Kalinisan Sa Pagkain

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KALINISAN SA PAGKAIN, MAHALAGA

 PRINT
Published: 04 February 2015
Hits: 22481

Kaligtasan ng ating pamilya ang pangunahing tinitingnan at binibigyan natin ng pansin.


Isang aspeto ng kaligtasan ay nagsisimula sa malinis na pagkain na ating ihahain sa
mesa.

Kailangan nating matiyak na walang halong anumang mikrobyo o dumi o iyong mga
tinatawag na contaminants ang pagkain sa ating mesa para tayo makaiwas sa
anumang sakit na puwedeng idulot nito.

Siguraduhin din na walang sakit ang taong nagsisilbi ng pagkain dahil puwede niyang
mailipat ang kanyang sakit o virus sa pagkain na siya namang magbibigay ng sakit sa
makakakain nito.

Karaniwan sa mga sakit na makukuha mula sa mga marurumi o kontaminadong


pagkain ay ang malubhang pagtatae sa bata na sanhi ng mga virus o mikrobyo;
disenterya (bacillary); typhoid fever; pagkalason sa pagkain na dulot ng mikrobyo;
disenterya (amoebic) na dulot ng parasito; hepatitis na dulot ng virus.

Ang pagkain ay maaaring magdala rin ng impeksyon na sanhi ng parasito.

Halimbawa ng parasito ay ang pangkaraniwang mga bulate (ascaris at trichuris) na


maaaring makuha sa pagkain ng mga hilaw na gulay (tulad sa salad) na nakatanim sa
lupa na ang pataba ay dumi ng tao o hayop.

Ang mga pagkain ay maaaring may mga sangkap na nakalalason tulad ng mga metal
na mercury at lead, mga mycotoxin at pamatay-insekto, gayundin ng mga additive o
panimpla tulad ng nitrite at ilang mga pangkulay o food color sa pagkain.

Mahalaga na matiyak natin na malinis ang ating pagkain dahil puwede itong pagmulan
ng iba't ibang uri ng sakit.

Pero paano nga ba mapapanatiling malinis at ligtas ang ating pagkain mula sa
anumang uri ng mikrobyo?

Ang ating pagkain ay mapapanatili nating malinis sa pamamagitan ng ilang mga


hakbang:

-Pamalagiing tuyo at malinis ang kusina upang hindi mamahay dito ang mga langaw,
ipis at daga.
-Huwag pahahawakin ng pagkain ang sinuman tao na may impeksyon sa balat o may
nakahahawang sakit. Mayroon din namang malusog na tao na maaaring magdala ng
mikrobyong nagdudulot ng sakit kaya dapat nitong iwasan ang pag-ubo o pagbahin sa
harap ng pagkain.

-Magsabon at maghugas ng kamay bago maghanda ng pagkain ng pagkain, bago


kumain, at pagkagaling sa palikuran.

-Ugaliin ang pagiging laging malinis sa pananamit lalo na kung maghahanda ng


pagkain.

-Gumamit lamang ng malinis na tubig sa paghuhugas at pagluluto ng pagkain at sa


inumin. Kung hindi tiyak sa kalinisan ng tubig, pakuluan muna ito maigi.

-Hugasang mabuti ang mga prutas at gulay. Ang mga gulay na kakainin nang hilaw,
laluna ang mga gulay na mababa ang tanim, ay maaaring ibabad sa malabnaw na
solusyon ng chlorine (halimbawa'y chlorox).

-Huwag gagamitin ang mga kamay sa paghahalo ng pagkain, ilayo ang mga kamay sa
bibig, ilong at buhok habang naghahanda ng pagkain.

-Hugasang mabuti ang mga gamit sa kusina, sangkalan o counter top na ginagamit sa
hilaw na karne, isda at manok.

-Lutuing mabuti ang karne, isda at manok. Iwasan ang pagkain ng hilaw o di gaanong
lutong baboy at isda laluna ang tahong, talaba at kauring lamang-dagat.

-Ugaliin ang paggamit ng kutsara sa pagtikim ng niluluto. Hugasang mabuti bago


gamitin muli.

-Ilagay sa refrigerator nag tirang pagkain at painiting mabuti bago ihain. Kung walang
refrigerator, magluto lamang ng sapat na pagkain para sa isang hainan upang walang
matira.

-Kung hindi nakatitiyak na ligtas ang isang pagkain (halimbawa'y pagkaing may ibang
amoy, pagkain na tumatagas o nakaumbok na lata, inaamag na pagkain o pagkaing
may ibang kulay) itapon na ito.

-Tandaan, ang maayos na pagtatapon ng dumi at basura at ang malinis na kapaligiran


ay nakatutulong upang mabawasan ang mga nagpaparumi sa ating pagkain.

Base sa 2012 Nutritional Guidelines for Filipinos (NGF) na ginawa ng Technical


Working Group sa pamumuno ng Food and Nutrition Research Institute-Department of
Science and Technology (FNRI-DOST), tandaan lamang ang ika-siyam na mensahe:
"Consume safe foods and water to prevent diarrhea and other food and water-borne
diseases". ? (MIGGlorioso\ DOST IV-A S&T Media Service)
to download this articleclick HERE

You might also like