Book Review in Historiography

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Book Review in “Historiography: Special Topics in Philippine History”

Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig

By: Celia D. Soriano, et.al

Panimula

Mahalagang mapag-aralan ang Kasaysayan ng daigdig upang malaman natin ang bawat
pangyayari na nangyari noon. Dito rin natin mapag-aaralan ang bawat kultura/tradisyon ng
mga iba't ibang bansa na ating magagamit sa hinaharap at para malaman natin ang kanilang
pagkakakilanlan, pagkakaparehas at pagkakaiba-iba nila. Mahalaga rin itong mapag-aralan
dahil dito magsisimula ang mga sinaunang kabihasnan na kailangan nating
pagyamanin/paunlarin bilang paggalang at pagrespeto sa ating mga ninuno. Ang
kahalagahan ng kasaysayan ng daigdig at dito mo malalaman ang lahat ng bagay o
kasaysayan ng daigdig na maaari mong magamit balang araw at sa pag-aaral at
makatuklas ng bagong kaalaman Dahil ito ang naging daan para magka_isa ang mga
tao,hayop,bagay,o Ano_ano pa... kailangan ito ng mga tao,hayot o bagay
kailanman...kailangan din itong pahalagahan dahil ito naging nag Papaganda ng ating
Kalikasan..Upang maunawaan natin ang mga nangyari sa nakaraan. Pagpapahalaga sa
atingkasaysayan nang sa gayon ay lumawak ang ating kaalaman tungkol sa
nakaraan.Lumalawak din ang ating pangunawa upang maliwanagan tayo at maharap natin
anghinaharap o ang kasalukuyan ng tama at walang pag-aalinlangan.Isa sa kahalagahan ng
kasaysayan ay ang pagkakaroon natin ng kaalaman tungkol sa mgakaganapang nangyari noon
at ang mga bagay na ating napagyaman sa pamamagitan ngmakabagong teknolohiya.Ang
kaalaman sa ating kasaysayan o pinagmulan o pangyayari noong mga nakalipas napanahon ay
tumutulong sa ating pag-unlad ngayon. Napapag-aralan natin kung saan tayonagkamali at
maari nating baguhin ngayon. Ang mga bagay naman na nakita natingmaayos na nagampanan
ay maari nating pag-ibayuhin o i-develop para lalongmapakinabangan o mapagbuti. Kung ano
tayo ngayon ay may malaking epekto mula saating kasaysayan.Mahalagang pag-aralan ang
kasaysayan. Mula sa kasyasayan,nalalaman ng mga tao angmga pangyayaring naganap sa
bansa sa iba't-ibang panahon. Nauunawaan ang mgaimpluwensyang dulot sa ng
pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang tao sa ibang bansa.Gayundin,nauunawaan kung
paano nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao angginawang pananakop ng mga iba't-ibang
dayuhan sa mga iba't-ibang bansa. Ang kasaysayan ay isang disiplinang agham-panlipunan na
itinuturo sa lahat ng antas ng pag-aaral. Ayon sa mga mananalaysay, ang kasaysayan ay isang
pagtatala o ulat ng mga nakaraang pangyayari o kaganapan na maayos na
pagkakasunodsunod na paglalarawan at pagbibigay kahulugan sa mga pangyayaring
nagdaan.

Ito ay nagbibigay ng malawakang pang-unawa ng kaisipan sa mga kabataan upang mamulat


sila sa lumipas na katotohanan na nag-uugnay sa makabagong kabihasnan.

Ang pag-aaral ng kasaysayan ng ating bansa ay naglalayon ito upang mapa-usbong ang puso
ng mga mag-aaral tungo sa masusing pagsusuri upang matugunan ang kasagutan sa mga
yugto ng pangyayari. Hinihikayat nito ang mag-aaral na bigyang pansin ang pag-aaral ng
kasaysayan lalo na kung saan tayo nagmula, at kung anong lahi ang ating pinagmulan. Liban
sa pagkaki-lanlan bilang Pilipino. Makikita rin sa ating kasaysayan ang mayamang kultura
natin, at lahi na ating ipagmalaki.

Sa mga katibayang nakuha at naitala, inilalahad dito kung paano namuhay ang sinaunang
Pilipino, ang kanilang kabihasnan, mga kaugalian at paniniwala; batas na kanilang pinairal at
sinunod, ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan at karatig-pook at pakikibaka sa
kanilang buhay. Inilalarawan din sa ating kasaysayan ang mapagmahal sa kalikasan ng ating
mga ninuno. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagkakaroon ng pagbabago dahil sa epekto
ng modernisasyon. Mga makabagong tuklas ng pagbabago ang tumutubo kaya ang ating
kasaysayan ay unti-unti ring nakalimutan.

Dapat itong pagtuunan ng matinding pansin nang sa gayon ang kasaysayan ay hindi
mabura sa makabagong henerasyon. Kailangan ipadama ang bawat hibla ng
kaalaman upang makatulong ito at upang mapabago ang damdamin ng mga
mag-aaral sa pag-aaral ng kasaysayan. Ang ating kagawaran ay naglunsad ng mga
gawain tulad ng patim-palak sa mga mag-aaral tungkol sa kasaysayan.

Hinihikayat din nito na ang mga guro ay magkaroon ng ma-unlad na kaalaman at


kasanayan sa pagtuturo ng kasaysayan sa pamamagitan ng mga kasanayan sa
pagpupulong at “seminar-workshop” at pagsasanay sa mga guro ng iba’t ibang
pamamaraan at estratihiya na magbubukas sa panibagong antas ng kaalaman. /MP
Ang kasaysayan ay pagsusuring ulat batay sa mga pangyayaring naganap
ng iba't- ibang panahon. Ang kahalagahan ng pag-aaral ng kasaysayan ay:

Upang maunawaan natin ang mga nangyari sa nakaraan. Pagpapahalaga


sa ating kasaysayan nang sa gayon ay lumawak ang ating kaalaman
tungkol sa nakaraan. Lumalawak din ang ating pangunawa upang
maliwanagan tayo at maharap natin ang hinaharap o ang kasalukuyan ng
tama at walang pag-aalinlangan.

Isa sa kahalagahan ng kasaysayan ay ang pagkakaroon natin ng kaalaman


tungkol sa mga kaganapang nangyari noon at ang mga bagay na ating
napagyaman sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Ang kaalaman sa ating kasaysayan o pinagmulan o pangyayari noong mga


nakalipas na panahon ay tumutulong sa pag-unlad ngayon.
Napapag-aralan natin kung saan tayo nagkamali at maari nating maayos
na ay maari nating pag-ibayuhin o i-develop para mapakinabangan o
mapagbuti. Kung ano tayo ngayon ay may malaking epekto mula sa ating
kasaysayan.

Mahalagang pag-aralan ang kasaysayan. Mula sa kasyasayan,nalalaman ng mga tao


ang mga pangyayaring naganap sa bansa sa iba't-ibang panahon. Nauunawaan ang
mga impluwensyang dulot sa ng pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang tao sa ibang
bansa. Gayundin,nauunawaan kung paano nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao
ang ginawang pananakop ng mga iba't-ibang dayuhan sa mga iba't-ibang bansa. Ano
nga ba ang kahalagahan sa pag-aaral natin ng kasaysayan? May maidudulot ba
ito sa buhay natin sa kasalukuyan? Ang totoo nyan ay meron. Mahalagang
malaman ang kasaysayan ng ating nakaraan upang maintindihan natin ang
mangyayari sa kasalukuyan. Malalaman rin natin ang pakakaiba ng noon sa
ngayon sa pamamagitan ng paghahambing ng mga pangyayari. Halimbawa na
lang sa mga tao, lugar at kagamitan o mga bagay-bagay. Noon, ang mga tao ay
wala pang masyadong alam sa mga nangyayari sa daigdig. Kagaya na lang ng
kung ano ba ang totoong hugis ng mundo, bakit may mga pangyayari na
mahiwaga sa kanila na sa totoo lang ay natural lang naman. Binibigyan ng mga
tao noon ng kahulugan ang mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid nila.

Marahil na rin sa kanilang kuryosidad, sila ay nakakadiskubre ng mga bagay o kagamitan na


nakakatulong sa kanila upang mapadali ang kanilang pamumuhay. Maituturing na rin ito na isang
teknolohiya noong unang panahon. Kagaya na lang ngayon, ang mga tao ngayon ay marami nang
alam pagdating sa teknolohiya. Paggamit ng computer, cellphones, o yung mga bagay na hightech.
Lahat na yata ng gawain ay ginagamitan na ng teknolohiya ngayon. Dati naglalakad ka lang o ‘di kaya’y
sumasakay sa mga hayop na gamit sa transportasyon, pero ngayon mayroon ng mga sasakyan. Maaari
mong bayaran ang serbisyo nito, at kung ikaw ay may kaya o ‘di kaya ay mayaman, maaari kang
makabili ng sarili mo.
Isa lamang ang mga ito sa kahalagahan kung bakit natin kailanang malaman ang kasaysayan.Sana ay
natuto ka! Lahat ng bagay sa ating daigdig ay may pinagmulan. Simula sa kalawakan, sa sistemang
solar, sa ating daigdig na ginagalawan, sa mga kontinente, sa ating bayang sinilangan, sa ating
kinalalagyan, sa ating mga nakikita sa paligid hanggang sa ating mga sarili. Tulad ng isang puno, na
nagsisimula bilang isang binhi, na kapag itinanim sa lupa, inalagaan at inaruga ay magiging isang
halaman. Hanggang sa ito ay maging isang puno na magbibigay ng ating mga pangangailangan. Tulad
rin ito ng kasaysayan, may pinagmulan, pamamaraan, at batayan.

Ang salitang kasaysayan ay ang salinwika ng salitang Ingles na history.Ang salitang history naman ay
nagmula sa salitang Griyego na "historia" na nangangahulugang pag-uusisa at pagsisiyasat.

Ang kasaysayan ay isang sangay ng kaalaman kung saan pinagaaralan ang mga pangyayaring naganap
sa buhay ng tao,mga bansa, at daigdig noong mga nakalipas na panahon.

Mayroong kasabihan na "Past is past" kung kaya't ang mga bagay na nakalipas na ay dapat huwag
nang balikan pa. Walang nakaraan ang hindi nagbibigay ng aral sa ating buhay at sa buhay ng iba.
Lahat ng mga nakalipas na pangyayari ay kadalasang ayaw balikan at nais kalimutan dahil sa sakit na
idinulot nito sa atin. Ngunit ano ba ang maganda sa pagsariwa natin sa nakalipas? Sa bahagi ng
kasaysayan ng ating buhay?

Ang pag-aaral ng kasaysayan ay hindi lamang pag-aaral sa mga nakaraan, kundi sa kung paano nito
naapektuhan, naaapektuhan at maaapektuhan ang ating kasalukuyan at kung paano natin maiiwasan
ang mga di kanais-nais na kaganapan sa hinaharap. Gayundin ang ating mga personal na kasaysayan,
may nakalaang mga pamamaraan upang ating maiwasan, may mga aral na hatid na magsisilbing
gabay sa ating pamumuhay katulad na lamang na kung tayo ay madapa ay tiyak na hindi na natin
nanaisin pang madapa at magkasugat.

Hindi naman puro masalimuot ang bahagi ng kasaysayan kung kaya't pinag-aaralan din nito ang
pagpapanatili ng mga bagay na may kinalaman sa mga magagandang pangyayari noon. Pinag-aaralan
din nito kung paano mananatiling buhay sa isipan ng mga tao ang mga masasayang bahagi ng
kasaysayan upang kanila namang maipagmalaki, maipagbunyi, at magsilbing inspirasyon.

Bukod sa mga nakalipas na pangyayari, ang kasaysayan ay tinatalakay rin ang pinagmulan ng
istruktura ng lipunan, pamahalaan at pag-usbong ng kultura.

Sa pag-aaral ng mga tao ng kasaysayan, mapupuna natin ang mga pagbabago na humubog at umukit
sa katauhan at kalagayan ng mga tao at ng mga bayang kanilang kinalalagyan. Nagsimula sa wala,
hanggang sa umusbong, pinaunlad, muling nasira, bumangon at muling umunlad. Lahat ito ay bahagi
ng pag-aaral ng kasaysayan.

Read more on Brainly.


Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1515431#readmoreIto ay

Pangunahing pangangailangan ng mga paaralan ngayon ang makatugon sa mga

pangangailangan ng K to 12 Kurikulum. Alinsunod dito, tunguhin (goal) ng K to 12

Kurikulum sa Araling Panlipunan ang makahubog ng mamamayang maging mapanuri,

mapagmuni, mapanagutan,produktibo, makakalikasan, makabansa, at makatao na may

pambansa at pandaigdig na pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at

panlipunan. Bilang pagtugon dito, ang serye ng mga aklat na ito na na pinamanagatang

Kayamanan (Edisyon K to 12) ay maingat na inahanda. Isinulat ito ayon sa inilahad na

batayang kaalaman, kasanayang pangproseso, pang-unawa, at panggap na inilatag ng

Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Layunin ng aklat na ito na mkapagbahagi sa mga

mag-aaral ng makabuluhan at napapanahong mga gawain sa pagkatuto na naayon sa kanilang

interes at karanasan. Binigyang-diin dito ang paglinang ng mga kakayahan at kasanayang

magagamit na panghabang-buhay gayundin ang paghubog sa isang Pilipinong kumikilala sa

kanyang pinagmulan, may pagpapahalaga sa pkanyang pinagmulan, may pagpapahalaga sa

kanyang kasayayan at kultura, at aktibong nakikibahagi sa gawaing makapagpapaunlad sa

bansa. Bilang katuwang sa edukasyon, binuo ng Rex Bookstore ang Serye ng Seamless K to

12 (Ang seamless na implementasyon ng pinagyamang K to 12 para sa Pangunahing

Edukasyon sa Pilipinas: 1. Nakasunod sa Gabay Pangkurikulum 2013 ng DepEd 2.

Mahusay na disenyong pang-instruksyon na may kapakinabangan sa pagtuturo at

makabuluhang pagkatuto, at 3. Paggamit ng pagtataya upang matiyak na natatamo ang mga

nilalayong kasanayan at pamantayan.), upang matiyak na pakinabangng mga guro at mga

mag-aaral sa K to 12 kurikulum sa pamamagitan ng pagtataya, intruksiyon, at gamit ng

teknolohiya. Hinayaan ng seamless na Pagtataya at instruksiyon na matutugunan ang lahat ng

kahingian ng bagong kurikulum nang sa gayon, maabot ang mithiing matutuhan ang lahat ng

pamantayan at kasanayan na nagsisilbing pagpapatotoo ng kahusayan. Bilang tugon sa

transisyon ng kurikulum, nagsagawa ang Rex Bookstore ng Unpacking of standards:

pinagyaman ang batayang kagamitang Pampagtuturo (Teacher’s Resource Material o TRM)

sa pamamagitan ng Mapang pangkurikulum at mga bangahay aralin na naglalaman ng mga


nasisaayos nang pamantayan at kasanayan. Sa dahilang isang kurikulum na batay sa

pamantayan ang K to 12 ng Pilipinas, isang kahingian nito ang epektibong mga pagtataya.

Ang pamamaraang ito ay lubos na nakabatay sa kung paano naipapaloob ang pagtataya. Ang

pamamaraang ito ay lubos na nakabatay sa kung paano naipapaloob ang pagtataya sa

instruksiyon. Ayon kay Stiggins sa panipi ni Eggen (2010), nakapagbibigay impormasyon ang

pagtataya tungkol sa kung paano nag-iisip ang mga mag-aaral. Ang pagtataya ayon sa

pamantayan, sa pagpapakahulugan ng Komisyon ng Edukasyon ng Amerika ay “isang dulog

na naghahambing sa pagganap ng mga mag-aaral batay sa pagsunod sa pamantayan, kaysa sa

pagkukumpara lamang sa kanilang mga marka o iskor”. Sa dulog na ito, nakaugnay sa

kurikulum at instruksiyon ang pagtataya. Tinutuklas ng guro at binibigyang interpretasyon

ang mga palatandaan ng pagkatuto mismo ng mga mag-aaral. Natutukoy rin ng guro kung

anong antas na ng pagkatuto ang naabot ng mga mag-aaral, ano pa ang maaring maabot at

kung paano nila ito maabot (Assessment Reform Group, 2002).

Buod

Ang unang yunit ng aklat ay tumatalakay patungkol sa heograpiya ng daigdig at ang mga

sinaunanga kabihasnan. Tinatalakay din rito ang patungkol sa daigdig na nagsisilbing tahanan

ng mga tao. Bahagi rin nito ang pagtalakay sa mga sinaunang kabihasnang nabuo ng mga tao

na nakaimpluwensya sa mga sumunod na lahi. Ang heograpiya ang humuhubog a kasaysayan

ng daigdig. Maylimang tema rin ang kasaysayan na dapat isaalang-alang sapgkat mahalaga

ang papel nito sa paghubog ng kabihasnan, kasaysayan, at sa kaunlaran ng daigdig. Ang

daigdig naman ay nagtataglay ng iba’t ibang pisikal na kapaligiran, at ang bawat rehiyon o

kontinente ng daigdig ay may katangiang namumukod-tangi sa iba’t ibang bahagi at malaki

ang naging kaugnayan ng kultural na heograpiya sa pagunlad ng daigdig at ng mga

kabihasnan. Habang binabasa ko ang yunit na ito ay naisip ko na ang mga sinaunang tao ay

nagsikap na harapin ang mga hamon ng kanilang payak na pamumuhay at gumawa sila ng

mga kagamitan galing sa mga kayamanan na matatagpuan sa kanilang kapaligiran upang

makatutulong mapagaan o mapabuti ang kanilang pamumuhay.


Binubuo naman ng pangalawang yunit ang patungkol sa daigdig sa klasiko at

transisyonal na panahon, tinatalakay ng yunit na ito ang pag-unlad ng kabihasnang klasical ng

daigdig. Hindi rin mawawala ang pagtalakay sa kabihasnang yumabong sa Greece at Rome,

ang mga kabihasnang Helleniko, Hellenistiko, at Greko-Romano mahalagang malaman ang

naging pamana at impluwensiya ng mga kabihasnang ito sa ating kasalukuyang panahon.

Samantalang ang kabihasnan sa Europe sa pagdaan ng panahon ay humina, siya namang

panginginig ng kapangyarihan at kabihasnang Asyano. Ipinagpatuloy ng Imperyong Arabe at

Mongol ang pagpapalawak ng karunungan at kaalaman sa iba’t ibang larangan. Sa nabanggit

ding panahon, nakaranas ang Europe ng pagbabago sa lipunan at pamahalaan.

Naging maimpluwensya ang Simbahan. Umiral sa Europe ang systemang pyudalismo at

manoryalismo na nagbigay-daan sa pagbabago sa uri ng pamumuhay ng mga tao. Hindi rin

nagtagal, muling lumakas ang kahariang siyang muling nagpasigla at nagpalakas sa Europe.

Ang pangatlong yunit naman ay tinutukoy ang pag-usbong ng makabagong daigdig at

ang transpormasyon tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Naging hangarin ng

mga Europeo na marating ang mga bagong lupain. Kailangan nilang maghanap ng mga

bagong kalakal para sa lumalago nilang industriya at bagong pamilihan para sa kanilang mga

prudokto. Ang panahong ito ay pagpapalawak ng kanilang inters na nagbigay-daan sa

ibat-ibang serye ng mga panyayari ay nakakapekto sa kanilang pamumuhay.

Ang yunit na ito’y sumasaklaw sa mga mahahalagang pangyayaring nagpapahiwatig sa

mga kasalukuyang sistemang pampolitika, panlipunan, at pagkabuhayan. Sa pagbabasa ng

mga librong pangkasaysayan tulad nito, matututuhan ng mambabasa ang pagkaugnay-ugnay

ng mga tao at pangyayari sa buong daigdig.

Ang paglakas ng Europa ay nagsimula noong naisilang ang Bourgeisie. Ito ay

nakapagpatayo ng mga industriya na bukas ang kanilang isipan na nagpabago ng takbo ng

politika ng Europa. Nagkaroon ng pagkakataon na makapanakop ng mga lupain ang Europa.

Tumaas ang antas ng kabuhayan ng mga taga Europa. Ang Paglakas ng Monarkiya ay naging

makapangyarihan ang mga hari. Lumakas ang mga bansa . Naging bansa ang maraming
kaharian. Renaisssance at Repormasyon ay yumaman ang kaalaman. Nahati ng Europa sa

Protestantismo at Katolisismo. Nabigyan-pansin ang tunay na kalagayan ng tao.

May mga salik na naging sanhi ng paglawak ng kapangyarihan ng Europa tungo sa

kapangyarihan. Ang unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo, Enlightenment,

Rebolusyong siyentipiko at industriyal. Bunga nito ay lumawak ang kaalaman patungkol sa

daigdig . Nalinang ang yaman ng mga bansa. Nadiskubre ang maraming lupain. Namulat sa

maraming bagay ang mga tao sa daigdig. Naghanap ng katotohan gamit ang rason ng mga

tao. Naghangad ng kalayaan ang mga tao. Nabago ang pananawa ng tao ukol sa siyensiya.

Nabuksan ang maraming trabaho at umunlad ang kalakalan.

Lumaganap naman ang ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Aprika at

Asya, ang imperyalismo ay nagdulot ng hangaring maging makapangyarihan ang mga

bansang Europeo. Naging malawakan ang paghahanap ng mga Europeo noong ika19 na siglo

ng mga bagong bansa at yaman. Ang Aprik at Asya ang inangkin nila dahil sa taglay nitong

mga hilaw na materyales at pamilihan para sa kanilang sobrang produkto. Nakaranas ng

pagsasamantala ang mga katutubo sa Aprika at Asya sa kamay ng mga imperyalistang bansa.

Ang pagsibol ng nasyonalismo ay nagbigay ng pag-iisa ng Alemanya at pag-iisa ng

italya.Ang labanan para sa kalayaan ay pag-aalsa ng Columbia at pag-aalsa ng

Mehiko.Kalayaan sa kabuaan ng Latin Amerika, Brazil at Haiti.

Ang panghuling yunit ay tumatalakay patungkol sa kontemporaryong daigdig ang mga

suliranin at hamon tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at

kaunlaran. Sa yunit na ito matutunghayan na pagkaraan ng mga digmaan, namulat ang tao sa

katotohanan na ang pag-unlad ng pamumuhay ay may katapat na pagdanak ng dugo at

paghihirap. Ang tunggalian ng interes ay hindi naiwasan at sumiklab ang mga digamaang

pandaigdig. Nanganib na muli sa pagkawasak. Ang kapayapaan ay muling nagbalik at ang

kalayaan ay muling nakamit ng mga lupang sakop.

Ang mga Alyansang pampolitika at pang-ekonomiko ay naitatag na naglalayong

mapaunlad ang mga bansa tungo sa kapayapaan.


Ang unang digmaang pandaigdigan ay nag-ugat sa umiral na nasyonalismo,

imperyalismo, militarismo at ang mga sistema ng mga alyansa. Ang pangmadaliang dahilan

ng digmaan ay ang pagsiklab ng labanan sa Balkan at nag pataksil na pagpatay kay Archduke

Franz Ferdinand. Magkalabang pangkat sa digmaan ang Central Powers na binubuo ng

Alemanya, Austria-Hungary, Bulgaria , Imperyong Ottoman at ang Allied Powers na

kinabibilangan ng mga bansang Gran Britanya, Rusya ,Pransiya at Silangang Prusya. Ang

sentro ng digmaan ay sa Hilagang Pransiya at Silangang Austria. Sa pagwawakas ang

Alemanya. Isang kasunduan ang nilagdaan bilang pagwakas ng labanan. Milyong tao ang

namatay at milyong ari-arian ang napinsala. Lumaganap ang taggutom, sakit at mga

suliraning politikal at pang-ekonomiya.Nilagdaan ang kasunduan sa Versailles t ditto

ipinaamin sa Alemanya ang pagsisimuno ng digmaan. Pinagbayad ang Alemanya ng

bayad-pinsala at pagkawatak-watak ang mga imperyo.

Ang mga kasunduang pangkapayapaan sa Unang Digmaang Pandaigdig ay nagbigay

daan sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan. Ang Ikalawang Digmaang

Pandaigdigan ay naganap dulot ng maraming salik ay ang pagnanasa ni Hitler na mapalawak

ang Alemanya.Ang dalawang pangkat sa digamaan ay ang puwersang Allied na binubuo ng

Prnasiya, Gran Britanya, at Estados Unidos; ang kapangyarihang Axis na binubuo ng Aleanya,

Japan, at Italya.Sumiklab ang digmaan nang sakupin ni Hitler ang Poland noong 1939. Binuo

ang United Nations noong Abril 1945 para sa pagpapanatili ng pandigdigan

kapayapaan.Nagwakas ang digmaan nang magbagsak ang Estados Unidos ng bomba atomika

sa Hiroshima at Nagasaki noong 1945.

Ang tagumpay ng isang ideolohiya ay nasa mamamayan. Ang ideolohiya ay

impluwensiya ng kultura, kasaysayan, pangangailangan, at mithiin ng mga bansa. Ang

diktadurya ay isang anyo ng pamamahala na kung saan ang tao o isang pangkat ang may

kontrol at namumuno sa bansa.May dalawang anyo ng demokrasya ang tuwiran at di-tuwiran.

Nagsimula ang Cold War dahil sa magkatnggaling ideolohiya ng Unyong Sobyet at ng

Estados Unidos. Ang Neokolonyalism ay bagong paraan ng pananakop. Lumaganap ang

colonial mentally dulot ng neokonlonyalismo.


Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga bansa ay nagawa nilang bumuo ng mga

organisasyon. Malaki ang ginampanan ng mga organisasyon sa pagpapalakas sa kabuhayan,

kultura, at kapayapaan ng mga bansa. Binigyan-pansin ng mga organisasyon ang mga

suliranin dulot ng kalusugan, edukasyon,paggawa, kabuhayan, kapaligiran, kapaligiran, at iba

pa.

Pagsusuri

Habang binabasa ko ang aklat ay napansin ko na hindi maayos ang mga impormasyon ng

bawat aralin. Ang pagkakaayos ng mga impormasyon ay parang “ Inverted Pyramid ” na kung

saan ay mas nauuna iyong mga impormasyong espesipiko papunta sa pangunahing punto, na

kung saan ay hindi dapat ito ang ginagamit sa aklat ng mga mag-aaral na nasa ika-8 baitang

ng secondarya. Napansin ko rin na pagdating sa mga ginagamit na mga larawan pag

ipinapaliwanag ang mga panahon (Timeline) ay hindi malinaw ang pagkakasulat ng mga

salita, marahil ay para maka-tipid sila sa pag-lathala ng aklat. Halimbawa, iyong larawan na

kinuha sa http://images/homorectus-300px hindi maaninag kung ano ang specimen na ito na

sinasabi ay natagpuan ni Eugene Dubois sa Trimil. Tutal nabanggit narin ang pinagkunan ng

ng mga impormasyon na ginamit sa aklat, napansin ko rin na sa dirami-raming larawan na

inilagay sa aklat ay iilan lamang ang nabanggit sa sanggunian, at pag-susubukan pang buksan

para malinawan ang mga mag-aaral sa kadahilanang malabo ang ilan sa mga ginamit na

larawan sa aklat, sa ibinigay na “web address” ay nagpapakita ang “This site can’t be

reached”, patunay lamang na hindi tama ang inilagay na “link”. Isa pa sa aking napansin ay

ang paggamit ng encyclopedia bilang pinagkunan ng mga impormasyon, sapagkat ang mga

impormasyong makukuha sa mga encyclopedia ay mga kaalamang mababaw lamang.

Konklusyon

Pangunahing pangangailangan ng mga paaralan ngayon ang makatugon sa mga

pangangailangan ng K to 12 Kurikulum, kaya naman ay gumawa ang Rex Bookstore ng isang

paraan upang matugunan ang pangangailangan ng mga paaralan, at ito ay kanilang tinawag na

“Curriculum – Aligned: Seamless K to 12”. Maganda ang layunin ng “Curriculum-Aligned:

Seamless K to 12” ng Rex Bookstore, ngunit sadyang minadali ang pagkagawa ng aklat na
para sa K to 12 upang makahabol sa pagimplementa ng K to 12 program ng DepEd, at dahil

nga sa pagmamadali na ginawa ng mga awtor ay nabawasan ang kaledad ng mga layunin ng

Seamless K to 12 na programa ng nasabing kompanya.

Pag ako ay bibigyan muli ng pagkakataon na gawin muli ang aklat na ito ay

sisiguraduhin ko na mas maiintindihan muna ng mga mag-aaral ang mga pangunahing

kaalaman at tsaka ko unti-unting tatalakayin at ipapaliwanag ito ng maayos. Pagdating naman

sa gabay ng kurikulum ay may ilang mga parte ng gabay sa kurikulum ang hindi nailagay,

ngunit ang mga hindi nailagay ay pinagsama-sama na sa iisang Nilalaman.

You might also like