Film Fest Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MAIN CASTS:

 NANAY AIDA –
 TATAY BERTO –
 ANAK 1 –
 ANAK 2 –
 ANAK 3 –

SUPPORTING CASTS:

 NOBYA –
 Doktor –
 Nars –
 MGA MANGINGISDA:
 Mark Andrew Morales
 John Ahmad Betco

------------------------------------------- EKSENA 1: SA MAY DALAMPASIGAN ---------------------------------------------

(insert music)

*musical piece*

TATAY: Masagana talaga ang araw na ito mga pare.

MANGINGISDA 1: Oo nga marami tayong huli. Samu’t saring lamang dagat.

MANGINGISDA 2: Preskong presko salamat sa Diyos!

(Nagtawanan ang lahat)

-------------------------------------- EKSENA 2: SINALUBONG SI TATAY NG ASAWA --------------------------------------

NANAY: Mabuti naman at maayos ang pagkakauwi nyo. Na miss kita! *excited*

ANAK 2: Oo nga tay, may ulam na naman tayo! Ang sarap niyan.

TATAY: O siya, tayo na at makapag-almusal. Nagugutom na rin ako.

EKSENA 3: SA BAHAY NG MAG-ANAK

ANAK 1: (Naninigarilyo at padabog na nagtungo sa hapag-kainan)

Isda na naman! Wala na bang ibang ulam? Nagsasawa na ako kakakain ng may kaliskis. *strong*

(Kumain na ang mag-anak at nag uubo na si tatay)

------------ EKSENA 4: SA LABAS NG BAHAY NAG-UUSAP ANG MAG-ASAWA HABANG NAG-AAYOS SI


TATAY NG MGA GAMIT NYA SA PANGINGISDA --------------

*music*

NANAY: Wag ka na lang kayang mangisda, total may trabaho naman ako sa palengke…

TATAY: Hindi pwede ang gusto mo ako pa rin ang padre de pamilya tungkulin ko ang buhayin kayo.

NANAY: Alam nating pareho na sakitin ka kahit nong bata ka pa. Nag-aalala lang ako sa kalusogan mo.

TATAY: Kung ano-ano na naman ang iniisip mo…

----------------- EKSENA 5: SI ANAK 1 HABANG NASA KANYANG NOBYA AT NAG IINOMAN --------------------
ANAK: Napapansin ko si tatay, nag uubo. *dala-dala ang baso*

NOBYA: May pakialam ka pala sa tatay mo? Kawawa pala siya no? Siguro napapagod lang yun.
(Patawang sabi nya)

ANAK 1: Oo naman.. tatay ko yun kahit ganito ako, alam ko ang mga sakripisyo nya. Responsible siya at
palaging inuuna ang pamilya.

EKSENA 6: ( UMUWI SI TATAY SA BAHAY DUMIRETSO AGAD SA BANYO HABANG ANG ANAK AY NAG-
INUMAN KASAMA ANG NOBYA AT BARKADA )

TATAY: *coughing hardly* para yatang magkakasakit na ako nito. Nadadamay pa trabaho ko dahil sa
ubong ito. Oh bat nag iinuman na naman kayo? Araw-araw nalang ba kayo maglalasingan at magbibigay
ng problema?

ANAK: (habang naglalambing sa nobya tumayo at binasag ang bote sa harapan ng kanyang ama)

Pakialam mo ba? Ano ba pinuputok ng butchi mo? wala naman kaming ginagawang masama at tsaka
paano mo naman malalaman eh nasa laot ka palagi. Tinatawag mo pang sarili mo na responsable?

Nagpapatawa kaba?

TATAY: aba marunong ka na palang sumago…….

( *coughs hardly at lumuwa ng napakaraming dugo* )

(isinugod sa hospital…..)

(SA HOSPITAL KASAMA ANG DOKTOR AT NARS)

DOKTOR: SA PAMILYA NI MR. ABING IKINALULUNGKOT PO NAMING SABIHIN ANG NAGING RESULTA NG
PAGSURING NAGANAP. MAY TB PO ANG IYONG MISTER. SA BLOOD TEST NA ISINAGAWA NAMIN
KANINA NAPAG-ALAMAN NA MALALA NA PALA ANG KALAGAYAN NI GINOONG ABING.

------------------------------------------------- EKSENA 7: SA BAHAY ---------------------------------------------------------

NANAY: Kasalanan mo ‘to! Wala ka na ngang ginawang mabuti, dinadagdagan mo pa ang problema!
Alam na alam mo naman na mahina ang baga ng tatay mo, sigarilyo ka pa nang sigarilyo!

ANAK 2: Oo nga nay, at walang ibang ginawa yan kundi sagutin si tatay.

(Tumahimik na lang ang panganay na anak)

-------------------------------- EKSENA 8: PAGMUNI-MUNI SA MAY DALAMPASIGAN -------------------------------

ANAK 1: Sa isip nya: (Baka nga may pagkukulang ako)

*insert drama music*

Insert (dance with my father tagalong version) hanggang sa makatulog siya.

INSERT NARRATOR: bunga ng pag muni-muni sa ilalim ng malapad na kalawakan napagtanto ni


Anthony na naging iresponsable syang anak, naging dagdag sya sa problema sa pamilya at umiyak
hanggang nakatulog.

Kinabukasan, nahimasmasan na si Anthony sa mga nangyari. Biglang nagbago ang ihip ng hangin,
naging ideyal na sya na anak, tumutulong sa mga gawaing bahay, naging maging halimbawa sa mga
kapatid at higit sa lahat inaaruga ang nagkakasakit na ama.

EKSENA 9: SA BAHAY (BUSY ANG LAHAT SA PAG-AALAGA NG KANILANG AMA.) HANGGANG SA


GUMALING NA ANG PADRE DE PAMILYA.
---------------------------------------------------- END OF FLASHBACK ----------------------------------------------------------

------------------- EKSENA 10: SA DALAMPASIGAN HABANG NAG PIPIC-NIC ANG MAG-ANAK ------------------

*insert background music*

ANTHONY: At ayun na nga mga anak, gumaling na ang lolo nyo.

Ayan (sabay turo sa ama habang karga2 niya ang isang pukot ng isda) at hanggang ngayon, pumapalaot
pa rin siya dahil mahal na mahal niya ang pangingisda. Gusto kong maging halimbawa ang kwento ng
inyong lolo tungkol sa kahalagahan ng pamilya at pagtutulungan ng bawat isa.

Dapat ninyong isaisip na palaging uunahin ang pamilya sa bawat gawain, isapuso na kailangang unawain
ang bawat isa at tutugunan ang pangangailangan ng mga miyembro ng pamilya hindi bukas makalawa
kundi ngayon na!

-------------------------------------------------------- THE END ----------------------------------------------------------------

You might also like