1 Juan 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang sabi nga ni Apostol Juan sa 1 Juan 4:18 “Walang TAKOT sa Pag-IBIG,” O “there’s

no FEAR in LOVE” “kundi itinataboy ng sakdal na pag-ibig (Perfect Love / TRUE


LOVE) ang takot, sapagkat ang takot ay nagsisilbing pamigil lamang.
Makahulugan ang pananalitang “sakdal na pag-ibig.” Sa Bibliya, ang salitang
“sakdal” ay hindi laging nangangahulugan ng kasakdalan sa ganap na diwa o sa
sukdulang antas, kundi mas madalas itong tumutukoy sa kasakdalan sa relatibong
diwa. o kumukuha lamang ng kahulugan kung papano ito ginagamit sa
pangungusap.
Kaya ang isa na nasa ilalim ng takot ay hindi pa napasasakdal sa pag-ibig.” partikular
na ang kaugnayan ng pag-ibig sa Diyos at ng kalayaan sa pagsasalita sa Kaniya.
Mababasa natin sa talata 17 sa 1 Juan 4 “Sa ganitong paraan pinasakdal sa atin ang
pag-ibig, upang magkaroon tayo ng kalayaan sa pagsasalita sa araw ng
paghuhukom.”
Ang antas ng pag-ibig ng isang Kristiyano sa Diyos at ang nadarama niyang pag-ibig
ng Diyos sa kaniya ay may tuwirang epekto sa kaniyang kalayaan sa pagsasalita—o
sa kawalan nito—kapag lumalapit siya sa Diyos sa panalangin.
Halimbawa, sa kaniyang Sermon sa Bundok, sinabi ni Jesus: “Dapat kayong
magpakasakdal, kung paanong ang inyong makalangit na Ama ay sakdal.”
At sa kaniyang mga tagasunod na kung iniibig lamang nila yaong mga umiibig sa
kanila, ang kanilang pag-ibig ay

1. hindi kumpleto
2. hindi sapat
3. at may kakulangan.
Dahil ang “sakdal na pag-ibig,” tinutukoy ayun sa Mateo 5:46-48 ay ang pag-ibig sa
Diyos na
1. buong puso
2. ganap na nalinang
3. at sumasaklaw sa lahat ng aspekto ng buhay ng isang indibiduwal
Dapat nilang pasakdalin, o lubusin, ang kanilang pag-ibig sa pamamagitan ng
pagpapamalas ng katangiang ito maging sa kanilang mga kaaway.
Kapag lumalapit tayo sa Diyos sa panalangin, alam na alam ng isang Kristiyano na
siya ay makasalanan at hindi sakdal.
Ngunit, kapag ganap na nalinang ang kaniyang pag-ibig sa Diyos at ang nadarama
niyang pag-ibig ng Diyos sa kaniya, hindi siya napipigilan ng takot na siya’y
mahatulan o hindi pakinggan.
Kundi nagtatamasa siya ng kalayaan sa pagsasalita kapag ipinahahayag niya ang
nilalaman ng kaniyang puso at humihiling ng kapatawaran salig sa haing pantubos
na maibiging inilaan ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo.
Nakatitiyak siya na ang kaniyang mga pagsusumamo ay malugod na pinakikinggan
ng Diyos.
Paano ‘mapasasakdal sa pag-ibig’ ang isang tao at sa gayo’y ‘maitaboy’ ang takot
na siya’y mahatulan o hindi pakinggan?
1 Juan 2:5 “Sinuman na tumutupad sa . . . salita [ng Diyos], tunay na sa taong ito ay
pinasakdal na ang pag-ibig sa Diyos,” ang sabi ni apostol Juan.
Kaya habang nananatili tayong tapat, maaari tayong magkaroon ng katiyakang gaya
ng tinaglay ni apostol Pablo na nagsabi hinggil sa Diyos Roma 8:32 : “Siya na hindi
nagkait maging ng kaniyang sariling Anak kundi ibinigay niya siya para sa ating lahat,
bakit hindi rin niya may-kabaitang ibibigay sa atin ang lahat ng iba pang bagay
kasama siya?
Kaya nga nasa atin ang pag pili kung ano klase ng pagkatakot ang ating huhubugin
antas ng sakdal na pag-ibig ang ating linangin.

You might also like