HJKGF

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KRISTIYANISMO

Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista na nakabatay sa búhay at


pinaniniwalaang mga katuruan ni Hesus na pinaniwalaan ng mga Kristiyano na
isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ito ay ang pinakamalaking relihiyon sa
kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong táong kasapi nito.

Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan nito noong mga maagang siglo nito ay hindi
isang nagkakaisang kilusan ngunit binubuo ng mga pangkat na may mga magkakatunggaling
pananaw na gumagamit ng mga iba't ibang kasulatan. Ang kanon ng Bagong Tipan (na
tinatanggap ng marami ngunit hindi lahat ng Kristiyano sa ngayon) na nabuo lamang noong ika-
4 siglo CE ang kanon na pinagpasyahan ng isang pangkat ng Kristiyano. Sa karagdagan, ang
mga kasunduan sa teolohiya ay nabuo lámang sa mga Unang Pitong Konsilyo na nagsimula
lamang noong ika-4 siglo CE kung saan ang pangkat na nanalo sa mga halalang ito ang
naging ortodoksiya. Ang mga konsehong ito ay sinimulan ni Emperador Constantino upang
maabot ang isang pagkakaisa ng mga magkakatunggaling sektang Kristiyano sa
kanyang Imperyong Romano. Sa mga konsehong ito na kinondena ng
nanalong ortodoksiya ang kanilang mga katunggaling sektang Kristiyano na natalo sa
mga halalang ito bilang mga eretiko. Ang ortodoksiya ang ginawang opisyal na relihiyon ng
Imperyo Romano ni Emperador Theodosius I at kanyang sinupil ang ibang mga sektang
Kristiyano gayundin ang mga relihiyong pagano na katunggali ng ortodoksiyang ito. Kalaunan,
ang ortodoksiya ay nagkabaha-bahagi sa iba't ibang mga pangkat dahil sa mga hindi
mapagkasunduang doktrina.

Ang mga pagkakabaha-bahaging ito ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyang


panahon dahil sa mga iba't ibang magkakatunggaling interpretasyon tungkol sa tunay na
kalikasan at mga katuruan ni Hesus. Ang mga karamihan sa mga sektang ito ay nag-aangkin na
sila ang isang totoong simbahang Kristiyano at ang ibang mga sektang Kristiyano ay hindi totoo.

Ang pangalang Kristiyano ay may kahulugang "kabílang kay Kristo" o "pagmamay-ari ni


Kristo", na naging tawag para sa mga sinaunang disipulo sa lungsod ng Antioke na kilala rin
bilang Antioque o Antioch (Gawa 11:26). Si San Ignacio ng Antioch ang unang gumamit ng
"Kristiyanismo" (Χριστιανισμός, "Christianismos") bílang pangalan ng pananampalataya kay
Kristo. Sa diwà ng Kristiyanismo, kapag ginamit ang salitang Kristiyano - kasáma at katulad ng
mga katagang alagad, apostol, disipulo, mananampalataya, sumasampalatáyà, nanalig,
o naniniwala - nagpapahiwatig ito ng pagtitiwala at pagsunod kay Hesukristo. Ginamit ni Simon
Pedro at Haring Agrippa ang katawagang Kristiyano.

Ang pinaniniwalaan (ng mga Kristiyano) na tagapagtatag ng Kristiyanismo na


si Hesus ay pinaniwalaang ipinanganak sa Romanong Judea sa pagitan ng 7 BCE at 2 CE. Ang
Kristiyanismo ay nagsimulang kumalat mula sa Herusalem tungo sa mga lugar gaya ng Syria,
Assyria, Mesopotamia, Phoenicia, Asia Minor, Jordan at Ehipto. Ang Kristiyanismo ay ginawang
opisyal na relihiyon ng estado ng Armenia noong 301 CE, Georgia noong 319 CE, Imperyong
Aksumnite noong 325 CE at ng imperyo Romano noong 380 CE. Ang mga kondisyon
sa imperyo Romano ay nagpadali sa pagkalat ng mga bagong ideya. Ang mga mahuhusay na
lansangan at mga daanang pantubig ay pumayag sa madalíng paglalakbay samantalang
ang Pax Romana ay gumawa sa paglalakbay mula sa isang rehiyon tungo sa isa pa na ligtas.
Ang mga sinaunang Kristiyano ay nakaakay ng mga pamayanang Hudyo sa buong Dagat
Meditteraneo. Bagaman ang karamihan ng mga naakay sa Kristiyanismo ay mula sa Imperyo
Romano, ang mga kilalang pamayanang Kristiyano ay itinatag rin sa Armenia, Iran at sa
kahabaan ng Baybaying Malabar. Ang bagong relihiyon na Kristiyanismo ay pinakamatagumpay
sa mga lugar na urbano at kumalat muna sa mga alipin at mga tao na may mabababang mga
katayuan sa lipunan.

REDUCCION

– ang sistemang reduccion ay isang paglilipat ng lugar na isinagawa ng mga kastila upang
mapadali ang pamamahala sa mga pamayanan. Ang mga may kapangyarihang kastila ay
hinimok ang mga katutubo na tumira malapit sa mga simbahan o sa lugar na maririnig ang
tunog ng kampana. Hinimok ang mga tao upang maging kristiyano.

TRIBUTO
Ang Tributo ay isang sistemang pagbubuwis na siyang pangunahing pinagkukunan ng pondo o
salapi ng mga Espanyol sa panahon ng pananakop nila sa Filipinas. Lahat ng mamamayan ay
obligadong magbayad ng kaukulang halaga sa pamahalaan upang maituring na lehitimong
sakop ng Hari ng Espanya, maliban na lamang sa mga gobernadorcillo, cabeza, mga
kalalakihang kabilang sa sandatahan, mga may sakit at baldado, mga walang sapat na ani sa
taon at mga mamamayang edad animnapu pataas. May dalawang uri ng tributo - pagbabayad
ng salapi, at pagbabayad ng pananim, kalakal o tanim.

ENCOMIENDA

Ang sistemang Encomienda ay isang polisiyang pang-ekonomiya na itinakda ng pamahalaang


Espanya, sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi noong unang yugto ng kanilang
pananakop sa Filipinas. Ito ay ipinakilala sa kolonya upang higit na maisaayos ang
pamamahala sa kanilang sakop.

Ang Encomendero ang siyang nagpapatakbo ng isang lupain at humahawak sa


pangkabuhayan at panininiwala ng mga sakop nito. Ginamit na batayan sa pamamahala nito
ang batas ng mga Indies, ngunit dahil sa di wastong pagsunod dito ay nagresulta lamang sa
mga pang-aabuso sa mga katutubo. Dahil sa mga pagpapahirap na naranasan sa kamay ng
mga encomendero, samu't saring pag-aaklas ang pinangunahan ng mga Filipino. Noong 1674,
tuluyan ng binuwag ang sistemang encomienda sa Filipinas at iba pang kolonya ng Espanya.
POLO Y SERVICIOS

Ang polo y servicios ay ang sapilitang paggawa ng walang kabayaran na ipinapalagay na


paghahandog sa hari ng Espanya at sa Simbahang Katoliko. Sa sistemang ito, ang lahat ng
kalalakihan 16–60 taong gulang ay sapilitang pinaggagawa ng mabibigat na trabaho para sa
mga gawaing bayan tulad ng kalsada, simbahan, tulay, paaralan, mga gusaling
pampamahalaan at mga pampublikong gusali.

KRISTIYANISMO
KRISTIYANISMO

REDUCCION

TRIBUTO

ENCOMIENDA

You might also like