Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV- A CALABARZON
Sangay ng Batangas
Padre Garcia National High School
Poblacion, Padre Garcia, Batangas

Masusing Banghay- Aralin para sa Pakitang-Turo sa Filipino 7

Petsa: Setyembre 19, 2018


Asignatura: Filipino
Markahan: Ikalawang Markahan
Tema: Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang mga akdang
pampanitikan ng Kabisayaan.
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting bayan gamit
ang wika ng kabataan.
Araw: Miyerkules

I. LAYUNIN
A. Nabibigyang kahulugan ang dula at elemento nito.
B. (F7PN-IIe-f-9) Natutukoy ang mga tradisyong kinagisnan ng mga taga-bisaya batay
sa napakinggang dula.
C. Napapahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa dulang napakinggan.

II. NILALAMAN
Paksa: Dula
Akda: “Miss Dolying “ ni Pio A. Kabahar
Sanggunian: “Kalinangan” (workteks sa Filipino 7 pp. 103-
106),youtube.com,slideshare.com
Kagamitan: telebisyon, slide deck,speaker, video clip, index card at laptop.
Kahalagahang Pangkatauhan: Ipagmalaki ang kulturang Pilipino na mayroon sa isang
dula dahil ito’y sumasalamin sa tradisyong kinagisnan ng isang lugar.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
(Pagpapanood ng video clip ng
pagdarasal) Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
Santo…
2. Pagbati sa Klase
Magandang Umaga mga bata.
Magandang umaga din po.
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Mangyaring ayusin ang hanay ng inyong
mga upuan at pulutin ang kalat sa paligid.
4. Pagtatala ng liban
Ngayon ay nais kong tawagin ang kalihim
ng klase at upang sabihin kung sino ang
liban ngayong araw.
5. Pagbabalik-aral
1. Ano ang tinalakay natin noong
nakaraang araw? Tinalakay po natin ang tungkol sa mga
kultura ng kabisayaan.
2. Isa-isahin ang mga pestibal ng
kabisayaan. Ang iba’t-ibang pestibal po ay Sinulog
Pestibal, Handuraw Pestibal, Tinuom
Pestibal, Tambobo Pestibal at Karatong
Pestibal.

A. AKTIBITI
Ngayong araw ay magkakaroon tayo ng
isang gawain na kung saan ay mayroon
akong ipapanood at pagkatapos ay
kailangan ninyong sagutin ang aking mga
inihandang katanungan.
Maliwanag ba ang inyong gagawin?
Opo, maliwanag po ang aming gagawin.
(pagpapanood ng video clip ng “Miss
Dolying”)

B. ANALISIS
(magtatanong ang guro sa pamamagitan
ng larong picture reveal)
1. Sa inyong palagay, tungkol saan
ang inyong napanood? Ang napanood po naming ay tungkol sa
isang pasyente na si Victor na nabaliw
dahil sa kasintahan at may isang nars na
nag-aalaga sa kanya na si Miss Dolying.
2. Sino ang mga tauhan?
Ang mga tauhan ay sina Miss Dolying
isang nars at Victor ang pasyenteng
baliw.
3. Batay sa napanood, saan ang
naging tagpuan? Ang naging tagpuan po ay sa ospital sa
loob ng clinic.
4. Batay sa napanood, bakit kaya
sinunog ni Victor ang mga sulat?
Dahil siya ay sinaktan ng kanyang
kasintahan dahilan kung bakit siya
nabaliw.
5. Sa inyong palagay, anong akdang
pampanitikan nabibilang ang “Miss
Dolying”?
Ang amin pong napanood ay isang uri ng
dula.
Tumpak ang iyong kasagutan, iyan nga
ang paksang ating tatalakayin.

C. ABSTRAKSYON
Ngayon ay tutuklasin natin ang kahulugan
at elemento ng isang dula.
Ano nga ba ang dula?
DULA
-Ito ay hango sa salitang griyego na
“drama” na nangangahulugang gawin o
kilos.
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Ito
ay isang pampanitikang panggagaya sa
buhay upang maipamalas sa tanghalan.
Sa inyong palagay, ano ang layunin ng
isang dula?
Layunin po nitong ilarawan sa tanghalan
ang isang pangyayaring nagpapahayag
ng isang kapanapanabik na bahagi ng
buhay.
Ngayon ay ating alamin ang mga
elementong bumubuo sa dula. ELEMENTO NG DULA
1. Iskrip o banghay- pinakakaluluwa
ng isang dula. Sa iskrip nakikita
ang banghay ng isang dula.
Sa inyong palagay, bakit sinabing
pinakakaluluwa ng isang dula ang iskrip? Dahil dito po pumapasok ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
gayundin ang magiging daloy ng dula.
2. Aktor o Karakter- nagsisilbing
tauhan ng dula at nagsasabuhay
Ang aktor ang siyang gumaganap sa sa mga tauhan sa iskrip.
isang dula kung kaya kung walang
tauhan hindi magiging buhay ang
pagtatanghal. 3. Dayalogo- mga bitaw na linya ng
mga aktor na siyang sandata
upang maipakita at maipadama
ang mga emosyon.
Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang
dayalogo sa isang dula? Mahalaga po ito dahil ito ang nagbibigay
buhay sa isang pangyayari.
4. Tanghalan- anumang pook na
pinagpasyahang pagtanghalan ng
Batay sa napanood, saan naganap ang isang dula.
pagtatanghal? Naganap po ito sa ospital sa may klinik.
5. Tagadirehe o Direktor- siya ang
nag-i-interpret sa iskrip mula sa
pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng
damit ng tauhan hanggang sa
paraan ng pagganap o pagbigkas
Sa inyong palagay, bakit mahalaga na ng mga tauhan.
may isang director sa dula?
Mahalaga po ang direktor dahil siya ang
pinagmumulan ng lahat ng dapat gawin
ng mga staff maging ng tauhan.
6. Manonood- saksi sa isang
pagtatanghal. Hindi maituturing na
dula ang isang binansagang
pagtatanghal kung kung hindi ito
napanood ng ibang tao.
Nilikha ang isang dula o pagtatanghal
para sa mga manonood. 7. Tema- pinapaksa ng isang dula.

Batay sa napanood , ano ang naging


Ang paksa po nito ay tungkol sa
paksa nito?
pagtitiyaga at maging sa wagas na pag-
ibig.
Sa inyong palagay, anong mga
tradisyong kinagisnan ng mga taga-
bisaya ang makikita sa dulang “Miss
Sa akin pong palagay ay sa pagiging
Dolying”?
wagas na mapagmahal ng mga bisaya.

Magbigay ng iba pang tradisyon at


Ang iba pang tradisyon ng kabisayaan ay
kaugalian ng kabisayaan.
likas na masiyahin, may kaugalian sa
panliligaw, relihiyoso at mahilig sa
pestibal.

D. APLIKASYON
Upang malaman kung lubos ninyong
naunawaan ang ating tinalakay ay
magkakaroon tayo ng isang gawain na
tatawaging “Hulaan mo ako”. Bawat
pangkat ay mag-uunahan sa pagsagot
kung ano ang mga nasa larawan. Para
malaman kung sino ang naunang
pangkat ay manyaring itaas lamang ang
manila paper. Ang may pinakamataas na
nakuhang puntos ang siyang tatanghaling
panalo.
Naunawaan ba ninyo ang inyong
Opo, naunawaan po namin ang aming
gagawin?
gagawin.

Mga larawan:
1. Direktor
2. Manonood
3. Tanghalan
4. Iskrip
5. Aktor
6. Dayalogo

PAGPAPAHALAGA
Ibigay ang saloobin hinggil sa katagang
ito ni Shakespeare.
“Ang mundo ay isang teatro”
- Shakespeare Nais po nitong iparating na tayo bilang
isang tao ang siyang aktor o karakter ng
ating buhay at ang Diyos ang ating
direktor at ang mundong ito ang ating
tanghalan.
PAGLALAHAT
Muli, ano ang dula at mga elemento nito.
Ang dula po ay isang uri ng panitikan.
Ang mga elemento po ay iskrip, aktor,
dayalogo, tanghalan, direktor, manonood
at tema.

PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung anong tradisyon
ng kabisayaan ang ipinapakita sa bawat
pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang


nagpapakita ng tradisyon ng mga
taga-bisaya?
a. Mga tapat na mananampalataya
b. Likas na masiyahin
c. Mga magigiting na tagapagtanggol
d. Lahat ng nabanggit
2. Bakit nagkakaroon ng mga
pagdiriwang ang kabisayaan tulad
ng mga pestibal?
a. Dahil kailangang taun-taon ay may
pagdiriwang sila.
b. Dahil bahagi ito ng tradisyon at
kultura ng taga-bisaya.
c. Dahil gusto nilang ipagmalaki ang
kanilang lugar.
d. Dahil pagpapakita ito ng patuloy
na pagtangkilik sa kung anong
mayroon sila.
3. Ang mga taga bisaya ay kilala
bilang mga taong masiyahin. Kahit
anong klase ng problema ang
kinakaharap ay nagagawa pang
tumawa at ngumiti.
a. Debotong kristyano
b. Likas na masiyahin
c. Matibay ang loob
d. Mga tapat na mananampalataya
4. Paano mo mapapahalagahan ang
mga tradisyon at kultura sa isang
lugar?
a. Sa pamamagitan ng pagbibigay
galang at respeto sa mga ito.
b. Sa pamamagitan ng pagtangkilik
sa mga tradisyon.
c. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa
mga pestibal na ipinagdiriwang
dito.
d. Lahat ng nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng kaugalian sa
panliligaw?
a. Magsibak ng kahoy
b. Pagtatagpo ng babae at lalaki
c. Hindi pagtulong ng lalaki sa
pamilya ng babae.
d. Pagwalang bahala sa magulang
ng lalaki.
Susi sa Pagwawasto
1. d
2. b
3. b
4. d
5. a

Bahagdan ng Pagkatuto:_____

Takdang-Aralin
1. Gumuhit ng isang larawan na
nagpapakita ng tradisyon ng
Kabisayaan.
2. Magtala ng mga salitang
magkakaugnay.
Halimbawa :
ngumiti tumawa humalakhak

Inihanda ni :

ROSE ANN A. PADUA


Gurong- nagsasanay

Binigyang pansin ni:

MINERVA M. BUAN
Gurong- Tagapagsanay

You might also like