Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Ang Pagtatamo at Pagkatuto

ng Wika (W1 at W2): Mga


Teorya at Praktika
INTRODUKSYON
Sa kabanatang ito, malalaman natin kung anu-ano ang iyong mga pananalig at paniniwala
sa mabisang pagtuturo ng wika. Nariyan ang sosyolohikal, motibasyon, pokus sa mag-aaral, mga
batayang teorya at simulain kung saan mas mapag-aaralan at maiintidihan kung anu nga ba ito.
Narito rin ang pag-aaral ukol sa istruktural na pagtuturo, komunikatibong pagtuturo, whole
language approach, at ang content-based instruction.Halina’t tuklasin ang mga ito.

MGA DULOG TEORETIKAL SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO WIKA


Mahaba-habang panahon na ang inilaan ng maraming pantas sa larangan ng pag-aaral
ng wika upang maipaliwanag kung paano natutuhan ang wika. Ngunit totoong mailap ang ang
mga kasagutan ditto. Upang maliwanagan tayo kahit kaunti, marapat sigurong alamin natin kung
anu-ano na ang pinaniniwalaan ng marami mula noon hanggang ngayon… ang pagtatamo at
pagkatuto ng wika, misteryosoat may mahika ng aba?
Sa katunayan, may dalawang klasipikasyon ang mga salita ayon sa mga sinaunang
pilosopong Griyego: Una- iyong tumitiyak sa kilos na isinasagawa sa isang pangungusap; at
ang Ikalawa- ang tao o bagay na nagsasagawa ng kilos. Si Dionysius Thrax, isang Griyego, ay
tumutukoy ng walong iba’t ibang klasipikasyon ng mga salita. Dahil dito, ang kanyang aklat na
The Art of Grammar ay sumikat at ginawang modelo sa pag-aaral ng mga balarilang Latin at
Griyego.

ANG PRESCRIPTIVE GRAMMAR


Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga pag-aaral ng
Wika. Noong unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang bayan, nakaangkla ito sa balarila
ng wikang Ingles. Sa kayarian at istruktura ng Ingles ibinatay ang anumang pagpapaliwanag
hinggil sa wikang Filipino. Kaya ang paniniwala noong una, kung ano ang ayos ng pangungusap
sa Ingles ay ganoon din sa Filipino.
Ang mga pananalig at mga paniniwalang binanggit hinggil sa pagkatuto ng wika ay
naglundo sa metodong grammar-translation sa pagtuturo ng wika. Sa metodong ito, ang mga
mag-aaral ay nagmememorya ng mahabang talaan ng mga talasalitaan, mga anyo ng pandiwa
at mga pangngalan.
ANG DESCRIPTIVE LINGUISTIC
Sinuri ng mga naunang Linggwist ang mga yunit ng tunog ng wika, kung paano nabuo
ang mga ito, at nailarawan din nila ang istruktura ng mga pangungusap. Nakabuo sila ng isang
metodo sa pagtukoy ng mga tunog ng wika, ng pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang
bumubuo ng isang salita, at ng pagsusuri ng mg anyo ng pangungusap.
Sumibol nang panahong ito ang pagbabalangkas o dayagramming bilang gamiting
paraang pedagohikal sa paglalarawan ng wika. Isang mahalagang tungkulin ng guro ng wika
noon ang kaalaman sa istruktura ng una at ikalawang wika upang maipalaiwanag ang target na
(W2) sa tulong ng kaalaman sa kayarian ng unang wika.

ANG TEORYANG BEHAVIORISM: PAKINGGAN AT ULITIN


Bagama’t hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang nagging
impluwensya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika.
Ipinahahayag ng teoryang behaviorismna ang mga bata ay ipinanganak na may
kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng
pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay
mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay rito. Binigyang-diin ni
Skinner (1968), isang pangunahingbehaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unlad na
intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang
mabuting kilos o gawi. Ayon sa mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng
panggagaya, paulit-ulit na pagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito, at
positibong pidbak.
May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang Gawain
kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng pagkaanak pa
lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak para maging isang doctor
o isang abugado. Ang mga gurong umaayon sa paniniwalang ito ni Skinner ay palaging
kariringgan ng mga papuring “Magaling.” “Tama ang sagot mo.” Kahanga-hanga ka.” “Sige,
ipagpatuloy mo.”
Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set ng mga
simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang Audio-Lingual Method (ALM)na
nagging popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang behaviorism. Ang mga
pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa ibaba.

 Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;

 Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;

 Paggamit lamang ng target na wika;

 Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;


 Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at

 Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro

TEORYANG INNATISM: NASA ISIPAN LAHAT IYAN


Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ng bata ay
ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975,1965)
na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga
bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran.
Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para sa pagkatuto
ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang
tungkuling biyolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang gulang, nagagawa niya
ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng tamang nutrisyon bukod pa sa Malaya siyang
nakakakilos at nakakagalaw.
Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition
Device(LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang isip na ‘black
box’ na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at
ng kanyang mga kapanalig ang terminong LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag
nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook,
1988; White, 1989).

TEORYANG COGNITIVE
Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong
dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing
may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa
tuntunin, at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Ayon sa mga
cognitivist, ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito
kagyat at tuwirang iwinawasto.
Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at
pabuod. Sa dulog na pabuod,ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang
tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang makatukalas sila ng isang paglalahat.
Ang dulog na pasaklaw na kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay
nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na
pasaklaw naman ay nagsisismula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga
halimbawa. Ang teoryang cognitiveay palaging nakapokus sa kaisipang ang mga impormasyong
ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa
kanilang dating kaalaman.
Ang teoryang cognitive at teoryanginnatism ay magkatulad sa maraming aspekto.
Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak na may likas
na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (page at pinnel, 1979). Pinaniniwalaan ng mga
innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong
matututuhan. Samantalang sa kampo ng mga cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga
kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng wika.

TEORYANG MAKATAO
Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik na
pandamdamin at emosyunal. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang
kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang
pakiramdam ng bawat mag-aaral at malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang
natutuhan.
Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon ay
ang sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent Way ni Gattegno at
ang Suggestopedia ni Lazonov.

MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO


NG WIKA
Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng palagiang paglalaan
ng mga input na berbal at may katugong pagpapatibay (reinforcement) ay malinaw na ipinahayag
sa aklat ni B.F Skinner na VerbalBehavior (1957). Samantala, noong 1959, sa isang matinding
rebyuna isinagawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner, pinanindigan niya na kung ang wika ay
matututuhan lamang sa pamamagitan ng pagpaptibay, magiging mahirap para sa isang taal na
tagapagsalita ng wika (W1) ang pag-unawa sa mga pangungusap na hindi pa niya naririnig.
Idinagdag pa rin ni Chomsky na hindi lamang sa mga proseso ng pagmememorya at pag-uulit
natutuhan ang wika.
Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika, ang Language
Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa pamamagitan ng walang-
kamalayang pagtatamo ng pansariling pagbabalarila. May tatlong pangunahing ideya ang
nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika sa kasalukuyan.

 Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng pangunguna ng pagkatuto


bago pa man ang pagtuturo nito.

 Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/pagkatuto kung ito ay


katugma (compatible) ng mga prosesong likas na nagaganap sa ating utak.

 Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang kaisipang kontemporaryo na may
kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga lawak pangnilalaman at pagsanib ng pagtuturo ng
pagsulat, pagsasalita, pakikinig, pag-iisip, at ang pagkilos ay isang nangungunang simulain sa
kasalukuyang kaisipan tungkol sa pagkatuto ng wika.
ANG BALARILANG TRANSPORMASYONAL (TRANSFORMATIONAL
GRAMMAR)
Anng mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni Chomsky ay nananalig na ang
isang wika ay may taglay na set ng mga tuntunin na walang malay na nalalamman at nagagamit
ng isang tao sa kanyang pang-araw araw na pakikipagtalastasan. Tunguhin ng balarilang
transpormasyonal na maipaliwanag at mailarawan ang likas na mga tuntuning ito ng wika.
Bagama’t hindi nagging modelo ang paradigmang ito sa pagtuturo ng wika perse, malaki
ang naiambag nito sa monitormodel ni Krashen.

MONITOR MODEL NI KRASHEN


May iminungkahing teorya bsi Krashen (1981b, 1982) hinggil sa pagtatamo ng
pangalawang wika (W2) na nagging batayan ng isang balangkas para sa pag-unawa ng mga
proseso kung paano natutuhan ang pangalawang wika. May limang haypoteses na nakapaloob
sa teoryang ito ni Krashen: angacquisition learning hypothesis, na nagpapakita ng kaibahan ng
pagtatamo (na patungo sa katatasan) sa pagkatuto (na sangkot ang kaalaman sa mga tuntuning
pangwika); angnatural order hypothesis, nagpapahayag na ang mga tuntuning pangwika ay
natatamo sa isang mahuhulaang pagkakasunod-sunod; angmonitor hypothesis, na
nagpapalagay na may isang paraan ng pag-iisip para sa pagtatamo ng katatasan; ang input
hypothesis, nagpapahayag din na ang unawa sa mga mensahe; at ang affective filter hypothesis,
na nagpapaliwanag hinggil sa mga sagabal na pang-isipan at pandamdamin para sa ganap na
pagtatamo ng wika.
Bagama’t marami ring pagtuligsa ang ibinato sa monitor model, nakapaglaan naman ito
ng isang matibay na kaisipang teoretikal para sa natural approach, na malaki ang impluwensya
sa pagtuturo at pagkatuto ng pangalawang wika.
Ang acquisition learning hypothesis(pagtatamo-pagkatuto). Isinasaad ng haypotesis
na ito na ang pagtatamo atpagkatuto ay dalawang magkahiwalay na proseso sa pagiging
dalubhasa sa wika. Ang pagkatuto ay “kaalaman tungkol” sa wika.
Ang natural order hypothesis. Ayon sa haypotesis na ito, may mga tuntuning pangwika
na mas naunang natamo kaysa sa iba. Nananalig din ito sa paniniwalang may likas na sinusunod
sa natural na order ang bata sa pagtatamo ng wika.
Ang monitor hypothesis. Malinaw na isinasaad ng haypotesis na ito ang ugnayan ng
pagtatamo at pagkatuto ng wika. Sa tulong ng kaisipang Monitor ni Krashen, napag-ibayo ang
kalakaran sa pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng paglalaan ng isang language-rich
environment na makapagpapadali sa natural o likas na pagkatuto nito.
Ang input hypothesis. Naninindigan ang haypotesis na ito na ang wika ay natatamo sa
isang prosesong payak at totoong kamangha-mangha-kapag naunawaan natin ang mga
mensahe. Ang kahusayan ay mapauunlad kung patuloy na tatangkilikin ang mga sinasabi ni
Krashen na comprehensible input. Ipinagpapalagay ni Krashen na ito ay input na maaaring
ihalintulad sa “caretaker speech,” anyo ng pagsasalita para sa mga batang bago pa lamang
nagsasalita na maririnig sa mgayaya o caregiver. Ang caretaker speech(maikling pangungusap,
madaling maintindihan, kontrolado ang bokabularyo, iba’t-ibang paksa) ay nakapokus sa
komunikasyon.
Ang affective filter hypothesis. Anghypothesis na ito ay may kaugnayan sa mga
baryabol na pandamdamin gaya ng pagkabahala, motibasyon, at pagtitiwala sa sarili. Mahalaga
ang kabatiran ukol dito dahil nagagawa ng mga ito na mahadlangan ang mga input para gisingin
ang Language Acquisition Device (LAD). Kung mahahadlangan ng affective filter ang ilan sa
mga comprehensible input, maaaring kaunting input lamang ang makapapasok sa LAD ng mag-
aaral. Ang isang kontekstong affective at positibo ay nakapagpapataas ng input.

MGA GAWAING PAMPAGTUTURO NA UMAALINSUNOD SA MONITOR


MODEL
Isang maikling buod ni Krashen ay ang pananalig na matatamo ang mga istrukturang
pangwika (W1 o W2) sa isang mahuhulaang pagsusunod-sunod kung may
natatamongcomprehensible input at kung mababa angaffective filters at maluwag na
makakapasok ang input.
Pagtatamo vs. Pagkatuto. Ang bahagyang komprehensyon at di-kumpletong
pagsasalita ay tinatanggap.
Natural Order. Inaasahang tatanggapin ng mga guro na ang pagbubuo sa isipan ng mga
pangungusap ay hindi nagsisimula sa payak patungo sa mas kompleks na mga pangungusap.
Monitor.Maaaring maglaan ng mga karagdagang pantulong sa pamamagitan ng mga
mungkahi o tuwirang tuntuning gramatikal.
Comprehensible Input. Ang pinagaang wika gaya ng caretaker speech ay maaaring
epektibo sa ibang mag-aaral.
Ang Affective Filter. Mapabababa ng mga guro ang affective filter sa pamamagitan ng
isang pagkaklase na relaks ang lahat ng bata, may paggalang ang bawat bata.

ANG PAGTUTURONG NAKAPOKUS SA MAG-AARAL


(LEARNER-CENTERED TEACHING)
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:

 Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sap ag-aaral;

 Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (halimbawa: pangkatang gawain o


pagsasanay)

 Nakadaragdag ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;

 At kurikulum na may konsultasyon at isanasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi


itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng kamalayan na “maangkin” ng
mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto at nakadaragdag sa kanilang intrinsic na motibasyon.

ANG PAGKATUTO NA TULONG-TULONG


(COOPERATIVE LEARNING)
Ang isang klasrum na kooperatib-samakatuwid ay hindi pagalingan o paligsahan kaugnay
ng mga katangian ng pagkatutong nakapokus sa mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay isang
“koponan” na ang layunin ng bawat manlalaro ay mapagtagumpayan ang anumang itinakdang
gawain.
Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang
(collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.

ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB


(INTERACTIVE LEARNING)
Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus sa pagbibigay at
pagtanggap awtentikong mensahe (mensaheng taglay ang impormasyong kawili-wili sa
nagsasalita at tagapakinig). Ayon kay Wells, ang palitang-salita ang siyang pangunahing yunit ng
dikors. Ang interaksyong panlinggwistika ay isang sama-samang gawain na nangangailangan ng
triyadikong pag-uugnayan ng nagpapadala (sender), tagatanggap (receiver), at ng konteksto ng
sitwasyon sa isang komunikasyong pasalita o pasulat man.
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:

 Madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan

 Paggamit ng mga awentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit


nito.

 Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang komunikasyon

 Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktwal


na paggamit ng wika sa “labas”

 Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens

ANG WHOLE LANGUAGE EDUCATION


Ang katawagang ito ay bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang
bigyang-diin a) ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi ng wika sa mga maliliit
nitong element gaya ng ponema, morpema, at sintaks; b) ang interaksyon at pag-uugnayin sa
pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat (pagbasa at pasulat); at
c) ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas at umuunlad, na katulad din ng
alituntuning pasalita.
Ang whole language ay isang leybel na ginagamit upang mailarawan ang:

 Tulong-tulong na pagkatuto

 Pagkatutong partisipatori

 Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral

 Integrasyon ng “apat na kasanayan”

 Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika

CONTENT-CENTERED EDUCATION
Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-centered education ay ang
integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng wika.

ANG PAGKATUTONG TASK-BASED


Ayon kay Micheal Breen (1987), ang taskay alinmang binalangkas na pagkatutong
pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan, at mga inaasahang matatamo ng mga
magsasagawa ng task.

ANG BRAIN-BASED LEARNING


Sa ganitong kalagayan, marapat sigurong alamin natin ang mga
teoryangneurofunctional at ang pagtatangka nitong ipaliwanag ang koneksyon sa pagitan ng
tungkulin ng wika at neuroanatomy-para matukoy hangga’t maaari kung aling mga bahagi ng utak
ang may tungkulin para gumana ang wika sa pakikipagtalastasan.
Inilahad sa talahanayan sa ibaba ang mga simulain hinggil sa brain-based learning(Caine
at Caine, 1991) at naglaan ito ng paraan kung paano ilalapat ang ilang kaalaman sa utak sa
pagtuturo ng wika.

MGA SIMULAIN AT IMPLIKASYON SA PAGTUTURONG BRAIN-BASED

Simulain Mga Implikasyong Pampagtuturo

1.Nagagawa ng utak na Ang mga karanasan sa pagkatuto ay kailangang


makapagproseso nang maiplano nang mabuti (orchestrated) upang
maramihan at sabay-sabay.
mapakilos at maisangkot ang maraming bahagi ng
utak.

2.Kasangkot sa anumang Dapat isaalang-alang ang nutrisyon, ehersisyo,


pagkatuto ang kabuuan ng ating labis na pagkabahala, at kahandaan ng mag-aaral
physiology (katawan at mga sa anumang okasyon ng pagtuturo at pagkatuto.
bahagi nito).

3.Ang paghahanap at pagbuo ng Ang anumang pagkatuto sa wika ay kailangang


kahulugan ay likas sa tao. maglaan ng kapanatagan at pagpapalayag-loob
bukod pa na tumutugon ito sa kawilihan at
pagkamausisa ng mga mag-aaral.

4.Ang utak ay nakadisenyo upang Ang ideyal at mabisang proseso ng pagtuturo ay


makapaghulo at makalikha ng naglalahad ng mga impormasyon sa paraang
mga larawan. magagawa ng utak na makahugot ng mga
hulwaran at aktibong makalikha ng
pagpapakahulugan.

5.Ang mga emosyon ay mahalaga Kinakailangang suportahan ng anumang


sa memorya. pagtuturo ang kaligirang kabatiran ng mag-aaral at
ang kanyang taglay na wika.

6.Sabay-sabay na pinoproseso ng Ang mga kasanayang pangwika gaya ng balarila


utak ang mga bahagi at kabuuan at talasalitaan ay lubusang natutuhan sa isang
ng isang kaisipan. awtentikong kaligirang pangwika (paglutas ng
suliranin, pagtatalo sa isang isyu, pagtuklas).

7.Kasangkot sa pagkatuto ang Ang musika, sining, at iba pang mga katulad na
atensyong may tiyak na pokus at pampasigla sa ating kaligiran ay maaaring
mga pang-unawa sa kapaligiran makaragdagat makaimpluwensya sa likas na
kaugnay nito. pagtatamo ng wika.

8.Ang di-malay at may malay na Kailangang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-
pagpoproseso ng isip ay lagging aaral na balik-aralan ang anumang pagkatuto
kasangkot sa anumang upang mapag-isipan itong mabuti, at
pagkatuto. mapamahalaan nang maayos ang paglinang ng
sariling pagkatuto.

9.Tinatayang may dalawang uri ng Gamitin ang rote learning system sa mga teknik sa
memorya: ang pagtuturo na nakapokus sa pagsasaulo ng mga
memoryang spatial at ang salita at mga tuntuning panggramatika
memoryang rote. samantalang sa mga pagtuturong kailangang
isangkot ang mag-aaral sa pagbabahagi ng
naiibang karanasan.
10.Nagiging mabisa ang Ang isa-sa-isang paglinang ng mga kasanayang
pagkatuto kung ang mga pangwika ay lubos na matututuhan kung nakatutok
kaalaman at kasanayan ay sa mga gawain at karanasang awtentiko (lakbay-
nakapaloob sa likas na aral, pagtatanghal, dula, kwento, at iba pa).
memoryang spatial.

11.Ang pagkatuto ay napasisigla Dapat sikapin ng guro na ang kanyang klasrum ay


ng mga hamon at nahahadlangan kaaya-aya at walang anumang palatandaan ng
ng pagbabanta at pananakot. panankot a mayaman sa mga hamong pang-
isipan.

12.Bukod-tangi ang bawat utak. Ang mga teknik sa pagtuturo ay kailangang


marami at magkakaiba.

You might also like