Ang Bataan Nuklear Power Plant

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Bataan Nuklear Power Plant

Ang Bataan Nukleyar Power Plant ( BNPP ) ay isang plantang nuclear sa Morong, Bataan. Itinayo ito sa
panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ngunit sa kasamaang palad hindi ito nagamit at
napakinabangan.

Noong Hulyo 1973, inanunsyo ni Pangulong marcos ang pagtatayo ng isang plantang nuclear sa bataan
sa ilalim ng kanyang programang nuclear na nagsimula noong 1958. Ang programa ay bilang tugon sa
krisis sa langis sa gitnang silangan at sulusyon sa pangangailangan ng ibang bansa.
Sinimulan ang konstuksyon ng isang planta noong 1976 ngunit pinatigil noong 1979dahil
diumano nakitaan ito ng mga eksperto mula sa stados unidos ng napakaraming depekto. Nagging
suliranin ng ilan sa mga naging alkalde ang lokasyon ng planta na malapit sa fault line at Mt. Pinatubo,
isa sa mga aktibong bulkan sa pilipinas. Ng malapit ng matapos ang BNPP noong 1984, umabot sa 2.3
bilyon dollar ang nagging gastos sa konstruksyon nito. Ang halagang ito ay inutang lamang ng pilipinas
sa world Bank. Ang BNPP ay idenisenyo upang lumikha ng 621 mega watts ng elektrisidad, ngunit
hanggang sa kasalukuyan ay hindi ito napagana kahit isang minute.
Noong mapaalis sa puwesto si Pangulong Marcos noong 1986, nagpasya ang pumalit sa kanya
si Pangulong Corazon Aquino na huwag ng patakbuhin ang planta dahil sa takot na magaya sa
Chernobyl disaster sa rusya. Gayundin maraming residente ng bataan at organisayon ang nagpakita ng
matinding pagtutul ditto. Kalaunan ay kinasuhan ng Gobyerno ng Pilipinas ang Westinghose ang
kontraktor ng planta, dahil sa over pricing at panunuhol ngunit hindi rin ito nilitis ng stados unidos.
Hanggang sa kasalukuyan ay binabayaran pa rin ng Pilipinas, mula sa buwis ng mga
mamamayan nito., ang napakalaking utang ng Bansa dahil sa BNPP. Bukod sa isyu ng over pricing at
korupsyon ng mga Krew ni Marcos, nakapanlumong hindi napakinabangan ng mga mamamayan ang
proyektong ito.

1. Sino ang pangulo ng Pilipinas na nagpagawa ng nukleyar power plant?


2. Magkano ang inutang ng Pilipinas sa World Bank upang maipagawa ito
3. Ano-ano ang mga dahilan bakit hindi napakinabangan ang Bataan Nukleyar Power Plant?
4. Bakit nagpasya si Pangulong Corazon Aquino na huwag ng patakbuhin ang planta maging sa panahon
ng kanyang administrasyon?

You might also like