Ikatlong Mahabang Pagsusulit2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKATLONG MAHABANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 8

I. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap sa hanay A at piliin ang sagot sa hanay B.

HANAY A HANAY B
1. Ang tinaguriang kambal ilog. A. Tigris at Euphrates
2. Siya ang haring nagdala sa Chaldean sa rurok ng B. Nebuchadnezzar
tagumpay. C. Code of Hammurabi
3. Ang nagtataglagy ng 232 batas at parusa sa mga D. Indus
lumalabag. E. Pakistan
4. Ang kabihasnan kung saan matatagpuan ang bundok
ng Himalayas.
5. Sa bansang ito matatagpuan ang Indus River

II. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap.

6. Nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa caste
system?
A. Untouchables c. Vaishya
B. Brahmin d. Vedas

7. Bumagsak ang kabihasnang Sumer dahil sa mga sumusunod maliban sa


A. Nag-away ang mga lungsod-estado dahil sa alitan sa tubig at hangganan
B. Nilusob sila ng mga pastol na nakapaligid sa kanila
C. Nainggit ang ibang tribu sa kanila dahil sa kanilang yaman
D. Pinuksa sila ng sakit

8. Bakit mahalaga ang sistema ng panulat sa mga pari sa sinaunang kabihasnan?


A. Upang itago ang mga tumpak na talaan
B. Kailangan ng mga pari ang mga tumpak na impormasyon sa pagsasagawa ng seremonya
C. Ang matutuhan ang sining ng pagsusulat ay isang utos ng diyos
D. Upang masubaybayan ang mga buwis, ari-arian, at mga dokumento ng mga tao

9. Ang hari ang tumatayong lider ng bawat pangkat. Bakit lubos na makapangyarihan ang mga hari noong
unang panahon sa Asya?
A. Naniniwala kasi ang mga tao na ang mga pinuno nila ay may taglay na basbas ng diyos kung hindi
man sila ay mga diyos rin
B. Dahil malupit at diktador ang mga sinaunang pinuno
C. Kailangan nilang maging lubos na makapangyarihan upang matakot at sumunod ang mga nasasakupan
nila sa kanilang utos
D. Lahat ng nabanggit

10. Ang mga lambak-ilog ang pinaka karaniwang pinag-usbungan ng mga sinaunang kabihasnan. Ano
ang ibig sabihin nito?
A. Ito ang pookna kung saan sumilang ang mga kabihasnan
B. Patuloy pa ring pinakikinabangan ang mga lambak-ilog
C. Nagbibigay sigla pa rin sa mga tao ang ilog
D. Malaki ang nagawa ng ilog para matugunan ang pangangailan ng mga tao

11. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao
B. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
C. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
D. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan

12. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?
A. Organisado at sentralisadong pamahalaan, rehiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at pagsulat
B. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at pagsulat
C. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas at pagsusulat
D. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon at estado

13. Anong pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi
sila magapi sa hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng baha at malakas na pag-ulan?
A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag tag-
ulan.
B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog
C. Nagtatago sila at bumabalik sa kuweba kapag tag-ulan
D. Nagtatayo sila ng mga dike at nagtatanim ng malalaking puno at inaayos ang mga daluyan ng tubig
upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan.

14. Ang caste system sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan na may iba’t ibang antas ng mga tao.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa caste system?
A. May mahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat
B. Ang Sudras ang pinakamataas na uri sa lipunan
C. May matataas na pinuno na bahagi rin ng Sudras
D. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kaniyang antas sa lipunan at karapatan

15. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
B. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na parepareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may
sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito
D. Dahil maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito.

16. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinauang kabihasnan?
A. Mas maunlad ang mgakabihasnan noon kung ihahalintulad sa kasalukuyang panahon
B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang kabihasnan kung kaya’t kaunti ang kanilang
mga ambga
C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang pangkat upang makagawa ng mga kahanga-
hangang bagay sa daigdig

17. Bilang isang tao sa kasalukuyan, gaano kahalaga para sayo ang mga ambag ng sinaunang kabihasnan?
A. Ang mga kanal at dike ay ginagamit ngayon para maiwasan ang pagbaha
B. Mahalaga ang silid-aklatan ni Ashurbanipal dahil naging basehan ito ng modernong silid-aklatan
C. Mahalaga ang stater o barya dahil mas pinadali na ang paraan ng pagbabayad
D. Lahat ng nabanggit ay mahalagang ambag

18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay sa noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling
sitwasyon ang HINDI nararapat maganap sa iyong lungsod-estado?
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado kaya
madaling masakop ang mga teritoryo nito
B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong pamumuhay
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod

19. Ang Hanging Garden ng Babylon ay ang isa sa pinaka nakakahangang tanawin sa sinaunang panahon
na ipinagawa ni Nebuchadnezzar. Sino ang pinag alayan niya nito?
A. Para sa kaniyang mga magulang
B. Para sa pinakamamahal niyang asawa
C. Para sa kaniyang kapatid
D. Para sa kaniyang sarili

20. Bakit karapat dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umusbong at umunlad?
A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnan
B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga sinaunang kabihasnan
C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon
D. Dahil nagtagumpay sila na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng
kapaligiran sa kanilang buhay

You might also like