Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

3.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay may


kahalagahan sa iba’t-ibang sektor ng lipunan:

Maaari itong makatulong sa mga mag-aaral upang mabigyan sila ng ideya


tungkol sa epekto ng paggamit ng smartphone. Maaari rin itong makapagbigay kaalaman na
makakatulong sa kanila na malaman ang mga positibong epekto at maiwasan ang mga
masamang epektong maidudulot nito. Pwede rin itong magamit bilang reperensya sa kanilang
pag-aaral.

Makakatulong din ito sa mga guro upang kanilang maturuan ang mga mag-
aaral ng tamang paggamit ng smartphone upang maiwasan ang mga masamang epektong
maaaring makasira sa pag-aaral ng isang mag-aaral. Magbibigay din ito ng kaalaman sa
administrasyon ng paaralan kung maaaring isama sa patakaran ng paaralan ang paggamit ng
teknolohiya sa silid-aralan at ang wastong paggamit nito.

Matutulungan nito ang mga pamilya upang magabayan ang kanilang mga
miyembro, higit sa lahat ang kanilang mga anak. Makatutulong ito upang maturuan nila ang
kanilang mga anak ng tamang paggamit ng smartphone upang hindi nito masira o
maapektuhan ang kanilang pag-aaral.

Malaki rin ang maitutulong ng pag-aaral na ito upang higit na malaman ng


bawat miyembro ng komunidad ang tungkol sa mga epekto ng paggamit ng smatphone.
Makakatulong ito upang ating malaman kung ano-ano ang mga epektong ito, ang saklaw
nito, kung paano nito naaapektuhan ang pag-aaral, kung bakit dapat ito maiwasan, at mga
hakbang na maaaring gawin upang hindi ito makaapekto sa negatibong paraan sa pag-aaral
ng isang mag-aaral. Maaari rin itong makatulong upang mabigyan limitasyon ang paggamit
ng smartphone. Malalaman nila ang mga pakinabang ng paggamit ng mga gadyet sa pag-
aaral at tulungan silang mag-aral nang epektibo. Magsisilbing daan ito upang magkaroon ng
kaalaman ang mga mag-aaral sa tamng paggamit ng mga gadyets.
Ang pananaliksik na ito ay maaaring pagkuhanan ng impormasyon ng mga
susunod na mananaliksik tungkol sa epekto ng paggamit ng smartphone sa mga mag-aaral
upang maging reperensya at makatulong sa kanilang isinasagang pananaliksik na may
kaugnay dito.

You might also like