Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa harap ng itinutulak na jeepney modernization program ng gobyerno, handa na ba ang Pilipinas na

palitan ang nakagisnang 'Hari ng Kalsada'? Sa pang-araw-araw na nating pamumuhay kabahagi na natin
ang kulturang ito, ito ang dahilan kung bakit tayo naihahatid ng mabilis sa ating mga pupuntahan at
papasukan, ngunit kalimitan ang mga hari ng kalsada ay isa sa mga nagiging dahilan ng aksidente at
diskrasya sa lipunan. Dahil dito nag-isip ng paraan ang ilan sa pamahalaan kung pano ito
masusulosyunan, naglahad ng isang statement ang DOTr o DEPARTMENT OF TRANSPORTATION tungkol
dito, sinabi nila na

“The aim of PUV modernization is to fix the system of public transportation in the country, it is meant to
provide a safer and more convenient experience for the riding public”

Maliwanag na tutulungan nila ang mga jeepney drivers na magkaroon ng mas maayos na pamamasada
gayundin sa mga pasahero na ninanais lang ay maihatid sila ng ligtas sa kanilang pupuntahan

“safe trip” ika nga. Ngunit ano nga ba ang Jeepney Modernization program? Ano nga ba ang mga
magagandang benipisyo na makukuha ng bawat driver at gayundin ang mga pasahero dito?

Ang PUV Modernization Program ay ang inisiyatibong disenyo ng gobyerno na mag-oorganisado sa


public road transportation system ng bansa, na inilunsad kamakailan lamang nung June 2017, hatid ng
programang ito ang ligtas at maayos na sakay para sa publiko. Sa ilalim ng programa mag-iiba ang itsura
ng pampasaherong jeep sa gilid na ang pasukan imbes na sa likod, may hand brake na, power steering na
ang gamit, at mas mahaba kaya mas maraming maisasakay, ibig sabihin lang nun ay dagdag kita para sa
mga driver, di na nila kailangan pang pagsiksikan ang mga pasahero sa luma nilang jeep na minsan ay di
na nakakaupo ng maayos at ang iba naman ay sumasabit na sa pasukan ng jeep na kapag nag preno ay
maaari silang madiskrasya gayundin na kapag humarurot ay naglalabas ng maiitim na usok na ikasasama
ng mga tao sa lipunan dahil una sa lahat hindi ligtas ang usok na binubuga ng lumang jeep na ito. Ito nga
pala ang mga inaasahan sa bagong jeep, speed limiters para iwas labag sa batas trapiko at di magkaron
ng aksidente sa kalsada, CCTV camera para iwasan ang mga masasamang loob na magtatangkang
magnakaw at mang-holdap, next Comfortable seats, Provision of Wifi Access at beep card kung san di na
kailangan pang mag-abot ng bayad at para maiwasan ang mga pasaherong nagtatangkang hindi
magbayad. Ang kagandahan ng programang ito ay naglaan sila ng training na tinatawag na “Tsuper
Iskolar Program” kung saaan tuturuan mga drivers sa paghahandle ng mas ligtas at bagong sasakyan
para magkaroon sila ng kaalaman sa transport industry dahil iilan lamang sa mga tsuper ang may
kaalaman ukol dito na nakababahala sa mga pasahero bukod sa luma na ang sinaskyan nila eh problema
din pati ang driving skills ng nagpapasakay sakanila.

You might also like