Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Balangkas ng Pagsusuri

(Tula)

I. Pamagat ng Katha : Ang Halik


May-Akda : Florentino Collantes

II. Teoryang Pampanitikan

 Realismo

“Ang halik ay mahal, banal at dakila,

Ngunit nahihingi kung sa munting bata.

Ito’y ninanakaw ng mga binata,

Ngunit binibili ng mga matanda.”

- Ang saknong na ito ay nagpapakita ng makatotohanang paglalahad ng


pagbibigay ng iba’t ibang uri ng tao sa isang halik. Kung mapapansin
natin base narin sa ating mga karanasan, noong bata pa tayo ay
madali tayo mapasunod ng mga nakakatanda sa atin lalo na ng ating
magulang kung gusto nilang halikan. Habang tayo naman ay isang
dalaga o binata na, nagsisimula na tayo umibig. Dahil sa
nakakaramdam na tayo ng hiya, minsan ay nagnanakaw o
ninanakawan tayo ng halik ng taong ating nagugustuhan. Kapag ikaw
ay isang matanda na, kadalasang nangyayari ay hindi kana
nakakaranas ng halik, kaya naman ang iba ay nagbabayad nalang.

 Historikal

“At tayong Pilipino, sa kastila lamang

Umano natuto ng paghahalikan,


Sa amerikano tayo nasasanay

Ng gawang paghalik kahit na sa lansangan.”

- Ang saknong na ito ay may kaugnayan sa ating kasaysayan, may


kinalaman ang mga kaganapan noong panahon ng ating mga bayani.
Ito’y epekto at bakas na nagpapakita ng isang makatotohanang
paglalahad na ang mga dayuhan ang nagturo at nagbahagi ng kanilang
kultura sa ating bansa. Natutunan natin ang iba’t ibang paraan ng
paghalik. Sa tagal ng pananakop ng mga kastila sa ating bansa, ang
mga kababayan natin ay natutong makipaghalikan na sumisimbolo ng
kanilang pagmamahalan. Samantala, nakuha naman natin sa mga
amerikano ang pakikipaghalikan sa lansangan na mapahanggang sa
ngayon ay ginagawa parin ng iba nating mga kababayan lalo na ng mga
kabataan.

 Romantisismo

Ang halik sa sanggol isang kautangan

Sa mutyang kasuyo ito’y karapatan

Tanda ng pag-ibig ng damdaming banal,

Ngunit balatkayo ng pusong tulisan.”

- Sa aking palagay ang saknong na ito ay nagpapakita ng teoryang


romantisismo. Nilalarawan dito ang isang halik ng isang taong
nagmamahal. Maaaring ang halik ay tanda ng pagmamahal sa kanyang
anak, magulang, kasintahan o kaibigan.
III. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip

“Ang halik ay mahal, banal at dakila,

Ngunit nahihingi kung sa munting bata.

Ito’y ninanakaw ng mga binata,

Ngunit binibili ng mga matanda.”

- Matapos kong basahin ang saknong na ito, naisip ko na tama ang


paglalarawan ng may-akda sa bawat lebel ng isang nilalang na
nagnanais ng isang halik. Ang halik ng isang bata ay nahihingi
lang kung nanaisin. Kung iisipin natin madali lang natin mapasunod
ang isang bata kung mayroon tayo gustong ipagawa sa kanya.
Habang ang mga kabataan naman na alam nating mapupusok at
sabik na makaranas ng isang halik sa kanilang nobyo/nobya o sa
kanilang hinahangaan ay maari lang nila nakawan ng halik ang
mga ito, kahit kanino nila gusto. Samantalang sa mga matatanda,
ang halik na ninanais nila ay mahirap nila makuha, sa madaling
salita ito’y binibili nila.

B. Bisa sa Damdamin

“Ang halik ay bugtong na kataka-taka

pabango ng puso at kaluluwa

sa iisang tao ay walang halaga

ngunit pulot gata kapag sa dalawa.”

- Habang binabasa ko ang saknong na ito, nadama ko ang nais


ipahiwatig nito sa mga mambabasa. Sa mga kapwa ko mambabasa
na nakaranas ng umibig, madali para unawain ang saknong na ito.
Ang halik ng dalawang taong nagmamahalan ang nagbubuklod sa
kanila na maging isa. Matamis ang bawat halik na para bang ang
puso’t kaluluwa ng magsing-irog ay iisa. Kung hahalik ka sa taong
hindi mo naman mahal, hindi mo mararamdaman ang kakaibang
pakiramdam ng isang nagmamahal.

C. Bisa sa Kaasalan

“At tayong Pilipino sa kastila lamang

umano natuto ng paghahalikan

sa amerikano tayo nasasanay

ng gawang paghalik kahit na sa lansangan.”

- Sa saknong na ito nalaman kong sa iba’t ibang dayuhan natin


natutunan ang paghalik. Ang pakikipaghalikan ay natutunan natin sa
mga kastila, habang sa amerikano naman natin natutunan ang
pakikipaghalikan sa pampublikong lugar. Kung susuriiin nating
mabuti ang ating paligid, lalo na sa mga madidilim na lugar,
mapapansin natin ang ating mga kababayan ay naimpluwensyahan
ng mga dayuhan sa kanilang kaugalian. Normal lang at kabilang sa
kultura ng bansang amerika ang pakikipaghalikan sa lansangan.
Ngunit sa ating bansa, hindi ito katanggap-tanggap lalo na noong
panahon pa ng ating mga ninuno. Nawala na ang ating pagiging
isang Pilipino, dahil ang mga Pilipino ay kilala sa pagkakaroon
delikadesa.

You might also like