Professional Documents
Culture Documents
Introduksyon Sa Mga Bayaning Manunulat: Jose Protacio Rizal y Mercado
Introduksyon Sa Mga Bayaning Manunulat: Jose Protacio Rizal y Mercado
Noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas, maraming tao ang nagdusa, naghirap at
naging alipin. Walang may tangkang lumaban dahil kinakatakutan ng mga Pilipino ang pwersa
ng Espanya, at dahil dito, sila ay patuloy na nagdusa at naghirap.
Ngunit, noong dumating ang panahon ng pagbabagong diwa na pinangunahan ni Jose Rizal at
ng Himagsikan, nagkaroon ng pagbabago. At dito naisulat ang iba't ibang mga akda ng mga
bayaning manunulat tulad ni Rizal, Bonifacio at Del Pillar. Ang kanilang mga akda ay
nahahango sa mga pangyayari na kanilang naranasan noong panahon ng pananakop. Inalay ang
karamihan sa akda para sa mga pilipino nang sa gayon ay malaman ng mga pilipino sa
hinaharap ang mga nangyaring karahasan at pakikipaglaban para sa kalayaan noong panahon
ng pagsakop.
Sa Pagsusuri ng mga datos, matatagpuan dito ang mga nakalakip na impormasyon tungkol sa
mga nabanggit na mga manunulat. Matatagpuan din dito ang kanilang mga akda na sinulat
noong sila'y nabubuhay pa at impormasyon ng bawat akda. makikita din dito ang pagkumpara
at pagkontrast ng mga ginawang akda ng mga bayaning manunulat.
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay ang pampito sa labing-isang anak ng
mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora
Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna noong
Hunyo 19, 1861. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion,
Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay
tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa
Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang
buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong
ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang
pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang
sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa
Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.
• Noli Me Tangere
- Ang akdang ito ay inilimbag noong 1887 at tinalakay dito ang mga kabulukan sa lipunan.
• El Filibusterismo
- Ang akdang ito ay ang karugtong ng "Noli Me Tangere", at tinalakay dito ang mga talamak na
sakit sa lipunan, pagsupil sa mga karapatang pantao at ang maling pamamalakad ng gobyerno
at simbahan.
• Brindis
- Ito'y isang talumpati na inihandog nya sa dalawang pintor na nanalo sa Madrid na si Juan
Luna at si Felix Ressurrecion Hidalgo.
• Me Piden Versos
- Isang tula na nagpapakita ng kalungkutan ni Rizal sa pagwalay sa inang bayan.
• Kundiman
- Isang tulang ginawa ni Rizal na nagpapahayag na ang Bayang inapi ay magiging malaya din
dumanak man ang dugo.
• Mi Ultimo Adios
- Ito ang itinuring na Obra Maestra ni Rizal kung saan ginamit ito ni Bonifacio sa
paghihimagsikan.
Marcelo H. Del Pillar
• Caiingat Cayo
- Ito'y isang libretong pagtatanggol sa akdang " Noli Me Tangere" ni Rizal.
• Ang Kalayaan
- Ito ay naglalaman ng huling habilin ni Paridel sa mga Mamamayang Pilipino.
• La Frailocracia en Filipinas
- Ang sanaysay na ito ay naglalahad ng kaapihang dinanas ng taumbayan at ang di
makatarungang pamamalakad ng mga prayleng kastila.
• Dasalan at Tocsohan
- Isang Polyetang panggising sa mga damdamin ng mga mamamayang Pilipino.
Andres Bonifacio
Si Andrés Bonifacio ay isáng tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika-30 ng Noviembre 1863
sa isang bahay na pawid sa puok sa harap ng himpilan ngayón ng tren sa daang Azcárraga sa
Tondó, Manila. Ang kanyang amá ay si Santiago Bonifacio, na ang hanap-buhay ay mananahi .
Ang kanyang ina naman ay si Catalina de Castro. Mga taal na taga-Maynilà. Ang kanyang mga
magulang ay mga taong dukha kaya siya naman ay isang taong mahirap.
Nagkaroon siya ng 4 kapatid, sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang 2 una at ang huli
ay patay na. Ang babae ay buhay pa (nuong 1922), asawa ng nasirang bayani, si Teodoro
Plata, na isá sa mga masikhay (matalik, malapit) na kasama ni Andrés Bonifacio.
Siya ay nag-aral sa paaralan ng isang guro, si Guillermo Osmeña, sa pook ng Meisik, Binundok
(Binondo ngayon), Manila. Datapwa nang siya ay tumutuntong na sa ika-14 taon, namatay ang
kanyang mga magulang at dahil dito, naputol ang kanyang pag-aaral. Siya nuon ay maalam
nang bumasa at sumulat ng wikang sarili (Tagalog) at Castila.
Upang siya ay mabuhay, sampu ng kanyang mga kapatid, binatak ang sariling buto at siya ay
naglako ng mga tungkod (bastones, walking sticks) at mga pamaypay na papel na ginagawa
niya sa luob ng kanilang bahay. Gayon din ang ginawang hanap-buhay ng kanyang mga
kapatid.
Nang lumipas ang ilang panahon, naging kawani (personero, employee) siya sa bahay-kalakal
nina Fressell & Co., sa bilang 450, daang Nueva, Maynilà. Ang sahod niya ay mga 12 piso
lamang sa isang buwan. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga tungkod at pamaypay, na
inilako ng kanyang mga kapatid.
• Decalogo ng Katipunan
- Ito'y ginawa upang maging kautusan sa mga kasapi ng Katipunan.
Apolinario Mabini
Minalas siya noong 1896 nang nagkasakit siya ng trangkaso na siyang naging sanhi ng kanyang
pagiging paralitiko nang pang-habang buhay. Sa kabila nito ipinagpatuloy pa rin niya ang
trabahong notariyo at sinuportahan niya ang kilusang reporma na siyang naging dahilan ng
kanyang pagkabilanggo hangang Hunyo ng 1897.
Nang dumating ang himagsikang Pilipino at Amerikano,
si Mabini ang naghikayat sa kanyang mga kababayan na lumaban at mamatay para sa ating
kalayaan. Nilikha niya ang kanyang pinka-tanyag na "Ang Tunay na Dekalogo".
Sa paniwalang wala na siyang ibang paraan at dahil sa akalang mas madali siyang magsilbi sa
kanyang mga kababayan kung siya ay bumalik sa Pilipinas, siya ay nangako ng pagkampi sa
Estados Unidos noong ika-26 ng Pebrero, 1903. Siya ay namatay sa Nagtahan, Manila noong
ika-13 ng Mayo, 1903 sa gulang na 39.
• El Simil de Alejandro
- Ito ay tumutuligsa sa pamahalaang amerikano at nagbibigay-diin sa karapatang pantao.
• El Vedadero Decalogo
- Ito'y isang kathang naglalarawan at tagapagpalaganap ng pagkamakabayan o nasyonalismong
Pilipino.
Emilio Jacinto
Si Emilio Jacinto ay anak nila Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Namatay agad ang kanyang
ama ilang sandali lamang matapos na siya ay isilang na nagtulak sa kanyang ina na ipaampon
si Emilio sa kanyang tiyuhin na si Don Jose Dizon upang magkaroon ng magandang buhay.
Si Emilio ay bihasa sa pagsasalita ng Tagalog at Kastila pero mas gusto niya ang Kastila. Siya
ay nag-aral sa Kolehiyo ng San Juan de Letran at nang maglaon ay lumipat sa Pamantasan ng
Sto. Tomas para mag-aral ng batas. Hindi niya natapos ang kurso at sa edad na 20 ay sumapi
siya sa isang sikretong samahan na ang pangalan ay Katipunan.
Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa mga Kastila bagamat
hindi siya sumali sa puwersa ni Aguinaldo. Namatay si Emilio Jacinto sa sakit na malaria noong
Abril 16, 1899 sa Majayjay, Laguna sa edad na 23.