Poetry

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Samalamig Pag-ibig

Master Chef

Ang hirap pala ng ganito, yung tipo na hindi mo matanto kung ano nga ba talaga ang isinisigaw ng
puso. Hindi mawari kung anong mga salita ang tutugma sa bawat nararamdaman nito. Marahil sabi ng iba,
in love ka. ‘Yong bang hindi mo maintindihan ang bawat ganap—basta ang alam mo lang, tumibok muli ang
puso matapos ito mapagod sa isang laro na kung saan ika’y natalo. Break muna! Isang samalamig nga diyan,
‘yong kaya akong mahimasmasan sa kahibangang kinabaliwan ko.

Sana sa isang basong samalamig na ito, mabigyan ako ng linaw kung ano nga ba talaga ang parte
ko sa buhay mo. Umay na kasi ako sa tsokolateng paborito ko na noong una’y sobrang tamis subalit ng
nagtagal ay nagiiba na ang timpla nito.

Sana sa isang basong samalamig na ito ay natagpuan ko na ang kukumpleto sa binili kong
panghimagas na siyang uukit ng panibagong kabanata.

Sana sa isang basong samalamig na ito ay matatanto ko ang tunay na kahulugan ng pagmamahalan
at ang ika’y sago at ako’y gulaman sa isang samalamig na kukumpleto sa nauuhaw kong buhay pag-ibig.

You might also like