Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kasaysayan ng sanaysay

Ipinahayag ni Alejandro G. Abadilla na ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita, ito ang sanay
at pagsasalaysay o ang "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay." Maituturing natin
itong panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro,damdamin, kaisipan at saloobin ng manunulat
tungkol sa makabuluhan at napapanahong isyu. Dagdag pa niya, mahalaga ang pagsusulat at
pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mga mambabasa mula rito.

Itinuturing na sanaysay ang talambuhay dahil nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Hindi lamang nito sakop ang kapanganakan at kamatayan bilang upang paksa. Isinulat din ang mga
talambuhay upang magsilbing gabay ng mga mambabasa sa kanilang pamumuhay. Binibigyang pansin
nito ang mga katangiang dapat tularan at iwasan. Nagbibigay impormasyon din ito tungkol sa buhay ng
paksa.

Ayon kay Nenita Pagdanganan - Obrique, "ito ang nagsisilbing makinarya sa pangangalat ng mga
akdang babasahin. Ginawa ito para mas maunawaan ng mga mambabasa ang mga isinulat. Naging
daluyan ng ideolohiya ang sanaysay dahil karaniwang paksain nito ay pumapatungkol sa pulitika,
relihiyon, teknolohiya, at iba pa.

Nilikha ang sanaysay upang ibahagi sa tao ang pananaw ng may katha. Maaaring ang manunulat
ay pumuna, magbigay - opinyon at impormasyon, maglahad ng obserbasyon, pagtalakay sa araw -
araw na pangyayari, pagbabalik - tanaw sa nakaraan o pagmumuni. Isang uri ito ng pakikipag-
komunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may nais ipabatid sa tao.

Naging malaking kontribusyon ng sanaysay ang mga naililimbag na akda tungkol sa pagsasa-
Kristiyano ng mga katutubo noon. Sa pamamagitan nito , ay naikalat ang mga anekdotang moral, himno,
at pagpapaliwanag ng mga prinsipyong Katolisismo. Sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila, marami sa
mga katutubo ang pinaslang, pinagbayad ng mataas na buwis, at nabiktima ng forced labor. Dahil dito,
naging daluyan ng obserbasyon ang mga pahayagansa pamamagitan ng iba't-ibang anyo ng sanaysay
tulad ng tudling, liham, lathalain, dyornal, talaarawan at sermon.

Ang pormal na sanaysay ay pinag-aralang mabuti ng sumulat. Nagbibigay impormasyon ito tungkol
sa isang bagay, hayop, lugar at pangyayari. Nasa pagkakasunud-sunod ang mga mahahalagang
kaisipan upang lubos na maunawaan ng mambabasa, at umaakma ang salita sa isyung napili.
Samantala, ang di - pormal na sanaysay ay nagtataglay naman ng opinyon at paglalarawan. Lahat ng ito
ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kapaligiran at sa mismong karanasan ng sumulat.

Ang malikhaing sanaysay ay pumupukaw sa interes ng mga mambabasa dahil gumagamit ito ng
teknik ng maikling kwento. Hindi ito nakaiinip basahin at maituturing na "relatable" para sa mga
mambabasa.

Para kay Gutkind, kinakailangang taglayin ng sanaysay ang mga sumusunod:pagsasabuhay at


pakikipamuhay sa realidad ng sinusulat; pananaliksik sa napiling paksa; pagninilay sa nakalap na datos;
pagbabasa ng mga teksto at ang mismong pagsusulat. Para naman kay Gerard, una, mayroon
itongmalinaw na sabjek. Pangalawa, ito ay napapanahon. Pangatlo, pagsasalaysay ng magandang
kwento at huli, pagmumuni-muni ng may akda.

Ang blog ay isang website na parang isang talaarawan. Ang mga bloggers o ang mga taong
nagsusulat sa blog ay kalimitang isinusulat ang kanilang opinyon. Ang ilan naman ay ginagamit ito bilang
online diary kaya ang blog ay interaktibo sa mga gumagamit.
Posted by Jem Jaro at 7:18 PM
Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest

1 com

You might also like