Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Laguna Province

Graduate Studies and Applied Research

NAME : ALLAN E. DE LIMA


COURSE CODE : FILIPINO 211
COURSE TITLE : GRADUATE SEMINAR
PROFESSOR : DR. PERLA M. GUEVARRA
COURSE : MAED-FILIPINO

ANG PAGGAMIT NG E-BOOK BILANG ALTERNATIBONG


DALUYAN NG PAGKATUTO SA AKDANG IBONG
ADARNA AT PAGPAPAHALAGA
SA ASIGNATURANG FILIPINO
NG MGA MAG-AARAL SA
IKA—PITONG BAITANG
NG SPCNHS

Panimula

Ang tahanan ay itinuturing natin na unang paaralan, kung saan tayo unang natuto

maglakad, tumawa, magbasa at magsulat. Ang ating mga magulang ay siyang naging unang

guro natin na nagpakita ng pagmamahal at pagsusumikap na matutunan natin ang mga bagay

na may kinalaman sa ating pagkatao. Sa pamamagitan nila naiparamdam sa atin ang

kadalisayan ng kanilang kalooban at pagmamahal na hindi naghahanap ng kapalit. Kaya

ibinibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya upang magkaroon tayo ng magandang

kinabukasan at matatag na pagkatao, kagaya ng pagbibigay nila ng sapat na edukasyon na

siyang pinapaniwalaan nila na magiging matagumpay tayo sa hinaharap.


Ang sistema ng pag-aaral ay kaugnay lagi sa isang kurikulum, na tumutukoy sa

layunin ng paaralan na napapaloob sa isang sistema. Ang layunin ng paaralan ay bumuo ng

pangangatwiran tungkol sa pangmatagalan karunungan gaya ng ibat ibang

pamamaraan upang malinang ang pag-iisip, makagawa ng positibong mga

pamamaraan sa pagbabago, pagkakaroon ng matibay at matatag na pananampalataya, at

maging huwaran o mabuting tao sa lipunan.

Ang pagbasa at pagsulat ay maituturing na mahalagang paraan ng pakikipagtalastasan

na nakapagbibigay ito ng lubos na kaligayahan sa isang tao na hindi mapapalitan na yamang

materyal, at pinapanatili nito ang kultura at mga kwentong hindi nababaon sa kasasayan ng

bansa na hanggang ngayon ay nagpapasalin - salin sa bawat henerasyon.

Balangkas Konseptwal/Batayang Teoritikal

Natutukoy ng bawat Pilipino ang ganda ng kultura at tradisyon ng bawat lipunan na

tumutukoy at sumasaklaw sa mga kaalaman, moral, batas, pag-uugali at mga paniniwala at

salin paniniwala nagmula pa ito sa hindi natin maisasantabi o pagwawalang bahala sa

paglalantad ng mga katotohanang panlipunan at mga kwentong kapupulutan ng aral at

pagpapahalaga. Sa pangangalap ng dahon ng kasaysayan, minabuti ng mananaliksik na

angkatin at pagtuunan ng pansin ang mga pantulong na kagamitan sa pagbasa at pagsulat para

sa mabilis na pagkatuto, na kinabibilangan ng maikling kwento, alamat, at kantahing bayan.

Ang mga seleksyon ay dapat na makapagbigay ng interes sa mga mag-aaral. Ang gawain ay

dapat masigla at makulay upang mahikayat ang kanilang kaisipan na dadaloy sa kanilang

damdamin.

Ayon sa aklat ni Edward Huey (1908) na Psychology of Reading, ang teorya sa

pagbasa ay pinapaniwalaang nag-uugat sa pag-unlad ng sikolohiya. Ito ay tungkol sa

pagkatao, pag-iisip, at asal ng isang tao na siyang nagbunsod para mabuo ang konsepto. Sa

pagpapaliwanag ni William Gray (1950) kinikilalang Ama ng Pagbasa, ito ay isang


prosesong binubuo ng apat (4) na hakbang: una, Pagdama sa kahulugan ng salita, ito ay

ang kakayahang mabigkas ang salita bilang isang makabuluhang yunit; pangalawa,

Pag-unawa sa kahulugan, ito ay pang-unawa sa mga kaisipan na ipinapahayag ng simbolo;

pangatlo, Reaksyon sa kahulugan, kakayahang humatol o magpasya ng kawastuhan at

pagpapahalaga sa isinulat ng may-akda; at pang-apat, Pag-uugnay sa ideya, pagsasama at

pag-uugnay - ugnay ng mga dati at bago.

Paradima Ng Pag-Aaral

Malayang Baryabol Di- Malayang Baryabol

II. Pamamaraan ng guro


 Paggamit ng mga babasahin
ng mga kilalang akda Kasanayan ng Mag-
 Paggamit ng maikling aaral
kuwento sa Asignaturang
 Paggamit ng mekanismo sa Filipino
pagsulat
 pagbabaybay  Pagbasa
 pagdadaglat ng salita
 Pagsulat ng Buod
 wastong gamit ng
ng Maikling
malaking titik
 wastong gamit ng maliit Kwento
na titik
 wastong gamit ng bantas
 Paggamit ng makabagong
teknolohiya

I.Profayl ng mga Mag-Aaral


 EdadModerating Baryabol
 Kasariaan
 Dami ng miyembro ng pamilya
 Paaralang pinagtapusan ng Elementarya
 Buwanang kita ng magulang
 Kalagayan sa buhay
 Mga makabagong kagamitan sa tahanan
 Uri ng babasahin at teksto
I.Profayl ng mga Mag-Aaral
 Edad
 Kasariaan
 Dami ng miyembro ng pamilya
 Paaralang pinagtapusan ng Elementarya
 Buwanang kita ng magulang
 Kalagayan sa buhay
 Mga makabagong kagamitan sa tahanan
 Uri ng babasahin at teksto

You might also like