Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ika nga sa isang awitin “ Sa isang pangarap ako’y naniniwala, ako ay

lilipad at ang lahat makakakita”. Kay sarap pangkingan di ba. Ito ay


sumasalamin sa ating mga pangarap, pangarap na dapat tayong
maniwala sa ating sarili at sa huli ay lilipad at ang lahat ay mamamangha
sa ating naabot sa buhay.
Ang buhay ng tao ay nabubuo mula sa ating mga munting pangarap. Mga
munti na kalaunan ay unti-unting lumalaki at nagkakaroon ng hugis,
kulay, buhay at katuparan para sa ating hinaharap.
Walang kasing ganda ang bumuo ng mga pangarap sa buhay. Minsan ay
umaabot tayong nangangarap ng mga bagay na wala na halos sa realidad
at katotohanan.
Hindi naman ito masama huwag lang po nating seseryosohin ito. Ang
mamuhay na walang plano at pangarap sa buhay ang siyang maituturing
nating masama.
Ang pagkakaroon ng mga pangarap ay walang pinipiling edad sa buhay,
lahat ay pantay-pantay. Maging ang mga batang paslit ay mayroon ring
mga minimithing mga gustong makamit. Mayroong kasabihan na
“mangangarap ka rin lang, itodo mo na”.
Ang bawat tao ay may natatanging pangarap na gustong makuha o
maabot sa buhay, dahil sa mga ito ay nagpupunyagi tayo sa anumang uri
ng larangan na ating kinatatayuan para ito ay ating makamtang tunay.
Mayroong mga pangarap na minsan ay abot kamay na pero sa mga hindi
inaasahang pagkakataon, minsan ito ay naglalahong parang bula na
lamang. Sa mga ganitong pagkakataon huwag tayong magpanibugho at
mawalan ng pag-asa.

Pilitin nating bumangon at gumawa ulit ng panibagong pangarap. Ang


buhay ay sadyang mapag-biro. Mayroong mga bagay na talagang hindi
itinadhana na para sa atin, mapamateryal man ito o hindi. Sabi nga nila
kung hindi uukol ay hindi bubukol.
Kapag tayo ay nangarap at hindi natin nakamtan, huwag po tayong
malulumbay sa buhay. Maging bukas po ang ating mga kaisipan. Ang
bawat araw na biyaya sa atin ng dakilang lumikha ay gamitin natin para
sa pagbuo ulit ng mas maganda pang mga pangarap.
Mga pangarap na magsisilbing ating mga inspirasyon upang tayo ay
lalong sumipag at tumatag sa anumang unos darating sa ating mga buhay.
Ikaw, ako , lahat sabay-sabay nating abutin ang ating mga pangarap.
Magandang araw sa ating lahat.

You might also like