
a. may maraming pera c. may maraming buslo
b. may sapat na kaalaman d. may maraming pagkain

43. Ito ay isang uri ng sakit na nakukuha sa mga nakakahawang mikrobyo at maaring ikamatay
ng manok
a. avian leucosis c. kolera
b. avian pest d. pigion fox

44. Sa lahat ng hayop ay maari itong dumapo na kadalasang dumadapo sa mga may hustong
gulang na kaysa sa mga bata, ang pagka agas, mahinang pagaanak ay karaniwang
palatandaan ng sakit na ito.
a. anemia c. trangkaso
b. kolera d. brucellosis

45. Ito ay isang uri ng itik na magaling mangitlog.


a. Indian runner c. Mallard duck
b. Khaki Campbell Duck d. Pateros duck

46. Ang mga karne ay madaling ibenta sa palengke kung ito ay_________.
a. mataas na uri at sariwa c. maputla ang karne
b. payat d. nangangamoy na karne

47. Inilalagay sa _________ ang mga itlog upang maging ligtas at hindi masira habang papunta
sa pamilihan.
a. sako c. tiklis
b. plastic d. karton na tray

48. Paano mapapanatiling sariwa ang produktong karne kung hindi ito agad maipagbili?
a. Ibilad sa araw c. ibabad sa tubig
b. Ilagay sa palamigan o freezer d. hayaang naktiwangwang

49. Ito ang kabuuang halaga ng pera na nagmula a kabuuang halaga ng kita at binawasan ng
kabuuang halaga ng gastos.
a. puhunan c. dibidendo
b. kita d. tubo

50. Sa pagsasapamilihan ng produkto mahalagang malaman kung ano ang mga umiiral na
alituntunin. Alin sa mga sumusunod na alituntunin ang dapat gawin?
a. Humingi ng pahintulot sa pamahalaan at magbayad ng nararapat na buwis.
b. Ipagbili ang produkto sa mas mataas na presyo.
c. Ipagbili kahit walang pahintulot
d. Maglagay ng kemikal sa mga produkto upang magmukhang laging sariwa.

You might also like