Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

LIBRARY SYSTEM FOR ST.

JOHN THE BAPTIST ACADEMY OF LILIW

Isang Pananaliksik na Iniharap para kay

G. Peter Kenneth Alcachupas

Bilang sa Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa


Asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t-ibang
Tekso Tungo sa Pananaliksik

Nina:

Mc Rinuel A. Arnisto
Chazzy G. Arrieta
Joana Rose P. Hernandez
Rosuell F. Macasaet

Agosto 2018
Kabanata I
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

Panimula

Kapansin-pansin ang kahalagahan ng teknolohiya sa araw-araw nating


pamumuhay. Ito ay sumasalamin sa kalagayang 'kung walang teknolohiya, ang buhay ay
walang makakamit na kagandahan sa mundong ginagalawan'. Ipinapahiwatig din nito na
mapapabilis ang mga gawain ng tao sa bawat araw. Mabibigyang sagot din ang mga
problemang kinakaharap.

Ang paaralang St. John the Baptist Academy ng Liliw, Laguna ay itinayo noong
1999 sa pamamagitan ng pamilya Fernandez. Unang nakilala bilang St. John the Baptist
Catholic School sa ngalan ni Salvador A. Fernandez. Ang paaralang ito ay matatagpuan
sa lugar ng parokya ni San Juan Bautista.

Naghanap ng panibagong lokasyon ang mga kapatid ng yumaong si Salvador na


sina Nicasio at Angelica dahil sa kagustuhan ng bagong Obispo upang maipagpatuloy
ang sinimulan ng ama ng magkakapatid.

Taong 2000, naitayo sa bagong lokasyon ang paaralan pagkatapos itong magpalit
ng pangalan.

Kasalukuyang nasa manwal parin na pagtatakbo ng silid-aklatan ang SJBA, kaya


ang katiwala ng aklatan ay kumokonsumo ng ilang oras upang mailagay ang detalye ng
bawat estudyanteng humihiram ng mga libro. Datapwat ang mundo natin ngayon ay hindi
na ganoon kasimple, ginawa namin ang pag-aaral na ito upang porbutihin ang systema ng
silid-aklatan ng SJBA.

Paglalahad ng Problema

Ang mga taga-pangasiwa ay nakipanayam sa kliente at nalaman ang pangunahing


problemang kinakaharap sa tuwing may manghihiram ng libro ay ang mabagal na proseso
sa pagpapahiram dahil kailangan pa ng katiwala ng aklatan na magpabalik-balik sa istante
ng libro para malaman kung ang hinihiram na libro ay maaari pang hiramin o nahiram na.
Nagiging takaw-oras din ang paglilista ng impormasyon ng nanghiram.

Kaya napagdesisyunan ng mga mananaliksik na gumawa ng isang system ng may


mga sumusunod na layunin:
 Isang modyul na makatutulong upang malaman agad kung ang librong

nais hiramin ay mayroon pa o nahiram na.

 Modyul na makatutulong sa katiwala ng aklatan upang mailista ng mabilis

ang impormasyon ng nanghiram at ang librong hiniram.

 Isang modyul na mabilis na maipapahiram ang nais na libro.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang library system ng mananaliksik ay maaaring mangasiwa ng talaan ng


nanghiram, maaring mahanap ang pangalan ng aklat, may-akda, bilang, at iba pang
impormasyon ng libro at kasabay nito ang pag-alam kung ito ay maaari pang hiramin o
nahiram na. Naglalaman din ito ng add, edit, search, at update button.

Ang kabutihan naman nito ay mapapabilis at mababawasan ang trabaho ng


administrator, sa isang paglagay lamang ng letra ay makikita na lahat ng impormasyon
ukol sa libro.

Magkakaroon din ng kabutihan sa mga estudyante dahil imbis na hanapin ng


mano-mano ang libro, maaaring makipag-ugnayan sa katiwala gamit ang library system.

 Katiwala ng Aklatan maaari niyang itala ang mga impormasyon ng mabilis at

walang hirap.

 Haliling Katiwala maaari rin niyang makita at mahanap lahat ng impormasyon

ng mga nanghihiram.

 Mga Estudyante hindi na muling mauubos ang oras sa panghihiram ng libro


Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Saklaw

 Login Module ang modyul na ito ay nangangailan ng username at password para

magamit ang system. Ito rin ay makatutulong upang maging protektado lahat ng

impormasyong nakapaloob dito at makita ang talaan kapag ang username at password ay

nagtugma.

 User Account Module maaaring palitan ng user ang kanilang username at password.

 Search and Information Module maaaring makita ng gumagamit ang impormasyon

tungkol sa libro at kung kalian ito ibabalik.

 Transaction Record Module makikita rito kung kalian hiniram at kalian ibabalik ang

libro at makikita rin kung sino ang nanghiram o nagbalik nito.

 Borrow Module dito maaring ilagay ang mga librong nahiram na.

 Return Module maaari naming ilagay dito kung kailan naibalik ang libro.

 Manage Records Module makikita, madadagdag, o mababago naman dito ang mga

impormasyong galing sa mga gumamit. Ngunit hindi makikita kung ano ang username at

password ng ibang gumamit.

Delimitasyon

 No Printed Report anumang uri ng resibo para sa mga manghihiram ay hindi

maibibigay.

 Student can't Access the System maaari lamang makita kung pwede pang hiramin

ang mga libro

 The System is Network-based maaari lamang magamit ang system na ito sa

kompyuter lamang na kung saan ito nakalagay.


ASSUMPTIONS OF THE STUDY

Ang patuloy na paggamit ng school library system ay mababawasan ang mga mali sa
naunang sistema ng silid-aklatan. Makatutulong din ito sa paaralan upang magkaroon ng mas
maayos at mabilis na serbisyo sa silid-aklatan. Gayunpaman, ang aming library system ang
magiging susi sa pag-alis ng magugulong gawain sa loob ng silid-aklatan.

Depinisyon ng mga Termino

Administrator/Admin - isang taong maaring tumingin at magalagay ng impormasyon sa

system

Login Module - ginagamit upang makita ang talaan

Manage Module - maaaring baguhin ng admin ang mga datos na nakatala

No Printed Report - walang kopyang pisikal ang ibibigay

Return Module - paglalagay ng mga librong naibalik na

Search and Information Module - ginagamit upang hanapin ang nais na librong

hihiramin

Student can't Access the System - maaari lamang na magtala ng impormasyon ukol sa

estudyante

The System is Network-based - maaari lamang magamit sa kompyuter na kung saan

nakalagay ang system


Transaction Record Module - naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kung

kailan ibabalik o hiniram at ano ang librong hiniram o nahiram

User Account Module - isang modyul na maaaring baguhin ang username at password

ng admin

User - isang taong maaaring maghanap ng libro sa system


Chapter II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Dayuhang Literatura

Ang ERP ay isang software sa pamamahala ng negosyo na binubuo ng isang suite

ng mga pinagsamang aplikasyon na maaaring gamitin ng isang organisasyon upang

mangolekta, pamahalaan, at mabigyang-kahulugan ang datos mula sa maraming

aktibidad sa negosyo, kabilang ang pagpaplano ng produkto, pagmamanupaktura,

paghahatid ng serbisyo, pagmemerkado at pagbebenta. Ang pangunahing ideya ng isang

sistema ng ERP ay upang maisama ang parehong datos at ang mga sukat ng proseso sa

isang negosyo upang ang mga transaksyon ay maaring masubaybayan at masuri para sa

pagpaplano at mga layuning pang-estratehiya. Ang mga modyul ay sumasakop sa iba't

ibang mga ginagawa sa loob ng isang kumpanya at naka-kawing upang makita ng mga

gumagamit kung ano ang nangyayari sa lahat ng mga lugar ng kumpanya. Ang isang

sistema ng ERP ay maaaring mapabuti ang mga back office ng negosyo pati na rin ang

mga front-end na function, na may parehong mga pagpapatakbo at madiskarteng mga

benepisyo. Ang ilan sa mga benepisyo ay kinabibilangan ng pagiging maaasahan sa

access ng impormasyon, data at mga operasyon ng kalabisan, pagkuha ng datos at

kahusayan sa pag-uulat, madaling pagpapahaba ng modyul, at kakayahan sa Internet

commerce.

Katulad ng isang sistema ng ERP para sa isang negosyo, ang isang kumpletong

solusyon sa pamamahala ng library ay binubuo ng isang suite ng mga pinagsamang

aplikasyon na namamahala ng malawak na hanay ng mga proseso ng aklatan kabilang


ang sirkulasyon, pagkuha, cataloging, electronic resources management, at pangangasiwa

ng sistema. Ang mga LSP, ang kasalukuyang henerasyon ng mga sistema ng pamamahala

ng library, ay dinisenyo upang pamahalaan ang parehong pisikal at digital na mga

koleksyon. Sinusundan ng mga LSP ang arkitekturang nakatuon sa serbisyo (SOA) at

maaaring i-deploy sa pamamagitan ng multitenant Software bilang isang serbisyo (SaaS)

na pamamahagi ng modelo. Bilang karagdagan sa pagsuporta sa lahat ng mga pag-andar

sa aklatan, ang LSP ay isinama sa iba pang mga sistema ng unibersidad, tulad ng

pagpapatala ng mag-aaral at pananalapi, at nagbibigay ng front-end para sa mga

gumagamit ng aklatan sa isang kapaligiran sa cloud na gumagamit ng isang

pandaigdigang network ng mga sistema para sa pagtuklas ng isang malawak na hanay ng

mga mapagkukunan. Dahil ang isang LSP ay mahalagang sistema ng enterprise para sa

mga ginagawa ng aklatan ang CSFs ng tagumpay sa pagpapatupad ng ERP ay maaaring

magamit ang pagpapatupad ng LSP.

Ang mga CSF ay mga kondisyon na dapat matugunan para sa isang pagpapatupad

upang maging matagumpay. Higit sa siyamnapung CSFs ang natukoy para sa tagumpay

ng pagpapatupad ng ERP. Ang mga CSF na ito ay inuri ayon sa iba't ibang mga scheme,

ngunit nakita namin ang estratehikong laban sa pantaktika na klasipikasyon na may

kaugnayan sa konteksto sa aklatan. Ang mga madiskarteng salik ay tumutugon sa

malaking larawan na may kinalaman sa pagkasira ng mga layunin sa mga bagay na

maaaring gawin. Ang mga taktikal na kadahilanan, sa kabilang banda, ay ang mga paraan

upang maisagawa ang mga bagay na maaaring gawin upang maabot ang mga layunin. Sa

pamamagitan ng pagsusuri sa buong listahan ng mga CSF mula sa estratehiko at taktikal

na pananaw, tinutukoy namin ang mga nangungunang CSF para sa pagpapatupad ng


pamamahala ng pamamahala-solusyon at tagumpay sa paglilipat, na tinukoy bilang on-

time at on-budget na paghahatid pati na rin ang makinis na proseso ng pagpapatupad, sa

pamamagitan ng mapagkatiwalaan na pag-aaral.

Ayon kay Q. J. Pastrana (2013), mula sa pag-aaral na may pamagat na "Library

System na may web-based na OPAC" ang isa sa mga salik upang mapanatili ang

teknolohiya ng mga mag-aaral na papunta sa library. Iniisip mismo ng may-akda na ang

sistemang ito ay maaaring maging isang atraksyon sa mga mag-aaral upang magpunta

ang kanilang sarili sa library para sa kanilang pag-aaral, na maaari nilang madaling

hanapin o subaybayan ang bawat aklat. Kung ang mga libro na nais nilang ma-access ay

magagamit pa rin o hindi. Sa sitwasyong ito, ang mga estudyante ay magiging mas

interesado sa bagong sistema ng aklatan. Samakatuwid, ang may-akda ay gumagamit ng

isang uma na aparato upang mapunta ang mga mag-aaral sa library dahil ang kanilang

trabaho sa paghahanap ng mga libro ay naging mas madali at mas mabilis.

Ayon kay E. Valenti (2016), mula sa artikulo na pinamagatang "The State of

Library Management Systems" ay mga sistema na tumutulong sa malaki sa mga tuntunin

ng mga transaksyon sa library. Sa loob ng artikulong ito, ang nasabing aklatan ay

maaaring gumawa ng multitasking tulad ng maaari itong mag-record ng mga libro at

magsagawa ng iba't ibang mga transaksyon. Ginagawa nitong mas maginhawang serbisyo

sa aklatan. Samakatuwid, ang sistema ay ang isa na namamahala sa pagtatala ng lahat ng

mga transaksyon, binabawasan nito ang mga gawain ng librarian at iniiwasan din nito ang

paglitaw ng mga nawalang rekord dahil sa mga kamalian ng tao.


Ayon kay Chad (2013), pagkonsulta sa isang pangunahing punto ng bayad sa loob

kung saan ang mga sistema ng aklatan ay bahagi ng isang mas malaking buo. Nagsusulat

siya tungkol sa pag-aaral sa mga sistema ng pamamahala ng library. Sinusuri din nito ang

mga sistema na ginagamit sa mga aklatan ng mas mataas na edukasyon sa buong UK na

dumating na aklatan na matagpuan ang lahat.


Chapter III
METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Paraan ng Pananaliksik

Sa pamamagitan ng kalidad na pananaliksik, ang aming pag-aaral ay mas

mapapalalim pa ukol sa isang kaganapan. Ang mga silid-aklatan ngayon ay unti-unti

nang nawawala dahil sa paggamit ng internet. Kabilang ang pangangasiwa ng

pananaliksik gamit ang kalidadad dahil ito ay nakapokus lang sa iisang pangyayari.

Alinsunod sa paraan ng kalidad na pananaliksik, ang pag-aaral na ito ay magiging

mas matibay na batayan sa pamamagitan ng pagsunod sa iba't-ibang anyo ng kalidad na

pananaliksik.

Pokus ng Pag-aaral

Si Gng. Mona Lisa V. Panaglima ang kliente ng taga-pangasiwa, siya ang

katiwala ng aklatan sa St. John the Baptist Academy at isa ring guro sa Agham. Si Gng.

Panaglima ang magiging pangunahing pagkukuhanan ng mga impormasyon dahil siya

ang kasalukuyan katiwala ng aklatan.

Instrumentong Pananaliksik

Ang aming palatanungan ay nakabalangkas na kung saan may mga tanong na

nakalahad at ito lang ang maaaring sagutin ng kliento. Anumang karagdagan tanong ay

hindi pahihintulutan.
Ang ganitong uri ng palatanungan ay mas matuwid kagaya ng kalidad ng aming

library system.

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang mga taga-pangasiwa ay magsasagawa ng isang panayam na kung saan ang

pangunahing kapapanayamin ay si Gng. Panaglima. Ang paraang ito ay gagawin sa

pamamagitan ng penomenolohiyang paraan. Ang mga taga-pangasiwa ay gagamit nito

upang mas maintindihan ang pamumuhay at karanasan ng kliente at makatutulong ito

upang ang system ay mas maging eksakto sa pangangailangan ng kliente.

You might also like