Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

CONGRESSIONAL INTEGRATED HIGH SCHOOL

Poinsettia St, Via Verde, San Agustin 2, Dasmarinas City,


Cavite
City of Dasmarinas, Cavite

Filipino sa Piling Larang


Akademik

DENOSTA, JEANELLE M.
STEM 12-1

G. REDUBLO
Guro sa Piling Larang

Nobyembre 12, 2019


ABSTRAK

A. KAHULUGAN, LAYUNIN, KATANGIAN AT ANYO

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong
papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang
bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title
page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o
ulat.
Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang
mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.

B. LAYUNIN AT GAMIT

Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis,papel


siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga
akademikong papel. Mahalagang bahagi ng mga ulat at pananaliksik, nagbibigay ng malinaw na
larawan ng mga nilalaman ng pananaliksik

o -rasyunal na pananaliksik
o -pangkalahatang dulog na ginamit sa pananaliksik
o -mahahalagang resulta o kinalabasan
o -mahahalagang konklusyon o bagong mga katanungang maaring mabuo matapos ang
pananaliksik

KATANGIAN AT ANYO

 Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod sunod ng nilalaman.

Nilalaman nito:
· Rationale- Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag-aaral
· Saklaw at Delimitasyon
· Resulta at Konklusyon

C. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

o Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel; ibig
sabihin, hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang
pag-aaral o sulatin.
o Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
o Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak
o Dapat ito ay naka dobleng espasyo
o Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa
pagsulat nito.
o Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
o Higit sa Lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng
babasa ang pangkalahatang

D. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Basahing mabuti t pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.


2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula
sa introduksiyon, kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at konklusyon
3. Buoin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi
sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung
sadyang kinakailangan.
5. Basahing mabuti ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang
kaisipang dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

E. URI

DALAWANG URI NG ABSTRAK

1. Deskriptibo
o Nagbibigay ng paglalarawan sa pangunahing paksa at layunin
o Sanaysay, editorial, at libro.
o 50-100 na salita
o Metodolihiya, Resulta, at Rekomendasyon.
o Mga Bahagi: Layunin. Resulta, at Rekomendasyon

2. Impormatibo
o Paggawa ng ng malinaw na pananaliksik
o pagbigay ng pangunahing impormasyon
o kadalasan ginagamt sa larangan ng siyensya, engineering, sikolohiya
o 200 na salita lamang
o Mga Bahagi: Layuning ng pananaliksik, Metodolihiya, Mga natuklasan o resulta
o Konklusyon

You might also like