Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Here’s the Distribution of our Health Teaching:

RIDGE JOYLYNE JAMAICA

Ano ang Hypertension?


Ang hypertension o altapresyon ay ang labis na taas ng blood pressure na
dumadaloy sa mga ugat. Kapag nagpatuloy ang karamdaman, ang malakas na puwersa
ng dugo ay maaaring makapinsala sa mga ugat at makaapekto sa takbo ng puso. Ito ay
maaaring magdulot ng malulubhang komplikasyon tulad ng atake sa puso at sakit sa
bato kaya dapat panatiliin ang normal blood pressure.
+Pathophysio
Paano malalaman kung may altapresyon ka?
 Systolic – gaano kalakas ang pagtulak ng dugo sa puso (ventricular
contraction)
 Diastolic – gaano kalakas ang pagtulak ng dugo sa puso palabas nito habang
nakapahinga ang atrium ng puso
Kategorya Systolic Diastolic
Normal 120 80
Prehypertension 120 – 139 80 – 89
Primarya 140 – 159 90 – 99
Sekondarya 160 pataas 100 pataas

Ang altapresyon ay may tatlong yugto:


 Prehypertension - Ang presyon ay bahagyang lampas sa blood pressure normal.
Hindi pa kailangan ng gamot sa blood pressure pero rinerekomenda na ng mga
doktor ang mag-adjust sa healthy lifestyle.

 Stage 1 Hypertension - Mataas na ang sukat ng presyon at kailangan na ng


gamot na nagpapababa nito. Gayundin, ang pagtaas ng dugo ay walang
kadahilanan, hindi alam ng pasyente ang pinagmulan.

 Stage 2 Hypertension - Lubhang mataas na ang sukat ng presyon at maaari itong


tumuloy sa komplikasyon. Ito ay maaaring dulot din ng sakit gaya ng diabetes,
sakit sa puso at komplikasyon sa kidney. Kinakailangan dito ang kombinasyon ng
mga gamot at pagbabago sa pamumuhay.
Mga Sanhi ng Hypertension
Hindi pa natutuklasan ng mga mananaliksik ang mismong sanhi
ng hypertension ngunit kadalasang nag-uugat ang karamdaman sa mga ito:
 Sobrang pagkonsumo ng maalat na pagkain
 Pagkain ng sobang matatabang pagkain
 Paninigarilyo at pag-inom ng alak
 Pagtanda (kalimitang nasa edad 45 pataas at mga babae na nasa menopausal
stage)
 Kakulangan sa calcium, magnesium, at potassium
 Pagiging overweight at kakulangan sa ehersisyo
 Laging stressed at pagod
 Namana sa pamilya

Mga Sintomas ng Hypertension


Tinaguriang “silent killer” ang altapresyon dahil hindi madaling mahalata ang
mga sintomas nito. Ang mga sintomas ay kadalasang nararamdaman kapag malubha na
ang karamdaman. Kung minsan, hindi pinapansin ang mga ito marahil sa kanilang
pagiging karaniwan lalo na kung ang tao ay laging busy o pagod. Ugaliing magpa-
checkup sa iyong doctor upang maiwasan ang mga epekto ng high blood.
Ang taong mayroon nito ay karaniwang nakakaranas ng:
 Madalas na pagkapagod
 Pananakit ng ulo
 Pananakit ng batok
 Pananakit ng dibdib
 Panlalabo ng paningin
 Hirap sa paghinga
 Hindi regular na pagtibok ng puso

Paano Matutuklasan Kung Ikaw ay May Hypertension?


Kinakailangang gumamit ng sphygmomanometer upang masukat ang blood
pressure. Ugaliin ang regular na pagpapatingin sa doktor para masuri ang iyong blood
pressure.

Mga Gamot at Lunas sa Hypertension


Bago gamitin ang mga gamot na ito, sabihin sa iyong doktor ang:
 tungkol sa iyong kasalukuyang listahan ng mga gamot
 mga over the counter naa produkto (halimbawa: bitamina, herbal
supplements, at iba pa)
 allergies
 mga kasalukuyang sakit, at kasalukuyang lagay ng kalusugan (halimbawa:
pagbubuntis, mga paparating na surgery, atbp)

Amlodipine
 Ginagamit para sa paggamot at pagpapabuti ng altapresyon

Ang mga sumusunod ay ang mga side-effects na maaaring lumabas sa mga gamot na
may Amlodipine. Ang mga epekto ay possible, ngunit hindi naman palaging mangyayari.
 Antok
 Alibadbad
 Sakit sa tyan
 Pagkahilo
 Mabilis na tibok ng puso
 Hypotension

Pag-iingat:
 Ang mga gamot ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo kapag tumayo kaya
gawain ang pagtayo nang dahan dahan.
 Humingi ng medikal na pansin kaagad kung nakakaranas ng pananakip ng
dibdib
 Ipaalam sa iyong doktor ng anumang iba pang mga gamot na maaaring iniinom
mo

--- JHAMMY NEXT HEHE


Inumin ayon sa bilin ng doktor o sundin ang mga direksyon na naka-print sa
product insert. Ang Dosage ay batay sa iyong kalagayan. Sabihin sa iyong doktor
kung ang inyong kalagayan nagpatuloy o lumala.
Paano Maiiwasan ang Hypertension?
Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at balanced diet ang pinakamabisang
sandata laban sa altapresyon. Upang makaiwas sa kondisyong ito, sundin ang
sumusunod:
 Huwag masyadong kumain ng maaalat na pagkain
 Magbawas ng timbang
 Limitahan ang pag-inom ng alak
 Tumigil o umiwas sa paninigarilyo
 Iwasan ang lubos na kapaguran at stress
 I-monitor ang presyon sa bahay
 Lumahok sa mga nakaka-relax na gawain gaya ng meditation
 Labanan ang init ng panahon
 Kumonsulta sa inyong doktor upang mabigyan kayo ng tamang lunas para sa
inyong hypertension.

Alternatibong Gamot Para Sa Altapresyon


Bukod sa mga gamot na nabanggit, may iba pang alternatibong gamot na ligtas,
natural, at madaling mabili sa mga pamilihan ang maaaring ikonsidera upang mapigil ang
delikadong sakit.

1. Bawang na Tagalog
Ang taglay na kemikal ng bawang ay nakatutulong na pababain ang mataas
na presyon ng dugo.
 Kadalasan, ang hiniwang bawang ay nilalagay lamang sa ilalim ng dila
sa loob ng ilang minuto, habang ang iba nama’y dinidikdik at pinipiga
sa dila ang katas.

2. Sabaw ng Buko
Ang mga mineral na natural na nakukuha sa sariwang sabaw gay a ng
magnesium at potassium ay makatutulong nang husto laban sa mataas na
presyon ng dugo.
 Inumin ito gaya lang ng karaniwang tubig.

3. Salabat
Ang maanghang at matapang na lasa ng luya sa salabat ay puno ng ilang
mga kemikal rin na epektibong makatutulong sa pagpapababa ng presyon ng
dugo.
 Ang salabat o pinaglagaan ng luya ay kilala ring gamot para sa
altapresyon.

4. Celery/Kintsay
Ang matapang na lasa ng kintsay o celery ay may taglay na mga kemikal
gaya ng 3-N-butylphthalide na epektibo pa rin sa pagpapababa ng presyon ng
dugo.
 Ang gulay na celery ay maaaring kainin ng hilaw o isahog sa vegetabol
salad para mapakinabangan ang mabisang kemikal.
5. Dark Chocolate
Ang flavonoids na taglay din nito ay mabisa rin para naman matulungan
ang pagbagsak ng presyon ng dugo.

6. Gumamela
Ang gumamela ay isang natural na diuretic na may kakayanang sipsipin
ang sobrang sodium sa katawan at ilabas ito kasama ng ihi. Bukod pa rito, ang
ilang kemikal na taglay ng gumamela ay may bisa rin tulad ng mga gamot laban
sa altapresyon na nabibili sa mga butika.
 Ang bulaklak ng gumamela ay maaaring patuyuin at ilaga upang
mainom.

7. Buto ng Sunflower
Ang mga buto ng sunflower ay likas na mayaman sa ilang mga mineral gaya
ng magnesium na may kakayanang pababain rin ang konsentrasyon ng sodium
sa dugo.
 Ang simpleng pagkain lang sa mga buto ng sunflower (walang asin)
ay makatutulong din na pabagsakin ang nararanasang altapresyon.
Mahalagang paalala: Kapag lampas sa 160 over 100 ang iyong presyon o may
sintomas na kayong nararamdaman, kailangan niyo nang uminom kaagad ng
gamot para sa high blood. Kumunsulta sa iyong doktor.

Reference:
http://kalusugan.ph/alternatibong-gamot-para-sa-altapresyon/
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/hypertension
https://www.scribd.com/doc/36363987/Pamphlet-on-hypertension
Read more at https://www.philstar.com/opinyon/2012/05/24/809710/may-high-blood-
ano-ang-solusyon#jitT2atR2bwF26lc.99

You might also like