Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANUKALA PARA SA RESEARCH CENTER (INTERNET BASED) PARA SA MGA MAG-AARAL.

By John Ross R. Moron


2630 B. R. Fernandez St.
Barangay 173, Gagalangin, Tondo, Manila
johnrossramosmoron@gmail.com
09051237890

Ika-7 ng Enero. 2019


Tagal ng Proyekto: 1 buwan (simula Ika-12 ng Hunyo hanggang Ika-12 ng Hulyo)

PROBLEM STATEMENT:
Ang proposal na ito ay para sa lahat ng mga mag-aaral sa Barangay 173. Aking nakita na marami sa mga
mag-aaral sa ating barangay ay nagpupunta pa ng computer shop para lamang makapagsaliksik ng kanilang
takdang aralin. Ang kompyuter at internet na ipapakabit at bibilhin ay nakalagay sa Barangay Center para sa mas
mabilis na paggamit nito. Magkakaroon din ito ng printer, na kung saan, pwedeng mag paprint ang mga mag-
aaral ng kanilang takdang aralin sa mababang halaga.

LAYUNIN:
Ang proposal na ito ay nagnanais na magkaroon ng isang set ng Computer at internet sa tabi ng barangay
upang magamit ng mga mag-aaral sa paggawa ng kanilang mga takdang – aralin sa paaralan.

PLAN OF ACTION:
A. Pag-apruba at paglabas ng Badyet - 14 araw
B. Paghahanap o pagpapagawa ng pwestong paglalagyan ng Computer - 2 araw
C. Pagbili ng isang set ng Computer - 7 araw
D. Pagbuo at paglagay sa pwesto ng Computer - 1 araw
E. Paghahanap at papakabit ng Internet Connection - 7 araw
F. Paggawa at distribusyon ng mga publicity material - 3 araw
G. Pagsubok sa mga kagamitan kung ito ay gumagana at handa para sa paglunsad ng proyekto - 2 araw
H. Pormal na pagbubukas ng Research Center sa Barangay Center sa ika-12 ng Hunyo.
BADYET
HALAGA PER
AYTEM PIRASO KABUUAN
PIRASO
COMPUTER ₱4,999 1 ₱4,999

COMPUTER TABLE ₱2,500 1 ₱2,500

MONOBLOCK ₱450 5 ₱2,250

PREPAID WIFI ₱1,999 1 ₱1,899

LOAD PARA SA WIFI ₱599 (15gb) 1 ₱599

PRINTER ₱2,500 1 ₱2,500

SHORT BOND PAPER ₱170 2 ₱340

LONG BOND PAPER ₱190 2 ₱380

KABUUAN ₱15,467

PAANO MAKATUTULONG ANG PROYEKTONG ITO SA AKING PAMAYANAN?


Dahil sa kawalan ng mga mag-aaral ng aming barangay ng pangkompyuter upang magsaliksik para sa
kanilang takdang aralin, ang pagkakaroon ng Computer at Internet Connection sa Barangay Center ay magiging
isang malaking tulong lalo na sa mga mag-aaral na walang kakayanang makapagrenta ng kompyuter upang
magsaliksik ng kanilang takdang aralin. Ang pagkakaroon din ng printer ay malaking tulong hindi lamang sa mga
mag-aaral kundi pati na rin sa mismong barangay dahil maari na rin silang mag print ng kanilang mga dokumento
na kinakailangan sa barangay. Tinitiyak ng programa na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng kasapi
ng pamayanan.

You might also like