Professional Documents
Culture Documents
Talumpati
Talumpati
Talumpati
Ano nga ba ang kalagayan ng kabataan sa panahon ngayon? Isa sa mga napaka-
tanyag na katagang binitiwan ng ating pambansang bayani na si Doktor Jose Rizal
ang katagang "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan", gasgas man sa ating pandinig,
hindi parin maiaalis sa kaisipan at paniniwala ng bawat pilipino. Ngunit kung ating
titignan sa ating makabagong henerasyon ngayon, mga kabataang napupunta sa
maling landas, mapapatunayan kaya natin na tayong mga kabataan ang siyang
pag-asa pa ng ating sariling bayan? at Ano nga ba ang kalagayan ng mga kabataan
sa makabagong henerasyon?
Hindi maitatangging magkamali ang mga kabataan, ngunit, tungkulin din ng bawat
isa na tulungan silang umahon at magbago. Bigyan sila ng pagkakataong itama ang
mga pagkakamaling nagawa at bigyang liwanag ang masalimuot at madilim na
buhay upang makamit ng bawat isa ang magandang kinabukasan.Nasa ating mga
kamay ang kaunlaran at kalayaan, bawat isa'y may kalayaan ngunit hindi ito
nararapat na abusuhin. Tandaan ang sa bawat galaw ay may kahihinatnan.