Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PARABULA

 Parabula o Talinhaga - ay isang maikling kuwentong


may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
 Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa
anyong patula o prosa na malimit nangangaral at
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
 Ingles na parable
 Griyego na parabole
 Ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay
na maaring mangyari o nangyayari na kung saan
nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na
magiging gabay ng isang taong nahaharap sa
pangangailangang mamili at magdesisyon.
 walang inilalahok na tauhang hayop, halaman,
bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos
at nagsasalita gaya ng tao.
 Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong
naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng
isang bagay ang iba pang bagay.
 Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay
mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung
ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
 Ito ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang
bigyan ng din ang kahulugan.
 Madalas itong hango sa Banal na Kasulatan at
kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas ng
buhay.
 Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay
ng malalim na kahulugan; ang tanging binibigyang diin
ay ang aral ng kuwento.

You might also like