Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Siya na sa kanyang kamusmusan ay kinakitaan na ng likas na hilig at pagmamalasakit sa kahit kaliit- liitang bagay na

nararating ng kanyang paningin. Nadarama ng kanyang puso at natatarok ng kanyangpaningin ng kanyang imahinasyon,
ang katotohanang hindi matatawaran.

. Ang isang makata, tulad ng ibang manunulat ay tagapabudbod ng mga salita. Wika ang midyum niya sa pagpapahayag.
Mga tula naman ang produkto ng kanyang panulat. (Gabriel, 1986).

Ang makata ay nagpapaliwanag ng mga bagay-bagay na siya lamang sa kanyang sarili ang makapagbibigay- katuturan.

Ang makata ay ipinanganak at hindi ginawa. Ang kabaliwan ng makata ay kasabay na niyan g pinaglihi at sumilang:
kakambal ay damdamin, kakakwil ng kanyang hininga at bahagi ng kanyangbuhay. Ang katalinuhan at pagkamalikhain ay
likas na sa kanya mula pa sa sinapupunan ng ina.

. Ayon kay Johnson, ang isang batikang makata ay ginagawa at gayundin ay ipinanganak

Ang Makata sa kanyang Kabaliwan Milagros B. Macaraig

Sa upuang kahoy
Hindi mapakali
Hindi mapalagay
Plumang nasa kamay
Pinaglalaruan...
Pagkuwa’y tumayo Tahimik...malungkot
Sakbibi ng lumbay
Kinusot ang mata
Daliri’y naglaro •
At saka nabilang
Bumulong sa hangin
Nagugulumihanan
Tahimik...mapanglaw
At muling bumulong
May salitang tinuran
Pagdaka, upuang kahoy
Ay muling minasdan
May ngiti sa labi
Wala na ang lumbay
Umamo ang mukha
Papel ay pinigtal,
May sigla sa puso’t
Pluma’y tinanganan
Saka pinagmasdan
Tinta’y pinaluha
Sa papel dumaloy
Papel ay binasa
Ng hugkang na diwa
Hinagpis ay pumakawala
Halakhak di ngiti Bumasag sa dilim
At pumailanlang
At noo’y nalikha ng baliw
Yaong kanyang kabaliwan
Ang Tula ng Makata
Tinipong salita kung minsa’y may bilang
Sa pantig at sukat ito’y karaniwan
Sintunog ay tugma hanay taludturan
Sa saknong ng tula, ito’y kayarian.
Sa pintig ng puso, baliw na makata
Indayog ay lambing doon nagsimula
Aliw – iw kung minsan sa turang salita
Ay pumapaloob sa makatang tula.
Taghoy niyong puso sa hating taludtod
May sesura pa rin sa dapat itampot
Ay hinting hininga sa bigkas himutok
Laging maririnig at nakakalugod.
Taghoy ng makata sa kanyang tulain
Timyas sa pighati na di magmamaliw
Kariklan ay himig dito’y dumarating
Kataga’y salita nagsisilbing hinaing.
Himig at balangkas ng tula ay iba
Kabuua’t anyo iba ngang talaga
Sa diwa’t kalamnan, sa ningning at ganda
Sa makatang puso’y siyang kaluluwa.
Damhin pa ang tula ng isang makata
Wari mo’y may buhay pumapakawala
Anaki mo’y daloy ng matang may luha
Ayaw pahihinto habang nagluluksa
Hininga ng puso sa mga tulain
Sa sikil na dibdib ay di kayang damhin
Sa taludtod nito kung tataludturin.
Saknong mabubuo makatang mithiin.
Ganito ang tula ng isang makata
May bilang sa sukat ang mga salita
Sa taludtod nito salitang may tugma
Pawing ipinila doon ka hahanga
Ang ganda at timyas ay siyang kariktan
Aliw – iw, indayog siyang kagandahan
Sesura ay hati at sa taludturan
Pawing tinataglay nitong panulaan.
Diwa ng makata sampu ng damdamin
Ay humuhulagpos sa bawat paksain
Mga guniguning hindi papapigil
Kusnag sumasaliw sa mga tugtugin.
Ito ang daigdig ng isang makata
Ganito ang buhay, ganito ang tula
Sa sukat, indayog, kariktan at tugma
Taludtod, sesura sa saknong ginawa.

You might also like