Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Si Virgilio Gaspar Enriquez ay nagtapos din ng Doktorado sa ibang bansa.

Walang

inaksayang oras si Enriquez, pagdating niya mula sa Northwestern University sa Amerika

bitbit ang kaniyang Ph.D in Social Psychology ay agad niyang ipinakilala ang konsepto

ng Sikolohiyang Pilipino. Sa tulong ng dating tagapangulo ng Departamento ng

Sikolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas na si Dr. Alfredo Lagmay, nagsagawa ng pag-

aaral si Enriquez tungkol sa historikal at kultural na pinagmulan ng Sikolohiyang Pilipino.

Mula sa pananaliksik na ito ay nalikha ang bibliograpiya ng Sikolohiyang Pilipino at ang

“Panukat ng Ugali at Pagkatao.” (Pe-Pua at Protacio-Marcelino, 2000, akin ang salin).

Ang paggamit ng mga konsepto at panukat na hindi naaangkop sa isang kultura ay

maaaring magpakita ng hindi tamang interpretasyon ng kilos at pag-iisip ng isang

indibidwal. Kung gayon, dapat ay naaayon sa kontekstong ginagalawan ng isang

indibidwal. Ito ang nais tugunan ng Sikolohiyang Pilipino, ang pag-unawa ng Pilipinong

kaisipan at karanasan gamit ang perspektibang Pilipino. (Enriquez,1976) Isa sa mga

pangunahing bunga ng kaniyang pag-aaral ay ang pagtanggi na ang Kapwa ay salin ng

SIR o “Smooth Interpersonal Relations” na kadalasang nakakamit sa pakikisama. Ayon

sa kaniya, mas tamang kilalanin ang kapwa bilang SIS o “Shared Inner Self” kung saan

ito ay bunga ng pinagkaisang pagpapahalaga ng tao, hindi tulad sa SIR na pag-iwas

lamang sa gusot. (Aguiling-Dalisay, 2013) Tinukoy ni Enriquez ang Kapwa bilang

pangunahing pagpapahalaga (core value) sa istruktura ng pagkilos at pagpapahalaga ng

mga Pilipino na nagsisilbing batayan ng ating “Pagkatao.” Sa pamamagitan din nito ay

naipamamalas natin ang ating “Pagkamakatao” mula sa ating KagandahangLoob

(Shared Inner Nobility). Gayundin, naipapakita natin ang ating “Pakikipagkapwa-tao” sa

pamamagitan ng Pakikiramdam (Shared Humanity). Ang pakikiramdam ay


nagpapahalaga sa kalooban ng tao na kinapapaloobanng aktibong proseso ng maingat

na pagmamatyag sa damdamin ng kapwa bago magsalita o kumilos. Nakikita ito sa

panloob at panlabas na dimensyon ng damdamin: ang dama at ang damdam. Ang dama

ay tumutukoy sa panlabas na pakikitungo natin sa ating kapwa habang ang damdam ay

tumutukoy sa kalooban ng tao. Nagbigay rin ang Sikolohiyang Pilipino ng alternatibong

pagtingin sa mga pagpapahalagang Pilipino, tulad na lamang ng bahala na, hiya, utang

na loob, pakikisama at pakikipagkapwa. Nagmungkahi rin ito ng isang metodo ng

pananaliksik, ang pakapa-kapa (groping) na kinasasangkutan ng pagkapa, paghahanap,

at pagtuklas ng isang hindi-sistematikong bulto ng panlipunan at kultural na datos upang

makakuha ng kaayusan, kahulugan at direksyon para sa pananaliksik. (Torres, 1982, p.

171, akin ang salin).

Tungo sa Makabayan, Siyentipiko, at Makamasang Edukasyon

Hindi magiging matagumpay ang anumang tangka ng Pilipinisasyon ng mga

konsepto at teorya kung mananatiling neoliberal ang edukasyon sa Pilipinas.

Ang neoliberalismo ay ang ideolohiyang nagtataguyod sa liberalisasyon sa

ekonomiya na may layuning paigtingin pa ang mga karapatan at imperatibo

ng pribadong pag-aari. (Lumbera, Guillermo, at Alamon, 2007).

Bahagi nito ang mga patakarang pribatisasyon, deregulasyon at

liberalisasyon. Ang pribatisasyon ay ang pagbebenta at pagpapaubaya sa mga

pribadong negosyo ng mga kompanya at serbisyo na dating pinatatakbo at

inihahatid ng gobyerno. Ang deregulasyon ay tumutukoy sa hindi pagkontrol ng


pamahalaan sa presyo ng isang produkto o serbisyo, habang ang liberalisasyon

ay lalong pagbubukas sa ating bansa sa dayuhang interes.

Edukasyon ang pangunahing naging kasangkapan ng mga Amerikano sa pagsakop

hindi lamang ng ating bansa, maging ng ating kaisipan. Ang wikang Ingles na ginagamit

bilang wikang panturo ang nagpapanatili ng kadenang kolonyal sa ating sistemang

pang-edukasyon.Sa akda ng pilosopong Pilipina at propesor na si Emerita S. Quito ay

tinalakay niya na ang paggamit ng wikang banyaga sa mga paaralan ay nagsisilbing

balakid upang makalikha tayo ng matatayog na panitikan o pilosopiya. Ayon kay

Quito (2009), “ang wika ay nanggagaling sa kaibuturan ng kaluluwa, at ito ang dahilan

kung bakit hindi tayo maaaring lubos na matuto ng Ingles.” Ito ay dahil salat

ang Ingles sa mga salita na maaaring gamitin upang ilarawan ang ating buhay, diwa, at

kalinangan dahil na rin hindi angkop ang wikang banyaga sa kaluluwa natin bilang

bansang Pilipino. Dagdag pa ni Quito (2009), “nahahati ang ating pagkatao sapagkat

hindi natin maipahayag ang ating damdamin sa isang wikang akma sa

ating kaluluwa.

Masasabing malaki rin ang epekto nito sa kasalukuyang tagilid na

kalagayan ng ekonomiya ng ating bansa. Hindi na lamang produktong

agrikultural na kinakailangan ng mga industriya ng United States ang ating

inieksport, naging pangunahing kalakal na rin ng ating bansa ang mga

manggagawa. Sa panahon ng neoliberalismo, napalitan ng pagluluwas ng

mga tao ang dati’y pagluluwas ng produktong agrikultural. (Lumbera, 2007).


Kaugnay nito, naglabas ang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng

Executive Order 210 noong 2003 na nagsusulong sa Ingles bilang wikang

panturo upang matugunan ng sistema ng edukasyon ang pangangailangan

para sa manggagawang Pilipinong nakapagsasalita ng Ingles.

Ang edukasyon mismo ay itinuturing din na kalakal sa ilalim ng

neoliberalismo. Sa salin ng Das Kapital na isinulat ni Ramon Guillermo,

binigyang-kahulugan niya ang kalakal bilang “isang bagay na tumutugon sa

anumang uri ng pangangailangan ng tao sa pamamagitan ng taglay nitong

katangian” (Marx, 1867) Dahil sa silbi nito ay nagiging halagang-gamit

ang isang bagay, at batay sa kalidad at kantidad nito ay may katumbas na

halagang-pamalit na gagamitin upang bilhin ito.

Maging ang Unibersidad ng Pilipinas, isa sa mga premyadong pampublikong

pamantasan sa bansa, ay nakaranas ng hagupit ng neoliberal na patakaran

sa edukasyon. Makikita ang neoliberal na globalisasyon sa sistemang pangedukasyon

sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga patakaran sa edukasyon.

Bahagi nito ang mga tinatawag na tuition scheme katulad ng Socialized

Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) at iba pang patakaran na

nagtutulak na maging komersyalisado ang edukasyon. Sa isang dokumento

mula sa UP, sinabing naging katanggap-tanggap na ang STFAP dahil sa

palagiang kapos na badyet na ibinibigay ng pamahalaan sa mga institusyong

pagmamay-ari nito. Gayundin, dahil tinitingnan na ang mga benepisyo mula

sa edukasyon sa kolehiyo ay pakikinabangan ng pribadong indibidwal ay

nangangahulugan ito na dapat ay nakahanda ang sinoman na magbayad


para sa halaga nito. (“Ad-hoc committee to review tuition and other fees: Final

Report” nina De Dios, Felix at Valderama, n.d., mula sa Raymundo, 2007).

Sa kasalukuyan ay libre na ang edukasyon sa mga pampublikong pamantasan dahil na

rin sa 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education

Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017. Sa isinagawang

pagdinig ng joint oversight committee ng Kongreso noong Nobyembre 2018,

natukoy ang ilang problemang kinakaharap ng pagpapatupad ng nasabing batas, tulad

na lamang ng siyam (9) lamang sa 199 na pampublikong kolehiyo at

pamantasan ang nakatanggap ng kaukulang pondo para sa libreng matrikula

(Cepeda, 2018). Makikita pa rin ang impluwensiya ng neoliberalismo sa nasabing batas

kung saan bahagi ng programa ang Tertiary Education Subsidy

(TES) na naglalaan ng pondo para sa mga mag-aaral na nais mag-aral sa mga

pribadong pamantasan

You might also like