Buod

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Miliminas: Taong 0069 ay orihinal na akda ni Milo Par Pamonag na isinalin ni Ruby V.

Gamboa-
Alcantara na tumatalakay sa masalimuot na katotohanan na kinakaharap ng Pilipinas. Matatagpuan ang
kapuluan ng Miliminas sa kalagitanaan ng dagat Pasipiko na mayroong mamamayan na tinatawag na
Milimino. Ang pagkakaiba ng estado sa buhay ng mga tao ang siyang nagdidikta sa maaaring
kahantungan ng kanilang buhay sa lipunan. Sa bansang ito pinapaboran ang katiwalian at binibigayang
importansiya ang mga mayayaman na siyang kabaligtaran na dapat taglayin ng isang patas at
makatarungang bansa. Ang mga hindi makatarungan at hindi katanggap-tanggap na kultura, ugali,
batas, at pamamahala ay itinataguyod sa kapuluang ito na siyang sumasalamin sa bulok na sistema na
mayroon ang bansang Pilipinas. Laganap din ang pagiging sakim sa kapangyarihan ng mga nakatataas at
ang kanilang pangangamkam sa pera ng bayan. Bungsod nito, ang mga kabataan ay bumuo ng isang
programang nagtataguyod ng mabuting pamamahala. Programang mahigpit na tinututulan ng
pamahalaan na nagdulot ng rebolusyon sa kapuluan ng Miliminas. Ang rebolsuyon na ito ang nagtulak sa
kanilang diyos na si Santasa na magpataw ng mabigat na parusa na naging sanhi ng tuluyang pagkawala
ng nagsissimula pa lamang na Miliminas sa sanlibutan.

You might also like