Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

Pamagat

Moses, Moses ni Regalio R. Sikat

II. Nilalaman

-Tauhan

Regina Calderon- balo, isang maestra

Tony- panganay niyang anak

Aida- anak niyang babae na ginahasa

Ben- bunso niyang anak

Ana- matandang dalaga, kapatid ni Regina

Ang Alkalde- nagpapaurong kay Regina ng kaso ng anak

Ang Konsehal- kasama ng Alkalde papunta sa bahay ni Regina

Ang mga pulis- kasama ng mayor at ang mga huhuli kay Tony

-Tagpuan

Ang kuwento ay naganap sa loob ng apartment ng pamilya ni Regina kung


saan nagtungo ang Alkalde upang makipagreglo at makipagayos. Ang apartment
kung saan pumunta ang Alkalde at ang mga pulis upang hulihin si Tony. Tiyak
diyan din naganap ang pagbaril ni Regina sa sarili niyang anak.

III. Kayarian

-Dyanra

Trahedya , sapagka't ito ay nagpapakita ng malulungkot at masisidhing


pangyayari o tagpo sa kuwento. Kung saan ipinapakita ang mga hindi kanais - nais
na pangyayari , katulad na lamang ng pagpatay at mga iba pang karanasan.
-Teorya

Teoryang Realismo - Ang layunin ng kuwento ay ipakita ang mga karanasan at


nasaksisan ng akda sa lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong
buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Ipinakita ng kuwentong Moses
moses ang hustisya ay hindi basta't lamang nakakamit lalo't na kung may
kapangyarihan ang nagsala. Ipinakita din nito na hindi pantay-pantay ang
karapatan ng mga tao. Sapagka't ang mga mayayaman ay may pabor at
kapangyarihan sa buhay habang baliktad naman sa mahihirap. Higit sa lahat , ang
kuwento na ito ay pinakita na maraming tao ang gumagawa ng mali para lamang
makamit ang hustisya at makapaghiganti. Lahat ng ito ay maaari pang nangyayari
sa ating kasalukuyan na panahon.

IV. Buod

Ang anak ni Regina na si Aida ay nagahasa ng anak ng mayor. Kaya naman si


Aida ay hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya ay na-trauma. Kaya’t
kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya si Aida.

Naguusap sina Ana at Regina nang biglang dumating ang mayor kasama ang
konsehal. Pumunta sila roon upang makipag ayos ngunit sa maling paraan.
Pinauurong nila ang kaso laban sa anak ng mayor at binibigyan pa ng pera para
lang itigil ang demanda. Ngunit hindi pumayag si Regina.

Pagkaalis ng mayor, nagsalita si Tony at inilalabas ang kanyang sama ng loob sa


mayor at anak nito. Nang sinabi nila kay Tony na bumili ng gamot para kay Aida.
Hindi alam ng magulang nito na siya ay may dalang baril at papatayin ang anak ng
mayor. Nalaman lamang ito ni Regina nang makaalis na si Tony dahil nakita ni Ben
na kinuha ni Tony ang nakatagong baril ng kanilang ama na pinatay din.

Sa sumunod na araw, dumating si Tony na nagmamadaling pinapaalis at


pinapalayo ang pamilya. Napatay niya ang anak ng mayor. Bago man matapos
ang pagtatalo nila kung aalis o hindi ay dumating na ang mga pulis at mayor.
Kinuha nila si Tony, ngunit ito ay sinaktan nila at pinagtulungan na parang gustong
patayin. Kaya ang ginawa ni Regina na ay siya na mismo ang bumaril sa kanyang
anak. At doon, si Regina ang kinuha ng mga pulis.
V. Pagsusuri

-Gintong Aral

Ang hustisya ay dapat nakakamit. Mayaman man o hinde, ang karapatan


dapat ng bawat isa ay pantay- pantay. Higit sa lahat huwag nating dumihan ang
ating kamay para lamang makamit ang hustisya. Dahil Diyos ang nagbibigay sa
mga nararapat. Dapat din na huwag padalasdalas sa mga desisyon na iyong mga
gagawin, dahil maaring magtungo ito sa masamang bunga.

-Taglay na Bisa

Bisang Pandamdamin - Dahil ang Moses moses ay isang trahedyang akda na


makakapagbago ng damdamin ng mga manonood at mambabasa. Lalo't na ang
akda ay pinagmulan sa tunay na pangyayari. Ang akdang ito ay nagpapakita ng
mga malulungkot at nakakatakot na pangyayari. Lubhang nakakaawa ang
nangyari kay Aida. Ginahasa siya ng anak ng Alkalde nila at hindi nabigyan ng
hustisya. Ganoon din ang nangyari noong namatay ang kanilang ama.
Nakakalungkot ang katapusan ng kuwento dahil sa aksidenteng napatay ni Regina
ang kanyang anak na si Tony at siya pa ay nakulong.

Bisa sa Kaisipan - nagbigay ito ng impormasyon tungkol sa mga problemang


kinakaharap ng lipunan lalo na ang kawalan ng hustisya. Kasama na rin dito ang
kawalan ng pantay-pantay na karapan ng bawat tao.

Bisa sa Kaasalan - Dapat tayong maging patas sa lahat ng bagay at harapin ang
mga parusa na hatid ng ating mga maling gawain. At lagi nating tandaan na ang
paghihiganti ay hindi katumbas ng hustisya.
-Kamalayang Panlipunan

Ang ipinakita ng kuwento ay isang suliranin sa lipunan. Kung saan ang karapatan
ng bawat isa ay hindi pantay. Naipakita kita rito ang maruming kalakaran sa
lipunan kung saan ang mga mahihirap ay lalo pang nasasadlak sa kahirapan.
Katulad na lamang sa hustisya na hindi makamit ng mga mahihirap at ang
nagkasala naman na mayaman ay tiyak na dinadaan pa nito sa pera. Ang pag-
gahasa sa isang babae na si Aida. Paghiganti naman ni Tony sa maling paraan.
Lahat ng mga naitala sa kuwentong ito ay nangyayari parin sa kasalukuyan na
panahon.

You might also like