Professional Documents
Culture Documents
TQ Layout
TQ Layout
TQ Layout
PANGGITNANG PAGSUSULIT
BAITANG 12
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag at kilala rin sa tawag na expository
writing.
a. Malikhaing pagsulat c. Mapanghikayat na pagsulat
b. Pansariling pagpapahayag d. Impormatib na pagsulat
2. Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula, at
iba pang malikhain o masining na akda.
a. Malikhaing pagsulat c. Pansariling pagpapahayag
b. Impormatib na pagsulat d. Mapanghikayat na pagsulat
3. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala.
a. Impormatib na pagsulat c. Mapanghikayat na pagsulat
b. Pansariling pagpapahayag d. Malikhaing pagsulat
6. Ito ay ang pagkuha ng sariling larawan gamit ang cell phone at iba pang gadget na isa sa mga iniluwal na
kagawian ng social media.
a. Facebook c. Selfie
b. Instagram d. Web-Site
7. Ito ang teknikal na tawag sa mga indibidwal o pangkat ng taong gumagamit ng Internet
at nakikisangkot sa larangan ng social media.
a. netizens c. bloggers
b. net user d. generation y
8. Nagbukas ng malaking oportunidad upang magtagpo ang mga indibidwal o pangkat ng
tao na may kalayaang magpahayag, magbahagi at magtalakayan ng mga impormasyon.
a. Social Media c. Facebook
b. Internet Site d. Instagram
9. Tumutukoy sa paraan ng identidad na hindi tuwirang nagpapamalas ng kaniyang personalidad
at pagkakakilanlan bilang indibidwal.
a. Identity claims c. Kolektibong Identidad
b. Behavioral Residue d. Birtuwal na Identidad
10. Intensiyong magpamalas ng ng isang gawi upang ideklara ang kaniyang personalidad.
a. Kolektibong Identidad c. Behavioral Residue
b. Facebook d. Identity Claims
11. Naglalaman ng mga ulo ng balita, pangalan ng pahayagan, at mga larawang may kaugnayan sa balita.
a. Pangmungkhang Pahina c. Editoryal na Pang-isports
b. Pahinang Editoryal d. Pahinang Panglathalain
12. Ipinapahayag dito ang opinyon, sariling pananaw, paniniwala o pagsusuri batay sa mga impormasyong
nakalap sa isang isyung pang-isports
a. Balitang isports c. Editoryal na Pang-isports
b. Pahinang Editoryal d. Pahinang Panglathalain
13. Ito’y nagtatangkang sagutin ang lahat ng mga pangunahing katanungan tungkol sa anumang
partikular na kaganapan.
a. Balitang isports c. Journalist
b. Dyornalistik na pagsulat d. Profayl na pang-isports
14. Mababasa ang mga ulat tungkol sa mundo ng palakasan.
a. Editoryal na Pang-isports c. Balitang Isports
b. Pahinang Editoryal d. Dyornalistik na pagsulat
15. Kabuuang ayos ng mga artikulo, larawan, pangalan ng pahayagan, at iba pang nilalaman ng isang pahina.
a. Nillalaman c. Pahinang Editoryal
b. Pag-aanyo d. Pahinang Panglathalain
16. Ito ay isang ebalwasyon ng mga inihaing proposal o aksiyon kaugnay sa mga proyekto ng pagpapaunlad
sa mga sitwasyon o mga bagay sa trabaho.
a. Technical feasibility c. Market feasibility
b. Feasibility Study d. Organizational feasibility
29. Ito ay isang sanaysay na nagpapahayag ng damdamin, proseso ng pagtuklas at natutukoy ang kalikasan at
kahinaan ng solusyon.
a. Posisyong Papel c. Lakbay sanaysay
b. Argumento d. Replektibong sanaysay
30. Saan kadalasang ginagamit ang lakbay sanaysay upang humikayat sa mga taong naglalakbay partikular
sa isang lugar?
a. Travel Blog c. Travel Guide
b. Travel Show d. Travel Tour
II. Panuto: Isulat sa patlang sa Hanay A ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa Hanay B.
A B
__1. Lasa a. batayang prinsipyo
__2. menu b. listahan ng pagkain
__3. artipisyal na sahog c. kakambal ng mga kainan o restawran
__4. tekstura d. binabalik-balikan
__5. salita e. paghahabi ng pagkain
__6. tagatangkilik f. makapangyarihan
__7. hitsura g. kakaiba
__8. tematik h. prinsipyong dapat iwasan
__9. panlahat na konsepto i. mga mamimili o kliyente
__10. turismo j. tipograpikal na pagkakamali
III. Panuto: Sa bahaging ito masusubok ang kaalaman mo ukol sa katangian ng akdang pang-isports. Malalapat mo
na ang mahahalagang konseptong iyong napag-tibay. Sumulat ng isang akdang pang-isports, limitahan ito
sa 100 na salita.
Pamantayan Bahagdan
Kaangkupan at kabsiaan ng mga salitang 5 puntos
ginamit sa pagpapahayag ng opinion
Maayos na paglalahad ng ideya 3 puntos
Hikayat sa mambabasa 2 puntos
Kabuuang Marka 10 puntos